Ikaw na Tao (Filipino)

Ikaw na tao, ano ang iyong silbi sa mundong ito?
Ikaw na tao, ano ang iyong nais sa buhay?
Ikaw na tao, ano ang halaga mo?

Ikaw na tao, magkano ang pagkatao mo?
Nabibili ba ang prinsipyo at dignidad mo?
Ikaw na tao, masasabi mo bang mabuti ang hangarin mo?
Ikaw na tao, masasabi mo bang mapangsamantala ka sa iyong kapwa?

Ikaw na tao, nagmahal ka na ba?
Ikaw na tao, nasaktan ka na ba?
Ikaw na tao, natanong mo na ba sa sarili mo, ano ang iyong ginawa para maranasan mo ito?
Ikaw na tao, mas tumibay ka ba o mas nanghina ka pa?

Tao, ang iyong halaga ay hindi nasusukat ng yaman, impluwensya, karangalan at katalinuhan.
Ang iyong kalidad sa buhay na ito ay hindi kailanman masusukat ng kahit anong gantimpala.
Sa buhay mong ito, ano ang iyong mapagmamalaki?
Masaya ka ba sa ipinagkaloob sa iyo ng maykapal?

Isang beses lang tayong mabubuhay sa mundong ito.
Ipinanganak ka, nagkaisip at tatanda ka rin.
Maaaring itinatanong mo sa iyong sarili ng paulit-ulit ang halaga mo sa mundong ito.
Maaaring hindi naging patas ang mundo mo, pero sa huli, ikaw na tao, ang may hawak sa buhay mo.

Regalo sa iyo ng maykapal ang buhay mo,
Regalo mo sa kanya ang naging buhay mo.
Ang iyong halaga sa mundong ito ay nasusukat sa iyong puso.
Gaano man kahirap ang buhay mo, magpatuloy ka lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top