Chapter One: Unexpectable Rivalry

3rd PERSON POV

Masayang naglalaro ang mga bata sa clubhouse na nasa subdivision nila.

Kasama nila ang kanilang mga parents na masaya rin namang nagkwekwentuhan sa isa't isa.

Simula pa nung mga bata pa talaga sila ay magkakaibigan na sila. Dahil na rin sa kadahilanang yung mga magugulang nila ay magkakaibigan na rin dati pa.

Naglalaro ng ang walong mga bata na pawang walang pakealam kung madumihan sila. Nandun lang sila nagkukulitan sa isa't isa.

Yung dalawang lalake ay nandun at nagboboxing na halata namang wala pang kaalam-alam sa sports na yan.

Yung pinakamatanda naman sa kanila ay eight years old pa lang. Isa iyong babae. Naglalaro lang siya ng lutu-lutuan kasama ang tatlo pang mga babae.

Yung isang lalake naman ayun pilit gumagawa ng sand castle kahit halos pang ilang beses niya nung subukang gumawa.

"Daddy, tingnan mo nga yung anak mo oh" napabaling naman silang lahat dun sa tinuro ng babae "Gumagawa ng sand castle na kahit imposible" natatawang saad nito sa sariling anak.

"Mommy, hayaan mo na yan. Alam mo namang ganiyan talaga si Zyron" napapailing na lang rin ang ama nito.

"Nakakatuwa nga 'yang batang 'yan eh. Alam mo ba, Zirah. Na halos ayaw niyang iwan si Patrice?" tanong naman ng isang babae habang nakangiti.

"Obvious naman nun, beb" sagot naman rito ng asawa nito habang napapangiti na rin.

"Daddy, tingnan mo nga yung bunso mo oh. Nakatingin lang sa ahia niya" turo ulit ng nanay ni Zyron sa asawa't kaibigan na naririto.

"Alam mo namang ganiyan 'yang dalawang yan. Ilang segundo lang kaya ang itinagal bago nasundan yang si Zyron. Alam naman nating isang tingin lang nila sa isa't isa alam na agad nila ang tumatakbo sa isipan nilang dalawa" mahabang paliwanag naman ng asawa nito sa kanilang lahat.

"Kaya nga" napatango-tango na lang rin ang ibang mga parents na naririto.

**

Umabot narin sa oras na kailangan na nilang umuwi dahil papagabi na rin. Kahit na halos ayaw pa ng mga batang maghiwalay.

"Ganito na lang para hindi kayo ma sad ok? Mag-oovernight tayo sa bahay nila tita Melissa(mother ni Zyron) sa Saturday, ok ba yun?" tanong naman rito ng isa sa mga parents.

Mukhang nabuhayan ng kulay ang lahat sa kanila at sabay sabay na ngumiti at tumango.

"Yes po!" sabay-sabay nilang sagot.

**

Ilang taon na rin ang lumipas simula ang picnic na yun. Ngayon nga ay halos mga binata at dalaga na ang mga bata.

Pero kahit na ganun ay hindi parin nawala ang closeness ng mga ito sa isa't isa. Sobrang close pa rin nila hanggang ngayon. Minsan nga ay pinagkakamaling mag boyfriend at girlfriend ang mga ito eh.

Ngayon ay ang huling taon nila bilang elementary. Grade 6 na sila, ngunit yung pinakamatanda sa kanila ay 2nd year highschool na, pero nasa same na school lang naman silang lahat.

"Mommy! Pakibilisan po! Malalate na kami sa first day namin" sigaw ni Kyron sa mommy niya mula sa dining area.

"Opo baby, nandiyan na" natatawang saad nito rito.

"Why are you laughing, mommy? There's nothing funny" nakabusangot na ngayon ang mukha ni Kyron.

Pinisil naman ng mommy nito ang cheeks niya "Aww baby! Don't tampo na ok?" lambing ng nanay niya rito.

Saktong dumating naman si Zyron sa kusina at napansin naman agad nila ito.

"Morning Mommy!" masiglang bati rin nito sa mommy at kiniss sa cheeks.

"Aww so sweet baby" pinisil rin nito ang mga cheeks sabay kiss rito.

"Go eat na. Malalate na daw kayo ng shoti mo oh" sabi nito at tinuro ang nakabusangot na mukha ng kakambal nito.

"Eh, Ahia, si mommy kase" naasar na wika nito habang tinitingnan ang mommy at kuya nito.

"Why me, baby? Mommy didn't do anything" depensa agad ng mommy ng mga ito.

Mas lalong bumusangot ang mukha ni Kyron kaya ay napatawa na lang rin si Zyron rito.

Nagsimula narin silang kumain tatlo sa hapagkainan.

"Mommy, where's daddy?" tanong naman ni Zyron sa mommy nito.

"Your daddy leaves early this morning. May important meeting daw kasi" sagot naman ng mommy nito sa dalawang anak.

"Magpapahatid lang po ba kami sa driver?" tanong ulit ni Zyron rito.

"Opo baby. May aasikasuhin rin kasi si mommy kaya hindi kayo mahatid. Sorry mga baby" nalulungkot na wika ng mommy ng mga ito sa kanila.

Tumayo ang mommy at lumapit sa dalawa tsaka sila hinug from the back.

"Ok lang yun, mommy. We know that both of you are very busy working" pagkaintindi naman ni Zyron.

"Yeah, mom. We understand" pagsang-ayon rin rito ni Kyron at ngumiti silang dalawa sa kanilang mommy.

"Aww mommy's so touch mga baby" saad nito at hinalikan ang pisngi ng dalawa at niyakap.


**

Naglalakad na silang dalawa papunta sa kanilang classroom. Ngunit hindi nawawala ang tinginan ng mga tao sa kanilang dalawa.

Nandiyan na ang twinsss!!

Oo nga! Ang gwagwapoo nila noh?

Kyahhhhh! Kyron!

Wahhhhhh!! Zyron

Zyron! crush kita!

Akala niyo highschool na sila noh? Your wrong.  Grade six pa lang sila pero ganiyan na ang hatak nila sa mga girls sa paligid nila.

Parang school heartrob kasi 'yang dalawang yan dito sa school nila. Eh, kung may title lang nga para roon ay dapat nasa sa kanila na yun.

Pero ang dalawa ayun at walang pinansin maski isa sa mga girls at tuloy-tuloy lang ang lakad sa hallway papunta sa classroom nila.

Pagkapasok nila ay nakita na nila agad ang mga bestfriend nila. Nagkukulitan lang ang mga 'yun habang ang iba naman ay nagkwekwentuhan lang.

"Oh, Zyron, Kyron!" tawag sa kanila ni Kristoff.

Kaya ay nabaling rito ang atensyon ng mga magbebestfriend. Kaya ay tinakbo nila ang distansya nila at lumapit sa mga ito.

"How's summer?" ngiting bungad naman sa kanila ni Patrice.

"Magkasama lang kaya tayong lahat nung summer, Pat" sagot naman rito ni Erika.

"Oo nga" pagsang-ayon ng batang si Mika.

"I'm just asking!" ayun at nabusangot naman ang mukha ni Patrice dahil sa mga sinabi ng bestfriend niya.

Mika, Erika and Kristoff are twins. Gets niyo? tatlo sila. Panganay si Erika and bunso naman si Mika. So definitely nasa gitna si Kristoff. Diba parang impossible lang? Pero hindi nangyare eh.

"Summers fine, Patrice" ngiting sagot naman ni Kyron rito.

"Yeah" maikling sagot ni Zyron.

"Buti pa sila twinny! You three don't answer my question properly!" and she pouted.

Natawa naman ang mga magkakaibigan rito.

Pumunta na sila rito. Bale nasa 4th row sila Zyron, Kristoff at Kyron habang sila Mika, Erika and Patrice ay nasa likod.

"Uy!" kinalabit ni Erika si Zyron. Kahit naman magbebestfriend silang lahat ay meron rin naman silang mga mas kaclose.

Tumalikod naman si Zyron para harapin ang batang si Erika.

"What man, Rika?" tanong nito rito.

"I miss you Zy!" hindi na niya mapigilan ang sarili dahil miss na miss na niya ang pinakabestfriend niya sa kanilang lahat.

Napangiti naman si Zyron rito "I miss you too, Rika." ngiting sagot ni Zyron kay Erika.

"Your so sweet you know!" sagot ni Erika rito at nagblush.

Kahit na mga bata sila ay hindi naman maiwasan ang mga crushes or anything.

Pero dahil nga bata sila eh para sa kanila ay walang malisya yung sweetness nila sa isa't isa.

"Sit beside me, Zy" yaya ni Erika rito.

"There's no space anymore" sagot naman rito ni Zyron.

"Please? Please? for me, Zy" nag-puppy eyes pa si Erika para pumayag na si Zyron.

Mahina lang ang boses nila kaya ay hindi naririnig ng ibang kaibigan nila ang usapan nilang dalawa dahil nag-uusap rin ang mga ito.

Zyron sighed. Erika win again. Erika always win against Zyron.

"Okay okay" sagot nito kaya ay napalaki ang ngiti ni Erika.

Tumayo si Zyron na kinagulat ng mga kaibigan nito.

"Uhm, Mika, Can we exchange sits?" tanong naman ni Zyron kay Mika.

"Why?" inosenteng tanong ng batang si Mika.

"Because he will sit here" si Erika na ang sumagot.

"Why will he sit there, Erika?" ngayon ay si Patrice na ang nagtanong.

"I want him to sit beside me. Please twinny?" nag puppy eyes na rin ito sa kakambal niya.

"Okay" Mika agreed kaya ay nagpalitan na ng mga upuan si Mika and Zyron.

Ngayon ay nasa gitna na si Erika ni Patrice and Zyron.

"Yey!" masayang masaya naman si Erika dahil katabi na niya si Zyron.

Napailing na lang ang batang si Zyron dahil sa kakulitan ni Erika.

Bigla namang humiga sa shoulders ni Zyron si Erika. Normal na sa kanila ang mga ganiyan.

Wala ng nagawa si Zyron kundi payagan si Erika. Mukha kasing pagod kaya ay hinayaan na lang nilang humiga ito sa shoulders niya.

The half of the day went smoothly. Ngayon ay lunch na kaya ay pupunta na sila sa canteen para kumain.

"You go na. I will go to the library pa to get things" biglaang sabi naman ni Zyron kaya ay tiningnan siya ng mga ito.

"Your not going to eat lunch?" tanong ng kakambal niya.

"I will. I'll just get first the things needed" sagot nito.

"Can i come?"

"I will come with you"

Sabay na sabi nila Patrice at Erika rito.

Kaya ngayon ay sila na ang pinagtitingnan ng mga magbestfriends.

Napayuko si Patrice siguro ay nahiya pero si Erika naman ay nakangiti lang kay Zyron.

"I'm fine. Just order food para sakin" sagot naman ni Zyron.

"I want to go with you, Zy" pagpipilit ni Erika habang si Patrice nakatingin lang sa kanila.

Zyron sighed in defeat. And once again. Zyron loss to Erika.

"Okay. Guys, please order food for the both of us" si Zyron naman ang nagsabi.

"Okay" nakangiting wika ng mga ito habang si Patrice naman ay nakayuko lang.

"Let's go?" tanong ni Zyron kay Erika at tumango naman ito.

Hinila na ni Zyron si Erika paalis. Pero nakayuko parin si Patrice.

"Let's go?" tanong rin ni Kristoff sa mga kaibigan.

"Patrice, let's go?" pero parang hindi narinig ni Patrice dahil nakayuko parin ito.

Niyugyug naman na ni Kyron ang shoulders nito "Pat, let's go?" duon lamang nabalik sa tino si Patrice.

"Ah. Yah. Let's go" sabi nito at naglakad na sila papuntang canteen.

Patrice and Zyron's side.

"What will you get there, Zy" tanong naman ni Erika rito habang naglalakad.

"I'll just get a book. I cannot find any answers for the English questions in the book. Kaya i will find different English book para to study and baka makahanap na rin ako ng answers" sagot naman ni Zyron rito.

"You're so studious, Zy. That's why your very smart" compliment ni Erika rito.

Napangiti naman si Zyron "Thanks, Rika" sagot nito at dumeretso na ng library para makapunta na sila agad ng canteen para maglunch.

Hindi nerd si Zyron. Sadyang mahilig lang talaga siyang mag-aral. Gwapo na siya, matalino, mabait, responsible. Ano pang hahanapin mo sa isang lalake diba? Kaya siya naging crush ni Erika.

The day went fine. Uwian na ngayon and nasa bench na silang magbebestfriend waiting para sa mga sundo nito.

'di nagtagal ay dumating na ang sundo nila Zyron kaya ay nagpaalam na rin sila sa mga kaibigan.

"Bye Zy!" paalam ni Erika kay Zyron.

Nginitian ni Zyron ito at umalis na sila sa school para makauwi na rin.

Hindi rin nagtagal ay nakauwi na sila sa bahay.

"Hi babies! So how's first day?" tanong ng mommy ng mga ito.

"Its fine, mom" si Zyron na ang sumagot.

"Yeah. Its very fine. Its good to be back" nakangiting sang-ayon ni Kyron sa kakambal.

"Good! So go to your rooms and dress up na, ok? I will call you later to eat na" utos ng mommy na sinunod naman agad ng dalawa.

Umakyat na silang dalawa sa mga kwarto nila para makabihis.

Humiga naman agad si Zyron while watching the ceiling of his room. His just thinking of his first day.

After awhile ay nag shower na siya tapos nagbihis ng panjamas niya at bumaba na rin para makakain.

Naabutan niyang nasa sala na ang kakambal niya.

"Hey, why are you smiling?" tanong naman nito at umupo sa upuan.

"Ahia" tawag nito kay Zyron "Nothing. I'm just looking at Patrice photo" sagot nito kay Zyron.

Pinakita ni Kyron ang picture kay Zyron.

Patrice is so beautiful. Hindi makakailang na kahit bata pa lang sila ay marami ng nagkakagusto rito. She has the angelic face that every girls dream of at kahit bata pa lang siya ay may hugis na ang katawan. Then it adds her charming personalities. So ano pang hahanapin niyo diba?

"She's so beautiful, Ahia" kumento naman ni Kyron habang nakatingin sa picture ni Patrice.

"Yeah. Very much" pag-agree ni Zyron rito.

"You like her that much do you?" hindi na napigilang itanong ni Zyron ito sa kapatid niya.

Ngumiti naman si Kyron at tumingin sa ahia niya.

"I can't explain the feeling, ahia. When i'm with her, i'm so happy. It's like just being with her fulfills my day" sagot nito habang malapad ang ngiti.

"You really like her" its not a question, but a statement.

**

Natapos na silang kumain ng dinner at nagsiakyatan na ang dalawa sa kwarto nila at natulog.

This is just their first day of school.



________________________________________________________________________________________

Hi guys!

Please Vote, Comment and Follow!

Bear with me guys! alam kong medyo boring pa hehe.

Clarifications lang.

Ahia means Older Kuya
Achi means Older Sister
Shoti means Younger brother
Shobe means Younger Sister

Sana naintindihan niyo! Hindi akin yang mga terms na yan ah! I'm just borrowing it to Ate Stupidlyinlove. Basahin niyo po stories niya!

Enjoy!

-BoyYou'veSeen

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top