Prologue
PROLOGUE
NAGSIMULA ANG lahat dahil sa isang sign. Sa isang sign na hindi ko alam kung bakit ko hiniling at pinaniwalaan. Sa isang sign na siyang naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito tuwing malapit ako sa kanya o siya sa akin.
Bullshit.
Ano bang nakain ko noong araw na 'yon at hiniling ko ang gano'ng bagay? Tapos pinaniwalaan ko pa . . . Gano'n na ba ako kadesperado?
***
Pula.
Mataas ang sikat ng araw. At kapansin-pansin ang pagkinang ng pula kong damit nang tumama ang sinag nito. Araw ng mga puso ngayon at balak ko sanang magkulong lang sa kuwarto habang maghapong maglalaro ng ML o Mobile Legends. Wala naman na kasi akong girlfriend (dahil kahihiwalay ko lang) o nililigawan na puwedeng i-date sa gan'tong klaseng okasyon. Kaya mas trip kong mapag-isa. Pero dahil sa natanggap kong text message mula sa kanya, nandito ako ngayon sa labas ng isang resto-bar.
Nandito na ako. Sunduin mo ko sa labas.
Pagka-send ko ng text message, inilagay ko na ang cell phone sa bulsa ng aking pantalon. Ilang saglit lang nakita ko na siyang lumabas.
"Oy, Jeff, pare. Akala ko 'di ka na makakarating, e," bungad na sabi niya sa akin.
"Kung hindi mo ako t-in-ext, wala rin naman akong balak pumunta, 'no."
"Baka magtampo na sina Jamil at Ken, e," pabirong sabi ko na lang.
"Wow, ako ang nangyaya sayo pero sa kanila ka nag-aalala? Ayos ka rin, ah."
"Alam ko naman kasing hindi ka magtatampo sa akin."
Natawa siya sa sinabi ko habang nailing. "Ewan ko sayo, tara na nga."
Pagpasok namin sa loob agad na bumungad sa akin ang napakalakas na tugtog mula sa mga nagkalat na speakers sa paligid at halo-halong amoy ng alak at sigarilyo. Grabe talaga ang mga tao ngayon. Pagdating sa alak, walang pinapalampas kahit na tanghaling tapat pa lang.
Kahel.
Pagpunta namin sa pangalawang palapag ng resto-bar at pagpasok sa kuwartong ino-occupy nila, agad na tumama sa aking mga mata ang nakakasilaw na kahel na ilaw. Ang sakit ng dulot nito kaya napapikit na lang ako.
"Pucha naman! Ba't niyo pinalitan 'yong ilaw?!" rinig kong sigaw ni Geoff nang makapasok na rin siya.
"Wala kaming kinalaman diyan, p're. Nagulat na lang din kami na biglang naging ganyan 'yong kulay ng ilaw," pagpapaliwanag ni Jamil sabay hithit ng yosing hawak niya. Iling-iling namang lumabas si Geoff.
"Oy, Jeff! Ba't ngayon ka lang? Nakipag-sex ka pa kay Karina, 'no?" nakangising tanong sa akin ni Ken.
"Ulol," mabilis na tugon ko at umupo sa bakanteng upuan sa tapat nung dalawa. "Break na kami ni Karina no'ng nakaraan pa."
"Tang'na! Ba't nakipag-break ka? Hindi mo man lang hinintay ang araw na 'to? E 'di, naka-score ka na sana!" sambit namin ni Jamil.
"Tigilan niyo nga ako at ang sex life ko, mga ulol kayo," sabi ko na lang.
"Baka may sex life," natatawang pang-aasar ni Ken na hindi ko na lang pinansin.
Oo, virgin pa ko. At alam nila 'yon. Sa aming apat na magkakaibigan, itong si Jamil at Ken lang naman ang buhay na buhay ang sex life. Habang kami ni Geoff, hindi. Pero hindi na virgin si Geoff dahil naka-sex niya na ang unang girlfriend nito noon na ex-girlfriend niya na ngayon. 'Yon ang kanyang una't huli.
Bakit ko alam?
Simple lang. Sa aming apat, kami ni Geoff ang close. Kaming dalawa ang nagsasabihan ng mga sikreto dahil kumportable na rin kami sa isa't isa. Puwede na nga naming i-label ang relasyon namin bilang mag-best friend. Sa totoo lang, 'yon na ang turing ko sa kanya.
Mula Grade 12 ay magkakakilala na kaming apat. Pare-pareho kasi kami ng kinuhang strand — STEM o Science, Technology, Engineering, Mathematics. At nang mag-college naman ay pare-pareho rin kami ng kinuhang kurso — Civil Engineering.
Ilang saglit lang, nag-iba na ang kulay ng ilaw sa kuwarto namin. Naging light na ito at hindi na masakit sa mata. Nakabalik na rin si Geoff.
"O, ngayong kumpleto na tayo, simulan na natin 'tong walwalan na 'to! Cheers!" pasigaw na sabi ni Jamil sabay taas ng hawak niyang bote ng beer.
"Teka . . . matagal pa ba 'yong mga babae?" halos pabulong na sambit ni Ken.
Napangisi na lang si Jamil sa gawi nito. "Chill lang, Ken. Masyado pang maaga para sa babae."
Umiling na lang ako. Kailan ba kami gumimik ng walang babaeng matitikman ang dalawang 'to?
Tsk.
"O, ang tahimik mo. May problema ba?" pabulong na tanong sa akin ni Geoff.
"Wala," matipid kong sagot sabay lagok ng hawak kong beer. "CR lang ako," paalam ko.
Sa totoo lang, hindi ko talaga trip uminom ngayong araw. Napilitan ang tamang salita para sa akin. Napilitan pero . . . ginusto ko pa rin naman. Wala, e. Ang hirap kasing tanggihan nitong si Geoff.
Dilaw.
"Nasaan na ba ang CR dito?" kamot-kamot ko ang likurang bahagi ng aking ulo habang palinga-linga sa paligid.
"Um, Miss . . ." halos pabulong kong sambit sa babaeng nakadilaw malapit sa may hagdanan.
"Uy, fafa!" bungad nito sa akin pagharap. Bahagya akong napangiwi. Hindi pala babae. "May kailangan ka?" pa-cute nitong tanong habang nagbu-beautiful eyes pa.
Natawa na lang ako at umiling. "Ah, itatanong ko lang sana kung nasaan ang CR," nahihiya kong sambit.
"Sa baba nitong hagdan ta's kaliwa," nakangiti nitong tugon. "Gusto mo . . ." unti-unti siyang lumapit sa akin at bahagyang hinaplos ang aking dibdib. ". . . samahan kita?" dugtong na bulong nito sa tainga ko.
Literal na nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa niyang 'yon. "Hindi na, kaya ko na. Salamat ah," nagmamadaling sabi ko. Dumiretso na akong bumaba at tinungo ang tinuro niyang direksyon.
Pagpasok ko, dumiretso agad ako sa isang cubicle. Hindi ko pa nabababa ang zipper ng aking pantalon, natigil na agad ako dahil sa ungol na aking narinig mula sa katabing cubicle.
"Ah, f-fuck . . . ang sarap mo namang sumubo. S-Sige pa, ugh!"
Na-istatwa ako sa aking kinatatayuan habang nanlalaki ang mga mata. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako makagalaw. At sa 'di malamang dahilan bigla na lang umurong ang ihi ko.
"Tangina," mahinang bulong ko nang maramdaman ang unti-unting pagrereak ng aking alaga dahil sa narinig kong ungol na 'yon.
Bago pa ako tuluyang tigasan, dali-dali na kong lumabas.
Berde.
"Ang laki ng atin, pare, ah," pagsasalita nung muntikan ko nang mabangga paglabas ko sa cubicle.
Pagtingin ko, payat na lalaking may kulay berde na buhok ang aking nasilayan. Ngising-ngisi ito habang nakatingin banda sa hanggang ngayon ay nakabukol pa rin sa pagitan ng aking pantalon.
"Kasya kaya 'yan sa bunga—"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at dire-diretso na kong lumabas ng CR. Oo, ang dami ko ng gano'ng karanasan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako masanay-sanay. Ayaw pang tanggapin ng aking sistema.
"Jeff!" Nang marinig ko ang aking pangalan, napalingon ako sa gawi nung tumawag sa akin. Nakita ko ang kunot-noong reaksyon ni Geoff. "Ba't ang tagal mo? Saka bakit pawis na — ah, gets," bigla niyang sambit habang nakangisi sa akin at patango-tango.
"Gago! Ang dumi ng isip mo," sabi ko na lang.
Napatingin ako sa dance floor. Marami-rami pa rin ang nagsasaya habang sumasayaw.
"Sayaw tayo?" Nagulat ako sa tanong niyang 'yon at sasagot pa lang sana ako ng 'hindi' nang bigla niya akong hinila papunta sa gitna.
Asul.
Saktong pagtapak namin sa gitna ng dance floor, nag-iba ang tugtog. Supersexual ng Blue.
Hindi ako mahilig sumayaw. Marunong ako pero wala ako sa mood ngayon. Pero itong lalaking humila at nasa tapat ko, hindi ko alam kung anong nakain at sabay na sabay sa beat ang paggalaw ng kanyang katawan.
"C'mon, Jeff. Minsan lang tayo gumimik, o. Sulitin mo na," bulong ni Geoff banda sa tainga ko. Dahil sa ginawa niyang 'yon, may kakaiba akong kuryenteng naramdaman sa katawan.
Ilang saglit lang nakatalikod na siya sa gawi ko at may babae nang kasayawan. Pinakiramdaman ko ang aking dibdib. Lalo lang lumakas ang pagkabog nito.
Hindi ko na inabala pa si Geoff at umalis na ako sa dance floor. May mga babae na kasing lumalapit sa akin at pasimpleng hinahawakan ang aking pang-upo. Nakakailang.
Indigo.
Tumingin ako sa aking wristwatch — 4:47 p.m. na pala. Halos dalawang oras na rin pala ako rito. Hindi ko na napansin.
Dahil hindi ako sanay sa usok ng sigarilyo sa paligid at 'yong magkakahalong amoy ng alak na sumusuntok sa aking sikmura, naisipan ko munang lumabas. Panigurado kasing may kasama ng mga babae sina Jamil at Ken sa itaas. Ang dalawa pang 'yon, hindi makapapayag kapag walang babaeng makakasama sa tuwing nag-iinom kami sa bar.
Paglabas, napatingin agad ako sa kalangitan. Mabuti pala at umulan kaninang umaga at maaraw ngayong hapon. Gan'tong panahon kasi ang gustong-gusto ko. Tama lang at masarap sa pakiramdam.
Paglapat ng mata ko sa kabilang kalsada, awtomatiko itong nanlaki. May toy crane!
Dali-dali akong tumawid.
Indigo's Toy Crane.
"Ang cute naman ng pangalan," bulong ko. Kinapa ko muna ang aking bulsa kung may barya at lalong lumawak ang ngiti sa labi ko nang may makapa ako.
"Mahilig ka pa rin pala sa ganyan hanggang ngayon," napalingon ako sa nagsalita. At hindi na ako nagulat nang nakatayo na siya sa harapan ko habang naka-cross arms.
Bakit kaya ang hilig sumulpot sa kung saan-saan ng isang 'to?
"Ba't ka lumabas?" tanong ko habang nagpo-focus sa pagkuha ng stuffed toy. 'Yong cute na black-colored teddy bear ang naisipan kong kuhain.
"Hinanap kita," kaswal na tugon nito. "Bigla-bigla ka kasing nawawala."
"Pucha," mahina kong sambit nang hindi ko nakuha sa unang subok 'yong teddy bear. Muli akong naghulog ng barya. "Hindi ko kasi talaga trip gumimik ngayon, e," sabi ko na lang.
Ngiting-ngiti ako nang kumagat na 'yong claw sa teddy bear. Dahan-dahan ko na itong iniangat.
"Salamat, ah. Lagi kang nandiyan kapag kailangan kita," bigla kong nabitawan 'yong controller nang marinig ko ang binulong niya.
Tangina.
"Hindi ka naman marunong, e," aniya sabay tulak sa akin nang mahina sa gilid. "Pahinging barya," hindi agad ako nakakilos. Masyado kasi akong nabigla sa binulong niya kanina. At mas lalo pa kong nabigla nang kuhanin niya mismo sa kamay ko ang huling barya. "Watch and learn, Jeff."
Lila.
Pasado alas-cinco na at nandito kami ngayon sa isang parke malapit sa bar, naglalakad-lakad.
"Bakit kasi ito kinuha mo?" inis ko pa ring sabi habang hawak ang violet-colored teddy bear na nakuha niya gamit ang huli kong barya. "'Yong black nga ang kinukuha ko, e."
"Bakit, cute naman, ah?" inosente niyang tanong sabay kuha sa akin nung teddy bear.
Naupo kami sa isa sa mga bench na nakita namin. Halos kalahating oras na rin kasi kaming naglalakad.
"Nag-text na ko kina Jamil at Ken, sabi ko nauna na tayo dahil may gagawin ka pa." Napatango lang ako bilang tugon sa sinabi niya.
Napatingin ako sa kalangitan. Ang ganda ng combination ng kulay ng kalangitan ngayon. Ang aesthetic sa mata. Ang sarap titigan.
"Jeff, bakit ka nakipag-break kay Karina?" biglang tanong nito.
Pagtingin ko, seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Hindi na namin mahal ang isa't isa," simple kong sagot.
Wala namang nakakagulat sa sagot ko pero kung manlaki ang kanyang mga mata para siyang hindi makapaniwala sa narinig. "Gano'n na lang 'yon?"
Nagkibit-balikat ako. "E, ikaw? Bakit ka nakipaghiwalay kay Aby?"
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya.
Muntikan ko nang mabatukan ang sarili dahil do'n. Bakit ba nakakalimutan kong hindi pa rin pala siya nakaka-move on kahit apat na taon na ang nakalipas?
"Gusto mo ng ice cream? Bili lang ako, ah," aniya nang may makitang dumaang sorbetero.
Hindi man lang hinintay ang sagot ko. Tsk.
Habang nabili siya, hindi ko maiwasang hindi titigan ang napakaamo niyang pagmumukha mula sa malayo.
Alam kong mali 'tong nararamdaman ko pero . . . anong magagawa ko, 'di ba? Tinanggap ko ng higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko sa kanya. Wala na 'tong atrasan pa.
Kailan ko kaya maaamin na may gusto ako sa kanya?
Nasa malalim akong pag-iisip nang may mapadaan sa aking harapan na dalawang babae na sa tantiya ko ay mga high school student pa lang. Masyadong malakas ang mga boses nila kaya narinig ko ang kanilang usapan.
"Nanghingi nga ko ng sign. E, nangyari. E 'di, 'yon na. Sinagot ko na siya."
"Gano'n lang?"
"Oo naman! Kaya subukan mo na. Totoo kaya ang paghingi ng sign sa universe."
"Kalokohan," mahinang sambit ko matapos kong marinig 'yon.
Pero sa kabilang banda parang napaisip ako. Sign? Totoo ba talaga 'yon? Hindi naman ako hipokrito at ignorante para hindi malaman ang bagay na 'yon. E, kalat na kalat ang mga gano'n sa romance novels at films.
Napapikit ako saglit at bahagyang tumingala. Pinakiramdaman ang pagdampi ng hangin sa aking balat. Ang sarap sa pakiramdam.
"Subukan ko kayang humingi ng sign?" wala sa wisyo kong tanong sa isipan. "Wala namang mangyayari kung susubukan ko, e."
Sign . . . ano kayang pwedeng hingin at para saan—
Napatigil ako sa pag-iisip nang may ideyang pumasok sa isipan ko.
Rainbow. Kapag nakakita ako ng rainbow ngayon, aamin na ko kay Geoff na gusto ko siya.
Bahaghari.
"Anong ginagawa mo?"
"Ay, tangina!" gulat kong sabi nang biglang bumulong si Geoff banda sa aking tainga. Dahil walang sandalan 'yong bench na inuupuan ko, nahulog ako. Ang sakit sa pang-upo, bwisit. Pagdilat ko, para na kong mawawalan ng malay dahil sa bumungad sa akin. "Tangina," muli kong sambit habang nakatingin sa bahagharing biglang sumilip sa kalangitan.
Saan nanggaling ang bahagharing 'yan?!
"Jeff, ayos ka lang ba?" pagtingin ko sa gawi ni Geoff, bigla akong kinabahan.
"Tangina talaga."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top