Chapter Twenty-Five
Song: Windowsill- ZAYN ft. Devlin
Drunk
"My goodness, Felicity! Are you drunk?!"
Iyon agad ang naging bungad ni Carmela sa akin matapos niya akong hilahin paalis ng KTV bar na iyon. We never got the chance to properly say goodbye to our friends since Carmela was so persistent in making us leave.
"Bakit sa lahat pa ng kanta, 'yun pa ang napili mo?"
I chuckled. "Relate ako, e."
Umirap siya. She ran her hands over her hair frustratingly. Matalim niya akong tiningnan.
"Now Yen thinks you're a mistress! Sigurado akong ilang pag-iintriga na naman ang aabutin mo sa trabaho!"
Mas lumakas ang tawa ko ngayon. It's crazy that Yen thinks I'm Lucas' mistress because of the song I chose to sing. Wala silang alam sa nangyayari kaya malamang ay nagulohan sila sa nasaksihan at narinig nila kanina.
"Bakit? Hindi ba?" biro ko pero mas lalo lang nainis sa akin si Carmela.
Hinila niya ako papuntang parking lot at hinatid hanggang sa sasakyan ko. Aba! Papauwiin nga talaga ako ng isang 'to! 'Di pa tapos ang kanta ko, e!
Gusto ko pa ngang kantahin iyong Don't Say Goodbye ni Nina para mas masakit! Para mas lalong tumagos sa puso ko!
"Lasing ka ba?" tanong ni Carmela.
Kumunot ang noo ko. "Mukha ba akong lasing?"
"Oo!" agad niyang sagot. Pasigaw pa.
I was taken a back with that. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib nang dahil sa gulat.
"Hindi ako lasing. Broken hearted lang."
"Ewan ko sa'yo! Baliw ka na!"
I couldn't help but laugh again because of her. She looks so frustrated. 'Di ba siya na-amaze sa pag-rap ko kanina? Binuhos ko kaya ang lahat doon!
"Nakakaisang bote palang ako, Carms. 'Di pa ako lasing. Mataas ang alcohol tolerance ko 'no!"
She glared at me. "So, makakapag-drive ka pa pauwi?"
"Bakit ba kasi pinapauwi mo na 'ko? 'Di pa tayo tapos doon, e..."
"Pinapahiya mo nalang sarili mo dun, Fel! My god! At mas mabuti nang umuwi ka. Baka kung ano pa ang gawin mo kapag tumagal pa tayo doon. Ano pa ang isipin nila sa mga pinag-gagawa mo. I know you're dealing with a heartbreak but please... control yourself. Pupunta nalang ako sa bahay niyo at doon mo iiyak ang lahat sa akin!"
Ngumuso ako. "E, ikaw? Uuwi ka na rin?"
"Mamaya. I'll stay for a while. Susubukan kong ipaliwanag na hindi ka kabet! I don't know how will I tell them about it without spilling all your secrets. Nastress ako ngayong gabi sa'yo, Felicidad!"
I made a face when she called me by that name. Umamba akong sasabunutan siya pero naunahan niya ako nang bahagya niya akong itulak palapit sa kotse ko. Napatinaod ako.
I look back at her and frowned. Ang daya naman!
"Dumiretso ka pauwi ha? 'Wag ka nang kung saan pa dumiretso! Tatawagan kita. Tatawagan ko rin si Tita para siguradong diretso bahay ka talaga. Magkita nalang tayo doon."
Ngumuso ako. Ayaw parin sundin ang gusto niya. Pero habang tumatagal... napapaisip ako na mas mabuti ngang sa ibang lugar ko nalang dalhin 'tong pira-piraso kong puso.
Pinatunog ko ang sasakyan ko. Hindi naman umalis si Carmela sa tapat hanggang sa makasakay ako.
"Diretso uwi ha?" paalala niya.
Tamad akong tumango at binuhay na ang sasakyan.
"Sasabihan kita kapag papunta na ako."
"Okay..."
Pagkatapos noon ay nag-drive na rin ako paalis ng lugar na iyon. While driving through the streets of Taguig, biglang nahagip ng tingin ko iyong road sign na papuntang BGC. Sinundan ko iyon ng tingin.
Ngumuso ako dahil may namumuong plano sa utak ko.
"Pwede din..." sabi ko sa sarili.
Minsan lang naman ako maging pasaway kaya susulitin ko na. Aalis nalang ako kapag nag-text na si Carmela na papunta na siya para makaalis na rin ako.
Sa halip na dumiretso pauwi, iniliko ko pa ang sasakyan ko papuntang BGC. Tutal nasa Taguig na rin naman ako, edi diretso na ako doon!
It's actually my first time going to a club alone. Palagi akong may kasamang kaibigan o 'di kaya ang mga pinsan ko. They say I become troublesome to other people when drunk. Kaya ngayong mag-isa ako, dadahan-dahanin ko na muna.
Iinom lang ako ng kaunti para mabigyan ako nito ng lakas ng loob na ibuhos ang lahat mamaya sa heart-to-heart talk namin ni Carmela.
Pagkatapos kong i-park ang sasakyan ay dumiretso ako doon sa club kung saan kami madalas magpipinsan. I showed my ID and smiled at the bouncer. Sa entrance naman, nakita ako noong madalas na kinakausap ni Kuya Benj sa tuwing magpapareserve kami kaya mabilis rin naman akong nakapasok.
He asked me if I need a table but I told him I'm good. Kahit sa bar lang ako. Inom lang naman ang habol ko dito, e.
It's no surprise that the club is packed with party-goers tonight. Sana talaga dito nalang kami nag-party noon para 'di na kami naaya ni Alex sa illegal underground fighting na iyon.
Pero kung 'di rin naman nangyari 'yon... 'di ko rin malalaman na sumasali pala sa ganoong bagay si Archer.
Kung 'di ko siguro alam tapos nakita ko siyang may galos sa mukha, iisipin ko talagang basagulero siya. Mabuti na nga lang at tumigil na siya dito. Gaya ng sabi niya sa akin noon...
I sat at one of the stool chairs. Nilapag ko ang telepono ko sa gilid ko para agad kong makita kung may mag-text sa akin. Baka mamaya, e, nasa bahay na pala si Carmela at hindi ko alam.
I ordered a drink at the bartender. Kahit papano ay may kagaya rin akong mag-isa lang na nagpunta. Okay din sana na sa chill bar lang pero 'di ko feel doon ngayon. Baka mas maging sentimental lang ako lalo.
I watch as the bartender prepares my drink. Once he finished, he pushed my tequila towards me.
"Thank you." I said and smiled at him.
He nods his head once and proceeded to accept orders from other customers. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kinuha ko ang shot ng tequila at dinala ito sa bibig ko.
Agad kong binaba ang baso nang maramdaman ang pag-guhit nito sa lalamunan ko. Nakita kong umilaw ang telepono ko kaya napabaling ako doon. It's my alarm to remind me that I need to read something.
I groaned and turned off the stupid alarm. Wala muna akong iisipin na aral aral ngayon. Kailangan kong magpakasaya dahil sigurado akong iyakan lang ang mangyayari mamaya sa pag-uusap namin ni Carmela.
I flipped my phone upside down so I wouldn't get disturbed as I enjoy my drink. Nang makalapit muli ang bartender sa pwesto ko agad kong kinuha ang atensyon niya.
"Isa pang shot, please."
Agad siyang tumango at binigyan ako ng panibagong shot ng tequila. Nagpasalamat ako at mabilis na tinungga ang bago kong kuha na shot.
"Woah!" I hissed when I felt the burning sensation it sent down through my throat.
Nakakadalawang shot na ako pero pakiramdam ko kulang parin. I raised my hand to get the bartender's attention. Umangat ang kilay niya kaya sinenyasan ko siya na bigyan pa ako ng isa.
Isang shot kapalit ng pag-limot ko kay Lucas.
"Isa pa..."
"Isa pa nga."
"Isa... pa."
"Hoy! Isa pa!"
Ayan palagi ang bungad ko sa mga bartender sa tuwing napapadaan sila sa pwesto ko. Nakayuko na ako at nakapikit. I slowly raised one finger up, hoping that it's enough to get any of the bartender's attention.
Sa totoo lang, amazing din 'tong idea na 'to ah? Nawala sa utak ko kung sino mang Lucas Kim iyon at parang ang tanging kilala ko nalang ngayon ay si Cuervo.
But to be honest, I'm getting sleepy now. Mali pala 'tong idea ko na mag-isa lang pumunta dahil sinong mag-uuwi sa akin? I'm alone and I don't know anyone else here!
Damn it, Fel! Akala ko ba kaunting inom lang tapos uwi ka na? Scammer ka talaga!
At dahil inaantok na nga, naramdaman kong pabagsak na ang ulo ko pero mabuti nalang at may mabuting loob na sumalo nito bago pa tuluyang masubsob ang mukha ko sa counter top.
"That's enough. She won't drink this anymore." Narinig kong sinabi noong sumalo ng ulo ko.
Natigilan ako dahil pamilyar pa ang boses ng isang 'yon. Tumawa ako at inayos ang buhok na nakatakip sa mukha ko para tingnan kung sino ba ito.
"Archer!" I greeted enthusiastically and punched his arm playfully. I chuckled.
Kumunot ang noo niya at na weirdohan pa ata sa ginawa ko. The side of his lips rose.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko na binalewala lang niya.
Inismiran niya lang ako at hindi pinansin. Instead, he grabbed his wallet from his back pocket. Naglabas siya ng pera doon at nilapag ang mga ito sa counter. Sinundan ko iyon ng tingin at saglit na hindi nagproseso sa utak ko ang ginawa niya.
"I'll pay for it. Kahit iyon." may tinuro siya pero 'di ko na tiningnan pa iyon dahil abala ako sa pagproseso ng nangyayari.
Did he just pay for my drinks?
My forehead creased. Nagugulohan ko siyang tiningnan. I pointed at my drinks.
"But I can pay for that."
Nanatili akong nakatingin at nakaturo sa mga shot ng tequila na naubos ko. My eyes widened a fraction when I realized that I drank too much! What the fuck?!
Mabilis akong bumaba mula sa stool chair pero agad ring napatinaod nang maramdaman ko ang pagkahilo. Archer quickly caught my arm and held me in place. Siya naman ang nagugulohang tumingin sa akin ngayon.
"Are you okay?"
Hindi ko na nasagot pa ang tanong niya dahil naalala kong hinihintay ko nga pala ang text ni Carmela para makaalis na rin ako! Damn it, Fel! Nawala nga si Lucas sa isip mo pero nawalan naman ng laman ang utak mo!
"Oh my gosh! Carmela!" I said and frantically grabbed my phone from the counter top.
Binuksan ko iyon at napasinghap nang makitang may dalawang text at tatlong missed call na sa akin si Carmela.
"Shit!" I cursed.
I was about to start walking when Archer caught my wrist this time.
"Where are you going?" he asks.
"I'm going home!"
"But you're drunk. You can't drive home."
"I'm okay!" I tried to sound convincing.
Inalis ko pa ang pagkakahawak niya sa akin para mapatunayan kong okay lang talaga ako. Pero tangina nang wala ang hawak niya sa akin, napatinaod ako!
Archer sighed disappointingly. Dismayado rin siyang nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay.
Wow! Bakit biglang umiikot ang paningin ko ngayon ah? Okay ako kanina! Inaantok lang ako pero okay ako! Bakit gano'n, Cuervo? Bakit ganito ka sa akin? Gino-good time mo ako ah!
"You're drunk. Who are you with?"
"Myself." I tried to laugh it off but Archer remained serious so I stopped laughing.
I pouted and looked away.
"I really need to go home. I will drive safely. I promise."
Aalis na sana ako pero pinigilan niya ulit ako. I groaned frustratingly and glared at him. Paano ako makakauwi niyan kung pinipigilan niya ako? 'Di pa nakakatulong na nahihilo na ako at ang tigas pa ng ulo nitong nasa harap ko!
"No." pag-pigil niya.
"Huh?"
"I'll drive you home."
I scoffed. Is he serious? Talagang willing siyang ipag-drive ang tipsy ha? At dahil hilong-hilo na talaga ako, wala na akong panahon pa na makipagtalo sakanya.
"Okay, then. Go ahead. Drive my-" I stopped when I couldn't feel my keys inside my pocket. "Oh my gosh! Nasaan ang susi ko?!"
I was about to freak out about my "missing" car keys when I already saw Archer holding it using his index finger.
"Is this what you're looking for?" he asked lazily.
I smiled a bit and nod my head. Sinubukan kong hablutin sa kanya iyon pero inilayo niya lang ito sa akin at tinago sa palad niya.
"Let's just use my car instead."
What?!
Archer and I tried to get through the crowd despite me feeling dizzy and high with alcohol. Hindi ko namalayan na tumigil na pala siya sa paglalakad kaya muntikan nang masubsob ang mukha ko sa likod niya.
"Mag-sabi ka naman kung titigil ka!" reklamo ko.
Bahagya niya lang akong nilingon. He shakes his head before he asked the valet to get his car.
Wow naman! Naka-valet pa ang isang 'to ah?
Ilang sandali pa ang hinintay namin bago tuluyang tumigil sa harap namin ang isang itim na Aston Martin Vantage. My mouth parted in amusement because of how beautiful his car looks. Nahiya ang BMW ko!
"Let's go." Aya niya at inalalayan ako pababa ng hagdan.
Kahit sa pag-upo sa sasakyan niya ay inalalayan niya rin ako. Mangha kong inilibot ang tingin sa interiors ng sasakyan niya habang abala niya sa paglagay ng seatbelt sa akin.
"Ang ganda ng sasakyan mo 'no?" puna ko.
Tango lang ang ibinigay niya bilang sagot bago niya sinara ang pinto ng shotgun seat. Sinundan ko siya ng tingin habang umiikot siya patungong driver's seat. Tinaasan niya lang ng kamay ang valet bilang pasasalamat bago siya tuluyang sumakay sa loob.
Pinikit ko ang mga mata ko at hinintay na umandar ang sasakyan. I felt him tapping my cheek gently so I opened my eyes again.
"Where do you live?"
I scoff. How foolish of me not to tell him where I live! Paano nga naman niya ako maihahatid pauwi kung 'di ko sinasabi sakanya kung saan ako nakatira?
Archer's forehead creased a little when I told him my address. Tinaasan ko siya ng kilay at sinenyasan na siyang mag-drive. I closed my eyes again.
I feel like we've been driving for a good minute now. I noticed that he's not playing any music so I opened my eyes again.
"Boring! Patugtog ka nga!" utos ko.
I heard him scoff insultingly.
"Ano pong gusto niyo, Madam?" pang-aasar niya.
'Di na ako nag-salita pa at kusa nalang na binuksan ang radyo. Agad akong napangiti nang marinig ang tugtog. It's one of my favorites!
I automatically bopped my head with the jam. Napapasayaw pa talaga ako dahil gusto ko talaga itong kantang 'to. When it reached the chorus, I started singing along so loud.
Damn! Lasing nga ako!
Baby, How Do You Sleep when you lie to me?
All that shame and all that danger
I'm hoping that my love will keep you up tonight
Baby, How Do You Sleep when you lie to me?
All that fear and all that pressure
I'm hoping that my love will keep you up tonight
When the beat drops, kahit iyon ay sinubukan ko ring kantahin.
"Tenen tenen tenenenenen tenenenenen ten ten... love will keep you up tonight! Woo!" I sang at the top of my lungs and laughed so loud.
Narinig kong dismayadong nagpakawala ng hininga si Archer kaya tinulak ko siya. KJ nito oh! Ganda nung kanta, e.
"Kumanta ka!"
He turns to me, probably weirded out with my mood now. "Hindi ko alam 'yan."
"Tss. Edi don't."
Sa huli, ako nalang mag-isa ang kumanta. Natawa nalang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. When the song is about to end, that's where I tasted something on my mouth. I gulped and tasted that disgusting piece of shit inside my mouth.
"What?" Archer asked when he noticed my current situation.
"There's something in here." I pointed my throat.
Nabigla siya kaya agad niyang tinigil ang sasakyan sa gilid. Umamba akong masusuka kaya siya nagpanic.
"Wait. Are you going to vomit? Please, not inside my car!"
Isang amba pa ang ginawa ko bago ko siyang nilingon. His eyes widened; he probably thinks I'm going to vomit at him but he's wrong. Agad na nabalot ng pagkadismaya ang itsura niya nang ngumiti ako sa kanya at nag-peace sign.
"Joke lang!"
Archer glared at me. "Are you kidding me?"
"Wala! Joke lang! Sige drive ka lang!"
He rolled his eyes and switched the gear. The moment he stepped his foot on the gas, is the same moment where I started vomiting inside his car. Agad-agad siyang napreno ng sasakyan at napasinghap sa nakita.
"Oh my god! I'm so, so, so, so sorry." Paumahin ko at pinunasan ang bibig gamit ang likod ng aking kamay.
Archer shut his eyes and pinched the bridge of his nose. Nahihiya akong tumawa dahil mukhang nastress ata siya sa nangyari. I mean who wouldn't? Nagmagandang loob na nga siya na ihatid ako tapos susukahan ko lang ang sasakyan niya?
Isinandal niya ang ulo sa head rest ng upuan niya at sinubukang pakalmahin ang sarili. When he opened his eyes again, I was expecting him to burst out but I was even more surprised when he tried to reach for the box of tissue behind him.
Kumuha siya ng dalawa doon at binigay iyon sa akin para ipamunas sa bibig ko.
"Nasusuka ka pa?" tanong niya.
Ngumuso ako at parang batang umiling. Pinunasan ko ang bibig ko nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. He glanced over at my vomit on his car's floorboard. Nagpakawala nalang siya ng malalim na hininga dahil alam niyang wala na rin siyang magagawa dahil nandoon na, e.
Tiningnan niya ako.
"Now I'm certain that it's you." he said which made me confused.
"What do you mean?" I asked, my voice slightly slurred.
"This didn't happen for the first time today, Felicity. It already happened before."
Sinubukan kong intindihin kung ano ba ang ibig sabihin niya. It already happened before? When? E, sa pagkakaalala ko, unang pagkikita namin sa ospital!
Or maybe... he was that stranger!
I pointed at him. Naningkit ang mga mata ko at may pakiramdam na agad kung ano ang tinutukoy niya.
I remember Kuya Dominic mentioning to me before that a stranger brought me home while I was so wasted! It was during med school where me and my friends were all stressed out so we decided to drink it all away.
I can't believe it was him! What a small world!
"Were you the stranger who brought me home when I was so wasted? Sino ang sumalubong sa'yo noon?"
"You can't remember anything?" nagugulohan niyang tanong.
"Obviously. Magtatanong ba ako kung may naaalala ako?"
Archer rolled his eyes. He switched the gear again to start driving.
"It was your brother, I guess? You know... just stop talking now, okay? Just... relax. Malapit na tayo sa inyo."
I bit my lip because he sounded so stressed out now. Wala na akong nagawa pa at nanahimik nalang dahil hiyang-hiya na ako sa nangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top