5

Sabado ng araw na iyon, nagtitinda mag-isa si Webster sa isang palengke. Kahit marami ang tao at may bumibili pa sa kanya, iilan na lamang ang kanyang paninda. Sa tingin niya'y hindi na ito sapat sa magiging kita para sa pangangailagan para sa kanyang ina na may sakit.

Binilang ni Webster ang mga natitirang mangga na ititinda ngayong araw. Nang mabilang ito ng dalawangpu't anim na piraso, inisip niya na tanging pang-ulam ang kanyang mabibili rito at kung may sobra man sa pera na kikitain niya ay mabibili na lamang ito ng gamot ng kanyang ina.

May isang lalaki ang lumapit sa kanya kaya tumayo ito at nag-alok na bilhin ang kanyang mga mangga na kanyang binibenta. "Sinkuwenta na lang isang kilo, boss."

"Kalakahating kilo nga po," sabi naman ng bibili sa kanyang magga kaya daling kinuha niya ang mga mangga para itimbang ito ng kalahating kilo. Nang nasa kalahating kilo ang mga ito, agad kumuha ng plastik bag para ilagay ang mga mangga sa loob at inabot niya ito sa kanyang mamimili. "Salamat po." Inabot naman ng mamimili ang kanyang bayad na dalawangpu't limang piso.

"Salamat din po," tugon naman ni Webster at tinanggap naman ang bayad ng kanyang mamimili.

Nang umalis ang mamimili bitbit ang kanyang mangga na binili, agad namang umupo si Webster sa kanyang maliit na upuan habang pinasok niya sa kanyang bag ang pera.

Kahit may bumili sa kanya, bakas sa kanyang mukha ang panghihinayang. "Kung makakakuha pa ako ng mangga sa ibang bahay, may pagkakataon pa akong bumili ng gamot niya," bulong niya habang ramdam niyang nalulungkot ito at nakayuko na lamang ito. "Wala na akong magagawa pa kun'di ubusin ang mga mangga na ito at maghahanap na lang ako ng trabaho-"

"Nandito na ako, Webby..." May isang babaeng nagsalita sa kanyang likuran. Nang lumingon si Webster sa kanyang likuran, nakita niya si Merriam na may dalawang isang sakong mangga.

"P-paanong..." pautal-utal nang nagsalita si Webster habang naglalakihan ang kanyang mga mata dahil sa kanyang nakita. "H-hindi ba, bawal-"

"Kaibigan kita, Webster," agad na sagot ni Merriam kaya huminto sa pagsasalita si Webster. "Alam kong ginagawa mo ito para sa nanay mo kaya hindi na ako nagdalawang-isip na tulungan kita," dagdag pa ni Merriam.

Hindi na nagpaligoy pa si Webster kun'di yakapin na lamang si Merriam ng mahigpit at humagolgol na ito. "S-salamat..."

Ngumiti na lamang si Merriam habang niyayakap siya ni Webster. "Walang anuman 'yon, kaibigan kita at napaloob na ako sa'yo," sagot naman ni Merriam.

Nang binitawan ni Webster si Merriam sa kakayakap nito, kaagad naman lumapit sa sako at ito'y bumuksan habang tumutulo ang kanyang luha. Pinapanood na lamang ni Merriam ito habang may sinabi ito, "Tulungan na rin kita sa pagtinda, ah?"

"Merriam, hindi ko akalaing tumulong ka sa ganito," wika ni Webster habang nilabas niya ang mga mangga na galing sa sako. "Salamat talaga, Merriam," sabi pa ni Webster.

"Walang anuman 'yon, Webby," sagot naman ni Merriam at siya'y nag-ayos na ng paninda ni Webster para makatulong na ito sa kanyang kaibigan.

Dahil sa tulong ni Merriam, kampante si Webster na mabibili na niya ang gamot para sa kanyang ina. Malaking ang tinulong ni Merriam para sa kanyang kaibigan na sa simula pa lang ay hindi siya magkasundo. Halos dumami ang kanilang binenta kaya hindi na nag-alala pa si Webster para rito.

~*~

Ikinagabihan, magkasamang kumain sila Webster at ang kanyang ina sa iisang mesa. Si Webster ay nagkukuwentuhan sa kanyang ina tungkol sa nangyari kaninang tanghali habang siya ay nagtitinda. Kinuwento niya sa kanyang ina na tinulungan siya ni Merriam kaya dumami ang binenta niya. Dahil sa laking tulong ni Merriam, kinuwento pa ni Webster na nilibre niya ito ng makakain sa labas bago siya'y umuwi.

"Talaga?!" ganito ang naging reaksyon ng kanyang ina.

"Hindi ko akalaing pupunta siya sa'kin kanina para tulungan niya ako," sabi naman ni Webster. "Alam mo, siya lang ang tanging nakilala kong na tumulong siya sa akin para sa'yo," dagdag pa niya. "Hindi ko alakaing tutulungan niya ako kasi hindi kami magkasundo simula pa lang, Parang aso at pusa kaming dalawa at magkasalungat ako sa kanya noon. Noong unti-unti kong nakikilala si Merriam, naging mabuti ang loob ko sa kanya ngayon ay magkaibigan ang turin naming dalawa sa isa't isa."

"Nakaka-proud naman 'yang kaibigan mo, anak," komento naman ng ina. "Siguro, may gusto siya sa'yo kaya tinutulungan ka niya," dagdag pa niya.

"Mama, crush ko si Merriam," agad amin ni Webster.

"Talaga, anak?!" hindi naman makapaniwala ang kanyang ina. "Baka noong tinulungan ka niya, crush mo na siya?" sabi pa niya.

"Simula noong nakilala ko siya sa school, ramdam kong siya ang babaeng para sa akin," ganito ang paliwanag ni Webster. "Unang kita ko sa kanya, isa siyang anghel na pinadala ni Lord para sa'kin."

"Naku! Nililigawa mo ba 'yang Merriam na 'yan?" tanong naman ng ina.

"Balak ko siyang ligawan," sagot naman ni Webster. "Hindi ko alam kung paano ko siya lilgawan pero baka may iba na palang lalaki noong nakikilala ko pa siya."

"Alam mo, umamin ka kaya sa kanya," ganito na lamang ang naging payo ng kanyang ina.

"HA?!" Biglang tumayo sa kinauupuan si Webster at halata sa tono ng pananalita niya ang pagkagulat. 

"Kapag umamin ka sa kanya, roon mo makikita kung mayroon na pala siyang iba," paliwanag naman ng kanyang ina. "Kung hindi ka pa umaamin, mananatiling misteryo sa'yo kung mayroon na siyang iba o wala," dagdag pa niya.

"Siguro..." Napaupo na lamang si Webster at nagpatuloy na lamang ito sa kanyang kinakain kasama ang kanyang ina. 

Dahil may nararamdaman na si Webster kay Merriam, hindi na siya tumigil sa pakikisalamuha sa kanyang babaeng nagpaloob sa kanya. Dahil magkaibigan na ang dalawa, nais ni Webster na malaman pa ang pagkatao ni Merriam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top