Rainbow 7 : Violet
RAINBOW 7 : VIOLET
NGAYON LANG ako naniwala sa mga katagang, 'kung kailan wala na saka mo lang mare-realize ang worth nito sa iyo' at 'nasa huli ang pagsisisi'. After that painful night, marami ng nagbago. Sa amin ni Geoff, to be specific. Especially the way on how we treat each other. Hindi ko alam pero mukhang burado na ang pagkakaibigan naming dalawa. Sa mga ikinilos niya kasi nitong mga nakaraang linggo, iyon ang naramdaman ko. Malalang hindi pagpapansinan kasi ang namagitan sa amin.
Right after the graduation, sumama na 'ko kina mama sa probinsya. Masyado na akong maraming masasakit na alaala na naipon sa Manila kaya ayaw ko ng dagdagan pa iyon. Hindi naman na nagtanong ang mga kaibigan ko kaya sa tingin ko ay tama lang talaga ang aking desisyon. Isa pa, alam ko rin naman kasing wala akong masasagot na matino sa kanila kaya nagpapasalamat ako at hinayaan lang nila ako.
Ilang linggo ko rin bang iniwasan si Geoff matapos ang insidenteng nasaksihan ko? Hindi ko na matandaan. At ayaw ko ng alalahanin pa ang bagay na iyon. Masyado kasing mabigat sa pakiramdam. Baka tuluyan na akong bumigay kapag nagkataon.
Hindi lang din si Geoff ang pinoproblema ko nitong mga nakaraang linggo. Pati na rin ang iba kong mga kaibigan na sina Jamil, Ken, at . . . Kaizer. Mabuti nga at naintindihan ni Jamil at Ken ang sitwasyon namin ni Geoff. Hindi na rin sila nakialam pa at hinayaan na lang kaming dalawa na ayusin ang kung anumang namamagitan sa amin. Ang kaso . . . hindi naman na naayos. At mukhang hindi na maaayos pang muli. Tapos si Kaizer? Ayon, iniwasan na rin ako. Sinubukan ko naman siyang kausapin pero mukhang ayaw niya talaga at siya na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi na kami magkita pang muli. Kaya nga grabe ang bigat na nararamdaman ng dibdib ko ngayon dahil dalawang importanteng tao ang nawala sa buhay ko.
Sa mga problemang dumating sa akin, hindi ko inaasahan na makaka-graduate pa ako on time. Sa totoo lang, inihanda ko na ang sarili kung sakaling kailangan kong mag-aral ng isa pang taon. Pero mukhang mabait sa akin ang tadhana dahil nga pina-graduate niya pa rin ako kasabay ng mga kaibigan ko.
Buong graduation ceremony nga, si Geoff lang ang laman ng isipan ko. Gusto ko siyang kausapin . . . one last time. Gusto ko kasing magkaayos pa kami. Maging civil man lang. Pero mukhang malaki talaga ang galit niya sa akin dahil pagkakuha niya ng diploma, dali-dali rin siyang umalis. Ni hindi niya na nga sinabay ang kanyang mga magulang. Nagmamadali kasi talaga siya. Mukhang may importanteng lakad. Baka tungkol kay Aby. Tutal nakakapagtaka na hindi um-attend si Aby sa graduation niya.
Nagkabalikan na kaya talaga sila?
"Jeff, anak . . . ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala, a. May problema ba?"
Naputol ang malalim kong pag-iisip nang kalabitin ako ni Mama. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ng uncle Joel ko papunta sa probinsya namin sa Ilocos. Si papa ang kasalukuyang nagda-drive at nasa tabi nito si uncle na mukhang kapalitan niya mamaya. Habang katabi ko naman si mama.
"Wala lang 'to, 'Ma. Napagod lang po ako siguro," pagdadahilan ko na mukhang pinaniwalaan naman nilang lahat.
"O siya, magpahinga ka na muna. Gigisingin ka na lang namin kapag nasa bahay na tayo," pagsasalita naman ni Papa.
Hindi na ako sumagot at ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Kaya lang . . . wrong moved pala. Sa pagpikit ko kasi, imahe ni Geoff ang agad na sumilay sa akin. At sa muling pagkakataon, puno ng what ifs ang laman ng utak ko. Marami-rami pa nga ang mga tanong na pilit kong hinahanapan ng kasagutan ngunit tumigil na ako dahil bukod sa sumasakit na ang ulo ko, lalo lang bumibigat ang dibdib ko. Hindi ko na talaga kaya. Baka kasi sumabog na lang ako bigla.
Ano ba 'tong ginawa mo sa akin Geoff?
***
Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang dahan-dahang pagyugyog sa aking balikat. "Jeff, gising na. Nandito na tayo."
Pagmulat ng aking mga mata, mukha agad ni mama ang bumungad sa akin. At walang anu-ano na binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahil muntikan niya pa kong maitulak palayo. Mabuti na lang mahigpit ang pagkakayakap na ginawa ko.
"Ikaw bang bata ka, may problema ka ba talaga na hindi mo sinasabi sa akin? Baka naglilihim ka na sa amin, a. Lalong-lalo na sa akin, Jeff," seryosong sambit niya.
Natigilan naman ako at na-istatwa ng ilang segundo. Baka naglilihim ka na sa amin, a. Iyan ang mga salitang paulit-ulit na sumasaksak sa aking puso. Hindi pa nga pala alam ng mga magulang ko ang tungkol sa tunay kong sekswalidad.
Argh! Dumagdag na naman 'to sa mga kailangan kong isipin.
Paano ko sasabihin na hindi ako tunay na lalaki at isa akong bisexual? Paano ko sasabihin na hindi lang babae kundi pati lalaki ang nagpapatibok nitong puso ko? Paano?
Paglingon ko sa paligid, nakababa na pala silang lahat. Ako na lang ang mag-isang naiwan sa sasakyan at hinihintay nila.
'Congratulations, Engineer Jeff Santillan!' Ang tarpaulin na bumungad sa akin pagbaba ko ng sasakyan. Agad kong tinawag si mama na hindi pa tuluyang nakakapasok sa loob.
"Bakit, 'nak, may problema ba?" tanong ni mama paglapit niya sa akin.
"'Ma, hindi pa po ako ganap na Engineer. Kailangan ko pa pong mag-take ng board exam," nahihiya kong sabi sabay turo sa tarpaulin.
"A, 'yan ba? Ang papa mo ang nagpagawa niyan. Doon din naman daw ang punta mo. Magiging Engineer ka rin naman daw," aniya sabay ngiti. "At naniniwala ako sa papa mo, 'nak. Magiging Engineer ka naman talaga kahit ilang board exam pa ang i-take mo."
Hindi ko na napigilan ang sarili at napangiti na ako sa sinabi ni mama sabay yakap sa kanya. "Salamat, 'Ma. Salamat po sa pagtitiwala."
***
Hindi naman gaano karami ang bisita namin ngayon. Bukod sa kaunti lang ang mga kapitbahay namin, wala rin naman kaming masyadong kamag-anak. Halos nasa ibang bansa na kasi ang lahat. Kaya lubusan talaga akong nagtataka kung bakit ang daming pagkaing inihanda ngayon. Kung tutuusin, biglaan nga lang 'to. Dahil ang buong akala nila mama, sa Manila kami magse-celebrate.
Katatapos ko lang kumain at dumiretso agad ako sa kuwarto. Kaya naman na siguro nina mama at papa i-entertain ang mga bisita nila.
Paghiga ko sa kama, kung anu-ano na naman ang pumasok sa aking isipan. Napuno na naman ako ng tanong sa sarili. Mga tanong na kahit anong pag-iisip ko, wala talagang matinong kasagutan.
"---at kung hindi ko kaya siya paulit-ulit na pinalayo, magkasama kaya kami ngayon?"
Natawa ako sa huli kong naisip. Mukhang dadagdag na kami ni Geoff sa mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana.
Masakit . . . pero kailangang tanggapin. Naniniwala naman kasi akong may rason ang lahat.
"Jeff, 'nak . . ." Napatingin ako banda sa pintuan nang marinig ko ang boses ni mama habang kumakatok.
Dali-dali na akong tumayo nang tuloy-tuloy na ang pagkatok niya. "Sandali lang po," sabi ko bago naabot ang doorknob at pinihit ito.
"Bakit, 'Ma? May kailangan ka po ba?"
"Nandiyan na iyong mga kaibigan mo."
Awtomatikong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mga Kaibigan? Ko?
"'Ma, tama po ba ang dinig ko? Mga kaibigan ko?" Tinanguan lang ako ni mama bilang tugon. "Sino pong mga kaibigan?"
Sa pagkakaalam ko kasi, iyong mga kaibigan ko rito sa probinsya ay nasa Manila rin at doon nag-aral. Wala na nga akong balita sa iba, e. Bihira na lang din kasi kaming makapag-usap-usap dahil madalang na rin ang paggamit ko ng Facebook.
"Sila---" Hindi ko na narinig ang sinabi ni mama dahil sa biglang sumigaw mula sa sala.
"Hoy, Jeff, pare! Babain mo naman kami rito. Nag-effort pa kaming bumiyahe para sa iyo, o."
Boses ni Ken!
"Tumahimik ka nga, Ken! At mahiya ka naman sa pamilya ni Jeff."
Shit. Boses ni Jamil!
Totoo ba 'to? Nandito sila? Sa Ilocos? Teka . . . posible kayang . . . nandito rin siya?
Dahil sa naisip, dali-dali na akong bumaba. Muntik pa akong madulas sa hagdanan dahil sa pagmamadali. Pero pagpunta ko sa sala, sina Jamil at Ken na ngiting-ngiti lang ang bumungad sa akin.
"Ay, disappointed?" natatawang tugon ni Ken. "Sabi sa iyo, Jamil, hindi tayo ang gustong makita ni pareng Jeff, e. Tara na nga---"
Hindi na natapos ni Ken ang pagsasalita niya dahil bigla siyang siniko ni Jamil.
"Ikaw, kanina ka pa, a. Hobby mo ba ang saktan ako? Isa na lang at kakasuhan na kita ng physical injury.
Sa sinabing iyon ni Ken, natawa na lang ako na sinabayan na lang din ni Jamil.
"Mga siraulo! Nagulat lang ako na nandito kayo. Hindi ko . . . ini-expect," seryoso kong sabi bago sila pinaupo.
"Weh? O, baka naman nagulat ka kasi hindi namin kasama si Geoff," pang-aasar na sambit naman ni Ken.
"Hindi, a!" depensa ko sa mahinang boses.
"Don't worry, Jeff, alam naman naming may gusto kang makita, e. Kaya naman sinama na namin siya," nakangising sabi ni Jamil.
Literal na nanlaki ang aking mga mata. Tama ba ang dinig ko? Sinama nila siya? Si Geoff---
"Kainis, na-corner agad ako."
Natigil ako sa pag-isiip nang makita ko kung sino ang pumasok at nagsalita.
"O, pareng Kaizer! Saan ka ba galing? Bakit bigla kang nawala?" ani Ken.
"Naharang ako ng mga nag-iinom sa labas, e. Pina-shot pa muna ako," tugon naman ni Kaizer.
T-Teka . . . ano bang nangyayari? Totoo ba 'tong nakikita ko? Si Kaizer ba talaga 'tong nakatayo sa harapan ko? Pero . . . paanong magkakilala silang tatlo?
"O, Jeff . . . natulala ka na---" Hindi ko na siya pinatapos na magsalita at dali-dali ko na siyang yinakap.
Sobra ko kaya siyang na-missed! Akala ko kasi hindi na ulit kami magkikita pa at magkakausap.
"Ay, grabe. Bakit may yakap si Kaizer, kami wala? E, mas matagal mo naman kaming kaibigan, 'di ba?" komento ni Ken sa kalagitnaan ng pagyayakapan namin.
Dahil doon, sabay-sabay na naman kaming tumawa. Kahit kailan talaga 'tong si Ken, o.
Pagkadala ni mama ng pagkain sa amin, agad nilang ikinuwento kung ano ba talaga ang nangyari at nandito sila tapos kasama pa nila ang kaibigan ko . . . na kaibigan na rin pala nila.
One week before the graduation, kinausap na pala nila sila mama. Naisip na raw kasi nila na baka nga umuwi raw ako rito sa Ilocos. Kaya nagsabi sila kung puwede raw pumunta. Hindi sinabi sa akin ni mama dahil nga surprise daw (ayon kay Ken). Tungkol naman kay Kaizer, nakilala raw nila ito nang minsang nakita nila ako na sinusubukang kausapin siya pero hindi ako pinapansin. Akala raw nila boyfriend ko na niloko ako kaya kinausap nila. Muntikan na nga raw nilang mabugbog, e. Pero ayon, doon nagsimula kaya naging kaibigan na rin nila si Kaizer.
Pero kahit nandito sila, para pa ring may kulang. Alam kong may kulang. Hindi ko rin alam kung sinasadya ba nilang hindi masali si Geoff sa usapan. Ayaw ko rin namang i-bring-up na lang bigla.
"O, natahimik ka. Miss mo na?" bulong ni Kaizer sa akin pagpunta sa kusina nina Jamil at Ken.
"Hindi, a," mabilis kong sagot sabay iwas ng tingin.
"Bakit, kilala mo ba kung sinong sinasabi ko?"
"H-Ha?"
Hindi na muling nagsalita si Kaizer dahil dumating na iyong dalawa.
"O, ano? Inom na tayo?" pagsasalita ni Ken.
"Ayos lang ba, Jeff?" tanong naman ni Jamil.
"Oo naman. Ano bang iinumin ninyo?" tanong ko. Nang titigan ako ng masama nung dalawa, agad akong nagsalita. "Natin pala. Ano bang iinumin natin?"
"Beer lang sa akin," sagot ni Jamil.
"Beer na lang lahat," ani Ken.
Tinanguan ko lang sila sabay tayo. "Sige, ako na lang ang bibili."
"Samahan na kita," mabilis na sambit naman ni Kaizer.
"Alam ninyo, bagay talaga kayong dalawa," pagsasalita ni Ken. Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata dahil baka marinig nila mama. "What?! May mali ba sa sinabi ko?" dugtong na tanong niya pa.
"Wala pero malapit na kitang masuntok," seryoso kong sabi bago lumabas ng bahay.
Naramdaman ko namang sumunod si Kaizer sa akin kaya binagalan ko ang paglalakad para makasabay siya.
"Saan tayo bibili?" pagbasag niya sa katahimikan.
"Sa tindahan," mabilis na sagot ko.
Minura niya naman ako kaya natawa ako na sinabayan niya na rin. Ewan pero na-missed ko talaga siya. Lalo na iyong tawa niya.
Muli kaming nabalot ng katahimikan habang naglalakad. Wala na rin kaming nabiling beer sa mga tindahan na nadaanan namin kaya nagdesisyon na lang kami na sa 7/11 bumili para sigurado.
"Sorry nga pala, a," muli niyang pagbasag sa katahimikan. "I should've not did that to you. Kasalanan ko kung bakit . . . kung bakit kayo nagkagulo ni Geoff."
"Ano ka ba, Kaizer, wala kang kasalanan. Walang may kasalanan, okay? Saka huwag na lang nating pag-usapan iyon. Ang importante, pinapansin mo na ako," natatawa kong sambit.
Hanggang sa makarating kami sa 7/11, kung anu-ano na ang pinag-usapan namin. Mga ganap noong mga panahong hindi na kami nag-uusap. Pagkatapos naming magbayad sa counter, agad din kaming lumabas.
At laking gulat ko na lang nang may biglang humarang sa amin.
"Puwedeng ako naman?" pagsasalita ni Geoff habang nakatingin kay Kaizer.
Ano bang nangyayari?!
***
Walang nagsasalita, walang kumikibo. Halos sampung minuto na rin ang nakalipas mula nang iwan kami ni Kaizer at nauna ng bumalik sa bahay.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero tatlo ang nangingibabaw: saya, kaba, at takot.
Ang dami kong gustong sabihin. Kanina ko pa rin gustong-gusto na magsalita. Pero kahit anong pilit ko, walang salita ang gustong kumawala sa aking bibig. Tanging paglunok lang ng laway ang nagagawa ko sa mga oras na 'to.
At para mawala ang kaba, tahimik ko na lang na binibilang ang mga dumadaan na tricycle sa tapat namin. ". . . 26 . . . 27 . . . 28---"
"Um, Jeff . . ."
Sa wakas, nagsalita na rin siya.
"Hmm?"
"I don't know how and where to start," aniya. "I know that my sorry wasn't enough---"
"Geoff, can we not talk about the past? Ang gusto ko lang ay sagutin mo ang tanong ko."
"S-Sige. Ano ba iyon?"
"Anong status ninyo ni Aby?"
Hindi ko alam kung tama bang tinanong ko ang bagay na iyon. Para kasing biglang ayaw ko nang marinig ang sagot. Natatakot ako. Paano kung nagkabalikan nga sila? Ano ng mangyayari? Kaya ba siya nandito para magpaalam? For closure, gano'n ba? Tangina naman kung gano'n!
"We're not back together, Jeff." Nakayuko ako habang hinihintay ang sagot niya at nang marinig ko iyon agad akong napatungo.
Sa muling pagkakataon, nagtama ang aming mga mata. "What do you mean, Geoff?"
"Hindi kami nagkabalikan katulad ng iniisip mo. Iba na ang mahal ko katulad ng sabi ko noon," aniya. "Ikaw na, Jeff. Ikaw na iyong ang mahal ko."
"Geoff . . ."
"And please, don't push me away anymore. Hayaan mo naman akong patunayan ang pagmamahal ko sa iyo. Hayaan mo namang iparamdam ko sa iyo kung gaano kita kamahal."
Naiiyak ako. Sa mga sinasabi niya, napapaisip na lang ako kung deserve ko ba talaga ang isang tulad niya.
Buong buhay ko, wala pa akong natatandaan na nag-risk ako sa isang bagay. Natatakot kasi ako. Natatakot ako sa mga posibilidad na mangyari kapag nag-risk ako. Hindi naman ako natatakot masaktan. Ang kinakatakutan ko ay ang paulit-ulit na pagbasag ng aking puso. Ayaw kong mangyari iyon. Na bago ko makilala ang taong para sa akin, wasak na wasak na ako.
Hindi na ko nagsalita pa at tumayo na ako para bigyan siya ng yakap. "Salamat sa lahat, Geoff. Wala akong ibang masasabi ngayon kundi ang salamat."
"W-Wait, Jeff . . . do you mean---"
"Yes, Geoff. Nakapag-decide na ako. I won't push you anymore. Gusto ko rin namang magpaka-selfish kahit ngayon lang."
"Shit, Jeff. Hindi ko inaasahan 'to. Akala ko . . . Akala ko lalayo ka na naman sa akin."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon dahan-dahan akong bumitaw mula sa pagyayakapan namin.
"I love you, Jeff."
Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya sabay muling yakap nang mahigpit at bulong ng, "I love you too, Geoff."
***
Hindi mawala-wala sa labi ko ang ngiti habang pabalik na kami sa bahay. Dahil naiwan ko ang aking cell phone, si Geoff ang tinadtad ng text messages nina Jamil at Ken.
Doon ko nalaman na planado pala nila ang lahat at kasabwat pa ang mga magulang ko. Speaking of them, bigla na naman akong nabahala.
Malapit na kami sa bahay nang huminto ako sa paglalakad at nilingon si Geoff.
"Bakit, may problema ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Geoff, paano pala sila mama?" kinakabahan kong tanong.
Na-imagined ko na kasi ang magiging reaksyon nila. Lalo na si Papa. Natatakot ako. Ayaw kong bigyan sila ng iisipin pa.
"Don't worry, Jeff. Like what I've told you, planado na ang lahat. Just trust me," aniya sabay hawak ng aking kamay.
Nagtataka man at naguguluhan pero sumunod pa rin ako sa kanya. Nang ilang hakbang na lang at malapit na talaga kami sa bahay, pilit na akong bumibitaw mula sa pagkakahawak namin ng kamay pero masyadong mahigpit ang pagkakakapit ni Geoff.
"Geoff . . ."
Pagpasok namin sa gate, wala na sila papa at ang mga kainuman niya. Agad naman kaming sinalubong ni mama.
"O, mabuti naman at nandito na kayo," pagsasalita ni mama sabay lingon kay Geoff. "Akala ko tinanan mo na ang anak ko, e."
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabing iyon ni Mama pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagtawa ni Geoff.
A-Ano ba talaga ang nangyayari?
Nananaginip lang ba ako? Don't tell me . . . panaginip lang ang lahat ng 'to?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top