Chapter Three: Birthday Plan
Zyron's POV
It's already Thursday. Last week went smoothly tho. Sa Saturday na ang birthday ng tatlong kambal.
Hindi pa nga ako nakakabili ng gift para sa kanila, especially for Erika. Its not that I don't know what she likes, but lahat kasi ng gusto niya nasa sa kaniya na.
Alam niyo ba yung mini stuff toys? Ganun kasi ang hilig niya, especially kapag color lime green. Pero marami na kasi siyang ganun. Hindi naman siya mahilig sa bracelets or jewelries. I really don't know what she likes right now.
"Baby, you look bothered?" napalingon ako kay mom nung nagsalita ito.
Napatingin naman sila saakin tatlo. We're here at the dining. Kumakain kami ng breakfast nung bigla niya akong tanungin.
"Mom, what do girls usually like? I mean, what do they want to get kapag birthday nila or special occasion?" I'm already confuse and having a hard time thinking what gift will she like.
"For Erika ba, baby?" tanong ni mom sakin.
I nodded.
"For me lang ah. Erika is not like a lady who enjoys material things that much. Do you get what i mean? Its like for me, Erika is a simple girl. Yung parang nandun lang yung mga special person ok na sa kaniya yun. And i think kahit ano naman tatanggapin niya basta galing sayo" mom answered.
Mas lalo akong napaisip. Anything? I just nodded. Ano kayang magandang pang-gift sa kaniya?
**
"Mr. Lee"
Ano kayang magandang iregalo? She's simple, yeah i know that. Pero i want it to be special.
"Mr. Lee, are you with us?" kinalabit naman ako ni Erika.
Kaya ay napalingon ako sa kaniya.
"Mr. Lee" narinig kong tawag sakin ng teacher namin.
"Maam?" tanong ko and i stand up.
"I'm asking if are you with us?" tanong nito ulit sakin.
"I'm sorry, maam" sagot ko na lang at umupo ulit.
Nawawala ako sa sarili kakaisip if anong gift ang maganda para kay Erika.
"Are you sure you're fine?" tanong nito sakin.
"I'm fine, maam. Thank you" sagot ko at yumuko.
The class continued when i felt something touch my hand.
"Rika" tawag ko sa pangalan niya nung nakita kong nakalagay ang kamay niya sa taas ng kamay ko.
Nilingon naman ako nito and she just smiled. I don't know pero iba ang smile niya. I can see na she's worried.
I smiled at her to make sure na okay lang ako.
The class went fine. Lunch na ngayon and papunta na kami sa canteen.
"Zyron, are you sure ok ka lang?" napatingin ako kay Patrice.
Napatingin naman silang lahat saakin.
"I'm fine. Let's go?" ngumiti ako to make sure that i'm fine.
Nag-nod naman sila at naglakad na kami papuntang canteen.
"Zy?" napatingin ako kay Erika.
"Po?"
"Are you really okay? Kanina ka pa morning ganiyan. Your making me worried" sabi niya and i can really see and feel na worried talaga siya.
I am really fine. Wala akong problem. Yun nga lang about sa gift para sa kaniya keeps bothering me.
Hinawakan ko ang kamay niya "I'm fine. Don't worry" I smiled at her again just to show that i'm okay.
**
Natapos na ang klase, pero nandito kami lahat sa car nila Erika. Mag mall daw kami kasi boring na talaga. Pinagdridrive naman kami ng driver nila.
"What do you want to do, Rika?" tanong ko dito.
She smiled. Now i know what she likes.
"I want to play basketball, Zy!" sabi ko na nga ba.
Simula bata pa lang kami mahilig na siyang magbasketball. Even ako mahilig ring magbasketball.
Sabay nga kaming mag training, eh. Si Mika and Patrice lang ang naiiba.
Si Mika mahilig siya sa musics katulad sakin. Kaya nga kapag nasa bahay sila maingay lagi ang music room kasi nagduduet kaming dalawa. Pero hindi talaga siya mahilig mag perform, she just enjoys playing instruments. While Patrice is a total performer. Eventhough, she's young. Maganda talaga ang boses niya and the only instrument that she can play is the violin. Yun lang kasi yung gusto niyang palaging pliniplay. Pero that's not it. She's a Volleyball Player. Varsity siya ng volleyball sa school. Habang ako at yung kambal ko pati sila Rika and Kristoff, basketball ang hilig namin. Hindi pa kami varsity, kasi walang varsity sa elementary. Plano namin pag highschool dun na kami papasok. Meron rin namang Girls Basketball sa school.
"Nandito na tayo! Weeeee!!!" excited talaga tong si Rika kapag basketball ang pinag-uusapan.
Hinila naman niya agad ang kamay ko "Woi! teka lang rin. Marami pa naman tayong time" natatawa na ako sa kaniya sa sobrang pagmamadali.
"Teka!" sigaw ng mga kaibigan namin at ng yaya namin.
Parang hindi niya napansin kasi tuloy-tuloy lang kami sa pagtakbo.
"Wooo" napagod ako sa pagtakbo namin pero siya parang hindi.
Nandito na kasi kami sa harap ng arcade kaya napatigil kami para hintayin yung iba.
"Ano ba naman kayo ang bilis" reklamo ni Mika nung dumating sila.
"Ata't kasi yang si Rika" sagot ko naman rito.
"Eh, pano yan? Hindi tayo lahat makakalaro. Hindi naman hilig nila Mika and Patrice ang arcade diba?" oo nga pala! Hindi sila mahilig sa arcade. Mas mahilig silang mag window shopping.
"Ganito na lang" may naisip akong paraan "Mika and Patrice, what if maglakad-lakad na lang muna kayo? Tapos we'll just text you kung san tayo magkikita. Ok ba yun?" tanong ko hinihintay kung papayag sila.
"Nice!" reaksyon naman ni Mika. Kaya ay napatingin kami sa kaniya.
"Uhm. Yeah. Okay na rin yun" pag-agree niya sa plano.
"Then ok its settled already!" masayang masaya naman tong si Rika kasi makakalaro na siya.
Pumasok na kami kasama ang yaya namin, tapos sila ay umalis na rin kasama ang mga yaya nila.
Kasama ko sila Kristoff at Erika ngayon at papunta na kami sa basketball arcade.
"Guys, dun ako sa bump car. Dun na lang muna kayo sa basketball" sabi niya at nginitian kami kaya ay dumiretso narin kami sa basketball.
"Zy! Dapat may deal tayo" napatingin naman ako sa kaniya.
"Anong deal naman yan?"
"Ang talo dapat mag grant ng isang wish sa nanalo" naka smile siya habang sinasabi yun.
"Sige!" pagpayag ko naman. Sure naman ako ang mananalo eh.
Kaya ayun nag start na rin kaming maglaro.
**
*ENKKKKKKK*
257--------251
"YEHEY!" sigaw niya.
Nakabusangot naman ako. Yeah. Talo ako. tss.
"Yey! Ako ang panalo! Talo ka, Zy!" masyang-masaya na siya niyan.
"Yeah. You win" tss! Yung ano kasi ang hina magbigay ng bola habang sa kaniya tuloy-tuloy ang bigay. Hayysst!
But i'm sporty. Defeat is a defeat.
"So nanalo ako sa deal?" naeexcite naman siya dahil dito.
"Yeah. You win. Like sa deal, kahit anong gusto mo igragrant ko" sabi ko. Yun yung deal kaya kailangan gawin.
"So anong wish mo?" tanong ko sa kaniya.
"Uhm. Wala pa. Next time na lang siguro" sagot naman nito.
Napatango naman ako.
"Uy! Toffie texted na nauna na daw siya kila Mika and Patrice. Busy pa daw yung dalawa kaka window shopping" sabi nito pagkatapos tingnan yung phone niya.
"Girls are girls" natatawang sagot ko sa kaniya.
"Let's eat?" tanong sakin kasi parang gutom na talaga siya nakahawak pa sa tiyan niya.
"Hmm" pagpayag ko kasi kawawa naman ang bestfriend ko kasi parang gutom na gutom na.
**
Nandito na kami nakaupo sa isang bench dito sa mall.
Ang takaw niya talaga! Dalawa na nga yung cup niya ng fries tapos may ice cream pa. Eh, yung akin nga ice cream lang. Ganun siya kagutom.
"Gutom na gutom ka talaga, Rika?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.
"Yup! Napagod ako dun! Akala ko kasi matatalo ako" sabi niya while putting fries into her mouth.
Minsan isip bata, minsan rin mature na mag-isip. Buti pa ako, mature na kahit 11 pa lang.
Kinain ko na lang rin yung ice cream. Pero bigla na lang sumagi sa isip ko yung problema ko. Haystt!
Wala parin akong maisip na iregalo sa kaniya. Eh, bilhan ko na lang kaya siya ng basketball machine? Ang korny! Pero hindi naman yun joke! Haystt! Hindi ko na alam.
Napatingin naman ako sa kaniya. Aba! Nakangiti yung bestfriend ko! Alam niyo yung ngiti na malapit ng mapunit yung bibig? Ganun siya ngayon. Pero naka-focus talaga siya sa something.
Sinundan ko naman yung tingin niya and nakita ko nga.
Sa isang jewelry shop siya nakatingin. Sa isang necklace to be exact. Pero most exactly parang isang pendant. Kitang-kita ko kasi malapit lang naman yung botique sa pwesto namin.
Gusto niya kaya yun? Pero hindi siya mahilig sa jewelries. Pero ba't siya nakangiti kapag tinitingnan niya yun?
Ugh! Ang hirap mag-isip! Gift pa lang to ah! Gift pa lang.
*kring kring*
Biglang nag-ring yung phone niya kaya napastop siya sa pagkain para sagutin.
Hindi na ako nakinig because its bad. Kaya ay nagtingin-tingin na lang ako sa paligid.
And there i saw someone with my twin.
Si Patrice and Kyron.
Nagtatawanan sila while walking. Habang sina Kristoff and Mika nag-uusap lang.
Medyo malayo sila saamin kaya ay hindi nila kami napapansin. Ako lang ata ang nakapansin sa kanila.
They're busy laughing with each other. I don't know why, but i got jealous. Alam naming lahat na may crush na si Patrice, pero itong kapatid ko hindi parin sumusuko.
That's why hindi ko na sinabi sa kanila. It's because ayaw kong magkalaban kami. Ganun naman talaga diba? Kahit papano ako yung panganay kaya nagpaparaya ako. Even it hurts me seeing them like that, enjoying each others company.
Pero wala eh. I chose this. This is what is right. Atsaka marami pa namang ibang girls diyan na pwede kong magustuhan. Yah. Marami pang ibang girls diyan.
"Zy" napabalik ako sa tino nung tinawag ako ni Rika.
"Hmm?" tiningnan ko naman siya.
"Sa bahay na daw tayo magdiretso. Nandun na rin daw mga parents natin. We have something to talk about daw" sabi naman nito sakin.
Tumango na lang ako at tumingin sa watch ko.
It's already pass 5. Siguro time na para umalis.
"Punta na tayo? Malapit na rin mag six" nag last bite naman siya dun sa last fries niya tapos ay nagsmile sakin.
"Tss. Eat properly" sabi ko tsaka ginamit kong panlinis yung thumb ko sa side lips niya. Ang kalat kumain. May tira pa aystt.
Pinuntahan na namin sila para maka-alis na rin.
"Sa bahay daw ni Erika?" tanong naman ni Kyron nung sinabi namin sa kanila.
"Yes. Nandun na daw parents natin" sagot naman ni Erika.
"Sige. Let's go" sabi naman ni Mika tsaka kami naglakad na paalis.
But i took a last look sa botique na tinitingnan ni Rika kanina.
Wait for me......
I'll buy you.
________________________________________________________________________________________
TADA!
Ayan na!
Magugustuhan kaya ni Erika yung gift ni Zyron?
Nagkakamabutihan na ba sila Kyron at Patrice?
So magpaparaya na ba talaga si Zyron?
Abangan sa next update!
-BoyYou'veSeen
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top