16: TOO GOOD TO BE TRUE

Chapter 16: too good to be true

JAJA


Halos tumakbo na ako palabas ng bahay at hinanap ang nakaparadang SUV. Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas roon si Red at isang babae, habang nakita ko si Cooler na nakaupo sa loob, na panay ang ngiti.

They were all bruised and bleeding, pero sa kanilang tatlo, si Cooler ang mukhang malubha.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ko habang lumalapit. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila at sa babaeng kasama nila. She looked familiar, pero hindi ko na maalala kung saan ko siya nakita.

Hinawakan ni Red ang duguang labi. "This is nothing. Cooler got it worse."

Nang dumako ang tingin ko sa babae, ngumiti siya at iniabot ang kamay. "Hi, I'm Raine! We met already, pero I doubt if you remember because you were high as hell— oopsie, sorry, Reddie!"

Nagtatakang tinanggap ko ang kamay niya, looking at Red, silently asking what this is about.

"We went skateboarding," pagsisinungaling niya at tinuro ang mga pasa sa katawan. "That's how I got these."

Raine snorted. "Seriously, Red, that's the best excuse you can come up with?" Mahinang tinulak niya si Red at hinarap ako. "We went to a picnic, and a bear attacked us!"

"What?" angal ni Red at nagtalo sila kung anong magandang excuse ang sasabihin. These people are seriously weird.

Bumaling ako kay Cooler na nakasandal habang nakangiting nakatingin sa akin. Duguan ang kanyang balikat, and he was wearing corporate clothes again na para bang galing siya sa isang mahalagang pagtitipon. I noticed a mask on the floor, ngunit hindi ko na iyon pinansin.

He was looking straight at me, na tila hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ako. Itinaas niya ang kamay na tila may hinahawakan, ngunit agad na napasimangot nang tanging hangin lamang ang nahawakan.

"Dude, we're screwed! Cooler broke!" natatarantang bulalas ni Raine. She panicked and somehow slapped Cooler on his bleeding shoulder. Nakangiti pa rin si Cooler, ngunit mayamaya ay napangiwi siya at napahawak sa duguang balikat.

Tumawa si Red at mahinang tinulak ako papasok sa sasakyan, confused of what was happening. Nag-alangan pa akong pumasok sa sasakyan ngunit mas nanaig ang pag-aalala ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa Cooler at hindi alam ang gagawin. I wanted to hold him, but I'm afraid I might hurt him. I'm also afraid of how my physical contact with him affects me.

Napahawak si Raine sa pinto ng sasakyan. "The neighbors may find us weird at kailangan nang magpahinga ni Cooler so..." Hindi na niya tinapos ang sasabihin at sinara ang pinto sa tabi ko. She hopped to the shotgun seat, samantalang si Red naman ang nagmamaneho.

Cooler was silent the whole drive, at parang timang na nakangiti. Akala ko ay dadalhin namin si Cooler sa ospital, ngunit nang tumigil ang sasakyan, pamilyar ang lugar na pinaghintuan namin. It was Cooler's house.

"S-sandali, hindi ba natin dadalhin si Cooler sa ospital?" tanong ko nang tuluyang huminto ang sasakyan. "Tapos kayo, kailangan niyo ring magpagamot."

"We're fine," sagot ni Red at inalalayan niyang bumaba si Cooler.

Cooler was saying something about a hallucination of me being present, ngunit hindi ko iyon pinansin at nag-alala na lamang sa kalagayan niya. Maliban sa duguang balikat, wala naman akong nakikitang ibang sugat pa niya. I silently followed them inside, ngunit hindi ko maiwasang magtanong kay Raine.

"Bakit siya ganyan?" tanong ko at ngumuso kay Cooler na akay-akay ni Red. It was him who pretty much kept him standing dahil tila jelly ang mga binti ni Cooler.

Napasimangot siya. "My fault, maling dose ang nabigay."

Napakurap ako. "Dose of what?"

She looked away. "Drug?"

Nanlaki ang mga mata ko. "What drug?"

"Drug to keep him awake while I remove the bullet in his shoulder. Hindi naman malalim, so it's no biggie," nakangiting sagot niya.

"Cooler has a bullet in his shoulder?! I thought you were skateboarding or at a picnic?" Hindi makapaniwalang bulalas ko. Ilang beses ba may babaon na bala sa katawan niya?

Raine covered her mouth, like she spilled something she's not supposed to say. "Uhm, hey, the bear got a gun!" pagsisinungaling na lamang niya. "Don't judge the bear, he got it legally."

Napailing ako at nagmamadaling sumunod na lamang kina Cooler. Nang ilapag siya ni Red sa kama ay tumatawa pa rin siya. He tried moving around, ngunit napangiwi nang maramdaman ang sakit sa braso.

"Fuuuuuuuck!"

Red flicked his pouting lips. "No swearing, Cooler."

Tumawa siya at niyakap ang isang unan, not minding the blood he smudged everywhere. "Dude, why do I see Rustia? I'm losing it. Just how much amphetamine did Artemis give me?"

Hindi siya pinansin ni Red at bumaling sa akin. "Pasensiya na kung naistorbo ka namin. He's pretty much a cute puppy." Tumingin siya sa kanyang relo. "In an hour or two, I guess he will be back to normal."

Tinanguan niya ako bago humakbang paalis. Waaait.

"Sandali!" tawag ko kaya napatigil siya at nilingon ako. "Iiwan mo ako rito?"

Red nodded.

What?

"Why?" tanong ko. Anak ng tokwa, I barely even moved on from the 'us' that never happened, tapos babalik lang ako rito ng ganun-ganun na lang?

Nag-isip si Red ng pwedeng idahilan and he came up with the lamest reason ever. "Ugh, we gotta catch the bear who attacked us."

Gustuhin ko mang umalma ay mabilis siyang tumakbo paalis kaya wala akong ibang choice kundi alagaan si Cooler. Napatingin ako sa kabuuan ng silid niya. It was huge and manly. Mabango rin ang kanyang kwarto at maayos.

Hindi ko alam ang gagawin. I was torn between running away before I cave for more of him again, or staying just so I can take care of him. Hindi ko rin naman siya pwedeng hayaang mabalot ng dugo.

Binuksan ko ang mga cabinet sa kwarto niya, gasping at the sight of expensive clothes hanging. Kahit ang kanyang mga necktie ay maayos na nakasilid sa glass case na hindi ko alam paano buksan.

Binuksan ko ang isang drawer at biglang natigilan nang makita ang maayos na nakalagay na mga underwear niya. They were all black, at namula ako sa isiping bagay sa kanya ang mga itim niyang underwear. Mabilis na sinara ko iyon at sinulyapan si Cooler na nakahiga sa kama. I found him pulling out a color-changing silk, making happy noises as the cloth changed color, screaming it's magic.

Nagbukas ako ng ibang cabinet at nakakita ng face towel. Agad akong kumuha ng palanggana at nilagyan iyon ng tubig. Hanggang sa makabalik ako ay nakasandal na siya sa kama at hawak pa rin niya ang tela.

He smiled at me, looking dazed. "Damn it, I still see Rustia." Tinakpan niya ang bibig at napatingin sa paligid. "Thank God, Poseidon's not around anymore."

Lumapit ako at ngumiti sa kanya. "I'm real, Cooler."

He smiled ear to ear, ngunit mapungay ang kanyang mga mata. "Wanna see a magic trick?"

Tumango ako. "Sure."

He raised the red silk cloth. "Look closely..." He formed his hand into a fist, and pushed the cloth with his thumb. His trick was messy dahil sa estado niya, but he looked like he was enjoying it. Nang tuluyan na mapasok ang tela sa kamay niya, he opened his fist to show me na wala na roon ang tela. Napangiti ako at hinayaan siya.

With a flick of his finger, he pulled the cloth behind my ear, his hand gently touching my face. Dahan-dahan niyang hinila ang tela, ngunit sa pagkakataong ito ay kulay asul na iyon.


"You're so good with these sleight-of-hand techniques," sabi ko sa kanya. I ignored the feeling in my chest, dahil kung papansinin ko iyon ay baka ako pa rin ang mahirapan.

Pinunasan ko ang dugo sa kanyang mukha at hindi naman siya naging makulit. He liked it when I complimented him, ngunit maya-maya ay bigla siyang nalungkot.

"This is all an illusion," malungkot na sabi niya. "You're not real." He sulked on the side, making faces as he tried to move with his grazed shoulder.

"Cooler, totoo ako," sabi ko sa kanya. Hindi ko alam bakit kailangan kong ipaalam sa kanya iyon. I want him to know na nandito ako.

"Hi,~" malumanay niyang sabi. He was still groggy, at mapupungay ang kanyang mga mata.

"Hi," ganti ko. Nang pinalitan ko siya ng damit ay hindi ko maiwasang sulyapan ang kanyang katawan.

Jusko, Jaja! Sugatan na nga iyong tao, kung anu-ano pa iniisip mo!

Mabuti na lamang at maayos ko siyang napalitan ng damit. He sat there in a daze, adjusting his sight.

"You should stay away from me," narinig kong sabi niya. Natigilan ako sa pag-ayos ng kanyang duguang damit at napatingin sa kanya.

I forced a smile. "Oo na, pero saka na kung masigurado ko na ayos ka na."

He leaned back, moving an inch away from me. "A few hours ago, I had sex with some random woman."

Nabitawan ko ang hawak at bahagyang napaawang ang labi ko sa gulat. There was anger, surprise, and pain in my chest at naghalo-halo sila sa damdamin ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang emosyong nararamdaman ko ngayon.

Napayuko siya at muling nagsalita. "Yeah, I'm the worst."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi niya. Of all the things I wanted him to say, that was the least I expected. Maybe Cooler is fond of surprises, I guess.

Ano ba ang dapat kong isagot sa sinabi niya?

Congrats?

Edi wow?

Sana all?

Masarap ba?

Patikim?

I could think of a thousand words to say ngunit walang salitang lumabas sa bibig ko. Nanatili lamang akong nakaupo, at dinadam ang panginginit ng mga mata at kirot sa damdamin.

"Hm, g-good for you." Sinubukan kong tumawa ngunit ang OA lamang ng dating ng tawa ko.

"Please be mad at me," malungkot na sabi niya.

Ilang beses akong kumurap upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala. Bakit ba ako naiiyak, sino ba ako? Pake ko ba sa sex life niya?

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatingin din siya sa akin. Tila naghahanap siya ng kung ano sa mukha ko kaya pinilit kong ngumiti. "Alam mo, oversharer ka, kung anu-ano na ang pinagsasabi mo."

Akmang tatayo na ako ngunit mabilis niya akong hinawakan sa braso. Nagkatinginan kaming dalawa, at ilang sandali lamang ay mas inilapit pa niya ang sarili sa akin. I was taken aback when he pulled me closer and buried his face on my neck.

"R-Rustia, please... Please be mad at me."

Sumisikip ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na emosyon. Why is he doing this? Bakit ba niya ako pinapaasa? Why is he giving me so many mixed signals? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Magagalit ba ako o hindi? What right do I have to be mad with him?

Ano ba niya ako? Ano ko ba siya? My heart ached so bad. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niyang iyon? Hindi na kami mga bata. We should not be lost in translations and words left unsaid. Pareho naming alam na kailangan namin ng komunikasyon.

"C-Cooler—"

Naramdaman kong mas hinigpitan pa niya ang yakap. "Please stay...before I lose my mind."

His words left so many emotions in me na hindi ko maintindihan. Bahagya akong lumayo sa kanya. Physical contact with him makes me lose my mind as well. Hindi ako makapag-isip nang matino.

He was a bit sad when we parted ngunit umayos siya ng upo. Kumpara kaninang dumating sila ay mas nahimasmasan na siya.

"Cooler, please. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo, hindi ko alam kung ano tayo. Sure, I'm attracted to you. It's weird kasi...gusto yata kita. And you being all that..." I gestured my hand since I cannot find a word to define what he's doing. "Hindi ko na alam."

Napaupo ako sa kama, leaning my elbows on my knees and resting my face on my palms.

"I'm sorry," sabi niya. "But... I don't know what I'd do without you." He sounded so sincere.

Napatingin ako sa direksyon niya, hindi alam kung ano ang isasagot sa sinabi niya.

He wiped his face with his palm, trying to clear his mind. "I think I'm crushing on you." Ngumiti siya sa sarili. "Damn, that sounded so old school and cringe, but yeah, that's how I felt."

I felt my hands trembling. "N-no."

"Yeah, siguro tama ka. This is too strong to be a crush. Gusto kita, Rustia."

Nag-iwas ako ng tingin. "C-Cooler, hindi. Hindi pwede."

His eyes darted at me. "Hindi pwede?"

Umiling ako nang ilang beses. "Kasasabi mo lang na may...may ka-sex kang babae kanina tapos ngayon sasabihin mong gusto mo ako? Ganoon ka ba sa mga taong gusto? Gagawa ka ng bagay na ikasasakit ng dibdib nila, tell them about it and confess your feelings?" Napailing ako ng ilang beses. "That's not how you're supposed to do it, Cooler."

He looked down and nodded. I felt my heart tighten in my chest nang magsalita ulit siya. "I was thinking of you the whole time."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. He was screwing another woman, but he was thinking of me the whole time?

Dapat ba akong matuwa? Mainis? Pero hindi ko ikakaila na bahagyang gumaan ang dibdib ko sa sinabi niya. Wala naman talaga akong karapatang masaktan kung ano man ang gawin niya dahil hindi naman kami.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin," nakayukong sabi ko.

He held my hand and squeezed it. "Please stay the night."

Bigla akong natigilan at nanlaki ang mga matang napatingin sa kanya.

Mahinang tumawa siya at umiling. "No, it's not like that. I won't do anything— except cuddles. Gusto ko lang matiyak na nandiyan ka. When I wake up in the morning, I want you to be there. I want to talk about us when we're well-rested and maybe I'm in my clear mind. Please?"

Despite knowing he is too good to be true for me, I found myself nodding.

#

ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top