8

Kinagabihan, nagkuwento si Webster sa kanyang ina tungkol sa pagsasama nilang dalawa ni Merriam kaninang tanghali sa parke. Laking tuwa ni Webster sa mga kanyang kinukuwento sa kanyang ina, patunay na mayroon gusto ito sa dalaga.

"Alam mo po ba kanina bago kami mamasyal, dinala ko po siya sa Paresan sa tapat. Nasarapan po siya sa Pares Overload at nag-order pa po siya ng isa pang Pares kaya halos isang oras kami nakaupo sa upuan namin para magpahinga."

"Nakakatuwa naman 'yan, 'nak," komento naman ng kanyang ina sa kanyang kinukuwento. "Ano sabi ni Merriam habang kumakain siya ng Pares niya?"

"Gusto niya po kumain ng pares doon ng isang araw," agad sagot ni Webster na mayrong kasamang ngiti. "Kung magkakasakit daw po siya, Pares lang ang nais niya para gumaling daw."

"Naku! Mukhang natuwa siya dahil dinala mo siya sa paborito mong Paresan."

"Alam mo po, parang nag-date na kami ni Merriam." Tumalikod si Webster sa kanyang ina at iniwasan niyang tumingin ito, nakatingin sa bintana at iniisip niya si Merriam. "Halos ako na ang naggastos sa pagpapasyal naming dalawa at ramdam kong kami na ni Merriam. Hindi ko pa rin makapaniwalang tumulong siya sa akin sa pagtinda ng Indian Mango at kinakamusta ka rin po kung ayos pa rin ba ang kalagayan mo," nilabas ni Webster ang rason kung bakit lalong mahal na mahal niya si Merriam. "Natatako po ako na umamin sa kanya kasi hindi ko alam kung gusto rin ba niya ako o kaibigan lang ang turin niya sa akin."

"Anak..." Lumapit ang ina ni Webster at kinapa ang likuran ng kanyang anak. "Wala naman masamang umamin sa kanya. Ang masama lang ay kung ikaw mismo ang nagtutulak sa sarili mo para sa kanya kung wala siyang nararamdaman sa'yo. Siguro, ginagawa niya iyon dahil sa istado natin sa buhay at naawa siya sa'yo. Naging kaibigan ka man niya dahil alam niyang kailangan mo ng tulong."

"Siguro po," tugon na lamang ni Webster habang muling tumingin ito sa kanyang ina.

"Ngunit kung mayroon rin siya nararamdaman para sa'yo, huwag mo na pakawalan pa ang babae na iyon dahil paniguradong nasa kanya ang dahilan kung bakit nagiging masaya ka," ani naman ng ina ni Webster.

"Sana nga."

"Webster, nasa kamay natin ang tadhana kaya ikaw na bahala kung may gusto man siya sa'yo o wala. Isa pa, huwag mong piliting magkagusto siya sa'yo dahil isa iyon sa pinakamaling gawin," pinayuhan ng ina ni Webster ang kanyang anak habang bumitaw ito sa kanya. "Hayaan mong siya mismo ang makatuklas sa kung ano ang nararamdaman niya sa'yo dahil panigurado ay may gusto siya sa'yo simula pa lang."

"Pero inaway ko kasi siya noong nakaraan," agad wika ni Webster.

"Nakaraan na 'yon at siguro naman ay pinatawad ka na niya dahil alam niya ang malalim na dahilan," agad sagot naman ng ina. "Basta Webster, hayaan mo siya mismo ang magkagusto sa'yo, maliwanag?"

"Opo," pakumbabang tugon naman ni Webster.

Pagkatapos ay niyakap ng ina ni Webster ang kanyang ina ng mahigpit bilang paginhawahin si Webster. Nakiyakap na rin si Webster sa kanyang ina at ang ina ay hinimas ang ulo ng binata.

~*~

Kinabukasan sa kanilang paaralan, naglalakad si Merriam at Webster sa hallway na magkasama at siya'y nag-uusap tungkol sa nangyari kahapon. Ngayo'y tapos na muli ang kanilang klase at siya'y pauwi na sa kanilang paaralan. Habang ganoon, galos hindi makapaniwala si Merriam sa pares na kanilang kinain kahapon at baka pa rin sa kanyang ngiti kung paano niya ito pinaliwanag sa lasa ng pares.

"Alam mo ba Webie, tama ka dahil ang sarap ng pares na kinain natin kahapon. Ang sabaw pa lang ay puwede mo na talaga i-ulam sa kanin, ang noodles nila ay hindi masyadong matigas at malambot, ang sahog din nila ay sobrang sarap dahil well done ang karne na kanilang nilagay." Halos malapit na umabot sa mata ang taas ng magkadulong bahagi ng kanyang labi habang ito'y nagkukuwento. "Webie, puwedeng kumain ulit tayo roon at ako na bahala sa bayad?" bigla angyaya niya kaya naglakihan ang mata ni Webster sa kanyang narinig.

"A-ano?!" halos sumigaw na si Webster sa sobrang gulat. "I-ikaw naman manglilibre?" tanong pa niya.

"Hindi mo ba alam na nakapag-commision ako ng Book Cover last week?"

Dahil sa narinig niya, mas lalong nagulat si Webster at halos mailabas na niya ang mata sa laki. Hindi niya akalaing may iba ring inaatupag si Merriam maliban sa pagiging estudyante niya at pagtulong ni Webster sa pagtitinda ng Mangga.

"Grabe ka naman makagulat, Webie." Tumawa na lamang si Merrima sa kanyang nakita mula kay Webster. "Oo, nagdo-drawing ako ng mga Book Cover, Illustration sa Libro at minsan ay Comics," dagdag pa niya.

"Ang dami mo pala nagagawa, Merriam," ngiting komento na lamang ni Webster habang ramdam niyang namangha ito sa kanyang narinig tungkol sa iba pang ginagawa ni Merriam. "Magkano pala naging commision mo sa paggawa ng Book Cover?" tanong pa niya.

"Four Thousand Pesos."

"Talaga!?" biglang sigaw ni Webster habang ang mga kamay ay nakalagay sa kanyang pisngi at nakanganga.

"May bayad kasi ang may tao sa Book Cover, kaso dalawa ang ginawa ko kaya Four Thousand ang naging commision ko sa Author na 'yon," paliwanag ni Merriam.

"Alam mo, gusto ko makita ang gawa mo." Binaba ni Webster ang kanyang mga kamay at ito'y binulas habang patuloy sila sa paglalakad. "Ramdam kong maganda siguro ang gawa mo dahil maganda."

"Pakita ko sa'yo sa Mismong Paresan," ito na lamang ang sabi ni Merriam. "Gusto mo ba?"

"Oo naman."

~*~

Ngayon ay muling nakabalik sila Merriam at Webster sa Paresan nila Ella. Sa pagkakataon na ito, sila'y mga estudyante naman.

"Naku! Mabuti at bumalik kayo," ikinagalak na wika ni Ella dahil siya na naman ang nag-asikaso kila Webster. "Siguro, alam ko na ang order ninyong dalawa."

"Pares overload para sa aming dalawa po," agad sabi ni Merriam.

"Oh sige, wait lang ah." Muling umalis si Ella sa kinaroroonan nila Merriam at Webster.

Pagkatapos iyon, agad kumuha si Merriam ng isang iPad mula sa kanyang bag dahil ipapakita niya kay Webster ang kanyang mga naiguhit. "Ito nga pala ang aking nagawa. Actually, in just three days ko siya nagawa kahit hindi siya rush at dapat ang deadline ay noong last week pa. Noong bakasyon ko ito ginawa pero madali lang kasi two characters lang ang nasa Book Cover na 'yon," paliwanag ni Merriam.

"Wow! Hindi ko akalaing magagawa mo talaga 'yan," komento ni Webster. "Anime na anime ang drawing at ang ganda pang tignan," dagdag pa ni Webster.

"Kung kagaya mo na may sakit na ina, kami naman ay lubog na lubog sa utang kaya naisipan kong magkaroon ng ganito," sabi naman ni Merriam bilang rason kung bakit siya nagpapa-commision. "Ngayon, wala na kami utang dahil sa mga ganito ay nababayaran na namin ang mga upa ng bahay, kuryente at tubig." Dumungaw si Merriam sa

Ngumigiti na lamang si Webster habang nakatitig ito kay Merriam. Nalaman din niyang magkaparehas sila ng pangyayari.

Nang lumingon si Merriam kay Webster, hindi pa rin nababago ang itsura ng mukha ng binata. Nanatiling tulalang nakatitig sa dalagita habang iniisip niyang may kakaiba sa kanya. "A-anong meron?" tanong niya habang nagtaas ang isang kilay niya.

"Ah! W-wala!" pautal-utal sagot ni Webster habang iniwasan niyang tumingin ito kay Merriam.

"Siguro, may gusto ka sa akin, 'no?" biglang hirit ni Merriam kaya biglang tumingin si Webster sa kanya at naglaki ang kanyang mga mata sa gulat. "Oh! Guilty ang Baby Webie ko," paungol na sabi pa ni Merriam.

"Aaaah..." Hindi na makapagsalita ng maayos si Webster.

"Alam mo, gusto rin kita, Webie," agad sabi ni Merriam bilang pag-amin niya sa kanya. "Don't worry, I'm falling in love with you too."

"So, mahal mo ako?" pagtatakang tanong ni Webster.

"Oo, Webie," hindi nagdalawang-isip pang isagot ito ni Merriam habang nakatitig pa rin siya kay Webster. "Wiling naman ako ligawan mo ako kahit anong oras o araw dahil gusto ko kasi na mas kilala kita lalo o puwede ring maging tayo na kung saka-sakali."

"Okay! I'm willing to courting you, Merriam." Kumikintab ang mga mata ni Webster kahit hindi ito iniiwasang tumitig kay Merriam. "Hayaan nating gawin ang tradisyon ang pagsasamahan nating dalawa."

"Agree," ngiting tugon naman ni Merriam.

Ngayon ay nag-akyat na ng ligaw si Webster kay Merriam at hindi na rin ito nagdalawang-isip na nagtapat rin silang dalawa sa isa't isa. Hindi na nag-aalala si Webster sa nararamdaman ni Merriam lalo na't kung may gusto ito sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top