Chapter Seven: Good Observant


Kristoff's POV

Yow! Kristoff here! Ako yung pangalawa sa triplets hehe. Achi ko si Erika tapos shobe naman namin si Mika.

Haystt! Hirap maging isang lalake sa magkakapatid. Aba! malay ko kung bakit ako lang iisang lakake. Dalawa lang kami ni Dad na lalake sa family namin.

Speaking of girls. hayst! May sasabihin ako. Alam niyo bang gusto ko si Patrice? Oo, gusto ko siya. Hindi naman masama diba?

Alam ko lahat. As in lahat about sa pagkakaibigan namin. Kilala ko nga mga crushes nila, eh. Opo. Alam ko lahat.

Kaya nga hindi ko sinabi sa kahit na sino kung sino ang crush ko diba? Kasi kung sasabihin ko lalong lalala diba?

Gusto ni Zyron at Kyron si Patrice. Pero alam niyo bang hindi alam ni Kyron na gusto rin ng kakambal niya si Patrice? Oo. Hindi niya alam. Ang galing kasing magtago ni Zyron. Ang alam ko si Erika lang ang nakaka-alam.

Paano ko nalaman na si Erika ang may alam? Hindi naman tayo perfect diba? Hindi kasi totally perfect yung pagtatago nila sa isa't isa, kaya napapansin ko talaga. Hindi niyo gets? Ganito kasi yan.

Kapag minsan nag-uusap si Erika at Zyron, tapos ay nakikita kong napapalingon silang dalawa sa nag-uusap na Kyron at Patrice, iba yung titig ni Zyron tapos iba rin yung alaga ni Erika sa kaniya, gets niyo? Yung parang inaayos niya yung alaga kay Zyron para idivert yung attention nito. Gets niyo na?

Ewan ko ba pero parang naglolokohan lang sila sa isa't isa. Alam namin ni Mika na gusto ni achi Erika si Zyron kaya ganiyan siya. Pero hindi alam yun ni Zyron. Samantalang ito namang bunso namin sumisimple kay Kyron. Oh diba? Naghatian lang sila sa dalawa? hahahaha.

Tapos ito namang si Patrice ewan ko kung sinasaktan niya lang sarili niya kasi kitang-kita naman, eh. Or ako lang nakakapansin? Kasi naman, everytime na lang yung lingon niya kay Zyron parang alam mo yung nagspaspark yung mata pero pinipilit niyang tanggalin yun? Pano ko nasabi? I'm a good observant.

Ewan ko pero si Zyron naiintindihan ko kung bakit hindi niya inaamin, kasi nga naman diba may gusto yung kakambal niya kay Patrice. Kaya ayun, i think nagparaya na lang siya. Katulad ko, nagparaya na lang kasi alam ko namang walang chance, eh. Kesa naman makipag-kumpitensya pa ako diba? Mag-move on na lang. Marami pa namang ibang babae diyan.

Atsaka ang bata ko pa. Pero nagugulat ba kayo kung bakit ganito na ako mag-isip? Maaga lang talaga ako nagmature. Katulad lang naman kami ni Zyron mag-isip, pero mas matured sakin yun. Meron paring mga bagay na hindi ko naiintindihan. Kasi bakit naman ayaw nilang umamin sa isa't isa para maging masaya diba?

Pero bahala na. Desisyon nila yun. Whatever it is wala ako magawa but to support them.

And i know Zyron's thinking is different. Magugulat ka na lang na he can do something you don't expect him to do.

Haystt! Move-on guys! move-on. Hindi sa bitter pero continue to move forward.

Kakatapos ko lang maligo at pababa na ako na sa kitchen. Medyo maaga pa naman.

"Hello baby" ngumiti sakin si mama.

"Goodmorning ma" binati ko si mama. Kiniss niya ako sa cheeks. I know its just every mom's gesture, pero para sakin hindi na. Kasi i'm big enough.

"Ma, hindi na ako baby" sabi ko tapos umupo sa stool sa kitchen.

"Bakit kasi maghihighschool ka na? Your my only boy, baby" nagdadrama na naman si mama.

"Its not that, ma. Kasi if you do that, what will the girls react? na isip bata pa ako?" imbes na magtampo, mas lumaki yung smile ni mama.

Uh-oh. Mali ata yung sinabi ko!

"Hmmm. That's it? So since you're talking about girls. May crush na ba ang anak ko?" its like a tease not a question.

"Ma, wala po. Bata pa ako noh" i defended myself.

Nag-smirk si mama! May nasabi na naman ba ako?

"I thought you just said that your not a child anymore? And now you tell me na bata ka pa?"

Hah! Nabara ka Kristtoff!

"Ah basta, ma. Wala akong crush at hindi na rin ako bata" i stated to finish it.

"Ok, if you say so" tapos ngumiti si mama.

Ugh! ang talas ng isip ni mama. Siguro sa kaniya ako nagmana hehe.

After awhile, dumating na rin yung mga kapatid ko with dad. Kumain kami ng breakfast para makapunta na sa school.

"Bye ma!" sigaw ng dalawa na nagmamadali.

"Bye girls! I love you!" pahabol ni mama.

"We love you too, ma!" sabay na sigaw nilang dalawa and then they laugh at each other. Hayst! magkapatid nga talaga sila.

Si dad ang magdrive samin ngayon papunta sa school before he go to the company. Pambawi daw kasi busy na siya sa work.

Dad is a Architect--slash Bussinessman. Yung company kasi namin is yung like bumibili kami ng mga lupa para sa bussiness. And yung parents nila Zyron tsaka Patrice yung customer namin and marami pa.

And nag-eexpand kasi yung company kaya medyo nagiging busy na si dad. Kaya bumabawi si dad samin. Pero hindi naman kailangan kasi, eventhough, ganun yung situation. He's still the best and cool dad ever! hindi naman nagkukulang ng time samin si dad kahit busy, kaya ok lang naman.

After awhile, dumating na rin kami sa school.

"Kristoff" tawag sakin ni dad.

Kaya napatigil kami sa pagbaba at nag-stay muna sa loob.

"Yes dad?" tanong ko.

"Take care of your sisters, ok?" ah. yun lang pala.

"Opo dad" sabi ko then i kiss his cheeks tapos ay bumaba na rin.

"We love you dad!" sabi ng dalawa tapos ay ginawa rin kung anong ginawa ko.

Naglalakad na kaming tatlo papunta sa room. Nag-uusap lang naman sila Mika at achi Erika.

"Achi, diba mamaya na yung practice nila Patrice pati Zyron?" tanong ni Mika kay achi.

"Ah oo. They have practice later. Gusto nga ni Zyron manood tayo" sagot ni achi.

"Geh! Manood tayo. Para mabantayan mo yung baby mo" tapos tumawa si Mika.

"Hey! Baka may makarinig sayo, ano ba" sus! i know kinikilig yan si achi eh.

Nakarating na rin kami sa room. Wala pa naman yung dalawang kambal pero nandito na si Patrice.

"Pat!" sigaw ni Mika at achi Erika tapos ay lumapit rito.

"Hey" Patrice smiled at them.

Sinong hindi magkakagusto sa kaniya? Smile niya pa lang nga nakakatunaw na talaga! Sus! Kahit mga lalake may mga ganung lines rin hehe.

"Goodmorning" i greeted her.

"Goodmorning toffie" binati rin naman ako nito.

"Ba't wala pa yung kambal?" tanong agad ni Erika pagka-upo namin.

"Ewan. Kyron didn't tell me anything" si Pat na ang sumagot.

"Wait, Itext ko na lang si Zy/Mav" napalingon kami ni Mika nung sabay silang magsalita.

Napatingin sila sa isa't isa tapos natawa. Tss! Nakikipagkumpitesyahan ba sila? Hindi ba nila alam na gusto nila si Zyron? Pero kahit ganun, magbestfriends parin naman kami, medyo nagasgasan lang ng kunti kasi sa ilangan.


Nandiyan na si ahia Zyron!

Kuya Zyron! pwede pa picture po?

Kyron! ba't ang gwapo niya?

Parang highschool lang noh? Ganiyan talaga ang ibang students kapag dumadating silang dalawa. Heartrob eh. Pero ni isa diyan wala silang pinapansin. Aba, malay ko bakit.

"Nandiyan na daw yung kambal" sabi ko tapos tumawa.

Hindi ko naman kailangan sabihin, eh. Rinig na rinig nga diba?

Pumasok si Kyron kaya nagtaka kami.

"Goodmorning!" bati nito saamin at ngumiti.

"Goodmorning" bati rin namin sa kaniya.

"Asan si Zy?" tanong ni achi.

"Nandun. Nagpapicture kasi yung isang fourth grader. Kaya ayun pinagbigyan niya na"sagot nito samin.

Wow! Pinansin niya hahahaha.

Hindi naman sa snobber sila. Pero sadyang hindi lang talaga sila namamansin. Si Kyron namamansin naman pero si Zyron bihira lang talaga.

"Ang tagal naman" nababagot na si achi. Natawa na lang ako. Miss niya na siguro.

"Nandiyan na" tinuro ni Kyron yung pinto.

Napatingin kaming lahat. Nakita namin siyang nakakunot noo. Mukhang badtrip haha.

Umupo na ito sa upuan. Hindi nga kami binati eh.

"Zy" tawag sa kaniya ni achi Erika.

Tiningnan naman niya si achi. Pero tumingin rin siya samin kasi nakatingin kaming magkakaibigan sa kaniya.

"What?" inosenteng tanong niyo saamin.

"What happened?" tanong ni Patrice sa kaniya.

Nag-pout muna siya bago nagsalita. Seriously? mas matured yan sakin pero naga pout pa haha.

"Eh kasi naman. Nagpapicture lang sakin si Maila, tapos 'di ko alam sumunod na yung buong classmates niya" natawa kami kaya sinamaan niya kami ng tingin.

"What's funny!?" naaasar nitong sabi.

"Bakit ka kasi pumayag?" natatawang tanong naman ni Mika.

"Kasi naman. Naawa ako sa mukha niya. Ang cute rin kasi ng junior na yun hehe" sabi nito tapos ay napakamot sa ulo.

"What!?" napatingin kami kala Patrice at achi Erika. Sabay kasi sila nung sinabi yun. Tss! Pa-obvious ba?

Parang nagulat rin sila kaya napatigil sila ng ilang saglit.

"Kasi. What we mean is, pumayag ka kasi cute?" si achi na ang nagtanong.

"Hey! Don't get me wrong. Wala akong gusto dun, ok? kawawa kasi yung junior kaya pinagbigyan ko na. Picture lang naman eh" sagot nito. "Eh si Kyron nga hindi pumayag kaya naawa ako, kaya ako na lang" dagdag naman nito.

"Bakit hindi ka pumayag, Kyron?" tanong ni Mika.

Umiling ito. "Ayaw ko lang. Gusto ko kasi kapag magpicture kay Patrice lang" tapos ngumiti ito kay Patrice.

"Naks!" asar ko. Eh, sino pa bang mang-aasar? eh alam ko naman na may nasasaktan.

Ngumiti lang si Patrice kay Kyron. Ito namang kapatid kong si Mika kawawa talaga. Ito ring si Zyron natahimik bigla pero nakasmile. Magaling talaga magpanggap.

**

"Zy! manonood kami ng practice niyo later ah?" nagtanong si achi Erika kay Zyron.

Nandito kami sa canteen kumakain ng lunch. Nung bigla niyang chinange yung topic.

"Yah, sure" nagsmile ito kay Erika.

"Ano bang gagawin niyo?" ako na ang nagtanong.

"Kailangan daw namin magprepare ng isang intermission number, after namin mag-introduce" si Pat na ang sumagot.

"Kakanta kayo?" tanong ni Kyron. Ok naman kung kakanta sila kasi maganda naman ang boses ni Zyron. Mas lalo ring maganda ang boses ni Patrice.

"Yun na rin ata, diba Pat?" tanong ni Zyron tapos tumingin kay Patrice.

Ngumiti naman si Patrice. "Oo nga. Yun na lang siguro" pagpayag nito.

Kahit naman kasi sa pagsayaw magaling talaga sila. Si Zyron pati Kyron magaling talagang sumayaw. Kahit na bata pa lang kami sumasayaw na silang dalawa. Talented talaga si Zyron.

"Anong kakantahin niyo?" si Mika na ang nagtanong.

Kailangan talagang puli-puli sa pagtanong noh?

"Secret na yun" sagot ni Zyron. Ngumiti naman si Pat at Zyron sa isa't isa.

Nag-continue lang kami sa pagkain nung biglang may sumulpot.

"Hi ahia Zyron!" napatingin kami nung may tatlong babae na dumating sa table namin.

Mukhang ito na yung nagpapicture kanina sa kaniya. Cute naman talaga eh. Kung ka batch lang namin sila for sure heartrob rin sila, lalo na yung nasa gitna.

Nagsmile naman si Zyron dito. "Hi Maila! Fiona! Mysha!" ngumiti naman rin si Zyron dito.

"Hi po" sabi nilang tatlo saamin.

"Hi"

"Hello"

Sagot namin sa kanila.

"May ibibigay sana kami sayo ahia Zy" parang nahihiya pang sabi ni Maila ata. Yung nasa gitna.

Natawa naman bigla si Zyron dito.

"Ba't ka pa nahihiya, Maila? nagpapicture naman tayo kanina" sagot ni Zyron at namula bigla si Maila dahil dito.

"Eh, kasi ahia, crush na crush ka niyang si Maila" natawa naman kami dahil dito. Binisto ang kaibigan haha.

"Eh ikaw rin naman, Mysha ah!" ganti ni Mysha ba. Yung nasa right side ni Maila.

"Tahimik nga kayong dalawa! nakakahiya na kayo" and i think si Fiona na yun.

Natawa naman kami dahil dun.

"Ano bang ibibigay niyo? Patingin nga" nagsalita na rin si Zyron.

Nahihiya man ay may inabot silang isang parang origami. Pero isa itong Voltes V na figure. Ang ganda! Sila nagset-up niyan?

"Wow" namanghang sabi ni Zyron. "Kayo gumawa niyan?" tanong ni Zyron.

Tumango naman silang tatlo ng sabay.

"Opo. Narinig kasi namin na mahilig ka mag collect ng origami figures kaya gumawa kami" nahihiya paring sagot ni Maila.

Kinuha naman ito ni Zyron. "Ang ganda nito! Ilang days niyo to ginawa?"

"Uhm. Hindi po kami sure ahia Zyron. Basta nag start kami mga October narin" sagot ni Fiona.

"Thank you!" ngumiti si Zyron sa kanila. At ang tatlo ayun! nagblush haha. Lakas talaga ni Zyron.

"Buti naappreciate mo ahia" tanong ni Mysha dito. Nakangiti na silang tatlo ngayon. Parang narelieve kasi nagustuhan ni Zyron yung gawa nila.

"Oo naman! Hindi ko kasi inexpect na may gagawa ng ganito para sakin" sabi nito tapos tumingin sa figure tapos binalik sa kanila ang tingin.

Nagsmile naman sila kay Zyron. "Ah. Sige na po. Una na kami. Kasi baka nakadisturb kami sa inyo" sabi naman ni Fiona.

"Wait" napatingin kaming lahat kay Zyron.

"Po?" sabay ng tatlong tanong.

"Uhm. Gusto niyo bang manood ng practice mamaya?" napatingin kaming lahat kay Zyron.

"Saang practice po?" naguluhang tanong ni Maila.

"Practice para sa October Fest. Gusto niyo bang manood?" nanlaki naman ang mga mata nitong tatlo haha.

"Totoo po ahia?"

"Iniinvite mo po kami?"

Natawa ulit kaming lahat ng dahil sa mga reaction nila.

"Oo naman. Kung hindi kayo busy mamaya or kung hindi kayo uuwi ng maaga" sagot ni Zyron sa kanila.

"Yieeeee! Thank you po ahia Zyron!" ewan pero parang kinikilig silang tatlo.

Hinug nilang tatlo bigla si Zyron kaya nagulat kami. Medyo yung ibang students dito sa canteen nakatingin na saamin. Pati yung mga senior namin nakatingin na rin dito.

"Sorry po" sabi nila pero nakangiti parin.

"Ok lang. So kita na lang tayo maya?" tanong sa kanila ni Zyron.

"Ok po! Byee!!" nagpaalam na rin sila.

"Grabe! ang kukulit nila pero sweet!" sabi ni Mika habang nakangiti.

"Oo nga, eh" sagot ni Zyron "Binigyan pa ako nito. Alam nilang gusto ko ng figurines" sabi niya tapos pinakita ulit yung binigay sa kaniya nung tatlo.

"Ang bait-bait mo nga sa kanila" si achi Erika naman ang nagsalita.

"Magaan ang loob ko sa kanila. Ang bait nila hehe"natatawang sagot ni Zyron.



**

Tapos nagcontinue lang ang araw and nagsimula ang first practice nila and maganda naman yung kinalabasan.

Hayst! Wala nga akong ginawa dun. Nag-observe lang ako ng observe.

Kung paano tumingin si achi na parang nagseselos. Tapos si Kyron naman nakasmile pero i know may something.

Hayst! Ang complicated right? Six grader pa lang kami pero ganito na. What more sa future diba?

Goodluck na lang sa kanila hehe. Ok na kasi ako. Tanggap ko naman din.







Acceptance is important.










_______________________________________________________________________________________

Ayan!

May bagong kakilala na sila! Mga fourth graders! May magiging role ba sila sa buhay ng magbebestfriends?

Ano kayang mangyayare sa October Festival sa school nila? Will it be perfect kasi magpartner yung dalawa or will it be a disaster?

Abangan sa susunod na update!

-BoyYou'veSeen

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top