25
Apat na taon ang nakalilipas...
Sa tahimik at maluwag na hallway, si Webster at Merriam, dalawang tapat na magkasintahan, ay naglalakad na magkatabi. Pinalamutian sila ng kanilang natatanging uniporme sa unibersidad, bawat isa ay nakadama ng pag-asa at pag-asa habang tinatahak nila ang hallway ng isang building sa La Salle. Para bang pareho silang naniniwala na ang partikular na sandaling ito ay may kapangyarihang baguhin ang takbo ng kanilang buhay.
Ang desisyon ni Merriam na ituloy ang parehong kurso ng kanyang kasintahan ay nagpapakita ng kanyang hilig sa edukasyon at ang kanyang pagnanais na positibong maapektuhan ang buhay ng mga batang mag-aaral. Naniniwala siya na sa pamamagitan ng pag-enroll sa Bachelor of Science in Secondary Education, makakamit niya ang mga kinakailangang kasanayan at kaalaman upang maging High School Teacher sa hinaharap. Inspirado si Merriam sa dedikasyon at tagumpay ng kanyang kasintahan sa pag-aaral at sa kung ano ang istado ni Webster, at umaasa siyang sundan ang mga yapak nito. Nasasabik siya sa pagkakataong matuto mula sa mga may karanasang tagapagturo at umaasa na maipapasa niya ang kaalaman at karanasang natamo niya sa sarili niyang mga mag-aaral, na nagpapaunlad ng pagmamahal sa pag-aaral at tulungan silang maabot ang kanilang buong potensyal. Ang layunin ng Merriam ay hindi lamang magbigay ng impormasyon ngunit upang magbigay ng inspirasyon at bigyang kapangyarihan ang susunod na henerasyon, na gumawa ng pangmatagalang epekto sa kanilang buhay.
Si Webster naman ay unti-unting lumiliwanag ang kanyang tadhana dahil sa kanyang pagsisikap sa pag-aaral. Para lalong maganda ang kanyang nararating at dagdag kita, naisipan niyang magtinda ng Mango Graham sa social media. Maraming bumili sa kanyang Mango Graham at kahit mayroon siyang pera galing sa allowance mula sa kanyang ama ay natuwa si William sa kanyang nais.
Ngayong araw, silang dalawa ay nakapagtapos ng pag-aaral at nasa kalagitnaan na sila ng ceremony. Handang-handa ang dalawa dahil sa araw na ito makakamit ang kanilang tagumpay. Ang Dalawang Cum Laude ay sabik na sabik dahil muling aakyat sa entablado bilang huling araw ng kanilang buhay kolehiyo.
"Naku! Excited na ako sa pagtatapos at hindi ko akalaing kasama ako sa magiging parte ng Latin Award." Labis ang ngiti ni Merriam at bakas sa kanyang mukha ang tuwa at saya. "Sa sobrang busy nating dalawa sa pag-aaral ay bigla ako napasama sa inyo na ang nais ko lang ay makapagtapos ng pag-aaral."
"Nakakatuwa lang dahil nakapagtapos ka na rin, anak," laking tuwa naman ng ama ni Merriam. "Kahit late na ang nanay mo at nasa ibang bansa, proud na proud siya sa'yo."
"Naku po, Papa! Salamat po sainyo dahil pinagpatuloy ninyo kami sa pagsuporta."
"Walang anuman 'yon, anak."
Ngunit sa kabilang banda naman, bakas sa mukha ni Webster ang lungkot at lumbay. Dahil wala ang kanyang ina na nanonood sa kanya sa pagtatapos ng pag-aaral, halos hindi ngumiti ang binata at tila ba'y matamlay magsalita.
Napansin ng ama ni Merriam ang kalagayan ni Webster. Kita niya sa mga mata na hindi ito maayos. "May problema ata si Webster ngayon, anak."
Dito lumingon si Merriam sa kanya kasintahan at napansin niya ito. "Webbie, mahal? A-ayos ka lang po ba?" Hindi na naiwasan mag-alala si Merriam sa kanyang kasintahan.
"May isang bagay lang ang kulang sa akin kaya hindi ko alam kung masaya pa ako o hindi." Nakayuko lamang si Webster habang nanatiling hindi maganda ang kanyang nararamdaman ngayon. "Paano ako magiging masaya kung-"
"Anak!" Isang babae ang sumigaw mula sa sa likuran ni Webster kaya huminto na lamang sa pagsasalita ang binata.
Nang lumingon si Webster mula sa kanyang likuran, hindi niya akalaing dumating ang mga magulang niya lalong lalo na't ang kanyang ina na si Lindsay na nakasakay sa isang wheelchair. Ang matamlay na damdamin ay napalitan ng masigla at ngiti.
"Mama!" Agad tumakbo si Webster papunta sa kinaroroonan ng mag-asawa ay muling niyakap ang kanyang ina sa muling pagkakataon. Bakas sa kanyang ngiti na muling nakasama ang kanyang ina at papanoorin niya anh kanya pagtatapos.
"Papa, salamat at dumating kayo." Muling niyakap pa ni Webster ang kanyang ama na si William at hindi na niya maiwasang lumuha.
"Walang anuman 'yon, anak ko," ngiting sagot naman ni William habang niyayakap siya ng kanyang anak.
Nang pagkatapos niyang yakapin ang kanyang ama na si William, muling lumapit si Webster sa kanyang ina na si Lindsay na nakaupo sa wheelchair. Napaupo ito sa harapan ni Lindsay at nanatiling nakangiti. Kahit masyadong hindi maganda ang katawan ni Lindsay mula noong huling nakita siya ni Webster, hindi pa rin mawawala na mahal na mahal pa rin siya ng kanyang anak.
"Mama, graduate na ako."
"May taning na buhay ko, anak," agad sabi ni Lindsay habang matamlay ang kanyang pananalita. Halos nanghahabol na ito ng hininga dahil sa malubhang kondisyon.
"Mama, alam ko na po 'yan kaya hindi ko po ito sasayangin ang araw na ito para ipakita ko sa inyo na successful na ako sa buhay."
"Anak..." Muling hinawakan ni Lindsay ang isang kamay ni Webster habang unti-unting lumuluha. "Kung may mangyari sa akin, huwag na huwag ka po iiyak dahil nakatadhana na ito. Oo, alam kong masakit pero wala na ako magagawa pa kun'di tatanggapin ko na lamang."
"Tita!" Muling dumating naman si Merriam sa kinaroroonan nila Webster at Lindsay. "Salamat po at dumating kayo. Hindi ko po akalain na-"
"Merriam, pakasalan mo ang anak ko pagkatapos ako mawala," agad sabi ni Lindsay kaya bigla tumigil sa pagsasalita ang dalaga at naglakihan ang kanyang mga mata.
"B-bakit po?!" Hindi makapaniwala si Merriam sa kanyang narinig. "Anong ibig mong sabihin? Hindi po ba't may taning na buhay mo-"
"G-gusto ko mas masaya a-ako sa pagkawala ko kapag k-ayong dalawa ang tinadhana," agad sagot naman ni Lindsay. "G-gusto kong maging m-masaya ako sa l-langit dahil s-sa inyong d-dalawa."
Tumingin ang magkasintahan sa isa't isa ng tahimik at si Webster ay ngumiti na lamang sa kanyang kasintahan. Si Merriam ay halong kaba at saya ang kanyang nararamdaman habang si Webster naman ay mataas ang kanyang kasayahan na kanyang nararamdaman. Unti-unting ngumiti ang dalawa habang nagtitigan sa isa't isa.
"One last wish at sana matanggap mo, anak," sabi na lamang ni William. "Since both of you are graduate, it's time to let you guys what you want. Basta kayo pa rin ang dulo."
"Sang-ayon ako sa'yo, pre," agad sagot naman ng ama ni Merriam. "Ate Lindsay, hayaan na rin naman si Merriam sa kuwento nila ni Webster para sa inyong dalawa.
Dahil sa isang bagay na kanilang pag-alala, hindi maiwasang lumingon ang magkasintahan kay Lindsay. "Pero-"
"Alam kong delikado at may pangitain ngunit please marry my son after two to three years from the day that I'm gone. 'Yun lang ang pangarap ko pagkatapos ko mawala rito."
"Siguradong ka po?" Sabay nila Webster at Merriam na tanungin si Lindsay.
"Yes. Basta magpakasal na kayo."
~•~
At dahil sa pangako at hiling ni Lindsay ay hindi na ito naabutan dahil pumanaw si Lindsay sa edad na 51.
Hindi na lamang nagulat ang mag-ama dahil sa pangyayari marahil alam nilang may taning na ang buhay ni Lindsay nang nasaksihan na ang pangyayari. Ngunit masaya ang masaya ang mag-ina dahil muling nakasama nila ang mag-ina sa unang pagkakataon ilang araw bago ito mawala.
Hindi na lamang naging malungkot muli si Webster at maging si Merriam pagkatapos ang huling sandali ni Lindsay. Ngunit ramdam ng binata na kulang sa kanya dahil hindi na rin makikita na ikakasal na siya kay Merriam sa mga susunod na taon.
Isang taon ang nakalipas mula noong nabawian ng buhay si Lindsay, naisipan pumunta ang mag-amang Webster at Willam sa puntod ng yumaong Lindsay. Kasama ang magiging asawa na si Merriam, naisipan nila pumunta dahil sa unang anibersaryo ng pagpanaw ni Lindsay.
Nang matapos ang pagdarasal at paglagay ng bulaklak sa ibabaw ng lapida ng puntod, dito na nilang nagsimulang kausapin si Lindsay.
"Engage na po ako," agad balita ni Merriam habang kinakausap niya si Lindsay na nasa puntod. "Nakakatuwa dahil halos anim na taon na kaming nagsasama at matutupad mo na po ang huling hiling mo po."
"Nakakatuwa lang dahil ikaw ang nagbibigay ng buhay sa kanila, asawa ko." Hindi maiwasang ngumiti si William habang siya'y nagsasalita. "Salamat at ikaw ang dahilan kung bakit natapos ang kalbaryo nating lahat at ikaw ang nag-ayos," dagdag pa ni William.
"Papa, Mahal, siguradong matutuwa siya sa atin dahil sa ginawa natin sa kanya para maging maganda ang buhay niya." Webster.
"Bakit naman?" agad tanong naman ng dalawa.
"Papa, ikaw ang naging lalaki sa buhay niya hanggang sa dulo ng buhay niya. Hindi mo siya iniwanan at dinala mo siya sa Saudi para pagalingin siya lalo. Ngayon ay lalo ka niyang minahal na lubusan dahil ginagawa mo ang lahat simula noong nagkaroon kayo ng hindi magandang pangyayari."
"Talaga, anak?"
"To be honest, you're her best man that she has," isang paliwanag ni Webster sa kanyang ama kaya hindi na lamang mapigilang ngumiti.
Pagkatapos niyang kausapin ang kanyang ama, ang kanyang kasintahan naman ang kanyang kinauupuan. "Ikaw naman mahal, hindi naman magiging tayo kung hindi mo tinulungan si Mama. Remember na nagkaroon tayo ng alitan sa ilalim ng puno ng mangga? At sa ilalim ng puno ng mangga matatapos ang lahat."
"Kaya sa ilalim ng puno ng mangga ang puntod ni Tita, Mahal?"
"Saan pa ba?" Ngumiti na lamang si Webster habang nakatitig ito kay Merriam.
"Nagawa ko naman ang tungkulin ko pero hindi ko akalaing pagiging kabiyak mo ang magiging magiging role ko sa'yo." Ngumiti rin si Merriam habang hinawakan niya ang kamay ng kanyang kasintahan. "Ngayon, ikakasal na tayo sa susunod na taon at siguradong sa ilalim na puno tayo ikakasal."
"I swear..."
Ngumiti na lamang si William habang nakatitig ito sa magkasintahang Webster at Merriam. Imbes na magalit at mainis na kanyang nararamdaman noon, saya at tuwa anh kanyang nararamdaman dahil natupad nila ang huling hiling ng kanyang asawa.
"Lindsay, masaya kang pinapanood mo ang lahat at matatapos na sa ilalim ng puno ng mangga."
-STORY END-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top