Rainbow 5 : Blue

RAINBOW 5 : BLUE

I WAS laughing out loud because of Kaizer who randomly send me memes when I recieved a text message from Jamil.

Jeff, nasaan ka? Alam mo na ba yung balita?

Sa ilang araw naming pag-iiwasan ni Geoff, siguro naman napansin na 'yon nina Jamil at Ken. Pero nagpapasalamat ako at wala naman silang sinasabi. Kapag magkakasama kaming apat, as much as possible ay hindi ako nagsasalita. Kung hindi ako mismo tatanungin nung dalawa, hindi rin ako sasagot. Naaasar na nga ako sa paraan kung paano niya ako iwasan, e. Mas masakit pa kasi sa inaakala ko.

Hindi na sana ako magre-reply pa pero na-intriga na 'ko kaya simpleng 'hindi eh. Tungkol saan ba?' na lang ang ni-reply ko.

Tungkol kay Geoff.

Bumilis ang tibok ng puso ko pagkabasa ng tatlong salitang iyon kasama ang pangalan niya. Anong tungkol sa kanya? May nangyari bang masama? Dahil hindi na ako mapakali, napagdesisyunan ko nang tawagan na si Jamil. At wala pang isang minuto ay in-accept niya na ang tawag.

"Ano ang tungkol kay Geoff? May nangyari ba?"

"Meron, Jeff."

"Tangina naman, Jamil, ano nga 'yon? Pwede bang sabihin mo na lang sa akin?"

"Chill lang, p're. Masyado ka namang gigil."

"Wala akong panahon makipagbiruan ngayon."

"Hindi naman ako nagbibiro, ito naman."

"So nanti-trip ka lang---"

"Bumalik si Aby."

Literal na na-istatwa ako sa narinig. Hindi agad ito nagproseso sa utak ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na i-react pagkarinig sa pangalang iyon.

"Sinong Aby?"

Natawa ako sa tanong ko. Ano ba naman kasing klaseng tanong 'yon? Sino pa nga bang Aby? E, isa lang naman ang kilala naming Aby na konektado kay Geoff. Tangina.

"Geoff's ex."

Agad kong in-end ang tawag pagkatapos kong marinig 'yon. She's really back, huh? After what she did to Geoff, naisipan niya pa talagang bumalik. At in fairness, ang ganda ng timing ng pagbalik niya. Saktong-sakto talaga sa sitwasyon namin.

Para tuloy akong sinampal ngayon ng katotohanan na hindi na dapat ako nag-ilusyon at umasa sa una pa lang.

Nakakagago na ewan.

***

Dahil sa balitang 'yon, nagsimulang maging miserable ang buhay ko. Hindi ko naman kasi inakala na maaapektuhan ako nang ganito. Naisip ko naman na ang bagay na 'yon noon pero ngayong tuluyan na itong nangyari, hindi ko lubusang matanggap. Ayaw tanggapin ng aking sistema.

Bumalik na siya. Bumalik na iyong babaeng iniiyakan ni Geoff tuwing sasapit ang February 20. Bumalik na iyong babaeng pinakamamahal ng taong mahal ko.

Oo, mahal ko.

Dahil sa nangyari, doon ko lang na-realized na kaya pala ako nagkakaganito ay dahil mahal ko na siya. Hindi ko lang lubusang matanggap no'ng una dahil nga natatakot ako sa mga posibleng mangyari---katulad ng nangyayari ngayon.

Sa mga nagdaan na araw, tadtad ng missed calls at text messages nina Jamil, Ken, at Kaizer ang cell phone ko. At wala akong sinagot ni isa sa mga iyon.

Ang iwasan siya---sila---ang desisyong ginawa ko. Pero bakit may pagsisisi akong nararamdaman? Bakit nanghihinayang ako? Ito naman ang ginusto ko, 'di ba?

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Mag-i-isang linggo na rin akong hindi napasok sa eskwelahan. Alam kong mali na idamay ang pag-aaral ko sa problemang kinakaharap ko ngayon. Pero kung papasok ako, paniguradong hindi rin naman ako makakapag-focus.

"Ano bang nangyayari sa iyo, Jeff? Hindi ka naman gan'to, 'di ba? Sisirain mo ba talaga ang kinabukasan mo para lang sa isang lalaki?"

Palihim akong natawa nang marinig ko ang boses ni mama sa isip ko. Nami-miss ko na ang mga sermon at pangaral niya sa akin. Bigla ko tuloy naisipan na tawagan siya. Ida-dial ko na sana ang kanyang numero nang makuha naman ng sunod-sunod na malalakas na pagkatok ang aking atensyon. Agad akong lumapit sa may pintuan upang buksan ito dahil mukhang importante.

"Sino---" Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil dali-dali ko nang isinara ang pintuan pagkakita sa mukha niya.

Ano na namang ginagawa niya rito? Akala ko ba bumalik na si Aby? Bakit nandito na naman siya?

"Jeff, buksan mo 'tong pinto!" Napapikit ako nang marinig ang sigaw niya. "Mag-usap naman tayo, o. Kausapin mo ako!"

Sabi sa nabasa ko, silence is the best answer and response for everything. Kaya, heto ako, tahimik na pinakikinggan ang boses niya habang nakasandal sa pinto at nakapikit ang mga mata. Ilang araw ko ring hindi narinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. Nakaka-miss din pala.

"Kung ayaw mo kong kausapin ngayon, maghihintay ako rito. Hindi ako aalis hangga't hindi ka lumalabas para kausapin ako."

Mukhang hindi rin pala maganda na marinig ang boses niya ngayon at malamang nasa malapit lang ang kanyang presensiya. Baka kasi may kung ano na naman akong magawa na paniguradong pagsisisihan ko lang sa huli. Kaya bago pa mangyari iyon, nagsimula na akong maglakad palayo sa pinto at papunta sa sala. Pumikit ako at malalim na nag-isip. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising na lang kasi ako dahil sa mahihinang pagkatok. Kumpara kanina, mas maayos ang pagkatok ngayon.

Hindi pa rin ba siya umaalis sa labas? Tinotoo niya kaya iyong sinabi niyang maghihintay siya hanggang sa lumabas ako? Mahigit isang oras na rin ang nakalilipas, a.

"Geoff---" Napatigil ako nang hindi si Geoff ang bumungad sa akin. Si Kaizer na kunot-noo akong tinitigan.

"Disappointed?" tanong niya na siyang nagpabalik sa akin sa wisyo. "Are you expecting someone ba? Puwede naman akong bumalik na lang bukas . . ."

"Sira ka talaga, pumasok ka na nga," sabi ko at muling bumalik sa sala.

"Mas sira ka. Ilang araw mo na kayang ini-ignore ang mga texts at tawag ko!"

"Nagpapa-miss lang. Effective ba?"

"Ulol! Akala ko kung napaano ka na."

"Anong napaano? Kung anu-ano na naman pinag-iisip mo."

"Aba, malay ko ba kung suicidal ka pala? Tapos naisipan mong mag-suicide. E, syempre ako iyong huling taong text nang text at tawag sa iyo, e 'di ako ang tatadtarin ng mga tanong ng pulis. Hassle, Jeff."

Dahil wala pa rin akong lakas makipagtalo, naisipan ko na lang ibato ang unan na nahawakan ko sa kanyang gawi. Sa pag-iwas na kanyang ginawa, doon ko lang napansin ang paper bag na bitbit niya.

"Ano ang mga iyan?" kunot-noo kong tanong sa mga pinaglalabas niyang lagayan sa paper bag.

"Pagkain."

"Alam ko. I mean, para saan?"

"Para sa iyo. Imbes kasi na magbigti ka, naisipan ko na lang na alukin ka ng lason. Balak kitang i-food poison."

Tinitigan ko siya ng masama pero ang gago, nginisian lang ako. "Parang nakakahalata na ko, a. Gusto mo na ba kong mamatay?"

"Oo," mabilis niyang sagot kaya muli ko siyang binato ng unan. "Ang gago kasi ng mga tanungan mo. Na-broken ka lang, nabobo ka na?"

Napailing na lang ako at tumayo para kumuha ng kutsara't tinidor. Ang dami niya kasing pagkain na dala. Saka ko lang tuloy naalala na hindi ako nakapag-breakfast at lunch kanina.

"Nagpaluto ako kay mama. Alam ko kasing hindi ka na naman kakain nang maayos," aniya.

Tinikman ko ang menudong dala niya at napapikit na lang ako sa sarap. "Mama mo lahat ang nagluto nito?" tanong ko pagkatapos isa-isang tinikman ang dala niyang putahe. Bukod kasi sa menudo mayroon pang kaldereta, roasted chicken, at cordon bleu. May dessert pang leche flan.

"Oo. Sinabi ko kasing may kaibigan akong magpapakamatay na kaya gusto kong paghainan man lang sa huling pagkakataon."

"Alam mo kung hindi lang ako gutom ngayon, kanina pa kita sinipa palabas."

Natawa lang siya sa sinabi ko. Hindi niya alam na hindi ako nagbibiro. Kanina ko pa kaya siya gustong sipain. Hindi naman kasi ako magpapakamatay. Oo, broken ako (katulad ng sabi niya), pero hindi iyon sapat na dahilan para tapusin ko ang buhay ko. Bukod sa nakakahiya sa Diyos, nakakahiya rin sa mga magulang ko, 'no.

"So, kumusta ka naman? Hanggang kailan mo balak magkulong dito? Gusto mo pa bang magmartsa?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Natigilan tuloy ako nang bigla niyang ilayo ang mga lalagyan sa akin.

"Naapektuhan na rin ba ng pagiging brokenhearted mo ang pagsasalita mo? Nagkaroon ka bigla ng speech defect o baka naman hindi ka na nakakarinig? Hello, Jeff? Hello? Naririnig---"

"Kaizer, hindi ako bingi," pagputol ko sa litanya niya, "at mas lalong hindi rin ako pipi. See?"

"Iyon naman pala. Bakit 'di ka sumasagot diyan? Hindi naman mahirap mga tanong ko, a."

"Puwede bang mamaya na lang natin pag-usapan 'yan? Gusto ko munang kumain ng tahimik. Sayang naman 'yang pinaluto mo sa mama mo kung 'di mo ipapakain sa akin, 'di ba?"

"Ulol! Hindi ko pinaluto 'to para lang sa iyo. Ang kapal ng mukha mo para isipin 'yan," natatawa niyang sambit.

"E, bakit sabi mo kanina?!"

"Naniwala ka naman?"

"Gago ka talaga!"

Tinawanan niya lang ako at muli nang inayos ang mga lagayan pagkatapos sinabayan niya na rin ako sa pagkain.

***

Alas-otso na ng gabi nang maisipan ni Kaizer umalis. May importante pa raw kasi siyang gagawin. Nagpapasalamat tuloy ako na naisipan niyang bisitahin ako rito sa apartment. Bukod kasi sa nakakain ako nang masarap at libreng pagkain, may nasabihan pa ako ng problema ko.

Nagalit pa nga siya sa akin nang malaman niya na kung hindi niya pa ako sinadyang puntahan dito ay hindi ko siya kokontakin. Wala naman kasi talaga akong balak. Gusto kong may makausap pero gusto ko rin namang mapag-isa. Ewan. Ang gulo na ng buhay ko kaya nadamay na ang aking pag-iisip. Gumulo dahil sa lintik na nararamdaman kong 'to. Hassle talaga.

Kasalukuyan akong nagma-marathon ng ilang episodes ng Phineas and Ferbs nang may marinig akong mahihinang katok.

"Bumalik si Kaizer?" tanong ko sa sarili. "May nakalimutan ba ang isang 'yon?"

Pagbukas ko, literal na nanlaki ang aking mga mata. "Ano, p're, hindi mo man lang ba kami papapasukin?"

Anong ginagawa nila rito? At bakit sabay-sabay silang nagpunta?!

***

Dahil nakatuon ang atensyon ko kay Geoff pagpasok nila, hindi ko na napansin ang dalang beer-in-cans nung dalawa.

Balak talaga nilang mag-inom dito? Na hindi man lang nagpapaalam sa akin?

Ang sakit nila sa ulo!

"At sinong may sabing puwede kayong mag-inom dito?" tanong ko nang makitang sini-set-up na nila Jamil at Ken ang maliit na lamesa sa sala.

Bukod sa alak, ang dami rin nilang dalang pulutan. Daig pa ang may espesyal na okasyon nang matapos nilang i-set-up ang lahat.

"Jeff, alam naming may problema ka. At hindi na kami makatiis na patuloy lang ang pag-iwas mo sa amin. 'Di ba, nangako tayo sa isa't isa noon na sabay-sabay tayong ga-graduate on time? Paano natin matutupad 'yon kung nagpapabaya ka na ngayon?" dire-diretsong sabi ni Ken.

Hindi agad ako nakasagot. Naalala ko kasi nung panahon na sabay-sabay kaming napatalon nang makita ang resulta ng college admission test at nakapag-enroll kami sa kursong gusto namin. Iyon din kasi ang panahon na nangako kami na magsasama-sama kaming apat hanggang dulo. Na sabay-sabay kaming magmamartsa. Na kahit anong mangyari, magtutulungan kami para walang maiwan ni isa.

Paiyak na sana ako dahil sa naalala nang makitang binatukan ni Jamil si Ken sabay sabing, "Mamaya na ang drama, Ken! Hindi pa nga tayo nakakainom, e.

Kaya imbes tuloy na maiyak, natawa na lang ako.

"Ayan, tumawa ka na ulit. Ilang linggo rin namang hindi nakita 'yan," pagsasalita ni Jamil.

"Mga baliw," pagkasabi ko non saktong binatukan ni Ken si Jamil.

"Ang drama mo rin. Saka paganti lang."

Nasa kalagitnaan ng pagtatalo ang dalawa nang mapalingon ako sa gawi ni Geoff. Hindi na ako nagulat na tahimik lang siya na nakatitig sa akin na tila nangungusap ang kanyang mga mata at para bang may gusto itong sabihin sa akin. Paniguradong meron. Pero sa tingin ko ay hindi pa ako handa para doon.

"Ehem," napalingon ako sa pagtikhim ni Ken. "Matunaw naman kayong dalawa diyan. Makatitig sa isa't isa, wagas, e. Mamaya na 'yan, uminom na muna tayo."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Ano raw?

Kumuha ako ng isang alak at binuksan ito. Agad ko itong tinungga.

Naging tahimik ang paligid. Walang nagsasalita sa aming apat. Patuloy lang ako sa pag-inom at hindi ko pinapansin ang mga titig nila. Alam kong ako ang hinihintay nilang magkuwento. Pero hindi ko kayang gawin iyon hangga't walang impluwensiya ng alak. Kailangan ko ng lakas ng loob.

"Sorry . . ." bigla ko na lang nasabi. "Sorry if I messed up. Sorry if I chose to ran away rather than explaining what's going on in my life. Sorry if I acted like an asshole."

"Kailangan talaga English?"

"Shut up, Ken!"

Hindi ko na pinansin ang komento nung dalawa at nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "Ayoko na kasi kayong idamay sa kung anumang problema ko, e. Masyado na akong magulo."

"Pero kaibigan mo kami, Jeff. Nag-aalala na kami sa iyo," pagsasalita ni Jamil.

"Hindi ka naman ganyan dati, 'di ba? Ano ba talagang nangyari?" sabat naman ni Ken.

Natahimik ako. Pinag-iisipan ang mga salita na aking bibitawan. Hindi ko alam kung handa na ba ako sa magiging kapalit nito. Na kapag sinabi ko na ang sikreto ko, malaki ang posibilidad na iwasan nila ako, iwan, at putulin ang koneksiyon na mayroon sila sa akin.

"Jeff, handa kaming makinig sa kung anuman 'yang sasabihin mo. Nandito lang kami nina Ken at Geoff."

Napatingin ako sa dalawa na tahimik na tumango. Nakatitig pa rin pala siya sa akin. Ano ba, Geoff, hindi ka ba napapagod na titigan ako? Saka hindi ba nakakahalata 'tong dalawa na kanina pa tahimik si Geoff at nakatitig lang sa gawi ko?

"Kapag nalaman ninyo 'tong sikreto ko, hindi ko alam . . . hindi ko alam kung gugustuhin ninyo pa kong maging kaibigan," mahinang sabi ko habang nakayuko.

Nakita kong napaayos ng upo si Jamil sabay tanong ng, "Anong sikreto, Jeff?"

"Nakabuntis ka ba?" pagsingit naman ni Ken. "Sabi ko na nga ba, e. Tama ang hinala kong hindi ka na virgin---"

Hindi na natapos ni Ken ang gusto niyang sabihin dahil sa pagpasak ni Jamil ng sangkaterbang chichirya sa bibig nito para lang tumigil.

"Tumahik ka na nga lang diyan at makinig. Sa susunod, itong paper bag na ipapasak ko diyan sa bibig mo."

Natatawang napailing na lang ako sa dalawa. Kung sakaling hindi nila ako matatanggap, isa 'to sa mami-miss ko. Ang kakulitan nila lalo na ni Ken.

"Ano nga ulit iyong sinasabi mo Jeff?" pagtatanong ni Jamil nang tumahik na si Ken sa tabi. "Ano ang sikretong iyon?"

Muli akong natahimik. Parang umurong bigla ang dila ko. Nahirapan ako biglang mag-construct ng sentence.

"Jeff, huwag kang mag-alala. We won't judge---"

"Hindi ako straight," mabilis na sabi ko. "I'm bisexual." Natahimik silang lahat. At dahil ayaw kong makita ang mga reaksyon nila, pinagpatuloy ko na lang ang sasabihin. "Sophomore when I realized that I'm not only romantically and sexually attracted to women. There's this guy that I fell in love with. Hindi ko lang kung paano nangyari. Naramdaman ko na lang, e. At first, I thought it was just an infatuation or simple admiration lang. Pero as the days passed by, lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. But I was still into girls kaya nga nakailang girlfriend pa ako, pero . . . pero I can't really help myself but to fall for him deeper." Nakatingin ako sa kanya pagkatapos kong sambitin ang huli kong sinabi.

"At ngayong nalaman ninyo na, handa na akong iwan---"

"Ayon na iyong sikreto mo?" Napalingon ako kay Ken na nakakunot ang noo. Hindi ko alam kung nagtataka ba siya o naguguluhan. "Sus, akala ko naman kung ano na! Ayon lang pala."

T-Teka . . . tama ba iyong narinig ko? Gano'n lang ang reaksyon niya? Seryoso ba siya?

"Ken, hindi mo ata naiintindihan. Sabi ko---"

"Bisexual ka," siya na ang nagpatuloy sa sasabihin ko. "E, ano naman sa ngayon? I mean, may problema ba roon?"

"Ken was right. What's the problem with that, Jeff? Ayon lang ba ang rason kaya mo kami iniiwasan? Saka kaya mo rin ba pinapabayaan ang pag-aaral mo dahil doon?" si Jamil naman ang nagsalita.

Okay, what's happening? That was not the reactions I'm expecting to them. Bakit . . . ganoon? Nananaginip ba ako at ilusyon lang ang lahat ng ito?

Muling kinuha ni Jamil ang atensyon ko sa pagtikhim niya. "Jeff, tanggap ka namin. Kung ano o sino ka man. Hindi magbabago ang pagkakaibigan natin dahil lang hindi ka straight, kung iyon ang iniisip mo."

"Oo nga. Kahit na sabihin mo pang nagiging sirena ka kapag nababasa ng tubig, tanggap ka pa rin namin," nakakalokong sambit ni Ken.

"Wala ba talagang matinong lalabas diyan sa bibig mo?" iritadong tanong ni Jamil.

"Ang bigat na kasi ng paligid. Pinapagaan ko lang."

Hindi ko na napigilan ang sarili at niyakap ko na silang dalawa. Hindi ko alam pero sobrang saya ko lang ngayon. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa pagtanggap nila sa akin. Ang unexpected lang din kasi.

"Salamat sa inyong dalawa. Tama talaga na kayo ang mga naging kaibigan ko. Ang swerte ko lang sa inyo."

"Sa amin lang? Paano si Geoff? Apat kaya tayong magkakaibigan dito."

Dahil sa sinabing iyon ni Jamil, muli tuloy akong napatingin sa gawi niya. Wala pa rin namang bago at tahimik pa rin siyang nakatitig sa gawi ko. Ano bang iniisip mo ngayon, Geoff? Bakit hindi kita mabasa ngayon?

"S-Syempre sa inyong tatlo," nautal na lang na sambit ko at saka ako unti-unting bumitaw sa pagkakayap sa dalawa.

Sa 'di malamang dahilan, muling tumahimik ang paligid. Parang nabalutan kami ng awkwardness. Hanggang sa basagin ito ni Ken sa tanong niyang, "So, bisexual ka nung second year pa tayo, 'di ba?"

Sabay kaming nagbuntonghininga ni Jamil. Alam kasi naming kalokohan na naman ang lalabas sa bibig nitong si Ken.

"Oo, bakit?"

"Kaya pala . . ."

"Kaya pala, ano?"

"Kaya pala virgin ka pa rin kasi mas gusto mong makatikim ng lalaki, tama ba?"

Imbes na mainis o mainsulto, natawa ako bigla. Paano, isang napakalakas na batok ang nakuha ni Ken mula kay Jamil.

"Wala talagang matinong lalabas diyan sa bibig mo, Ken Forteza?" seryosong tanong ni Jamil. Natigilan din ako sa pagtawa nang banggitin nito ang buong pangalan ni Ken.

"Bakit, matino naman iyon, a?!" reklamo niya. "Saka 'wag mo ngang binubuo ang pangalan ko, Jamil Marquez!"

Naubos namin ang lahat ng alak na dala-dala nila nang hindi natapos ang pag-aaway nung dalawa. Hindi kasi tumigil si Ken sa pagtatanong tungkol sa sex life ko. Alam kong biro lang pero hindi ko mapigilang hindi mamula. Lalo na nung nag-offer siyang makipag-sex sa akin para naman daw bago maka-graduate ay hindi na ako virgin. Kawawa naman daw kasi ako. At dahil doon, sapilitin na siyang hinila ni Jamil palabas.

"Sorry talaga, Jeff. Alam mo naman iyon paglasing," sabi ni Jamil sa akin.

"Ano ka ba, sanay na ko roon," natatawa kong sambit habang nailing.

Si Geoff ang nag-alalay kay Ken. Nasa tapat na sila ng elevator at sabay kaming naglalakad ni Jamil papunta sa kanila.

"Basta umayos ka na Jeff, a. Isipin mo muna ang pag-graduate mo ngayon bago ang ibang bagay. Masasapak ka talaga namin kapag pinagpatuloy mo pa iyan.."

"Oo na. Papasok na ako sa Lunes. Salamat ulit, a. Lalo na sa pagtatakip sa akin sa mga professor natin."

Nabalitaan ko kasi na si Jamil ang nakikipag-usap sa mga professor namin tungkol sa akin. Ang swerte ko talaga sa kanya---sa kanila.

"Sigurado ka bang hindi ko na kayo ihahatid sa labas?" tanong ko nang makalapit na kami sa gawi nila.

"Hindi na. Kaya na namin ni Geoff si Ken at magpahinga ka na lang."

"Sige, mag-ingat kayo, a " Nilingon ko naman iyong dalawa pero sa gawi lang ako ni Ken tumingin. "Kayo rin, mag-ingat kayo."

Nang bumukas ang elevator at makapasok na silang tatlo, muling nagsalita si Ken. "Hey, Jeff! Iyong offer kong sex, a. Mag-text ka lang at ako ng bahala---"

Napailing na lang ako sa ginawang pagsapak ni Jamil kay Ken para manahimik na ito. At bago tuluyang sumara ang elevator, nagulat pa ako dahil bigla na lang nagtama ang aming mga mata ni Geoff.

***

Hanggang sa makapaglinis na ako ng katawan, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang ikinilos ni Geoff ngayong gabi. Parang iba siya kanina. Hindi talaga siya nagsalita at nakatitig lang sa gawi ko.

Hindi ba gusto niya akong makausap? Chance niya na iyon, a. Bakit hindi niya pa ginawa? Nagbago na ba ang isip niya? Bakit? Dahil may Aby na ulit sa eksena at na-realized niyang wala naman pala talaga siyang nararamdaman sa akin? Aba kung gano'n e 'di gago---

Napatigil na naman ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto. Ano bang meron ngayong araw at panay ang pagkatok sa pinto ko?

Habang papalapit, naisip ko na baka si Jamil pala 'to. Teka, wala naman na silang nakalimutan, a.

Pagbukas ko ng pinto, awtomatikong nanlaki ang aking mga mata. Mabuti na lang at dali-dali ko rin itong naisara.

Sinasabi ko na nga ba, e.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top