Chapter 5


Gash, 1 week na kaming magkarelasyon nung Jhay ko. Haha, mahal na mahal ko sya. Walang araw na hindi kami maging sweet sa isa't isa.

Lagi akong may natatanggap na long sweet messages sa kanya. Araw-araw. Kaya lalo akong naiinlove sakanya.

Sa totoo lang, siya na ang gusto ko makasama sa forever. Kami nga magpapatunay non sabi nya eh:) So ako naman, kinikilig lang. Di ko sinasabi sakanya, magpapabebe muna ako. Hahahaha. Kailangan kahit na modern na ngayon at liberated ang iba, maging Maria Clara pa din ako. Hahahaha joke lang.

Di naman ako Maria Clara, di ako conservative. Alam nyo yan. Pero I am not that liberated, na nakikipaghalikan kung kani-kanino. May pinag aralan naman ako. Haha

So yun, hanggang sa umabot na kami ng 3weeks ni Jhay. Ang saya ko, sobraaaaa. Mahal na mahal ko na sya eh:)

May 20.

Celebration ng graduation ng tropa kong si Jep, edi kaming magkakaibigan. Pumunta, invited kami eh. So may mga pagkain, at kung anu-ano pa.

Nang gabing to, 7pm na kami nakarating sa pupuntahan namin nila Ella, Aysa at Jheng. Sa celebration ni Jep, so ayon. Masaya kaming mag kakaibigan, tagal na nung huling di kami nakapagbonding eh.

Magkaaway kami ni Jhay.

Hindi ko alam sakanya, pero ang moody nya. :( Lagi syang galit sa akin, ewan ko ba don.

So hindi kami magkausap o magkatext man lang. Pero may load ako, may load din siya. Tinetext ko naman sya pero di ako nirereplyan eh. Hanggang sa naisipan ko na itext sya gamit yung cellphone ni Ella.

'Hi:)' gamit ko ang phone ni Ella.

'Sino to?:)' sagot nya agad, wala pang 1 minute eh nagreply agad, samantalang sa akin. Tinatadtad ko na sya, hindi siya sumasagot. Ano bang problema nya sa akin?:(

'Karen Santos po:)' sabi ko sakanya.

'Oh? Saan mo po nakuha number ko?;)' Sagot nya, parang. Oh shit lang, may pagkindat pa ha? Balak ba neto lumandi? Hays, naiinis ako.

'Nakalimutan ko na po eh, matagal na nakasave number mo sa akin:*' ayan naman sagot ko. Lalandiin ko nga, naiinis na ko e.

'Ah, taga saan ka?;)' sabi nya.

'Malapit lang sa inyo. Hahaha joke, may girlfriend ka po?:*' sabi ko sakanya!!

'Wala eh, ikaw may boyfriend kaba?:*' sagot niya sa akin. Putan*ina. Wala kang girlfriend? Eh ano ako?! Ano ako Jhay? Trip? Statue? Wala lang? Ano?!

Biglang hindi na ako nagreply gamit phone ni Ella, at tinext ko na siya gamit yung sa akin.

'Mas mabuti pa siguro na maghiwalay tayo kung lolokohin mo ko, mahal na mahal kita Jhay, pero sinabi mong wala kang girlfriend. So ano ako? Wala? Sige.'
Ayan sabi ko sakanya, masakit pero kailangang tanggapin na hindi talaga niya ako mahal. :(

'Ha? Sorry na baby:* Di ko naman alam eh, di ko alam kung bakit ko yun nasabi sakanya. Patawarin mo nako:( Sorry na, mahal na mahal kita:(' ayan sabi nya sa akin.

Kikiligin ba ako o maiinis? Naiinis talaga ako kasi bakit niya ba itinaggi na may girlfriend siya. Ano ba ako para sa kanya? Ate? Eh put* pala eh. Ako pa gagaguhin! Oo mahal ko sya. Mahal na mahal, pero bakit nya ko niloloko:( Sobrang nasaktan ako sa sinabi nyang wala daw syang girlfriend. Bakit? Ano bang problema nya?

Nung tinatadtad ko sya at nakikipagbati, di nya ko nirereplyan. Tapos nung pakikipagbreak ko na. Reply agad sya? Hays. Di ko alam gagawin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top