24

Sa kabilang banda naman, dumating si Webster sa kinaroroonan ng kanyang ina. Pagdating sa kinaroroonan ng kanyang ina, isinara ni Webster ang pinto sa likuran niya. Sa pagsara ng pinto, ang mga karaniwang tunog ng labas ng mundo ay natahimik, iniwan ang binata na nabalot ng nakakabagabag na katahimikan at isang kapansin-pansing pagbaba ng temperatura.

"Ma?" Nakita ni Webster ang kanyang ina na nanonood sa laptop ng kanyang asawa. Si Merriam naman ay bakas sa ngiti sa panonood niya ng isang movie na nasa laptop. "M-may sasabihin ka po sa akin?" tanong pa ng binata.

Nang marinig niya ang tawag ng kanyang anak, bigla ito lumingon si Lindsay kay Webster na nasa pinto at lumalapit ito sa kanya. "Mabuti at dumatin ka, anak." Hindi pa rin maiwasang ngumiti si Lindsay habang nakatingin ito kay Webster.

"Gusto mo raw ako kausapin ngayon, Mama." Nang lumapit ito sa kanyang ina, agad umupo ito sa isang upuan sa tabi ng higaan na kung saan ay nakahiga ang kanyang ina. "Ano po ba sasabihin mo sa akin?" tanong niya.

Dahil sa tanong ng kanyang anak, agad pinatay niya ang laptop para huminto sa panonood at tumahimik na lamang ito ng ilang segundo. "Anak, kailangan na naming pumunta ng Saudi para gamutin ako." Pumikit ang kanyang mga mata habang siya'y nagsasalita.

"S-saudi?! A-anong ibig mo pong sabihin? Sasama ako-"

"Anak, kritikal ang kalagayan ko ngayon at at ang bigat ng aking mga damdamin. Hospital-acquired pneumonia na ang sakit ko ngayon at kailangan ng matinding gamutan para magaling ako. Hindi kakayanin ng mga doktor dito dahil makaing gastos ang aabutin sa paggamot sa akin."

Naiwang walang imik si Webster habang nakatingin sa kanyang ina, gumugulo ang kanyang isipan sa hindi inaasahang rebelasyon na natanggap niya mula sa kanyang ama.

"Please, iwan mo na kaming dalawa para makapag-focus ka sa pag-aalaga sa sarili mo. Mahalaga para sa ating dalawa na makahanap ng aliw at pagpapagaling sa presensya ng isa't isa. Lalo na't sa La Salle ka na mag-kolehiyo at wala ka na poproblemahin pa. Ayaw ko may mangyari sa inyong dalawa ni Merriam at lalong-lalo kana dahil alam kong marami kang pinagdaanan para mapagaling ako laban sa Pnemonia na ito. Nais ko na rin pumunta ng Saudi kasama siya at tanging ito na lang ang paraan para mapagaling ako. Hindi ko na kaya rito sa Pilipinas at hindi ko na mapigilan pa."

"M-mama?! T-totoo po ba sinasabi mo po?" Hindi makapaniwala si Webster sa sinabi ng kanyang ina sa kanya. "P-paano po ako rito? S-sandali lang po, M-may nagawa ba akong mali sa-"

"Anak, ikaw na bahala sa sarili mo dahil nasa iyo na ang lahat na ang lahat," agad wika na lamang ni Lindsay sa kanyang anak na si Webster kaya tumahimik na lamang ito kakatitig sa kanya. "May mga panahon na hindi mo na ako kasama at tanging ikaw na lamang ang matitira sa mundong ito dahil ikaw lang ang anak namin na inalagaan namin."

Ang tugon ni Webster sa mga salita ng kanyang ina ay isang simple, tahimik na titig, na walang anumang verbal na komunikasyon. Upang mapigilan ang kanyang anak na magsalita, malay niyang pinili na huwag nang magsagot pa.

"Anak, salamat dahil nagawa mo ang lahat para gamutin ako. Na-appreciate ko ang lahat ng ginagawa mo noong simula na nagkaganito ako. Walang mali sa ginagawa mo dahil nakikita ko sa iyong ginagawa ang lahat. Natutuwa ako dahil ikaw at ng ama mo ay ginagawa ng lahat para manatili ako sa mundong ito," dagdag pa ni Lindsay. "Sana sa muling pagkataon, kaming dalawa naman ang magkasama hanggang sa dulo ng buhay ko. Kung maikasal kayo ni Merriam bago ako mawala, huwag mo hayaang gawin ang ginawa ng ama sa'yo at maging sa kanyang ama noong syota pa lamang kami. Ayaw ko mangyari sa inyo ang naranasan namin noon kaya ito na siguro ang paraan para matapos ang laban na ito."

"Mama..." Biglang niyakap niya ang kanyang ina at hindi na mapigilang umiyak. "B-bakit mo sinasabi 'yan sa'kin? H-hindi ka pa mawawala sa akin, hindi ba?" hagulgol niyang wika hanag nanatiling nakayakap siya sa kanyang ina. 

"Anak, unahin mo na ang sarili mo dahil para sa ikaganda ng kinabukasan mo 'yan at tanging pagtapos ng pag-aaral ang susi mo sa pagtagumpay at pag-unlad sa iyo," payo naman ni Lindsay habang niyayakap siya ng kanyang anak na si Webster at walang tigil ito sa pag-iyak ng binata. "Siguro, nasa tamang tao ka dahil si Merriam ang dumating para sa'yo at alam ng panginoon 'yan. Kaya dumating si Merriam dahil siya rin ang babaeng papalit sa puwesto ko pagdating ng panahon. Siya na ang bahalang mag-alaga sa'yo at magsakripisyo para sa ikakaganda ng iyong buhay."

"Mama, rito ka na lang..." Walang tigil pa rin sa pag-iyak ang binata at hindi pa rin ito bumibitaw sa pagyakap niya sa kanyang ina. Natatakot, nalulungkot at nangangamba si Webster dahil sa ibang bansa na lamang magpapagaling ang kanyang ina. 

"Anak, buo na ang pasya namin ng tatay mo," agad sabi naman ni Lindsay habang hinimas-himas niya ang likod ng kanyang anak na yumayakap sa kanya. "Magtatapos ka ng pag-aaral ay matutuwa na kami," dagdag pa ni Lindsay. 

Dahil sa mga narinig niya mula sa kanyang ina, hindi na lamang tumutol pa si Webster. Alang-alang sa kaligtasan ng kanyang ina, umalis ang mag-asawang William at Lindsay papuntang Saudi Arabia para doon na lamang magpagaling ang ina ng binata.

Sa kabilang banda naman, hindi na lamang tumanggi si Webster sa alok ng kanyang ama na pumasok sa La Salle. Kinuha niya ang kursong Bachelor of Science in Secondary Education. Tanging walang humadlang sa kanyang nais na magtapos ng pag-aaral at kasalukuyang Top Student ng kanilang kurso sa unibersidad. Maraming humanga sa kanyang kasipagan sa pag-aaral at sa husay niya bilang estudyante ng unibersidad.

Mas lalong naganahan mag-aral pa si Webster dahil maging si Merriam ay sa La Salle na rin nag-aral pagtungtong ng kanyang kolehiyo at si William na rin ang nagpa-aral sa kasintahan ng kanyang anak.

Kahit ganoon, hindi pa rin maiwasang mag-alala si Webster sa kalagayan ng kanyang ina na nagpapagaling sa Saudi Arabia. Mayroon silang komunikasyon at araw-araw silang nag-uusap tungkol sa kanyang ina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top