Chapter 21
MGA malalaking ngiti ang kumawala sa bibig ni Mrs. Carter sa nasilayan ng kaniyang laptop. Kuhang kuha sa CCTV camera ang ginawa ng dalawa. Para siyang nanonood ng porn. Baliw na kung baliw pero hindi niya alam kung bakit siya nag eenjoy. Siguro dahil hindi na natiis ng dalawa ang kanilang mga sarili. She's satisfied with what she saw dahil may progress din ito. Ilang araw nalang ay susunduin na niya ang mga ito. Tyak masosorpresa ang dalawang kinulong niya sa islang iyon. Siya ba naman ang may pakana ng lahat. Posible na magagalit ito sa kaniya but who knows...
"Bri" Tawag ni Rhett sa kaniya. Ngayon lang ito tinawag sa kaniyang nickname ng sobrang lambing. Is it because of the satisfaction awhile ago. He planted soft kisses on her neck pagkatapos ay naramdaman niyang yumakap ito mula sa likod. Nakatayo siya malapit sa glass wall at tumingin sa papalubog na araw. Ang ganda ng nasilayan niya. She loves the sunset.
"Yes, boss?" Kumawala ito ng yakap sa kaniya at pinaharap ang babae "Call me Rhett" sabay ngiti sa babae ng pagkatamis tamis. It is weird tho. Wala silang label pero bakit sweet ang lalaki? Siguro ganon ang turing nito sa lahat ng babaeng nakatalik.
"Bri, may sasabihin ako" Sumeryoso ang mukha ni Rhett at tumingin sa mga mata ni Brianna. Her eyes are full of emotion na di mabasa ng dalaga. "I just wanna say thank you dahil kahit na ang gago ko, hindi mo padin ako iniwan. Walang nagtagal sa akin bilang sekretarya dahil narin siguro ang gago ko. Hindi maganda ang pinapakita kong ugali sa kanila kaya nagresign din agad sa trabaho. They gave me bad feedbacks. Nagbago lang lahat ng iyon simula nung nakilala kita. And we had sex."
Tumingin ito sa direksyon ng dagat "I don't know kung bakit ganito ang epekto mo sakin. Everything went upside down. Minahal ko si Chloe noon ng sobra sobra pero hindi naman siya naging akin. Galit na galit ako sa kapatid ko kasi inagaw niya ang nag iisang babaeng nagpapatibok ng puso ko. I spent my time getting wasted nang dahil lang doon. Hindi ko pa hawak ang kompanya. Si Ashton dapat iyon pero nagrebelde siya. Hindi niya gusto ang malaking responsibilidad. Mas gusto niya ang pagtugtog kaya pinalayas siya ni daddy."
Alam na ni Brianna ang lahat pero nagpatuloy parin ito sa pakikinig ng gustong sabihin ng lalaki.
"I hated my brother so much to the point kinamumuhian ko siya but then I realized hindi niya kasalanan iyon. You made me realize that. After that night in the car, I can't get you out of my head. Diko alam kung bakit. Siguro iba ka sa mga babaeng nakilala ko. That was the most memorable sex for me. Up until now, I can't get enough of you. Naging abnormal na ata ako. Nawalan ako ng gana sa ibang babae. My mind... And my heart focuses on you."
Tumibok ng mabilis ang puso ni Brianna sa ipinagtapat nito. Di niya alam ang sasabihin. She's speechless. Yes ilang buwan silang hindi nagkakausap ng masinsinan. Ngayon lang. After a few months, ngayon lang ito nag open up sa kaniya. It made her happy coz she feels the same way. Niyakap niya agad ang binata dahil parang musika ito sa mga tenga niya. Tinugunan lang din siya ng yakap ni Rhett. Parang nabibingi na sila sa lakas ng tibok ng puso nila.
"I-I love you" Nahihiyang pag amin ng dalaga at nag iwas pa ng tingin. He just pinched her cheeks at ginawaran ito ng halik. "I love you too"
DALAWANG linggo rin sila sa islang iyon at umaasa padin na may susundo sa kanila at hindi nga sila nagkamali. May yacht na dumating at pinagbuksan sila doon. Nagulat sila sa malaking chains na tinanggal sa pintuan. Pero mas nabigla sila nang makita ang babaeng may pakan pala ng lahat.
"Mom?/Mrs. Carter?" Sabay na banggit ng dalawa. Natawa naman ang ginang dahil sa mga itsura ng mga ito na tila di pa sila nakaproseso ng lahat ng nangyari.
"Hi, guys. Did you enjoy your two weeks vacation?" Napahagikik ito. Dumilim ang aura ni Rhett at nauna nang lumabas para sumakay ng yacht. Nabadtrip siya kasi ang sariling ina pala ang my kagagawan ng lahat ng ito.
Nilapitan naman ni Mrs. Dinah ang dalaga na seryoso ang mukha "I am disappointed dahil hindi mo agad nagawa ang pinapagawa ko sa iyo. Sobrang bagal ng kilos mo kaya ako na ang nagplano ng lahat ng ito. Nasayang ang pera ko sayo but eitherway, I'm happy dahil nagkamabutihan kayo ng anak ko. Magiging seryoso na siya sa buhay at isang babae lang ang mamahalin niya. I saw everything dahil may nakasabit namang CCTV camera dito. And may records din ako ng pinag uusapan niyo." Ngumiti ito sabay kumindat. Nauna na itong lumabas at sumunod naman siya. Ang ibang tauhan naman ay naghahakot sa mga gamit na nasa bahay. Namula ang pisngi ni Brianna. Ibig sabihin nakita sila nito na nagsesex? Kinain ng hiya ang buong katawan niya at tsaka umiling. Hindi siya makapaniwala. Sobrang bilis ng pangyayari.
"I hate you, mom" Pagmamaktol ng binata sa ina. Nagsimula nang umusod ang yacht na sinasakyan nila. Natatawa lang ang ginang sa inasta nito.
"I know you had fun, son"
"Pshh"
Walang imik lang naman si Brianna na nakikinig sa mag ina at dinamdam ang simoy ng hangin na dumampi sa kaniyang katawan. Masakit din sa balat ang sikat ng araw pero wala lang sa kaniya iyon at inenjoy muna ang pagsakay sa yacht at pagtingin tingin sa napakagandang paraiso.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top