21
Nakaupo sila Merriam at William sa isang mahabang upuan. May bitbit na isang basong kape ang ama ni Webster habang sinimulan niya ang kanyang kuwento.
"Ayaw ko mangyari sa kanya ang nangyari ang nangyari sa akin noon. Halos parehas kami ng pinagdadaanan dahil isa rin akong mahirap at nagkaroon ng sakit ang aking magulang. Nagkakilala kaming dalawa sa iisang puno na kung tawagin ay puno ng Molave. Siya kasi ang may-ari ng puno na iyon. Unang kilala ko sa kanya, mas siga pa sa akin dahil akala niya siya ang Presidente ng Pilipinas kung umasta."
"Parang kami lang ni Webbie," komento naman ni Merriam sa kuwento ni William. "Nagkakilala kaming dalawa sa Puno ng Mangga at sa amin ang puno na iyon kaso nagkaroon kami ng alitan."
"Ang puno ng Molave lang naman ang naging daan para maging kami. Hindi ko akalaing nagkagusto sa kanya nang malaman niyang may sakit ang aking ina. May kaya si Lindsay noon at dahil sa Isangdaan pesos ang baon ay malaki ang kanyang tinabi para sa paggamot niya sa akin ina. Unti-unting gumagaling ang aking ina ngunit nang malaman na ng aking ama na may relasyon kami ni Lindsay ay unti-unting nanghihina. Ang problema lang ay sa aking asawa ang isinisi ang pagkamatay ng aking magulang."
"N-namatayan po kayo ng ina noong mag-jowa pa lang kayo?!" Naglakihan ang mga mata ni Merriam dahil sa kanyang narinig.
"Ayaw ko maulit muli ang nangyari sa amin noon." Uminom muna siya ng konting kape na nasa baso at muling nagpatuloy siya sa pagkukuwento. "Ayaw ko mawala ang asawa ko sa piling ko dahil sa inyo. Hindi ko alam kung ganoon ang pumapasok sa isip ko noong nalaman kong mayroon nobya ang aking anak," dagdag pa ni William at muling uminom ito ng kanyang kape.
"Ano po pala nangyari?" tanong naman ni Merriam.
"Namatay ang aking ina dahil sa Breast Cancer. Stage Four na ang kanyang sakit noon at halos kumakapit kami sa utang, magamot lang ang aking ina." Nagpatuloy sa kuwento si William pagkatapos uminom ito ng kape. "Kamuntikan na ako huminto sa pag-aaral noong panahong iyon ngunit biniling sa akin ng aking ina na magpatuloy na lang ako sa pag-aaral para makapagtrabaho ako ng maayos at magkaroon ng ginhawang buhay."
Taimtim na nakikinig si Merriam sa kuwento ni William. Unti-unting nalalaman niya ang tunay na dahilan kung bakit iba ang tingin ng ama ng kanyang kasintahan sa kanilang dalawa.
"Ngayon, may sakit ang aking asawa at tanging ito na lang ang pag-asa ko. Ayaw ko maulit ang nakaraan na ako mismo ang masasaksihan kung paano madurog ang puso ko." Nagpatuloy na lamang sa kuwento si William at nagpapaliwanag ito kung ano pa ang rason. "Masakit mawalan ng asawa kaysa sa kasintahan kaya ayaw ko muli maulit sa anak ko ang nangyari sa akin noon." Yumuko na lamang ang kanyang ulo bilang paghinto ng kanyang pagkuwento.
Ilang saglit, tumayo sa kinauupuan si Merriam at pumunta sa harapan ni William kaya tumingin na lamang ang ama ng kanyang kasintahan sa kanya.. "Tito, hindi po mangyayari muli ang nasa isip mo. Ipangako ko sa iyo na haharap muna kami sa altar habang buhay kayong dalawa," lakas-loob sabi pa ni Merriam.
"Ano naman ang nasa isip mo bakit mo nasabi 'yan sa'kin?" agad tanong naman ni William.
"Bakit naman ayaw mo po maniwala sa akin kung sa simula pa lang ay botong-boto si Tita sa akin?" ngiting sabi naman ni Merriam kaya hindi na lamang makapagsalita ang ama ng kanyang kasintahan na nasa kanyang harapan. "Sa una pa lang po, alam na niya raw na ako ang isa po sa magpapasaya sa buhay ni Webster. Pangalawa, ako po ang dahilan kung bakit po unti-unting nagagamot namin si Tita. Isa pa, ako rin ang dahilan kung bakit po nagkakaroon ng pera ang kita si Webster dahil sa amin mismo galing ang mangga na kanyang binibenta," dito na pinaliwanag ni Merriam kay William ang lahat kung ano ang sinabi ng kanyang ina sa kanya. "
"T-totoo ba 'yan?" agad tanong ni William habang tumayo ito sa kanyang kinauupuan.
"Sana malaman mo po 'yon dahil isa rin ako sa tumulong kay Tita at gusto ko rin pagalingin ang asawa mo po, hindi lang po para kay Webster dahil ginagawa ko rin ito para sa kanya dahil siya rin ang isa sa naging ina ko, lalong lalo na't siya ang dahilan kung bakit naging kami ni Webster." Nilakasan ang loob ni Merriam dahil sa kanyang sinabi para sa ama ng kanyang kasintahan. "Alam ko na po ang lahat kaya alam ko na rin ang gagawin ko at hindi ko hahayaang mawala si Tita dahil ikamamatay ko na rin 'yon. Ayaw ko maulit muli ang nakaraan dahil puso natin ang kawawa."
"Okay! Fine!" Lumihis na lamang si William sa kinaroroonan ni Merriam at ito'y humarap sa kasintahan ng kanyang anak. "Kung sa tingin mo na maniwala ako sa'yo at mapatunayan sa akin na karapatdapat ka para sa anak ko, please don't let my wife die," biling ni William kay Merriam. "Kapag nangyari muli ang nangyari sa amin noon. Ikaw ang susunod," biglang banta pa ni William.
"Hindi ko po iniisip 'yan kaya hinding-hindi ko hahayaang mawala sa piling natin si Tita," agad sagot naman ni Merriam. "Parehas po tayong ayaw mawala si Tita sa mundong ito dahil alam kong maaga pa para roon. Gagawin ko rin ang lahat para hindi maulit muli ang nakaraan na nangyari sa'yo noong wala pa kami sa mundong ito," dagdag pa ni Merriam.
"Siguraduhin mo lang, Merriam." Umalis si William sa kinaroroonan ni Merriam kaya mapang-isang naiwan na lamang ang dalaga.
Pagkatapos iyon, umupo muli si Merriam sa mahabang upuan. Tumingala sa kalangitan ng tahimik habang iniisip niya ang ama ng kanyang kasintahan dahil isang bagay ang nagtatak sa kanya.
Ilang segundo ang nakalipas ay isang salita ang binitawan ng dalaga habang nanatiling nakatitig sa kalangitan. "Hindi ko maaaring ako ang susunod dahil hindi rin susunod si Tita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top