Chapter 2

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit may nagkakagusto at mga nanliligaw pa rin sa akin kahit na ganito lang ako.

Medyo may height -may tao bang walang height?

Morena -pinay ho ako.

Sexy po ako. -hahahaha, mahangin ba? Sorry madami pong nagsasabi. Joke. Pero kung alam lang nila, malaki tiyan ko HAHAHAHA

Medyo malaki po mata -sagwa diba?

My butt is so big- like. Omg, may walking person that mukhang duck. Hahaha.

Pango. -im proud to be Pilipino.

May mga pimples. -madami daw kasing pollution sa bansa eh, hahahaha joke. Madami daw akong crush, sus. Si James Reid at si... ano lang naman eh:)

Masipag ako mag aral, lalo na pag madami akong baon na pagkain. Pagkain lang sapat na, ganon.

Hahahaha, matakaw po ako. Mahilig ako sa mga chocolates, basta matatamis na pagkain:)

Basta mahilig din ako kumain sa mga fast food, basta may matamis na dessert okay na ko don:)

Yeah, Im not too kind, pero pag kailangan naman ako ng mga kaibigan ko, nandyan agad ako para sa kanila. Kahit ang iba sa kanila, di ako iniintindi minsan. Haha hayaan na natin sila.

May bestfriend ako, si Jheng, mabait yon. Maliit din, maputi. Cute, medyo mataba hahaha, pero wag ka! Napakabait non sa akin. Kahit na lagi ako ang dahilan ng pag aaway namin as a bestfriends, nagbabati din kami agad. Haha, ganon lang kami lagi. Para ko na din syang kapatid. Magkaiba nga lang ng mga magulang. Kaya ko nga pala siya naging bestfriend eh dahil naging boyfriend nya yung pinsan kong si Lj. At ngayon, break na sila. Kaya nga 'naging' diba? Haha at ang pinsan ko ngayon, may asawa't anak na. Si Jheng naman e napakabitter ho. Hahaha, at may bago na syang kinaiinlove'an ngayon. Si Kenn, best friend nya yon. Haha, nainlove sya sa kaibigan nya, sad to say but its true.

Wala, ganito lang buhay ko. Bonding minsan with friends, tambay. Gala, kain, tulog, hahaha. Bakasyon kasi ngayon, pero nagtatrabaho din naman ako, kaso 20 days lang yun. Parang utusan lang ako ganon, gusto ko lang magkapera talaga. Para makabili ng mga gusto ko. Syempre pati ang chocolates.

Ayaaan, april na. Nakagraduate na ako ng High school, at summer vacation na nga. Nagkaboyfriend din ako ulit.

Siya si Jerome, wala. 6days lang kami, kasi habol nya lang sa akin e yung katawan ko. Haha! Asa sya. Di ko rin naman sya mahal, naging kami nung April 20. At nagbreak agad ng April 26.

Plug? Alam nyo yon? Yun yung ipapakalat yung cellphone number mo sa mga kaibigan ng kaibigan mo.

Last April 24, nagpaplug ako. Kay Ann, kaibigan ko. Kabatch ko siya nung Elementary student palang ako. Matalino yun, maganda, mabait, maliit, at morena, may pagkaboyish nga. At ayon, nagpaplug nga ko. Hahaha, ilang oras lang ang nakalipas.

'Hi:)' may nagtext sa akin.

Like, oh my gulay! Sige isesave ko nalang.

'Sino to?' sabi ko.

'Jay Cruz po:)' okay, type ko yung pagtetext nya kasi hindi jejemon. Hahaha

'Sige, saved:)' sabi ko naman sakanya at nagreply pa sya, pero di nako nagresponse. Kasi di pa ko interesado kasi may boyfriend pa ako nun, si Jerome pa. Kahit hindi ko sya mahal e, ang new year's resolution ko ay ang pagiging mabait na sa mga boys at ang hindi panloloko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top