3
Kinabukasan, naglalakad si Merriam sa isang hallway sa isang paaralan. Ito ang first day ng kanilang bagong school year. Alam niya kung saang room siya naka-assign sa bagong taon bilang Grade 12 ICT Student. Pagpasok palang niya, may mga estudyante ang nandoon. ay kanya-kanya silang pinag-uusapan kaya hindi nila pinansin ang iba si Merriam. Umupo si Merriam sa dulo at tanging siya lamang ang nasa kinauupuan niya, walang pumapansin sa kanya kaya tahimik na pinagmasdan ni Merriam ang mga magiging kaklase niya mula sa kanyang kanan hanggang sa kanyang kaliwa.
Pagkatapos ay biglang nasawa ito ng ilang segundo, kumuha na lamang ito ng isang malaking sketch pad at mga coloring materials para gumawa na lamang ito ng sarili niyang doddle ng tahimik. Maging sa pagguhit, walang nakakapansin sa kanya kaya patuloy lang ito sa kanyang ginagawa ng tahimik at walang umiistorbo sa kanya.
Samantala, pumasok naman ang isang lalaki sa room na kinaroroonan ni Merriam ng tahimik. Umupo ito sa dulo at tumabi kay Merriam na sobrang busy sa pagguhit ng doddle sa kanyang malaking sketch pad. Hindi na lamang ito pinansin at siya'y naglalaro na lamang ng kanyang 3x3x3 stickerless Rubik's Cube. Nanatiling busy si Merriam sa pagguhit hanggang sa natapos siya sa pagguhit. Ang lalaking kanyang katabi ay nilapag na lamang ang kanyang rubik's cube sa ibabaw ng armchair na kanyang kinauupuan. Hindi parin ito pinapansin ang isa't isa, kahit sulyap sa pagitan ng dalawa ay wala itong nangyayari.
Mamaya ay dumating ang isang guro para pumasok sa room na kinaroroonan nila. "Okay! Good morning, class!" pagbati ng lalaking guro.
Tumayo ang lahat ng estudyante kabilang si Merriam. "Good Morning, Sir!" pagbati naman nilang lahat sa guro.
"Okay! Sit down, class."
"Thank you, Sir!" Umupo na ang lahat ng mga estudyante para simulan ang klase ng kanilang guro sa oras na ito. Nanatiling hindi nagpapansinan si Merriam sa lalaking kanyang katabi.
"Okay!" May sinulat ang lalaking guro ng kanyang pangalan sa whiteboard at nagpakilala ito sa harap ng kanyang mga estudyante. "I'm Sir Carlos Dela Torre and I'm your Programming Teacher for this semester. So, anyone who knows how to program or know the programming language?" sabi ng guro na si Carlos at may iilang estudante ang nagsitaasan ng kani-kanilang mga kamay, maliban lang kay Merriam at sa lalaking nasa tabi niya.
Hindi parin lumilingon si Merriam sa lalaking nasa tabi niya at mula noong simula ng klase ay nakatingin lang ito sa kanilang guro na si Sir Carlos. Tahimik lang nakikinig ang dalawa sa kanilang guro.
"So I know that some of them don't know the program. Well, choose your partner or make your seatmate your partner for this week's activity which is to explain the programming language that you know. You can search via the internet and read aloud as well. 'Yun lang naman ang activity natin at i-report ito bukas infront of the class," sabi ni Sir Carlos. "You have 1 hour to do our activity today. So, let's start!"
Dahil dito, naghanap na ng mga partner ang mga estudyante. Ang iba ay tanging mga katabi nila dahil karamihan ay kilala na nila ang isa't isa. Sa sitwasyon ni Merriam, iba ang magiging takbo ng kapalaran niya.
"Siguro naman, tayo ang partner for this activity?" tanong ng lalaking katabi kay Merriam.
Humarap si Merriam sa kanyang nag-iisang katabi ng lalaki at nabungad niya ang isang lalaking kinaiinisan niya. Ang ngiti nila'y pinalitan na ng inis. Sa madaling salita, ang lalaking katabi ni Merriam ay walang iba kundi si Webster.
"IKAW NA NAMAN?!" sigaw ng dalawa habang nakatingin silang dalawa sa isa't isa, nakabusangos si Merriam habang nakangisi naman si Webster habang hawak niya ang rubik's cube. Tumahimik ang lahat
"What's wrong with the student at the back?" tanong ni Sir Carlos sa dalawang estudyante na si Merriam at Webster.
"Sir, hindi po ba pwedeng iba ang magiging partner ko basta huwag siya?" pakiusap na tanong ni Merriam kay Sir Carlos habang tinuturo niya si Webster.
"What's wrong with him?" tanong pa ni Sir Carlos at tumahimik na lang si Merriam.
~*~
"F*CK YOU WEBSTER!" ito ang sigaw ni Merriam kay Webster. Nasa isang garden sila dahil nakiki-WIFI lang ang dalawa ngayon para sa Programming Subject nila. Ang nangyari pagkatapos ay hindi pumayag si Sir Carlos sa gusto ni Merriam, kaya't naging partner ang dalawa sa Programming Subject nila at maging sa dalawa pang subject pagkatapos. "HINDI AKO MAKAKA-MOVE ON SA'YO DAHIL SA PAGNAKAW MO NG MANGGA SA BAHAY NAMIN!!!" gigil pang sabi ni Merriam habang nakasarado ang kanyang mga kamay, nakatayo sa harapan ni Webster na nakaupo sa silya at nagbabasa ng cellphone at halos nagka-untugan na ang kanilang noo.
"Kung may galit ka sa akin, bakit tumabi ka sa akin?" tanong naman ni Webster kay Merriam habang nakatingin ito sa kanya.
"HOY!" Tinuro ni Merriam si Webster at halos matutumba na ito sa kinatatayuan niya. "AKO ANG NAUNA SA DULO. IKAW ANG LUMAPIT SA AKIN PARA TABIHAN AKO. MAY GUSTO KA BA SA AKIN?!" gigil na wika pa ni Merriam.
"Merriam, hindi ko alam na ikaw pala ang katabi ko," paliwanag naman ni Webster habang tumayo na ito sa kinauupuan niya at nakatingin parin kay Merriam. "Isa pa, wala akong gusto sa babaeng may sapak sa utak."
"ANONG SAPAK SA UTAK?!" Tinaasan pa lalo ang tono ni Merriam. "TUTULUNGAN MO BA AKO SA PAGHAHANAP PARA SA MGA ACTIVITY NATIN BUKAS O ISUSUMBONG KITA ULIT SA BARANGAY?!"
"Ano na naman ang nasa isip mo para isumbong mo ako sa barangay? Hindi ko naman kasalanan na ikaw ang katabi ko dahil hindi ko alam na ikaw ang nasa tabi ng upuan ko." Webster.
"Okay! Dahil partner kita sa lahat ng subject, ikaw na lang siguro gumawa dahil ayoko kitang maging partner," sabi naman ni Merriam.
"Alam mo, kaya ko namana ng sarili ko at kaya ko gawin ang activity na mag-isa," sabi naman ni Webster. "Dahil ayaw mo naman maging partner ako, ayos lang naman sa akin."
"EDI GO!" ito ang sigaw ni Merriam at ito'y umalis sa harapan ni Webster, iniwan niya mag-isa ang binata na walang kasama at tanging cellphone lang ang dalawa.
Imbes na sundan niya si Merriam, pinanood na lamang ni Webster ang dalagita. Nakangisi ito at mamaya'y tumawa na lamang bilang reaksyon sa pangyayari. "Sino pa naman ako para magkagusto sa babaeng mas masungit pa sa lahat?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top