9

Araw-araw pa rin sila magkasama kahit si Webster ay nag-akyat ng ligaw kay Merriam. Unti-unting nakikita ni Merriam na interesado si Webster sa kanya, lalong-lalo na sa mga araw na tanging sila lang ang magkasama sa iisang lugar at tungkol sa nararamdaman niya. Sa mga araw din nila pagsasama kay Merriam bilang kanyang nililigawan, hindi pa rin maiwasan ni Merriam na tumulong si Webster sa pagtitinda ng Indian Mango. Si Webster na rin mismo ang naghusga sa iginuguhit ni Merriam para sa mga nagpapa-commision sa kanya.

Sa isang linggo na magkasama bilang kanyang nililigawan ni Merriam, hindi pa rin nababago ang tingin ni Webster sa dalaga. Ngunit ang pinagka-iba lang ay nag-aalala siyang hindi masagot ng matamis na Oo.

~*~

Isang linggo ang nakalipas,

"Nagsimula ako sa pagguguhit ng mga Book Cover at maging mga Manga, Illustration at marami pang iba," nagpapaliwanag si Merriam habang katabi niya si Webster para sa kanilang reportings. "Si Webster naman ay nagsimula siyang magtinda ng Indian Mango para sa pangangailan ng kanyang ina na may sakit. Kaming dalawa ay nakaranas ng paghihirap ngunit pinili namin ipagpatuloy para makaahon sa hirap at mapanatiling may makain at may pangangailangan sa buhay."

Sila ngayon ay nasa isang activity sa kanilang asignatura. Ngayon, sila Merriam at Webster ang nasa harapan ng kanilang mga kaklase para mag-report at magsalita tungkol sa topic na kanilang napili. Habang siya'y nagsasalita, maraming natuwa sa kanilang kinukuwento habang sila'y nagsasalaysay.

"Ngayon, maraming nagpapa-commision kay Merriam sa paggawa ng Book Cover at Illustrations. Ako naman ay patuloy sa pagtitinda ng Indian Mango sa palengke at naisipan rin tumulong si Merriam sa akin. Kaming dalawa ay magkasamang nagtutulungan para malagpasan ang mga paghihirap namin at marating sa aming mga pangarap." Lumapit si Webster sa mga kanyang kaklase para siya'y magsalita sa harapan. "We choose to help each other because it is better to move up together than one of us. Kahit sabihing mahirap ang kalagayan naming dalawa ay pinili naming magka-isa," dagdag pa ni Webster.

"Hindi ko iniisip na hilain siya pababa sa kung ano ang istado niya sa buhay," muling sabi naman ni Merriam. "Sa panahon ngayon, may mga taong nanghihila pababa ngunit hindi nila iniisip na maraming maaapektuhan sa ginagawa nila."

"Walang masamang mag-criticize ngunit ilagay sana ito sa tama at walang ikinagagalit o inggit sa kapwa," si Webster ang nagdagdag sa sinabi ni Merriam.

~*~

Nang tumunog ang panghuling bell, sabay na muling naglakad sina Merriam at Webster sa hallway, ang daldalan ng mga estudyante ay nawala sa background. Inaasahan ni Merriam na kumain muli sa restaurant, ngunit pinilit ni Webster na magbenta ng Indian Mangoes sa Market bago isaalang-alang ang kanyang kahilingan.

"Puwede naman siguro kumain tayo mamaya, hindi ba?" tanong ni Merriam kay Webster.

"Bago tayo umuwi sa bahay ay maari tayo kumain muli sa paresan."

"Okay! Habang gumuguhit ako sa book cover ng ginagawa ko ngayon, tulungan kita muli magtinda ng Mangga sa palengke. Kapag may taong bibili sa Mangga, pokus ko muna sa gagawin natin," sabi pa ni Merriam habang nakakapit siya sa handle ng bag niyang bitbit.

"Sigurado ka ba d'yan, Merriam?" napalingon na lamang si Merriam kay Webster habang patuloy lang sila sa paglalakad sa hallway.

"Sigurado ako, Webie," tugon naman ni Merriam habang siya'y nakangiti. "Bilang babeng nililigawan mo, hayaan mo rin akong pagpatuloy sa kung ano ang nais ko para sa'yo."

"Salamat, Merriam." Iniwasang niyang tignan ni Webster si Merriam pagsamantala habang pulang-pula ang kanyang pisngi.

"Walang anuman 'yon." Tumitingin naman si Merriam kay Webster at dinaan niya ito sa ngiti.

Patuloy silang dalawa sa paglalakad sa hallway. Hindi nagdalawang-isip si Webster na tulungan si Merriam sa pagbitbit niya ng libro kaya hindi na lamang tumanggi pa ang dalawa dahil nililigawan niya ito. Bakas sa kanilang mukha ang ngiti at namula ang mga pisngi ni Webster sa magkahalong pananabik at init ng pagiging nasa tabi ni Merriam, ang kanilang mga ngiti ay nagbabadya ng magkabahaging saya at koneksyon.

~*~

Ilang oras ang nakalipas ay nasa palengke sila Merriam at Webster. Si Merriam ngayon ay gumuguhit ng isang larawan sa kanyang iPad habang nagbibilang naman si Webster ng mga perang papel na mayroong tig-isang daang piso. Habang nagbibilang, bakas sa mukha ni Webster ang saya dahil muling nakabenta ito ng maraming pera kumpara noong nakaraang araw.

Habang gumuguhit si Merriam, napansin niyang nakangiti si Webster habang nagbibilang ng pera. Ngumiti na lamang ito sa kanyang nakita at nagpatuloy na lamang sa pagguhit. "Mukhang magagamot mo talaga ang nanay mo, Webie. Siguro, it's time na magkaroon ka pa ng isa pang branch para maraming bumili."

"Naisipan ko rin 'yan kaso kailangan natin ng mga tao." Humarap si Webster kay Merriam habang nilagay niya ang mga pera niyang hawak sa isang maiit na ataul.

"Puwede naman kausapin mo ang mga pinsan mo o mga tito't tita mo para tumulong sila sa'yo," mungkahi naman ni Merriam habang patuloy na gumuguhit ng isang larawan sa kayang iPad. "Nga pala, nais ko sana matulog sa inyo dahil gusto kong mabantayan kita."

"Anong ibig mong sabihin?" biglang tanong ni Webster habang isinarado niya ang ataul at nilagay ito sa malalim na bag.

"Gusto ko lang kasi kamustahin ang iyong ina," sagot niya bilang rason kung bakit. "Nagpaalam ako sa magulang ko kaya ayos lang sa kanila dahil kilala ka naman nila. Isa pa, pupunta rin si Papa at Mama bukas sa inyo dahil naisipan din nila bumili ng gamot laban sa Pnemonia," sabi pa ni Merriam habang huminto ito sa pagguhit.

"Alam mo Merriam, parang ikaw 'yung nag-aakyat ng ligaw sa akin. Hindi ba't ako ang mag-effort para mapasagot mo ako ng matamis na Yes?"

"Webie, hindi porke't ako ang nasa sitwasyon na ito, hahayaan ko lang na maging juicy at judge sa harapan mo." Muling nagpatuloy si Merriam sa kanyang ginagawa bilang taga-guhit ng magiging book cover sa nagpa-commision sa kanya. "Sa panahon ngayon, dapat ang babae ay nag-effort din para hindi magsisi ang lalaki o ang taong nangliligaw sa kanya na nasa tamang tao siya at ginagawa rin niya ang pagmamahal."

Dahil sa kanyang narinig, hindi na naman maiwasang ngumiti si Webster habang nakatitig siya kay Merriam at muling namula ang kanyang mga pisngi.

"Kahit sabihing mahal din kita, gusto ko rin ipakita sa'yo na karapat-dapat mo ako sa puso mo, Webie. Gusto ko rin na malaman mong seryoso rin ako sa'yo at hindi ako katulad na babae na paglalaruan lang ang puso ng babae. Naniniwala ako na kakarmahin ang isang babae kung pinaiyak niya ang isang lalaki," dagdag pa ni Merriam at siya'y huminto sa pagguhit para muling tumingin siya kay Webster.

Hindi na lamang tumugon o sumagot pa si Webster at ngumiti na lamang ito sa dalagita. Napangiti na lang rin si Merriam kay Webster at kumikinang ang kanyang mga mata para magmukhang maganda sa paningin ni Webster. Hindi pa rin maiwasan tumunganga na lamang si Webster kay Merriam at naiisip niya ang maaring mangyaring maganda kung maging ganap na magkasintahan ang dalawa. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top