Chapter Thirty
Song: You Have My Heart- Emily Sage ft. Stephen Day
Someday
Nang matapos kami mag-breakfast agad naman kaming dumiretso sa Prater Amusement Park. Malapit nalang iyon dito at pupwede nang lakarin dahil nasa iisang street lang din naman.
Maaga palang at halos kabubukas lang ng park kaya kakaunti palang ang tao dito. Mas masaya siguro dito kapag gabi. But it's still good though dahil hindi lang naman rides ang mayroon dito. They also have a place where you can do some recreational activities.
Archer and I both decided that we'll try the rides out later. I'm not sure if I will be able to try a lot since they all look so high and scary. But I'll try my best so he wouldn't think I'm KJ.
"Let's go to the park first. Shall we?" Aya ko.
Tumango siya at iginiya na ako papunta doon. He seems to know this place around. Siguro nga sa tuwing may lay-over siya, nakakapaglibot rin siya kaya pamilyar na siya sa lugar na ito.
"I'm sure Aya would like it here." Sabi ko habang inililibot ang mga mata sa amusement park.
Sobrang daming rides at games kaya sigurado akong matutuwa si Aya kung nandito lang siya. Kung may time lang siguro kaming magkakapatid, dadalhin ko sila at ang mga pamangkin ko dito. They'll love it here!
"I think so, too. She always tells me to bring her here. Noong plano ko na sana siyang dalhin dito, tsaka pa siya nagkasakit."
"Don't worry. Aya will get better soon. And by the time that happens, you'll finally be able to bring her here with you."
"Will you be with us when that happens?" he asked.
Nilingon ko siya at tiningala. Ngumisi ako. Mukhang gusto ata ako kasama ah?
"Depends on my schedule. But I would love to."
Tumango siya at bahagyang tumawa. Sinulyapan ko siya at nakitang hindi nawala ang maliit na ngiti sa kanyang labi.
Is that him lowkey telling me that he really wants to be with me? Naalala ko iyong ganti niya sa pang-aasar ko noon. Akala ko biro lang iyon pero ngayong parang inaaya niya ulit ako sa sumama sa kanila kapag gumaling si Aya, pakiramdam ko seryoso siya doon.
Marami akong nakitang nagjo-jogging at nagba-bike nang makarating kami sa garden. Naupo naman kami ni Archer sa isang malilim na lugar malapit sa puno.
"Here put this on your lap." sabi ni Archer matapos niyang hubarin ang suot na trench coat. He pushed it further towards me.
I look at him hesitantly. "Okay lang? Baka madumihan 'yang coat mo, e."
He nods his head and smiled a bit to reassure me.
"It's okay. You're wearing a skirt so..."
Ngumuso ako at pumayag nalang sa gusto niyang mangyari. After I put his coat over my lap, Archer shifted and moved closer to me.
Agad na kumalabog ang puso ko nang maramdaman ko kung gaano siya kalapit sa akin. I gulped. Sinulyapan ko naman siya at wala namang napansing kakaiba sa kanya.
In fact, he's just sitting comfortably beside me. Nakataas pa ang kanang paa habang nakapatong ang isa niyang kamay sa kanyang tuhod.
Goodness, Felicity! Keep yourself together!
I sighed. Sinubukan ko nalang na hindi na magpaapekto pa.
We were sharing a peaceful air between us when a group of joggers passed by in front of us. Agad na umangat ang kilay ko nang makita na ang iilan sa kanila ay walang saplot sa katawan.
Bago ko pa maiwas ang tingin ko ay iniharang na ni Archer ang kanyang palad sa aking mata. Agad akong napalingon sa kanya at hindi makapaniwala siyang tiningnan. I couldn't help but chuckle.
"Hindi naman ako tumitingin..." sabi ko.
"Just to be sure." sabi niya sabay kibit ng balikat.
Tumawa akong muli at sumandal na rin sa sangay kung saan rin siya nakasandal. I was about to close my eyes to feel the fresh and peaceful air when suddenly, my phone rang inside my bag.
Napaahon ako at binuksan ang bag ko upang tingnan kung sino iyong tumatawag. I already informed my parents about my destination today. Syempre hindi ko sinabi sa kanila kung sino ang kasama ko. Baka kapag nalaman ni Daddy, lalo pang mang-hinala sa akin iyon at tuluyan nang gumawa ng teorya.
"Uh, sorry I have to take this." sabi ko nang makita kong si Carmela ang tumatawag sa Facetime.
"Sure."
Tumayo ako at inabot sa kanya ang trench coat niya. Bahagya akong lumayo sa pwesto namin upang sagutin ang tawag ni Carmela.
"Hey."
"Hi, Fel! How are you doing?" she sounded bored. Base rin sa background niya, mukhang nasa library sila.
"I'm doing great. You? Nasaan ka?"
"At the library. Nag-aya kasi sila na mag-aral daw. E, kaso kanina pa kami dito at tinatamad na ako."
"Edi umuwi ka na. Doon ka nalang mag-aral."
"Eh! Boring!"
Hindi ko maiwasang matawa sa kanya. Talaga bang tumawag pa siya sa akin sa Facetime para lang talaga may makausap dahil bored siya.
Typical Carmela...
"Ikaw, Fel? Saan ka naman ngayon? Kita ko mga post mo ah? Dami mo na atang napupuntahan. Ganda diyan!"
"Oo nga, e. Madami na ring akong napuntahan dahil kay Ate Stella marami kasi siyang alam na tourist attractions na magaganda dito, e. And I'm currently at the Prater Amusement Park."
"Amusement park? Mag-isa ka lang?"
Bumuka ang bibig ko. And suddenly, I don't know what to say! Nanatili lang naman siyang nakatingin sa screen, naghihintay na sumagot ako.
Sabihin ko ba na hindi ako mag-isa at kasama ko si Archer? Pero baka humaba lang lalo ang usapan at baka 'di na rin matapos 'to. Sigurado akong mang-iintriga 'tong si Carmela sa oras na malaman niya. At isa pa... may tamang panahon rin naman para sabihin sa kanya. Hindi nga lang ngayon.
"U-Uh, oo... Mag-isa lang." palusot ko.
"Really? How sad! You're single and now roaming around the city alone. Why don't you try to loosen up? I mean... you're in Europe. A place where kissing is normal..." makahulugan niyang sinabi.
Carmela wiggled her brows on the screen like she's suggesting me something provocative. I rolled my eyes playfully at her.
"Bad influence ka talaga." I said and chuckled lightly.
"Anong bad influence? I'm just telling you the truth, Fel. You're single and you're in Europe. Maraming hot daddies diyan na pupwedeng mauwi!"
"I'm not here for that!"
"But at least try! You're trying to move on from Lucas, right? This is your best chance! You're in Europe, Fel! Hello?! Uso diyan no strings attached."
I glared at her. She must be really, really bored to be suggesting things like this.
"'Yang nasa likod mo, mukhang pwede 'yan. Mukhang hot daddy!"
May kung anong tinuro si Carmela sa likuran ko kaya ako na napabaling doon. My eyes immediately widened when I realized that she was referring to Archer!
Archer obviously have no idea that he's part of our conversation now, remained seated and unbothered against the tree. Nang dahil doon agad kong inilayo ang camera doon para hindi na siya mahagip pa.
"Baliw ka talaga, Carmela!" saway ko sa kanya.
Mahina siyang tumawa at mukhang nag-tagumpay siya sa planong asarin ako.
"'Di ba? Mukhang hot daddy kahit gilid palang! Try mo nga sunggaban, Fel. Sige na oh! Pasalubong mo na sa akin 'yon."
Pinandilatan ko siya ng mata. I can't with her anymore! At isa pa, wala ba siyang ibang kasama diyan? Paano niya nagagawang mag-sabi ng mga ganoong bagay nang hindi nahihiya?
"You know what, Carms, I have to go. Tsaka nalang tayo mag-usap ulit kapag wala na ako sa labas."
Ibababa ko na sana ang tawag nang pigilan niya naman ako.
"Oh! Wait lang! Actually, I also have something to tell you."
I raised a brow. "What is it?"
"Alex and I are kind of... trying to work things out between us. I mean, I know it's not important but I just want you to know since you're not here and you're obviously not seeing how close we got ever since we were given a break. So... I'm telling you now so you wouldn't be surprised to see us when you get back."
Bumuka ang bibig ko at bahagyang nagulat sa sinabi niya. Hindi ko naman inaasahan na may biglang ganito siyang sasabihin. Akala ko ang pakay niya lang talaga kaya siya tumawag ay dahil bored siya at gusto niya lang akong asarin.
"Really? That's great! You obviously like each other so... it's okay! I'm happy for you."
"Me, too," she smiled. "So... 'yun lang! Enjoy your stay! Malapit ka nang bumalik kahit hindi mo na ako uwian ng hot daddy, humalik ka lang ng isa, okay na ako."
Ang ngiti ko naman sa kanya ay agad na napalitan ng panunuya sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin habang pinapanood siyang natatawa sa reaksyon ko.
Nang ibaba na niya ang tawag, agad naman akong bumalik sa pwesto namin ni Archer kanina at inaya na siyang mag-libot. I seriously can't look at him straight in the eyes again after that conversation with Carmela.
Ugh! Damn her! Wala tuloy ibang nasa isip ko kung hindi ang suggestion niya!
It's so ridiculous! Why would I even do that? Yes, kissing may be normal here in Europe but I'm not European to do that!
Sa dami ng tumatakbo sa isip ko, hindi ko na namalayan pa na inaaya na pala ako ni Arched sa isang ride. I agreed because my mind is elsewhere and I guess, this ride might help me bring myself together again.
Hindi naman ganoon kalala ang unang ride na sinubukan namin. It was funny looking at Archer while he's on the ride because he looks like a giant who just wants to enjoy. Kanina ko pa siya tinatawanan at panay pabirong irap ang iginagawad niya sa akin.
Kung hindi naman pag-sakay sa rides ang ginagawa namin, inaaya ko naman siyang mag-laro ng carnival games. He's good at everything though. Dahil halos lahat ata ng subukan naming laro, lagi siyang may naipapanalo.
Nang i-abot sa kanya noong lalaki ang napalanunan na maliit na teddy bear, ibinabot niya ito sa akin.
I scoff. "Just give it to Aya. I'm sure she would like it more."
Tiningnan niya ang bear at tumango. "Yeah, I'm pretty sure she would like another bear from you. But this time... with no recorder inside."
I immediately glared at him when he mentioned that damn recorder again. Mukhang masaya pa ata siya sa naging reaksyon ko dahil napahalakhak siya.
Umiling nalang ako at ngumisi bago kami magpatuloy sa pag-lilibot sa park. We were casually looking for another game or ride to try when Archer pointed at the ride called Mega Blitz.
"Let's try that!"
Sinulyapan ko siya at hindi maiwasang matawa sa reaksyon niya. He looks like a child whose super excited to try another ride. Dahil natuwa ako sa kanya, pumayag ako kahit wala akong ideya kung gaano ba nakakatakot ang ride na ito.
I'm not really a fan of roller coasters. Sa tuwing nagpupunta kami ng mga kaibigan ko noong High School at College sa EK, hindi pupwedeng wala akong kasama o katabi sa ride na iyon.
"Is the... seating position... really like that?" I couldn't help but ask the woman assisting us when I saw how we're supposed to be seated when we take this ride.
Dalawang tao ang kakasaya sa iisang pwesto ng ride na ito. Hindi kagaya sa EK na pupwedeng katabi mo ang kasama mo, dito mauupo ka sa gitna ng hita niya! It's like we're riding jungle log jam here!
I don't know what to say especially now that I couldn't process the fact that I have to ride this with Archer while I'm seated in between his legs.
"If you don't want to seat here, it's okay. There's a vacant seat behind me-"
"No!" Agap ko. Nagulat naman siya.
"I mean... I'm scared and I can't ride this while seating alone. It's okay... I-I'll just s-sit in b-between... you." nauutal-utal kong sinabi.
I shut my eyes when I realized how nervous I sounded. Archer nods his head casually and moved a bit to give space for me.
Inalalayan naman ako noong babae habang nauupo ako sa gitna ng binti ni Archer. Napalunok ako.
Okay, calm down, Felicity! This is just a ride!
May kung anong gear na ibinaba ang babae upang masiguro na protektado kami ni Archer sa ride na ito.
"Hold on tight in here and enjoy!" sabi niya sabay tinuro ang itim na steel kung saan pupwede kaming kumapit ni Archer.
Sa tingin ko hindi ako sa ride kinakabahan kung hindi sa pwesto namin, e. Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay na mag-umpisa itong sinasakyan namin.
Kung awkward na noong naupo ako sa gitna ng hita niya, mas lalo na ngayon na papaakyat na ang roller coaster. Halos nakahilig na ang likod ko sa dibdib niya dahil sa ayos namin ngayon. Pilit ko mang inilalayo bahagya, pilit parin akong nadidikit sa dibdib niya dahil sa taas na tinatahak nitong sinasakyan namin.
Noong oras na bumagsak na kami, wala akong humpay na sumigaw. It didn't even look scary when I was watching the people behind us! But now that I first handedly experienced it, it was scary as hell!
"Ahhh! Archer! What the hell did you put me into?!" puro gano'n nalang ata ang naging sigaw ko habang mabilis na umiikot ang ride.
Sa gitna ng ingay ng sinasakyan namin, narinig ko ang paghalakhak niya. Nanatili akong nakapikit dahil hindi ko ata kakayanin kung makikita ko kung gaano kataas ang pagbabagsakan namin.
After this ride, I'm surely never going to ride another roller coaster ever again!
I tried to catch my breath when the ride finished. Mukha siguro akong dinaanan ng bagyo dahil sa itsura ko. My hair got all frizzed up and my breron hat almost fell when the roller coaster took its turn.
Buong mag-damag ata na isang kamay lang ang nakakapit doon sa itim na steel dahil ang isa kong kamay, nakahawak sa ibabaw ng ulo ko para masigurong hindi liliparin ang breton hat na suot ko.
"That was so scary..." sabi ko habang hinahabol ang hininga nang makababa na kami ni Archer.
Tumigil ako sandali at saglit na inalis ang suot kong breton hat upang punasan ang kakaunting pawis na namuo sa noo ko. I fanned myself using my hat.
"I'm never going to ride that thing anymore."
Ngumisi si Archer at nag-pigil ng tawa.
"Are you okay? I'm sorry if it scared you. But it's fun, right?"
I sneered at him. Nag-tanong kung okay lang ba pero nakangisi? Ano kaya 'yun?
"Fun? Yeah." I said sarcastically and pointed at my tangled hair. I rolled my eyes at him.
Pumikit ako at nagpatuloy sa pagpaypay ng sarili habang nakasandal sa barricade. Ilang segundo ang nakalipas ay naramdaman kong may sumikop ng buhok ko at sinubukang suklayin ito gamit ang kanyang daliri.
I opened my eyes in surprise to watcher Archer untangle my hair. Bumuka ang bibig ko dahil hindi ko inasahan ang ginawa niya.
Sa halip na patigilin siya ay hinayaan ko siya sa ginagawa niya. Napakurap ako habang pinapanood siyang seryosong sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.
Sumulyap siya sa akin. Sa halip na ilubay na ang kanyang tingin sa akin at ituon itong muli sa buhok ko ay nanatili ito sa mga mata ko.
My heart starts beating faster when I noticed that his gaze when down to my lips. Agad na sumagi sa isip ko iyong suggestion ni Carmela.
Oh my god, Felicity! Talagang naisip mo pa 'yun?!
He clenched his jaw and licked his lower lip before his moves his eyes back into mine again. Hindi ko magawang iiwas ang tingin sa kanya lalo na't parang hinihala ng mga labi niya ang mga mata ko na tumingin doon.
When I could no longer hold myself back, my eyes went down to his now wet and pinkish lips. Habang nakatingin ako sa labi niya, parang narinig ko ang boses ni Carmela.
How sad! You're single and now roaming around the city alone. Why don't you try loosing up? I mean... you're in Europe. A place where kissing is normal...
If that happens, I don't think I'll be able to sleep soundly tonight.
Inangat kong muli ang tingin kay Archer. His eyes never left mine. Bahagyang umangat ang kilay niya na para bang nag-papaalam siya kung pupwede niya bang ituloy ang ninanais niyang gawin.
Instead of answering him, I just gulped and braced myself for it.
Walang humpay sa lakas ang pagkabog ng dibdib ko habang pinapanood siyang unti-unting yumuyuko para ilapit ang labi sa akin.
I was about to close my eyes when I heard a group of friends excitedly approach the ride's both. Sa gulat ko ay agad kong naitulak si Archer palayo sa akin at napaayos ng tayo.
I cough to make up an excuse that it was nothing. Napakurap ako at sinulyapan si Archer na nakatingin lang sa kanyang paa habang hinihilot ang kanyang batok.
What the hell was that?
"U-Uh... t-tara na." I said awkwardly.
Agad naman siyang tumango at nag-simula nang mag-lakad nang hindi tumitingin sa akin. I tried to calm myself down and fix my hair before I followed him from behind.
The next hours with him were either quiet or awkward. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang mag-open man lang ng topic para may mapag-usapan kaming iba at hindi na tuluyang kainin ng kahihiyan.
Pero kahit siguro pag-buka lang ng bibig, nagkakahiyaan na kami.
Damn it! We almost kissed! And I didn't even try to stop him because Carmela's voice keeps on repeating inside my head! And also... there's this annoying voice inside of my head that says that I should go for it! That I should... let him kiss me...
Tahimik lang kaming naglalakad ni Archer. Wala parin ni isa sa amin ang nagtatangkang mag-salita kaya naman humugot ako ng malalim na hininga. Our trip can't go on like this. I know what happened a while ago was awkward. Pero ano naman?!
Gaya ng sabi ni Carmela, normal lang daw iyon mangyari dito sa Europe. And me pushing him away was just an automatic reaction since a group of teens suddenly entered the scene. Normal lang naman iyon dahil nagulat ako! Hindi naman ibig no'n sabihin na ayaw ko...
Wait. What?!
I groaned and approached Archer. Napabaling siya ng tingin sa akin nang makitang sinabayan ko na siya sa paglalakad. I tried to smile at him despite how awkward it already is.
"Let's go to the Ferris Wheel!" aya ko sa kanya nang mahagip ng mata ko iyon.
He nods his head. Agad rin naman siyang sumunod sa akin.
When we reached the ride, we immediately paid for it at the booth. Nauna akong sumakay at sumunod naman si Archer. Agad kong inilibot ang tingin sa kabuuan ng ferris wheel. It doesn't look like a typical passenger car because it's spacious and there's no chair that we could sit on.
I squealed a bit when the ride started moving. Mabagal lang ang andar nito at hinintay kong makarating kami sa tuktok bago ako sumilip sa labas upang tingnan ang kabuuan ng Vienna.
"Wow! This place is so nice!" I couldn't help but exclaim as I look outside the Ferris wheel.
Naramdaman ko ang paglapit ni Archer upang makitanaw na rin sa labas. I glanced at him to see him looking outside the Ferris wheel. But instead of looking at the beautiful scenery, he was looking at me.
Napasinghap ako at agad na nag-iwas ng tingin sa kanya. I scoff nervously.
"Ang ganda ng tanawin sa labas, bakit sa akin ka nakatingin?" I asked casually.
Nagpakawala muna siya ng malalim na hininga bago bahagyang tumawa. Sinulyapan ko siyang muli. Mabuti naman at diretso na ang tingin niya sa labas at hindi sa akin. Baka kung magpapatuloy siya sa kakagano'n, mapapansin niya kung gaano na naman kabilis ang tibok ng puso ko.
"Felicity, about what happened a while ago-"
Natigilan si Archer sa pag-sasalita nang marahas akong bumaling ng tingin sa kanya.
"It's okay," agap ko. "Wala lang 'yon."
"I know but-"
"Let's not, you know... think about it anymore?" I chuckled lightly. "I mean, it's really fine. Baka gawa lang din 'yon ng emosyon kaya..."
I laughed nervously again and looked outside. Hindi ko alam kung bakit ganitong klaseng kaba ang hatid sa pagitan namin ni Archer. Alam kong may mga oras na nakakaramdam ako ng kaba pero hindi ganito. This one is different.
"I just want you to know that I mean that."
My brows rose. Nagugulohan ko siyang tiningnan.
"T-The what?"
"At that moment... I know that kissing you was something I wanted to do."
Sa oras na iyon ay hindi ko na napigilan pa ang sarili na ipakita sa kanya na gulat na gulat ako sa nangyayari. Napakurap ako at nangapa ng salita. Hindi ko alam kung ano ba ang pupwede kong isagot sa sinabi niyang iyon.
Habang hindi makapaniwala akong nakatingin sa kanya, siya naman ay seryosong nakatingin sa akin.
"I like you, Felicity." He said firmly.
My eyes widened. How come that this escalated so quickly? Hindi naman ako naging handa sa pag-amin niya. At mas lalo kong hindi alam na may ganyan pala siyang nararamdaman sa akin! Paanong hindi ko nagawang mapansin iyon?
"I'm not saying this because I know you're now trying to get over Lucas but I'm saying this to you because I think you also deserve to know."
I scoffed amusedly. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at itinuon ito sa buong tanawin, sinusubukan na paniwalain ang sarili na totoo ang lahat ng ito. Na umamin si Archer sa akin. Na hindi ako nananaginip.
So... ganito pala ang pakiramdam no'n? Ganito pala ang pakiramdam kapag nasuklian ng taong gusto mo iyong nararamdaman mo. Pakiramdam ko maaalis ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang tuwa.
I don't know how to explain this feeling between us. All I know is that I like it. It felt silly and unexpected at some point but... it also feels good.
"And I know that we're only friends but I grew admire you for being so kind hearted and thoughtful. I didn't just like you because of that but I grew to like you because you're the only person who always asks if I'm okay..." he whispered.
"So, yeah... I just thought of telling you this before I leave tomorrow because I can't keep on keeping this to myself. The more that we spend time together, the harder it gets for me to control my feelings for you," he continued. "I know you're still in the process of forgetting what you felt for Lucas and I hope that you'll stop chasing the stars that isn't meant to be yours, Felicity. Find your own sky and love the one you're under. And by the time that you've found it... I'll wait for you. I'll wait until we're looking under the same skies."
I turn to look at Archer again. I look at him gently this time, a small smile slowly forming on my lips. Kahit na alam kong hindi naging ganoon kadali para sa kanya ang ginawa niyang pag-amin ay nagawa niya parin akong ngitian.
"I just hope that this won't make things awkward between us again because I-" I cut him off by pulling the nape of his neck so I could press my lips into him.
Ramdam ko na bahagya siyang nagulat sa ginawa ko. Hindi ba't ito rin naman ang gusto niyang gawin kanina? Ginawa ko na dahil ito rin naman ang gusto kong gawin ngayon.
He immediately started kissing me back as soon as he realized what was happening. He snaked his arm around my waist to pull me closer. I smiled. I closed my eyes and continued kissing him as if this was the most beautiful thing that I've experienced.
Our kisses were gentle and sweet. Archer angled his face so he could get a better access of my lips. I hooked my other arm around his neck and tip-toed a bit so I could kiss him deeper. Mas humigpit naman ang pagkakahawak niya sa akin.
Our lips moved in sync. Sa oras na iyon, parang nawalan na kami ng pakealam sa aming paligid. Archer and I kissed longer than we should have. Hindi na namin napansin na tumigil na pala ang ride. Kung hindi pa siguro umubo iyong personnel baka hindi na namin mamamalayan.
We both parted from the kiss but we never let go of each other as we turn to look at the boy who's awkwardly standing there in front of the ride.
"The ride just finished." He informed us as if we weren't aware of that.
I scoffed and looked at Archer again. Agad na gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi ng magkatinginan kami.
"Alright, we'll leave." Sabi ni Archer nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
I smiled back at him. I wasn't exactly sure when or how it happened and why I suddenly have this feeling for Archer. All I know is that I'm sure about his even though I was scared to fall at first. I just don't want the same to thing that happened with Lucas to also happen with him.
And I'm glad... because finally... I found the person who feels the same way. Maybe the love I've given away with Lucas suddenly find its way back to me so I could share it with Archer. But this time, it was deeper, more intense, and true.
Archer was the someday I thought would never come.
I don't know whatever the hell we are at this point. But the only thing I'm sure of is that... Archer already has my heart.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top