Chapter 4 Truthful
(Sa ilang oras nang byahe ni Cassandra nakauwi din sya sa Kanyang bahay na nakaabang ang kanyang Best friend.)
Janine: Besh! Buti dumating ka na. Hinahanap ka na ng papa mo sa loob.
Cassandra: Sorry talaga Janine sa panggugulo ko sayo ah. Ngayun na nakipag pustahan pa sa akin boss ko about sa chismiss kay Lenard hindi na ako pwedeng makatanggi.
Janine: Ok lang naman yun Besh. Pero ngayun kausapin mo muna si tito kasi mukhang nasabi ko sakanya yung about sa pagalis mo.
Cassandra: Paano nya nalaman.
Janine: Hindi ko din alam kung nalaman nya eh. Basta nagtataka sya kung bakit gabing gabi na andito pa din ako sa bahay nyo.
Cassandra: Oh sya ako na bahala kay Papa. Diba marunong ka magluto? May ulam na ba sa loob?
Janine: yah! Kami ni tito jericho nagluto para sa Gabihan natin para mamaya.
Cassandra: O sige sige lock mo na rin itong gate ah.
Janine: Hoy besh! Di ako full time maid sa bahay nyo! Ako lang to oh? Bisita mo.
Cassandra: Kaya nga i'm taking you in charge. Para alam mo na yung gagawin mo dito. Manakawan pa kaming kawatan dito hambalusin kita dyan eh.
Janine: Oo nga naman no Hahahaha! Okay Okay.
(Dali daling nagsipasok ang dalawa at ng nakapasok na sila ay nakabunggad sa lamesita si Tatay Jericho na tila hinihintay nalang silang dalawa na tabihan sya sa hapagkainan.)
Jericho: Anak, Janine, halika kayong dalawa at may paguusapan tayo. (Umupo ang Dalawa). Alam nyo naman na may Cancer ako simula noon pa at sabi ng doktor, nawawala na daw yung mga Virus sa katawan ko.
Janine: Aba tito! Magandang Balita yan! Edi dapat pala magcelebrate tayo ngayon.
Cassandra: Janine! Tungaw ka talaga. Wag kang ganyan.
Janine: Aba Cass! Hindi ba dapat tayo matuwa? Kasi gagaling na papa mo.
Jericho: Ayun nga ang problema Janine...
Cassandra: Bakit pa? Anong meron.
Jericho: Hindi na kaya ng ipon ko ang treatment para mapagaling ako. Aabot sa libo libo bago ko malaman if free cancer na ako. Cassandra anak.... Hindi kakayanin ng pera mo at pera ko, isama mo na si Janine yung aabutin ng treatment ko.
Cassandra: Pa. Wag ka magalala kasi~
Janine: Besh? Sure ka na ba dyan sa pinaplano mo?
Cassandra: Oo Janine. Lalo lang lumaki ang dahilan ko para nga gawin ito.
Jericho: Ano yun anak?
Cassandra: Pa, kailangan ko munang lumayo layo. Merong work para sakin si Maam Taliah sa Ilocos para hanapin si Lenard at para malaman ng pagkamatay ng papa nya na si Gordon Paliman?
Jericho: Anak, hindi ba delikado yang papasukan mo? Kasi may namatay na dahil pinatay sya eh. Ayoko lang na madamay ka.
Cassandra: Pa para din sayo ito hindi mo kailangan magalala sakin kasi strong girl na ako diba. Tsaka pa, napakalaki ng promotion na makukuha ko if ever na magawa ko tong trabaho na ito.
Jericho: Haysss... Sige pumapayag na ako kailan ba alis mo? At para makapaghanda na tayo.
Cassandra: Since andito na din si Janine pa. Mga bukas po ng maaga mga 6 o clock para makapunta agad ako sa ilocos sa lalong madaling panahon.
Jericho: O siya sige ubusin nyo nayang hapagkainan nyo at mamaya magbobonding tayo bago umalis itong anak ko janine.
Janine: Nako tito hindi nyo talaga ako binibigo. (Sabay sabay tumawa ang tatlo.)
Jericho: O sya kukuha lang ako ng pwede nating magamit para sa Movie Marathon natin ah babalik ako.
Cassandra: Sige po pa! Ubusin nalang muna namin itong hapagkainan.
-End Of Chapter 4-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top