23

"Sinugod sa ospital si Mama," ito ang anunsyo ni Webster habang kausap niya si Merriam sa kanyang cellphone. "N-nandito kami ni Papa at hindi ako mapakali sa sitwasyon ko ngayon. H-hindi ko alam!" Halos naghahabol na ng hininga si Webster sa pagsasalita habang natataranta ito. 

"Paano nangyari 'yon?" Hindi makapaniwala si Merriam sa kanyang narinig. Maging siya ay natataranta dahil sa masamang balitang ito. 

"H-hindi ko alam." Hindi pa rin mapigilan ang pag-utal ni Webster habang kita sa kanyang tono ang kanyang pagkataranta. "Ang alam ko lang, hindi makahinga si Mama sa kusina at biglang nahimatay. Nakita kong nakahilata na lang sa sahig habang pasan siya ni Papa," dagdag pa ni Webster.

"S-sang hospital ka po ba ngayon?"

"Nasa hospital kami sa may tapat ng Park," agad sagot naman ni Webster habang rinig na rinig ni Merriam na naghahabol na talaga ng hininga ang binata sa pagsasalita. "P-please, pumunta ka rito ngayon," pakiusap pa ng binata.

Marahil nagtataka si Merriam, maraming pumapasok sa kanyang isipan kung paano ito dinala sa hospital. Tahimik na lamang ito nag-isip at nakapikit ang kanyang mga mata habang nakikinig kay Webster na nasa linya ng komunikasyon gamit ang kanyang cellphone. Bago ito mangyari, kausap pa rin niya si Lindsay at masigla itong nagkukuwento tungkol sa kanilang istorya ng kanyang asawa.

"Please, punta ka na rito," pakiusap pa ni Webster.

"Oh sige! Papunta na ako." Agad nag-ayos ng kanyang sarili si Merriam at pagkatapos niyang magpalit ng damit ay agad na ito umalis bitbit ang kanyang maliit na bag. Kumaripas na lakad ang dalaga dahil sa sobrang pagmamadali at pag-alala kay Lindsay.

~*~

Ilang minuto ang nakalipas, nakarating na sa Hospital si Merriam. Maraming tao ang sumasalubong sa kanya habang pumunta ito sa isang kuwarto kung saan nandoon naka-confine ang ina ni Webster na si Lindsay.

Nang dumating ito sa labas ng kuwarto kung saan naka-confine ang ina ng kanyang kasintahan, nakasalubong niya agad si Webster na nakaupo sa maliit na sofa. Nakayuko ang ulo at tila ba'y nanginginig sa sobrang nerbiyos.

Lumapit si Merriam kay Webster at agad ito inakbayan. "Mahal? A-anong nangyari?"

Agad lumapit si Webster kay Merriam at muling niyakap ito ng mahigpit. "Mahal..." hagulgol niyang wika habang nanatiling nakayakap kay Merriam. "A-ayaw ko magkatotoo 'to." Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak ang binata at halos basa na rin ang kanyang damit na suot.

Naglakihan ang mga mata ni Merriam sa ginawa ni Webster sa kanya. Imbes na pumiglas, niyakap na lamang niya ang binata at hinimas-himas niya ang likod ng kanyang kasintahan. "Mahal, hindi mangyayari 'yang nasa isip mo. Huwag ka mag-aalala dahil ginagabayan siya ngayon ni God para gumaling siya at makasama kayo muling dalawa."

"Sana gumaling po siya kaagad," hagulgol pang wika ni Webster.

Pagkatapos nito ay tumahimik ng ilang saglit habang magkayakap ang magkasintahan sa isa't isa. Hindi pa rin mapigilan ang pag-iyak ni Webster  habang si Merriam na mismo ang humimas-masan para patahanin ang binata at huminto ang pagkalungkot nito.

Ngunit isang lalaki ang dumating sa kinaroroonan nilang dalawa. "Mabuti lamang at dumating ka." Si William.

Dahil sa kanilang narinig ay biglang lumingon na lamang ang magkasintahan kay William. Biglang bumitaw sa pagyakap si Webster kay Merriam at ito'y tumigil sa pag-iyak. Ang lungkot ng dinadala ng binata ay napalitan ng takot at kaba dahil muling nagharap sila Merriam at William sa muling pagkakataon.

"Oh? Bakit naman kayo huminto? A-anong dahilan?" tanong ni William ngunit hindi makasagot ang magkasintahan. "Hindi kayo ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang asawa ko. Naparito ako dahil gusto ko rin kita kausapin, Merriam," paliwanag ni William.

"A-ako?!" Naglakihan ang mga mata ni Merriam dahil sa kanyang narinig at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso sa kaba. "B-bakit po ako?!"

"Webster, ako na bahala muna sa syota mo dahil may pag-uusap lang kami na hindi tungkol sa inyong dalawa."

"A-anong nangyari kay-"

"Maayos ang kalagayan ngayon ng Mama mo at ngayon ay hinahanap ka niya," agad sagot naman ni William sa tanong ni Webster kaya hindi na lamang nagpatuloy ito sa pagtanong. "Sa ngayon, hindi na active ang asthma niya dahil nakakahinga na siya ng maayos. Kaya ako na muna bahala sa kanya."

"P-pero-"

"Webster, magtiwala ka sa akin ngayon," agad sagot pa ni William kaya hindi muling nagpatuloy sa pagsasalita si Webster at tumahimik na lamang sa tabi ng kanyang kasintahan. "May sasabihin lang ako sa kanya na tanging ako, siya at ang iyong ina lang ang nakakaalam."

"B-bakit hindi ako kasama? B-bakit ako lang ang hindi alam sa mga pinag-uusapan ninyo? A-anong rason?" Ito ang mga tanong ni Webster na lumalabas sa kanya bibig habang bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. Hindi maiwasang isipin ni Webster sa harap ng kanyang ama kung bakit mayroon silang tinatago sa kanya.

"Anak, ang nanay mo na ang bahala makausap sa'yo tungkol d'yan," ito na lamang ang sagot ni William. "Kaya pumunta ka roon para kausapin ka niya."

Wala na lamang magawa si Webster kun'di umalis na lamang sa kinaroroonan nila Merriam at William. Malakas na hakbang ang kanyang paglalakad papunta at papasok ng kuwarto kung saan nandoon naka-confine ang kanyang ina na si Lindsay.

Nang sila William at Merriam na lamang ang naiwan. Dito muli nag-usap ang dalawa. "Merriam, I need your favor."

"A-anong pabor po ba?" agad tanong naman ni Merriam. "Iiwan ko po ba si-"

"Kailangan ko umalis ng Saudi Arabia kasama ang aking asawa para roon ko na lang siya gamutin at alam kong doon sa lugar na iyon nababagay ang asawa ko," agad paliwanag ni William kaya hindi na lamang nagpatuloy sa pagsasalita si Merriam.

"Ano po ibig mong sabihin?"

"Dahil sa Maynila na mag-aaral ang aking anak na si Webster, nais ko sanang ikaw na mismo ang bahala sa anak ko."

Dahil sa narinig ni Merriam, naglakihan ang kanyang mga mata, nakanganga at hindi ito makapagsalita habang nasa harapan pa rin siya ng ama ng kanyang kasintahan.

"Ako na bahala sa asawa ko, ikaw naman ang bahala sa anak ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top