6
Sila'y naging matalik na magkaibigan. Naging masaya si Webster sa piling ni Merriam at ganoon rin si Merriam kay Webster. Sila ay parating magkasama araw-araw tuwing papasok sa kanilang paaralan at pauwi sa kani-kanilang mga bahay. May panahong si Merriam ang pumupunta sa tirahan ni Webster para sunduin niya ito. Si Merriam ang mismong gumagawa ng paraan para pasayahin si Webster.
Tuwing pag-uwi at maging katapusan ng linggo, tumutulong si Merriam kay Webster sa pagtitinda ng Mangga sa palengke. Alam ng magulang ni Merriam ito at pinapayagan naman nila, manatiling nasa tamang kalagayan ang ina ni Webster.
Hindi na sila nag-aaway sa isa't isa kahit minsan ay nangyayari silang masama sa isa't isa. Nakakalimutan na nila ang nangyaring alitan nila noong mga nakaraan araw at ngayo'y halos ngiti at saya ang kanilang dinadala.
~*~
Tatlong buwan ang nakalipas,
Ngayon, parehas silang Honored Student at sila ang magkaduwelo kung sino ang Top 1 sa kanilang klase. Ngayong araw, may bitbit silang certificate habang naglalakad ang dalawa sa tahimik na kalsada. Kahit mataas ang sikat ng araw, nagkukuwentuhan ang dalawa at minsa'y tumatawa.
"Hindi ko akalaing tayo pa ang nasa Top Student," wika ni Merriam. "Tayo pa ang academic rival ng section natin pero hindi naman tayo nag-aaway dahil doon."
"Wala naman ako balak kalabanin kita sa pagiging Top one," sabi naman ni Webster. "Ang sa akin lang, gusto ko makapag-graduate at makapag-aral sa La Salle."
"L-la Salle?!" Biglang lingon si Merriam habang huminto sa paglalakad ito. "Mag-aaral ka sa La Salle sa kolehiyo?" tanong pa ni Merriam.
"Oo naman!" ngiting sagot naman ni Webster. "Maganda kasi ang kalakaran sa lugar na iyon at mas maganda ang mga building na nasa La Salle kumpara sa iba pang institute."
"Hindi ba, mahal ang tuition fee roon?"
"Kaya naghahanap na ng paraan ang aking ama pero mas priority ko muna maging magaling ang aking ina mula sa kanyang sakit," sagot naman ni Webster.
"Ang bait mo naman pala talaga, Webster," ngiting komento naman ni Merriam. "Paano kung naging doktor ka pala, siguro naman ay magagamot mo ang iyong ina."
"Kung magiging doktor sana ako, magagawa ko ang lahat para gumaling ang aking ina sa kanyang malubhang sakit."
"Alam mo, nakakatuwa lang dahil ikaw lang ang nakilala kong Family Oriented," komento pa ni Merriam sa sinabi ni Webster habang nakatingin ito sa kanyang kaibigan. "Kagaya ko kasi ay nasa normal lang na sitwasyon kagaya ng utos lang ako sa bahay o minsan ay nakapokus lang sa academics at minsan kapag free time ay wala na ako magawa pang manood ng Telenovela. Hindi ko talaga akalaing magagawa mo ang lahat bilang isang dakilang anak."
Dinaan na lamang ni Webster sa ngiti bilang tugon sa mga sinasabi ni Merriam sa kanya. Tumahimik muna silang dalawa habang patuloy lang siya sa paglalakad sa isang tahimik na kalsada.
Mamaya-maya ay naisip si Webster ng tanong at ito'y tinanong kay Merriam. "Nga pala, may gusto ko sana itanong sa'yo ito. Hindi ka pa ba nagkakaroon ng syota?"
"Anong klaseng tanong 'yan?" agad reklamo ni Merriam. "Sa sobrang busy ko bilang estudyante, magkakaroon pa ba ako ng syota?" tanong naman ni Merriam kay Webster.
"Sa sobrang ganda po nga, hindi ako maniniwalang walang nagkakagusto sa'yo," agad rebat naman ni Webster kaya tumawa na lamang si Merriam ng malakas. "Huwag mo ko tawanan dahil totoo naman ang sinasabi mo tungkol sa'yo, Merriam."
"Huwag ka magbiro ng ganyan, Webster." Kumapit si Merriam sa braso ni Webster habang naluha na ito sa pagtawa. "Bakit mo naman pala natanong kung may syota ba ako?" tanong pa niya habang siya'y humawalay kay Webster.
"Na-curious lang ako tungkol sa lovelife mo, Merriam. Kung may pinagdaraan ka na masakit mula sa nakaraan or may na-busted ka na ba sa mga nakakagusto sa'yo noon o hindi kaya ay nakaranas ka ba ng pagloloko sa mga naging kasintahan mo noon," ganito ang naging paliwanag ni Webster kung bakit naitanong niya si Merriam tungkol sa kanyang lovelife.
"Wala ako nagkaroon ng syota kahit kailan pa," agad sagot ni Merriam. "Kung magkakaroon man ako, sana nasa tabi ko na," dagdag pa ni Merriam kaya nagtaka bigla si Webster sa kanyang narinig.
Naglakihan bigla ang mata ni Webster at huminto bigla sa paglalakad. Ang mundo ay tila nagyelo sa sandaling iyon, na para bang ang oras mismo ay nahinto. Biglang huminto rin si Merriam sa paglalakad at nakatitig lamang ito kay Webster sa sobrang pagtataka.
"May problema ba?" tanong ni Merriam kay Webster bilang kanyang pagtataka ngunit hindi makasagot si Webster sa kanyang tanong at nanatiling nakatulala. "Webster?" Inalog ni Merriam ang katawan ni Webster at sa mabuting palad ay nagising ito.
"Ah! W-wala!" agad sagot ni Webster habang inaalog niya ang kanyang ulo at hinihilot niya ang kanyang sintido. "S-sorry, nagulat lang ako dahil sa sinabi mo," paliwanag niya kung ano ang dahilan kung bakit ito tulala kanina.
"Ayos lang 'yon," tugon naman ni Merriam habang hinimas na lamang niyang ang likod ni Webster. "Pero totoo naman ang sinasabi ko na kung magkakaroon man ako, sana nasa tabi ko na siya ngayon," klinaro ni Merriam ang kanyang sagot kanina.
"Okay..." Nagpatuloy na lamang sa paglalakad si Webster at sumunod naman si Merriam sa kanya. Dito na lamang nag-kuwentuhan sila Merriama at Webster muli ngunit ibang topic na lamang ang kanilang pinag-usapan.
Akala ni Webster, may gusto pa rin siyan kay Merriam kaya naging tulala na lamang ito kanina. Hindi niya akalaing iba pala ang naging paliwanag ni Merriam kung ano ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin ito nagkakaroon ng kasintahan.
Sa kabila ng nagtatagal na damdamin ni Webster para kay Merriam, hindi siya sigurado kung ang mga damdaming iyon ay nasuklian. Natagpuan ni Webster ang kanyang sarili na naghahangad ng kalinawan, umaasa na direktang sasabihin ni Merriam ang kanyang nararamdaman tungkol kay Webtser. Hinangad niyang linawin ni Merriam kung tama nga ba ang palagay ni Webster na hindi siya hinahabol. Ang kawalan ng katiyakan ay nagpabigat sa Webster, na nag-iwan sa kanya sa isang estado ng emosyonal na limbo. Alam niya na ang tanging paraan upang mahanap ang pagsasara ay para sa Merriam na hayagang tugunan ang bagay, na nagbibigay ng kalinawan sa nag-aalinlangan na puso ni Webster.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top