Rainbow 6 : Indigo

RAINBOW 6 : INDIGO

"JEFF, OPEN this goddamn door again. And please talk to me."

Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya. Sa ilang oras naming pagsasama kanina, ngayon ko lang narinig ang boses niya.

"Wala naman na tayong dapat pag-usapan, Geoff," mariin kong tugon.

Sinungaling, Jeff. Marami kayong dapat pag-usapan. Marami kang gustong malaman. Kanina mo pa siya gustong kausapin, 'di ba?

"Kung ayaw mo 'kong kausapin ng personal, sagutin mo na lang iyong tawag ko, puwede ba?" At on cue, nag-ring naman ang aking cell phone na nasa bulsa.

Tumatawag nga siya.

Nagda-dalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi, hanggang sa . . .

"Jeff naman! Gusto lang naman kita makausap, mahirap ba iyong hinihiling ko?"

Hindi ako sumagot. Pinili kong 'wag nang magsalita. Dahil natatakot ako sa maaari kong masabi, sa maaring lumabas sa aking bibig.

"Jeff, kahit ngayon lang naman, o. Parang awa mo na, talk to me. Kahit phone call lang. I really . . . I really need to talk to you, so please . . ."

After he said that, muling nag-ring ang cell phone ko. Napapikit ako at sa pagdilat ng aking mga mata, walang anu-anong pinindot ko ang accept button.

"Talk, Geoff. I only give you five minutes to talk. Makikinig ako. After that, umalis ka na. Tigilan mo na ako, please lang," mabilis na sabi ko sa kabilang linya.

Para nga kaming mga tanga, e. Kasi alam ko namang rinig niya pa rin ang boses ko mula sa labas.

"Okay."

Nagbuntonghininga ako nang marinig ang malungkot niyang tinig. Hindi ka dapat magpaapekto, Jeff. Tatagan mo ang iyong loob.

Ilang sandali lang, napakunot ang noo ko nang biglang tumahimik sa kabilang linya at anging paghinga niya na lang ang naririnig ko.

"Geoff, ano na? Tumatakbo ang oras. Baka akala mo nagbibiro ako na limang minuto lang ang ibibigay ko sa iyo."

"Hindi ko alam kung paano magsisimula, Jeff."

"Then leave. Kung wala ka naman pa lang sasabihin, ano pang ginagawa mo rito? Bakit mo pa ako ginugulo?"

"May sasabihin ako, Jeff. Marami akong gustong sabihin. Pero hindi ko lang alam kung paano sisimulan. Bakit mo ba kasi ginagawa sa akin 'to?"

"Anong pinagsasabi mo? Anong ginagawa ko sa iyo?"

"Ito. Itong pagtrato mo sa akin nang gan'to. Parang wala naman tayong pinagsamahan. Itinatapon mo na ba iyong---"

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. In-end ko na agad ang tawag at saka binuksan ang pinto. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa ko pero hindi iyon ang concern ko sa mga oras na 'to.

"Okay na ba 'to?" sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Ito ba ang pagtrato na gusto mo?"

"Jeff naman . . ."

"C'mon, Geoff! Cut the bullshit at sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin para matapos na 'tong usapan---"

"Gusto kita, Jeff," pagputol niya sa sinasabi ko. "Hindi ko alam kung paano at bakit. Basta nagising na lang ako na gusto kita. Hindi bilang isang kaibigan o bilang best friend, kundi bilang ikaw. Gusto ko kung ano o sino ka. At first, I found it weird. Kasi alam ko sa sarili kong straight ako. Pero nung naramdaman ko ang unti-unting pagbabago nitong nararamdaman ko sa iyo, naguluhan na ako.

"Hindi ko naman ikinakahiya kung ano man ang sexuality ko pero natakot kasi ako. Hindi sa sasabihin ng ibang tao kundi sa sasabihin mo. Natakot ako na baka mawala ka, na iwan mo lang ako, na lumayo ka na lang bigla. Kaya pinilit kong pigilan ang nararamdaman kong 'to. Pero tangina, Jeff. Kapag mas lalo mo pa lang pinipigilan, mas lalo ka lang mahuhulog. Mas lalo ka lang mag-aasam nang mas higit pa sa kung anumang meron kayo. Sa atin, Jeff. Mas lalo ko lang inasam na baka . . . na baka puwede pang lagpasan iyong pagiging mag-best friend natin. Baka puwede pang maging more than that.

"I already accepted my sexuality. Nung naramdaman kong hindi na talaga mawawala ang pagtingin ko sa iyo, tinanggap ko na kung ano ako. Tinaggap ko na ang pagiging bisexual ko. Pero dahil nga ayaw kong masira kung anumang meron tayo, sinubukan kong 'wag itong ipahalata sa iyo. Naging maayos naman ang lahat. Sinabi ko sa pamilya ko kung anong natuklasan ko sa sarili and thank God, they accepted me. Walang naging problema. Pati na kina Jamil at Ken, walang naging problema. Tinanggap din nila ako. Wala naman daw kasing magbabago. Sa iyo na lang talaga. Ikaw na lang ang hindi nakakaalam.

"Gusto kong sabihin sa iyo pero hindi mawala ang paghe-hesitate sa akin. Nangangamba kasi talaga ako na baka . . . baka kapag sinabi ko sa iyo, doon na matatapos ang lahat. At 'yon ang ayaw kong mangyari. Kaya naghintay ako ng tamang tiempo. Pero ang bullshit ng tadhana dahil bigla namang bumalik si Aby. Last year pa siya nagpakita sa akin, Jeff. Nung isang taon pa siya nagpaparamdam sa akin kung kailan handa na akong mag-move on. Kasi nga wala na kong nararamdaman sa kanya. Dahil ikaw na. Ikaw na ang gusto ko. Pero no'ng bumalik siya, muli na naman akong nagulo. Dahil kahit anong tanggi ko, alam kong may nararamdaman pa rin ako sa kanya.

"Ang gago ko, 'no? Gusto na kita pero gusto ko pa rin si Aby?"

Hindi ako makapagsalita. Hindi rin ako makahinga nang maayos. Hindi maproseso ng utak ko ang lahat ng sinabi niya. Naguguluhan ako. Masyado niya kong binigla sa mga sinabi niya. Iyong tungkol sa sexuality niya, iyong pagkagusto niya sa akin, iyong matagal na pa lang alam nina Jamil at Ken ang tungkol doon, at pati na iyong kay Aby.

"I'm confused as fuck. Pero nag-isip ako nang maayos. Inalam ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Kaya nga pinalayo ko na si Aby sa akin. Kasi sabi ko sa sarili, mas matimbang na ang nararamdaman ko para sa iyo kaysa sa kanya. That's why I drank again last February 20. Dahil iyon na ang huling beses na maglalasing ako for her. Pero hindi ko naman naisip na muli mo akong pupuntahan.

"At dahil doon, hindi ko na napigilan ang sarili ko. I kissed you. That was intentional, Jeff. Gusto ko lang kasing alamin kung magre-respond ka ba. Kung magagalit ka. Para may dahilan ako kung anuman ang magiging reaksyon mo. Puwede kong sabihin na lasing ako at wala akong matandaan. Pero you didn't bring up the kiss the next day kaya akala ko wala na talaga, na hopeless case na 'tong nararamdaman ko for you. But something's happened. Napansin kong bigla mo kong iniwasan. Bigla kang umiwas. Natakot ako kasi akala ko nalaman mo na ang tungkol sa akin at sa nararamdaman ko.

"And then I saw you with the other guy. Nag-init ang ulo ko. Lalo na nung nalaman kong bisexual iyong Kaizer na 'yon. I thought I was too late. Akala ko naunahan na ako. Kaya naglasing ulit ako para makakuha ng lakas ng loob na aminin na sa iyo ang lahat."

"Geoff . . ."

"The night when we had sex, I didn't plan it. Ang gusto ko lang ay masabi ko ang nararamdaman ko. Gusto ko ring malaman kung bakit mo ako iniiwasan. Pero mas ikinagulat ko na . . . pareho pala tayo. Pareho ng nararamdaman sa isa't isa. For fuck's sake, sobrang saya ko nung gabing iyon! Kaya nga hindi na ako nakapagpigil e.

"Pero dahil nga hindi puwedeng palaging masaya at nakaayon sa iyo ang lahat, something's happened again. Muling nagpakita si Aby. She's two-month pregnant. At tinakbuhan siya nung nakabuntis sa kanya. Wala siyang ibang malapitan kundi ako kaya umiwas muna ako sa iyo. Kailangan niya ng tulong ko that's why I helped her. Gusto ko kasing ayusin muna ang lahat bago ako magpakita sa iyo. Gusto kong ayos ako bago kita kausapin ulit.

"Tapos nung ayos na, bumalik ka na naman sa hindi pagpansin sa akin. Muli mo na naman akong iniwasan. Tangina Jeff, gulong-gulo na ako. You told me you like me pero hindi naman iyon ang ikinikilos mo. Your actions were different from what you confessed to me that night. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung gusto mo ba talaga ako o nasabi mo lang iyon dahil nadala ka sa sitwasyon."

Napaiwas ako ng tingin nang magsimulang tumulo ang mga luha sa kanyang mata. The Geoff that in front of me now was totally different from the Geoff I've known for years. Hindi pinapakita ni Geoff sa iba (kahit na sa akin) na umiiyak siya dahil nasasaktan siya. Lagi niya kasing ipinapakita na kaya niya. Pero ngayon, parang wala na siyang pakialam.

Tangina! I don't think if I deserve him.

"Jeff," muli niyang pagtawag sa akin, "ang gusto ko lang naman marinig iyong sagot mo. Gusto kong marinig sa mismong bibig mo kung gusto mo ba talaga ako o hindi."

Hindi kita gusto, Geoff. Mahal na kita, e.

Hindi ako nagsalita. Nakipagtitigan lang ako sa kanya. Natatakot ako. Natatakot ako na kapag sinabi kong gusto ko rin siya ay magsimula na ng pagbabago ng lahat. Natatakot ako sa mga puwedeng mangyari. Paano kung hindi mag-work? Paano iyong pagkakaibigan namin? Ano, mapupunta na lang iyon sa wala? Ayoko namang mangyari iyon.

"Geoff, umuwi ka na. Magpahinga ka na, bukas na lang ulit tayo mag-usap," mahinang sambit ko.

I don't want to give him the answer he doesn't deserve.

"Pero, Jeff . . ."

"Hayaan mo muna akong makapag-isip, Geoff. Ayokong magkasakitan tayo dahil sa maling desisyon ko. I don't want to ruin our friendship kaya hayaan mo muna akong pag-isipan ang lahat. Please."

A moment of silence. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang ako bigay-todo ang pagpigil, huwag lang may tumulong ni isang patak ng luha.

"Okay," pagbasag niya sa katahimikan. "Maghihintay ako sa magiging sagot mo, Jeff. I'll fight for you kaya sana ikaw rin."

Natulala na lang ako sa huli niyang sinabi bago tuluyang naglakad palayo.

Sana nga ako rin, Geoff. Sana kaya ko ring ipaglaban ang pagmamahal ko para sa iyo. Sana . . .

***

The next day, ramdam ko ang pamumugto ng aking mga mata. Paano, pagsara ko kasi ng pinto kagabi ay awtomatikong bumuhos ang luha sa aking mga mata. Buong gabi akong umiyak hanggang sa 'di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

It's a good thing na weekend na pala ngayon at wala akong Saturday class. Bukod sa maipapahinga ko 'tong mga mata ko, may dalawang araw pa ako para makapag-isip bago siya tuluyang harapin.

Nag-text kasi ako kay Geoff kagabi na sa Monday na kami mag-usap ulit. Nag-reply naman siya na 'okay, take your time' kaya nakahinga ako nang maluwag. Alam ko na kasi ang gusto kong sabihin sa kanya. Alam ko na ang desisyong gagawin ko. Pero paulit-ulit ko pa rin itong pinag-iisipan to save the both of us from the painful heartache that might happen.

Ngayon, isinantabi ko muna ang lahat. Hiningi ko kay Jamil ang iilang notes niya para makapag-review at makahabol sa lessons. Ilang buwan na lang kasi at graduation na. And he was right na hindi ko dapat hayaan na hindi ako maka-graduate nang dahil lang sa problemang ikinakaharap ng puso ko ngayon.

***

It's almost five in the afternoon nang matapos kong gawin ang tatlo sa limang plates na kailangang ipasa sa Lunes. Nasa kalagitnaan kasi ako ng pagre-review ng notes na hiniram ko kay Jamil nang maisipan kong mag-check sa groupchat namin sa Messenger. At mabuti na lang ginawa ko iyon dahil marami palang ipapasang plates sa major subjects namin. Nakalimutan din kasi iyon sabihin sa akin ni Jamil dahil kahit siya ay wala pa ring nagagawa.

I was preparing my brewed coffee nang mapansin kong umiilaw ang cell phone ko na nasa lamesa sa may sala. Nang lapitan ko ito, tadtad ng missed calls ni Kaizer. Naalala kong s-in-ilent mode ko pala ito kanina habang gumagawa ako ng plates.

Tatawagan ko na sana siya nang biglang lumabas sa screen ang pangalan niya sa caller's ID.

"Hoy, grabe ka naman makatadtad ng missed calls---"

"Is this Jeff?"

Napatigil ako sa pagsasalita. Boses ng babae.

"A, oo. Sino pala 'to? Bakit hawak mo ang cell phone ng kaibigan ko?"

"Your friend needs you here right now. He's wasted."

"Si Kaizer? Bakit anong nangyari? Nasaan kayo?"

"Here at House Manila. Hindi ko naman maiwan dahil baka mapaano, kargo de konsensya ko pa. He told me to call you, puntahan mo raw siya rito."

Napahilot ako sa sindito ko nang wala sa oras. Ano ba 'tong mga kaibigan ko? Ito na lang ba ang role ko sa kanila? Na taga-sundo kung saan sila naglalasing?

"Okay, papunta na agad ako. Don't leave him alone, okay? Mabilis lang ako."

Pagka-end ng tawag, dali-dali na akong nagpalit ng damit. Medyo malayo pa naman ang House Manila mula rito sa apartment na tinutuluyan ko.

Ano naman kayang problema ni Kaizer at ang layo-layo ng pinag-inuman?

***

Nang huminto na ang taxi, dali-dali akong bumaba. At agad kong ikinalma ang sarili nang makitang nakayuko na sa isang bench si Kaizer.

"Pasensya na sa abala, miss, a," bungad na sabi ko paglapit sa babaeng tumawag sa akin kanina para ipasundo si Kaizer.

Tinanguan niya lang ako at agad ding umalis. Napakamot naman ako sa ulo dahil ngayon ko lang napansin na halos magkasingkatawan lang pala si Kaizer at Geoff. Mukhang mapapasabak na naman ako sa buhatan nito.

"Sir, saan po tayo?"

Agad kong nilingon si Kaizer pagkatanong sa akin ng driver. Hindi ko nga pala alam kung saan 'to nakatira.

Sasabihin ko na sana ang address ng apartment ko nang biglang may inabot na bagay si Kaizer sa akin. Isang wallet. Tinignan ko siya pero nanatili pa rin siyang nakapikit.

"Hoy, Kaizer, gising ka ba?" bulong ko sa tainga niya saka siya mahinang kinurot sa tagiliran.

Walang response. At ni hindi man lang siya gumalaw.

"Sir?" napatingin ako sa driver na mukhang kanina pa naiinip.

"Ay, sandali lang po," mabilis na sabi ko at agad na kinalkal ang wallet niya. Laking gulat ko na lang nang key card ng Diamond Condominium ang bumungad sa akin. "Sa DC rin 'tong nakatira si Kaizer?" gulat na bulong ko sa sarili.

"Sir?"

"A-Ah . . . sa may Diamond Condominium na lang po."

Pagkasabi ko non, sinuri ko pa ang hawak kong key card. 1729. So, sa may 17th floor lang siya.

Sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng DC. Kung hindi pa nagsalita iyong driver, hindi ko pa mapapansin.

"S-Sir Kaizer?" hindi pa kami tuluyang nakakapasok, may isang guard na na sumalubong sa amin.

Napakunot naman ang noo ko. Kilala niya si Kaizer? Saka tama ba ang dinig ko? Tinawag niyang 'sir' itong si Kaizer?

"Sir, ano pong nangyari kay sir Kaizer?" pagtatanong nung guard.

"N-Nalasing po," utal kong tugon. "Puwede po bang patulong ako sa pag-alalay?" Kinapalan ko na ang mukha ko tutal mukha namang close sila nung guard.

Kumpara noon na mag-isa kong binuhat si Geoff, mas naging madali lang ang sa ngayon dahil inaalalayan ako nung guard hanggang sa makarating kami sa elevator. Papasok na sana iyong guard nang may tumawag sa kanya. No choice tuloy ako kundi ako na naman mag-isa ang magdadala sa kuwarto nito.

"Sir, okay lang po ba talaga kayo?"

"Opo, kaya ko na po ito. Salamat sa tulong."

Pagkatapos kong magbuntonghininga, pinindot ko na ang 17 sa mga button ng elevator.

Akala ko magtutuloy-tuloy na ang pag-akyat nitong elevator dahil wala naman ng sumasakay, pero nasa 5th floor pa lang, bumukas na agad ito. Pumasok ang isang babaeng nasa mid-30's, at hapos mapaikot ko na ang aking mga mata nang mapansin kong pinindot niya ang 7th button.

Paghinto sa 7th floor, agad siyang bumaba. Napatingin naman ako kay Kaizer nang marinig ko ang mahina niyang pag-ungol.

"J-Jeff . . ."

"Hmm?"

Hindi ko na naintindihan ang sunod niyang sinabi dahil halos hindi naman bumuka ang bibig niya habang nagsasalita.

Nasa 10th floor na kami at wala namang sumasakay kaya naisipan kong ibaba muna siya katulad ng ginawa ko kay Geoff noon. Pero nagulat na lang ako nang pigilan niya ako. Pagkatapos unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata. Hindi ko alam pero kakaibang kaba ang naramdaman ko nang magtama ang aming mga mata.

"G-Gising ka na ba, Kaizer---"

Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil sa pagkagulat --- pagkagulat dahil, una, bigla niya na lang akong sinunggaban ng halik kaya hindi agad ako nakapag-react; pangalawa, sa biglaang pagbukas ng elevator na siyang naging dahilan para mailayo ko ang mga labi ko sa kanya; at pangatlo, sa taong nakatayo at gulat na gulat sa nakita niya.

"G-Geoff? Let me expla---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa biglaang pagsara ng elevator.

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Paglingon ko kay Kaizer, tila nagulat din siya sa nangyari. "J-Jeff, I didn't mean to kiss---"

Hindi ko na narinig pa ang gusto niyang sabihin dahil pagbukas ng elevator, dali-dali akong lumabas upang habulin si Geoff. Pagdating ko sa 15th floor kung saan niya kami nahuli ni Kaizer, wala naman ng katao-tao roon. Kaya naman pinindot ko agad ang elevator dahil baka nasa unit niya na siya.

Kaya lang mukhang pinaglalaruan ako ng tadhana dahil ayaw na bumukas ng elevator. At dahil nagmamadali na ako, naisipan ko ng maghagdan. Hindi ko rin alam pero may kung ano sa akin na kailangan maipaliwanag ko kay Geoff ang nakita niya.

Nasa 25th floor pa lang ako pero iba na ang pagkahingal ko. Sinubukan ko ulit gumamit ng elevator pero napamura na lang ako nang ayaw talagang magbukas. Kaya nagpatuloy na lang ako sa paggamit ng hagdan. Lakad-takbo na ang ginawa ko. At halos mawalan na ako ng hininga nang maabot ko ang 37th floor.

Kinalma ko muna ang sarili bago buksan ang pinto kaya lang muli na naman akong naistatwa dahil sa nasaksihan ko.

"Tangina. Nagpagod lang pala ako sa wala," bulong ko habang pinagmamasdan ang paghahalikan ni Geoff at Aby sa 'di kalayuan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat maramdaman sa mga oras na 'to. Basta nangingibabaw ang paninikip ng aking dibdib.

"Ang gago mo, Geoff," huli kong sabi bago tumalikod at marahang pinunasan ang mga luhang unti-unti nang dumaloy sa aking pisngi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top