Chapter Four: Gift
Zyron's POV
Ewan ko pero hindi talaga maalis sa isip ko yung pendant kahapon sa mall.
Magugustuhan niya ba talaga yun? There's no harm in trying, diba? Yun na lang kaya ang bilhin ko.
Yun na lang nga.
Yung about sa pinag-usapan namin ng mga parents kahapon is like what i expected. Its about the birthday nung tatlo.
They want it simple yet extravagant. Kasi malapit na daw mag twelve ang panganay nila sa tatlong magkambal.
So napagkasunduan na isang pool party na lang. Yung kami-kami lang. Ayaw din kasi ni Erika tsaka nung dalawa na maraming tao yung pupunta.
Yung normal na pool party lang rin naman yung gagawin namin.
Ewan ko pero bigla akong na-excite! Its a pool party after all. And i'm looking forward to it!
"Zyron" nabalik ako sa tino nung narinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Ayos ka lang ba talaga?" si Kristoff na ang nagtanong.
Tiningnan naman nila akong lahat. Nandito kami sa canteen kumakain ng lunch.
"Huh? Ah. Oo. I'm fine. Sa gutom lang siguro" ngumiti naman ako sa kanila.
Nagtuloy-tuloy lang yung kainan namin habang nag-uusap parin.
"Excited na talaga ako!" Rika giggled while saying those words. Obvious nga na excited siya.
"Ako rin! Its a pool party! Duh! na lang kung sino hindi maexcite" pag-agree naman ni Mika sa kapatid.
"Ilang taon na pala kayong tatlo bukas?" tanong naman ng kakambal ko sa kanila.
Yeah. Bukas na. Friday na kasi ngayon.
"11 na kaming tatlo bukas" casual na sagot ni Kristoff.
"Kamusta naman ang experience na dalawang babae yung kapatid toff?" natatawang tanong naman ni Kyron.
"Tss. Its so hard. Parang alam niyong nagsama si Cinderella tsaka yung princess sa movie na brave? Yung matapang tapos self-conscious? Sumasabog yung bahay.....Aray!"
Napatalo tuloy siya ng dalawang kakambal niyang babae.
"Ang sama mo!" si Erika.
"Eh, ikaw nga. Torpe ka nga eh!" sabi naman ni Mika.
"Hah! May nabara!" natawa kaming lahat sa sinabi ni Kyron.
"Torpe ka daw, Toff" pang-asar ni Kyron.
"Tss. Hindi ako torpe" naasar na sagot naman ni Kristoff.
Nagtawanan na lang kami habang hinihintay yung next class.
**
Last subject na for this day. Excited ako na kinakabahan. Baka kasi wala na yung pendant! Kapag nawala yun hindi ko na alam kung anong igigift sa kaniya.
Hindi na tuloy ako nakakinig sa class. Puro lang ako *crossfinger* para hindi mabili yung pendant.
Ba't hindi ko pa kasi binili kahapon? tanga talaga Zyron!
Tanga na nga sa pag-ibig, nadagdagan pa! Haystt!
*kring kring*
Yun na yung sign na tapos na ang klase kaya napatayo ako agad.
"Oh, ba't ka nagmamadali?" tanong ni kristoff habang nilalagay ko yung gamit ko sa bag.
"I'll just meet someone" yun na lang sinagot ko. Nagpalusot na lang ako kesa sabihin ko. Eh, edi nasira yung surprise diba?
"Huh? Sino?" kambal ko naman ngayon.
"Basta" maikling sagot ko kasi nagmamadali na talaga ako.
"Hindi ka ba sasabay samin, Zy?" si Erika naman ngayon.
Tiningnan ko sila "Hindi na muna. Mauna na kayo" tiningnan ko naman yung kakambal ko "Sa bahay na lang tayo magkita. Byeee!" paalam ko sa kanila tsaka umalis na.
Alam naman nila mom and dad ito. Nasabi ko na sa kanila kagabi. Kaya ibang driver namin ang susundo sakin para ihatid ako sa mall.
Naghintay lang ako ng kunti and finally dumating na rin.
Dumiretso na kami sa mall. Agad akong napatakbo sa botique na pagbibilhan ko.
"Zyron!" sorry yaya. Hindi ko na lang pinansin si yaya kasi baka mawala na yung pendant.
Sa bilis ng takbo ko hindi ko na namalayan na nandito na ako sa harap ng botique.
"Ay nakung bata ka! Baka napano ka kung tatakbo ka bigla" sermon ni yaya pero hindi ko na pinansin.
Tiningnan ko kung saan yung pendant kahapon.
Buti nandito pa!
Pumasok ako sa botique and tinanong yung isang saleslady.
"Ate" tawag ko rito kaya ay tiningnan naman ako nito.
"Yes, baby boy?" tanong nito sakin at ngumiti.
Baby boy? Ako? Tss. I know I'm young pero hindi na ako baby.. errrr......
"Magkano po yung pendant na yun?" tinuro ko naman.
Lumapit naman si ate at kinuha yung sa lalagyan.
Pinakita niya sakin. And now i know kung bakit napatingin si Rika dito kahapon.
Its a pendant na R ang nakalagay. Favorite letter niya kasi ang R kahit E naman ang starting letter ng pangalan niya, pero mas favorite niya daw ang R kasi sa Rika.
"Ito ba?" tanong sakin ni ate.
"Opo"
"Para kanino ba? May girlfriend ka na ba?" tanong nito na parang kinikilig.
"Hindi po. Para sa bestfriend ko po yan" sagot ko.
"Awww ang sweet mo namang bestfriend" tapos pinisil ni ate yung cheeks ko.
I know i'm cute! pero huwag naman lagi yung pisngi ko.
"How much po?" tanong ko ulit.
"Sure kang bibilhin mo? Medyo may kamahalan ito" sagot ni ate.
Sana naman hindi ganun kamahal! Hindi naman ganun kalaki yung hiningi ko kay mom at dad.
"Magkano po ba?"
"12,000 yan baby" sabi niya sakin.
Wew! Umabot! Akala ko aabot sa twenty-thousand. Pero ang laking bawas sa allowance ko. Sabi kasi nila mom at dad, dapat daw kung mag think ako ahead kung may bibilhin ako para makaipon. Hindi naman daw sa ayaw nila ako bigyan ng pera pero kailangan rin daw ako magtipid. Kaya babawasan nila allowance ko.
"Bibilhin ko po" sabi ko tapos nilabas sa bag ko yung wallet ko.
"Ako muna hahawak sa bag mo, Zy" sabi ni yaya at kinuha ang bag ko.
Binigay ko naman kay ate yung exact money. Medyo nagulat pa nga siya pero natapos and nabili ko naman.
Ang ganda rin ng case. Nasa red na pahaba kasi ito then may color yellow na ribbon na nakatali sa middle.
Pabalik na kami sa car. Pauwi na rin ako nung nakalimutan kong bilhan ng gift si Kristoff.
Nabilhan ko na una ng gift si Mika. Hindi naman kasi siya mapili. And ngayon si Kristoff na lang!
"Yaya, may kulang pa po pala" nahihiyang sabi ko kasi baka pagod na si yaya.
"Huh? Para kanino pa?" tanong ni yaya.
"Para kay Kristoff pa po" sagot ko naman.
"Sige. Bilisan natin kasi baka gabihan tayo, baby" ang swerte ko talaga kay yaya! love na love ako niyan kasi since baby ako siya na yung yaya ko kaya parang mama ko na siya.
Naglibot-libot naman muna kami sa Department Store. Hindi naman kasi rin mahirap regaluhan si Kristoff kya nakabili ako agad ng gift para sa kaniya.
Ito totoo na talaga. Pabalik na kami sa car para makauwi. Nag-take out lang si yaya sa isang fastfood chain para daw may makain ako kahit papano habang nasa car.
Pagkapasok namin sa car kinain ko na agad yung food at shinare kay yaya kasi baka gutom na rin siya.
Naubos naman agad namin ni yaya yung food. And after ilang minutes nakadating na rin kami sa house.
"Ya, kapag mag tanong si Kyron if san tayo galing sabihin mo na may kinita lang ok?" pagkontsaba ko kay yaya.
"Oo na. Kanina mo pa yan sinasabi" natatawang sumagot naman si yaya.
Bumaba na ako ng car tapos pumasok sa house.
Nakita ko naman agad si mom and dad sa sala.
"Goodevening mom, dad" i greeted them then kiss sa cheeks.
They greeted me back tsaka nagkiss rin sa cheeks ko.
"You bought it already?" tanong sakin ni mom.
Umupo naman ako sa single sofa infront of them.
"Opo. Nabili ko na. Nakabili narin ako para kay Kristoff" I'm very tired!
"Sige na. Kumain ka na?" si dad naman ang nagtanong.
"Kumain na po kami pauwi" sagot ko.
"Sige na. Go upstairs na para maka-sleep ka na. We know your tired, baby" si mom naman.
"Goodnight mom, dad" paalam ko sa kanila para makarest na rin ako.
"Goodnight! We love you" mom said.
"I love you too mom, dad" sabi ko tapos umakyat na sa stairs papunta sa room ko.
Dumiretso ako sa bed to rest for awhile then nag shower na rin ako para makatulog na.
I slump myself in the bed after ko magbihis.
Sana magustuhan niya. Ang tagal kaya ako ginulo niyan sa isip. And its simple yet very special. Sana maging special rin sa kaniya.
I slowly closed my eyes and hindi rin nagtagal nakatulog na ako.....
________________________________________________________________________________________
Wews!
Nakabili na siya ng gift para kay Erika.
Magugustuhan kaya ito ni Erika?
Ano yung gift niya para kay Mika? Kristoff?
Abangan sa next update!
-BoyYou'veSeen
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top