7

Kinabukasan, sila Merriam at Webster ay mulingnagkita sa isang parke. Naisipan ni Webster na kumain kasama si Merriam at siWebster mismo bumili ng maaring makakaain ng dalaga. Ang kanyang pera ay mgasobra galing sa kanyang pagtitinda ng Indian Mango sa palengke at sa tulongmuli ni Merriam ay naisipan niya ito i-treat ng pagkain. 

Saktong sa ilalim ng puno ng Indian Mango naghihintay si Webster habang maiiging binibilang niya ang mga pera, halos sa mga ito ay puro One Hundred Peso Bill at may Fifty Peso Bill pa siya nabibilang. Pagkatapos bilanging ang mga pera, agad nilagay niya ang mga pera na kanyang hawak sa kanyang wallet at daling binulsa iyon.

"Ang dami naming nabenta ng Mangga ngayon. Hindi ko akalaing tinulungan pa niya ako sa pagbenta ng Indian Mango." Tumingala si Webster sa langit habang iniisip niya kung paano ginagawa ni Merriam ang kanyang pagtulong kay Webster.

Saktong dumating si Merriam sa kanyang kinaroroonan. "Webieee!" sigaw ni Merriam habang kumakaway ito at kumaripas na takbo palapit kay Webster.

"Webie?"

"Simula ngayon, Webie na ang magiging tawag ko sa'yo," paliwanag ni Merriam habang bakas ang ngiti sa kanyang mukha dahil muling nasilayan niya si Webster. "Hindi ba't, ililibre mo ako ng Favorite Food mo, di'ba?" Siniko ng mahinang puwersa ni Merriam ang baywang ni Webster habang ito'y kinindatan niya ang binata.

"Alam mo, parati na marami kang nagawa sa pagbebenta ng Indian Mango at tinulungan mo ako para mapagaling ang aking ina," wika ni Webster para pasalamatan niya ang dalaga. "Naisipan mo rin mag-harvest ng Indian Mango kahit hatian pa tayo sa ating kinikita sa pagtinda. Ngayon, isusukli ko na naman muli ang lahat na pinaghirapan at effort mo kaya ngayon ay ililibre kita sa kung saan mong gustong restaurant o fastfood chain."

"Webie, puwedeng sa gusto mo na lang?" agad mungkahi ni Merriam kay Webster.

Dahil sa gusto ni Merriam, muling tumunganga na lamang si Webster kakatitig kay Merriam. Hindi niya alam ang magiging sagot niya marahil naisip niyang baka hindi magugustuhan ni Merriam ang restaurant na kanyang paborito.

"Bakit Webie? Wala ka ba favorite restaurant?" tanong ni Merriam sa binatang nakatunganga kakatingin sa kanya.

"Ahhh..." Umiwas muna tumingin si Webster kay Merriam at inisip niya kung saan sila puwede kumain. "May isang paresan malapit rito at halos dekada na sila nagtitinda ng pares at mami. Paano kung doon na lang tayo kumain?" anyaya ni Webster.

"Saan banda pa 'yon?"

"Tatawid pa tayo sa Main Gate ng Park na ito at mabubungad natin agad iyon," paliwanag ni Webster sa lokasyon ng sinasabi niyang paresan. "Favorite ko kasi pares nila dahil 'yon ang unang gift sa akin ni Papa noong nag-graduate ako ng elementary bago siya pumunta ng Saudi. Hanggang ngayon, kumakain pa rin ako roon pero tanging ako na lamang mag-isa."

"Ano pala mayroon sa pares nila?"

"Masarap kasi pares nila kagaya ng baka nila ay hindi masyadong matigas, ang sabaw nila ay hindi masyadong matabang, maalat o mapatla at ang iba pang sahog ay tama lang ang pagkaluto. May libre pang Ice Tea sila at unti-sabaw at rice sila sa halagang Fifty Pesos."

"Sulit naman pala 'yang paresan na 'yan!" aliw bigla ni Merriam habang magkahawak ang kanyang mga kamay at parang nanalangin ito. "Punta na tayo roon, Webie?" agad anyaya pa ni Merriam.

"Sure!" ngiting tugon na lamang ni Webster at ito'y nagsimulang naglakad palabas ng Gate ng pake na kanilang kinaroroonan. Sumunod naman si Merriam kay Webster habang ito'y palundag-lundag na naglakad dahil sa sobrang saya.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na silang dalawa sa isang paresan sa tapat na Parke na kanilang pinanggalingan. Kagaya pa rin ng nakikita ni Webster, marami pa ring kumakain sa paresan na kanilang kinaroroonan. Naamoy nilang dalawa ang usok na nilulutong sabaw. Imbes na mandiri o magkaroon ng hindi magandang reaksyon, sabay-sabay nila Webster at Merriam na singhutin ang usok na parang kinakain na nila ang pares.

"Ang bango, Webie," pagkamangha ni Merriam sa kanyang inaamoy. "First time ko ma-encounter na ganito. Sa lahat ng paresan na napuntahan ko, ito na ang magiging favorite ko simula ngayon," sabi pa ng dalaga.

"Sabi ko sa'yo, Merriam. Usok pa lang, parang kumain ka ng pares o mami nila."

"Tara at hanap na tayo ng mauupuan?" anyaya ni Merriam kaya hindi na nadalawang isip pa si Webster lumapit sa isang bakanteng mesa at daling umupo ang binata. Sumunod naman si Merriam sa kanya at ito'y tumabing umupo kay Webster.

Mayamaya ay may isang babae ang lumapit sa kanila, naka-apron ng black, naka-hairnet at putting blouse, isang Waitress ng paresan at isa rin ito sa matalik na kaibigan ni Webster. "Webster!" Kilala ng waitress na iyon si Webster dahil si Webster ay isa sa mga suki ng paresan na kanilang kinaroroonan. "Mabuti naman at may kasama ka. Syota mo ba s'ya?"

"Naku! H-hindi!" agad tanggi ni Webster. "Kaklase ko siya at kaibigan ko, si Merriam." pinakilala ni Webster si Merriam sa Waitress.

"Hello po," ngiting pagbati naman ni Merriam at siya'y kumaway.

"Naku, Ma'am! Suki ang kaibigan mo rito sa paresan namin. Nga pala, ako si Ella at isa ako sa mga waitress at isa rin akong Manager ng paresan na ito."

"Naku! Natuwa po ako na makilala po kita, Ma'am Ella," ngiting pagbati ni Merriam kay Ella at siya'y nakipagkamayan sa Waitress.

"Ako din, Iha," ngiting sagot naman ni Ella. "Siguro, alam ko na ang order ninyong dalawa."

"Dalawang Pares Overload lang naman ang nais namin," sabi naman ni Webster bilang pagsabi ng kanyang order.

"Noted! Please wait for a while ah," tugon naman ni Ella at ito'y umalis papunta sa likod ng paresan para gawin ang kanyang tungkulin.

Habang naghihintay sa kanilang order, nag-usap muli sila Merriam at Webster. "Naku! Hindi ko akalaing kilala ka pala ng staff ng paresan na 'to," sabi ni Merriam at ngumigiti-ngiti ito kakatinging kay Webster. "Siguro, VIP ka rito sa paresan na 'to, hindi ba?"

"Parang," ngiting sagot naman ni Webster habang ito'y umayos sa kanyang pag-upo. "Parati na kasi ako nandito kung sobra ang pera na kinita ko o minsan ay kapag na-achieve ko 'yung goal ko sa school."

"Wow! Kung pasado ka pala sa mga quiz o naging honor student ka, pumupunta ka pala rito," ikinamangha naman ni Merriam.

"Oo naman, Merriam."

"Nakakatuwa lang ikuwento 'yan sa'yo, Webie," sabi pa ni Merriam.

Tumahimik na lamang si Webster habang nakatingin ito sa dalagita. Si Merriam naman ay may bakas na ngiti habang nakatitig ito kay Webster. Pagkatapos ay daling umiwas si Webster sa pagtingin niya kay Merriam habang ito'y namula ang kanyang pisngi. Kahit ganoon, dumarami ang mga tao sa paresan at unti-unting nagkakaubusan ng mga bakanteng mesa.

Mayamaya ay may naisip na namang tanong si Webster kay Merriam at kanya ito tinanong. "May tanong pala ako. Mataas ba standard mo sa lalaki?"

"Po?" Hindi narinig ni Merriam ang tanong ni Webster sa sobrang ingay ng kinaroroonan nila ngayon.

"Sabi ko, Mataas ba standard mo sa lalaki?" inulit ni Webster ang tanong habang lumingon siya kay Merriam.

"Ayun ba? Eh, Hindi naman." Umiwas muna tumingin si Merriam kay Webster habang tumingala ito sa kisame. "Ngunit nawawala ang standard ko kapag alam kong masaya ako," dagdag pa ni Merriam.

"Saan ka masaya?" agad tanong pa ni Webster.

"Kung masaya ako sa taong nakakasama o nakakausap ko ay nakakalimutan ko ang standard na gusto ko basta dama ko ang pagmamahal at pagpapahalaga ay ayos na iyon sa akin." Muling tumingin si Merriam kay Webster at siya'y ngumiti. "Isa pa, hindi ko naman kailangan pang itaas pa ang standards ko dahil nais ko lang ay lalaking hindi nanakit at nasasaktan kahit aking damdamin."

Tamang nakikinig lang si Webster kay Merriam habang nakatitig ito sa dalagita. Nakatatak na sa kanya ang sinasabi ni Merriam tungkol sa standard niya sa babae.

"Ikaw ba? Mataas ba ang standard mo sa babae?" si Merriam naman ang nagtanong kay Webster.

"Ako lang ay gusto ko lang 'yung nakaka-intindi sa akin kung sino ako at kung bakit ako naging ganito," agad sagot naman ni Webster. "Isa pa, gusto ko kasi na hindi ako ginagamit sa una. Tipong gusto ko everlasting love."

"Mabuti naman kung ganoon," tugon naman ni Merriam.

Pagkatapos iyon, saktong dumating si Ella bitbit ang kanilang pagkain. "Ito ang order ninyo, Webster." Nilapag ni Ella ang dalawang bowl ng pares at kanin sa mesa kasama ang dalawang basong Ice Tea.

"Naku! Salamat po," agad pasalamat ni Webster. "Later na lang ang bayad namin."

"Enjoy your meal, guys," huling sabi ni Ella at ito'y umalis sa kinaroronan nila Merriam at Webster.

"Kain na tayo," sabi ni Webster at sila'y kumain na ng kanilang Pares kasama si Merriam.

Kahit kumakain silang dalawa, ramdam ni Webster na date ito. Lalong naging maganda pa ang pinagsamahan nilang dalawa ni Merriam lalo na't alam ni Webster kung ano ang nais ni Merriam.

Pagkatapos sila kumain ay bumalik silang dalawa para mamasyal at naki-enjoy sa maliit na amusment park sa look ng parke. May nauwing teddy bear si Merriam at ito na rin ang isa sa naging regalo mula kay Webster at pinanalo ito sa isang game na nasa amusement park. Kumain naman sila ng Ice Cream pagkatapos at mayamaya ay sila'y umuwi na. Naging memorable kay Webster ang araw na iyon at maging kay Merriam. Ngunit hanggang ngayon ay nanatiling hindi pa alam ni Webster kung magugustuhan pa rin siya ni Merriam o hindi. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top