#2 Acquaintance Party

"I didn't know that a simple party would led me to this lovelife." - Julia

"Gurl ang sexy mo sa outfit mo!" Puri ni Nelia saakin havang na kami sa loob ng covered court kasama ang iba pa naming mga kaibigan.

Ngayong araw gaganapin ang acquaintance party namin kaya halos lahat ng mga estudyante ay excited para makapag party-party.

Kalahating oras pa muna ang hinintay namin bago nagstart ang party. Filipino time nga naman talaga. 6:00PM ang simula pero 6:30PM na nung mag-announce sila na mag uumpisa na ang party

Nagsimula ang party sa pa-konting party music para ganahan ang lahat hanggang sa nagpa-contest sila.

Pagalingan sa pag-rampa ang labanan kaya naman inilaban ako ng mga kaibigan ko. Magaling naman daw kasi akong rumampa at maganda pa. I couldn't disagree with that. Totoo naman kasi.

Nasa sampu kaming naglaban-laban at halos lahat naman kami magaling sa totoo lang, pero syempre hindi pwedeng patas ang lahat. Kung magiging pantay lahat edi walang mananalo.

Sa huli, ako ang tinanghal na panalo. Pero walang premyo. Unfair! Binigay ko pa naman best ko. Pero okay lang, that's life eh!

Nagpatuloy na ulit ang party at puro sayawan na lahat. Kaming magka-kaibigan ay para ng siraulo dahil sa pagsasayaw ng magsalita ang emcee.

"Oras na para sa sweet dance students. Now pick your partners!"

Ang mga kapwa ko estudyante ay nagkanya-kanya higit ng mga partners nila lalo na yung may mga jowa.

And if you're asking where my friends is, ayon nagsasayaw narin kasama ng mga jowa nila. Ako lang naman walang jowa saamin eh.

Dahil sa wala namang mag-aaya saakin sumayaw pumunta nalang ako sa gilid at pinanood ang mga nag sasayaw sa gitna.

Not long after may lalaking lumapit saakin at inabot ang kamay niya.

"Miss, pwede ka bang maisayaw?" Tanong ng lalaking nasa aking harapan ngayon.

Tumango ako at tinanggap ang kamay nya. Tatanggi pa ba ako? Eh eto na, may nag-alok na. Sa ganda kong ito hindi na dapat ako magpa-kipot pa.

Inalalayaan niya ako sa pagpunta sa dance floor at napalingon saamin ang mga kaibigan ko na may tinging 'saan-mo-nabingwit-yan'

Tinapos lang namin ang isang kanta at nagpaalam na ako na babalik sa pwesto ko kanina pero nag thank you muna ako.

Matapos ang sweet dance ang mga kaibigan ko ay kumakaripas ng lapit saakin para tanungin kung sino yung lalaking kasayaw ko kanina na sinagot ko lang ng, "Hindi ko siya kilala. Basta inalok nalang niya ako sumayaw kaya tinanggap ko."

Nang matapos ang party hindi ko inaasahan na makikita ko ulit yung lalaking nagsayaw sakin kanina.

Kasama niya ang iba niya pang kaibigan nang lumapit siya saamin at ang lawak pa ng ngiti niya.

Nakakainlove naman, charot!

"Ms, hindi ko natanong pangalan mo kanina. Anong pangalan mo? Ako si Jelo."

"Uhm, I'm Julia." nagkamayan kami at ang mga kaibigan ko naman ay nag si 'ayieee' kaya pinaghahampas ko sila at nag-aya na akong umuwi.

Pag online ko sa fb ko nagulat ako na may message request at friend request ang name is 'Jelo Frondozo'

Woah ito yung kasayaw ko kanina!

Tinignan ko ang mga message nya.
Hindi ko alam paano nya nahanap ko pero pinagkibit balikat ko nalang yon.

Jelo Frondozo
:Nakauwi kana?
:I have a question.

Wow maayos ang typings kahit pa-paano.

JULIA
:oo nakauwi na ako, ano itatanong mo?

Jelo Frondozo
:Can I get to know you more?

Seryoso to? Baka jino-joke time ako neto mako! Marupok pa naman ako.

JULIA
: Seryoso ka diyan?

Jelo Frondozo
:Oo naman, pwede nga?

JULIA
:Oo sige.

Baka heto na ang simula ng aking lovelife!

I didn't know that a simple party would led me to this lovelife.

Seleunae's note;

What's your thoughts about this story? This is a real life encounter, skl haha. Let me know your thoughts in the comment section everyone!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top