#4: Unexpected
So I guess losing my first kiss is worth it. – Danica
"Danica!!" Sa malayo palang rinig na rinig ko na ang boses ni Irish. Para siyang kabayo sa bilis tumakbo. Akala mo may hinahabol na gwapo. Ang babaeng ito talaga na'ko.
"Oh bakit?" Tanong ko sakanya
"Dani kyahh may nakita akong gwapo kanina sa may canteen!!" Sigaw na naman niya at pulang-pula sa kilig.
Napailing na lamang ako sakanya at binalik sa bag ang mga notebook na nagamit ko sa pagsusulat kanina.
Basta talaga gwapo nangunguna itong babae na to.
Naglakad ako palabas ng room at papunta na sa library bakit? Gusto ko magbasa. Iniwan ko nalang si Irish sa classroom namin habang nag d-daydream siya.
Habang naglalakad ako papunta sa library may mga tinatanaw ang ibang istudyante sa baba ng building. Mga puro tambay dahil wala ang mga teacher. Kung tinatanong ninyo ako kung bakit? Tanong nyo saakin baka alam ko.
Nang makarating na ako sa library pumasok na kaagad ako at humanap ng libro na magandang basahin at umupo na sa favorite na pwesto ko.
After an hour naisipan ko ng bumalik sa classroom kaya kinuha ko na ang bag ko at binalik sa kung saan ko kinuha ang libro.
Pagliko ko sa aisle ng fiction section pag amba ay may biglang natumba saakin na tao at dahil hindi ko iyon inaasahan pareho kaming napahiga sa sahig at oooofffff.
Nanlaki ang mata ko nang marealize na magkalapat ang labi namin. Dali-dali ko siyang tinulak patayo para makatayo na ako.
Umakto ako na pinapagpagan ang palda ko dahil hindi ko siya matignan sa mukha.
"S-sorry." Nauutal niyang sorry kaya dahan-dahan kong ibinaling sakanya ang tingin ko.
Babae ba siya? O, sadyang angelic lang mukha niya? P-pero ang boses niya panlalaki.
"Ayos lang." Sagot ko na pilit tinatago ang pamumula ng pisngi.
"Let me guess that was your first kiss right?" Suhestyon niya kaya iniwas ko ang tingin ko. "Sorry again Ms. Hindi ko sinasadya" Pagpapaumanhin niya ulit
"Ahh ano, okay lang." Naiilang na sabi ko.
Lumapit siya saakin kaya umatras ako nang umatras siya naman ay lumapit nang lumapit.
Wala na akong maatrasan dahil dama ko na ang shelve sa likod ko. Kaya lumingon ako sa kaliwa walang daan, lingon sa kanan, ayun meron!
Mabilis ako tumakbo at lumabas ng library at pumunta sa classroom pero may biglang humigit sa kamay ko at pinaharap ako sakanya.
Paglingon ko ay tung lalaki sa library pala. Yung kumuha sa first kiss ko!
"Ano ba, bitawan mo ako!" Sigaw ko sakanya at hinigit ko ang braso ko.
"Paninindigan kita" seryoso niya sabi pero natawa lang ako.
"Hindi ako buntis Mr. Kaya himdi mo ako dapat panindigan at bitawan mo ang braso ko dahil babalik na ako sa classroom ko." Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko dahil ayaw niya parin akong bitawan.
"Ako ang nakakuha ng first kiss mo kaya dapat panindigan ko yon. Alam ko kung gaano kaimportante sainyong mga babae yun at you know that i have a crush on you? Remember the teddy bear? The Wattpad books? The roses? Hand written letters?" Pag pupumilit niya.
Wait, what did he said?
"S-sayo galing yun?" Obvious na pero tinanong ko parin.
"Oo saakin galing iyon." Pagkumpirma niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at napaatras siya.
"Oh, alam ko yang iniisip mo. Hindi ko sinasadya na matumba sayo kanina dahil nahilo ako bigla at hindi ko alam na ikaw yun dahil hindi kita napansin dahil nga nahihilo ako" paliwanag nya.
"Pero–" May sasabihin pa sana ako kaso tinakpan niya ang bibig ko gamit ang panyo niya
"Ang ingay mo. Wala ng tanong-tanong pumunta na tayo sa classroom mo para kunin yung iba mo pang gamit dahil uwian na." Hinawakan ang kamay ko.
Wala naman na akong nagawa at natahimik nalang. Pagdating namin sa classroom nagtitilian ang mga kaklase ko lalo na si Irish.
"Dani hindi mo manlang sinabi na may bf ka!" Pag-conclude niIrish.
Sasagot pa sana ako at pero kinuha na ni sino nga ulit siya? Ewan hindi ko alam. Hindi niya sinabi pangalan niya eh.
Lumabas na kami ng room apababa na kami ng hagdan kaya tinanong ko siya, "ano palang pangalan mo?"
"I'm Yvell."
Wow ganda ng name niya. Bagay sakanya.
Tumahimik nalang ulit ako at nag-patangay nalang.
Nang makalabas na kami ng school pumara na sya ng taxi.
Mukhang ihahatid nya ako pauwi.
Hindi na ako nag tanong kung bakit alam niya kung saan ako nakaupo, saan ako nakatira, at kung paano ako nauwi pabalik sa bahay.
Obvious naman kasi na alam na niya yung mga bagay-bagay tungkol saakin dahil inamin naman niyang secret admirer ko siya.
Nasa bahay na kami at binuksan kona ang gate at pinapasok siya sa loob.
Kabadong-kabado ako nang makapasok na kami sa bahay at nagulat ako nang....
"Hijo! Buti at napabisita ka. Ano nasungkit mo na ba ang puso ng aming Unica hija?" Tanong ni papa kay Yvel na nasa bungad ng bahay namin.
Paano niya nakilala si Yvell?
"Oo naman Tito, ako pa." Sagot ni Yvell at kumindat saakin.
"Teka lang ha! Papa, paano mo nakilala si Yvell?" Singit ko sakanila.
Inakbayan ako ni Yvell at ngumisi naman si papa.
"Anak siya ng kumpare ko, Danica." Sagot ni papa. "Ikaw na bahala sa anak ko Hijo, mauuna na ako sainyo dahil hinihintay na ako ng misis ko sa kwarto."
This is so unexpected. I lost my first kiss, I finally meet my secret admirer, and my dad approved a guy for me.
So I guess losing my first kiss is worth it.
Seleunae's note:
Hi guys! How are you doing? I hope y'all doing great.
How's this story? Leave your thoughts in the comment section and I'll gladly read it.
See you in the next story!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top