20
Kinabukasan, pumunta si Merriam sa bahay ni Webster. Naisipan niya ito puntahan si Webster dahil wala ang kanyang ama. May bitbit siyang pagkain na nakalagay sa sa isang supot ng plastic habang ito'y pumasok sa bahay ng kanyang kasintahan.
Saktong bumungad niya si Webster na naglilinis ng kanyang bahay. "Oh! Mabuti at dumating ka." Huminto sa paglinis muna si Webster habang nakatingin ito sa kanyang kasintahan.
"Siguro naman, puwede na ako pumasok dito dahil wala naman ang tatay mo, 'no?" ngiting sabi ni Merriam habang ito'y lumapit papunta kay Webster. "Nabalitaan kong umalis sila ngayon kaya hindi na ako nagdalawang-isip pang pumunta rito."
"Salamat at dumating ka muli sa bahay," ngiting sagot naman ni Webster habang tinabi niya muna ang walis sa sofa. "Nga pala, dami ko kasi gagawin dito kasi maglalaba pa ako at aayusin ko ang kwarto ko." Umupo muna si Webster sa mahabang sofa habang nakatitig pa rin siya kay Merriam. Bakas sa kanyang mukha ang pagod dahil siya lamang. mag-isa na naglilinis ng kanilang bahay.
"Huwag ka mag-aalala dahil tutulungan kita. Don't worry because I'm here to help you," sabi naman ng kanyang kasintahan habang nilapag niya ang supot ng plastic niyang dala sa maliit na mesa.
"Kain muna kaya tayo para ganahan ako?" anyaya naman ni Webster habang kinuha niya ang supot ng plastic na nasa ibabaw ng maliit na mesa.
"Mas mainam pa nga na kumain ka muna para ganahan ka, mahal king Webbie."
"Kahit puro pares kinakain natin, hindi ko ipapalit ang pagkain na ito sa iba dahil isa ito sa dahilan kung bakit ako nagaganahan. Kaya kain na tayo?"
"Sige! Sabayan kita sa pagkain," sabi pa ni Merriam at daling tumayo ito para pumunta sa kusina at kumuha ng mga mangkok at kubyertos.
Si Webster naman ay nakangiti na lamang ito kakatitig kay Merriam. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahang nadarama dahil muling bumalik si Merriam sa pamamahay nila Webster sa unang pagkakataon matapos ang hindi magandang pagkakaintindihan ng kanyang ama. Sa kanyang pagbabalik ay hindi pa rin nababago ang ginagawa at trato ni Merriam sa kanya.
Pagkatapos nila kumain ay tumulong na si Merriam sa paglilinis ng bahay ni Webster at umabot lang ito ng halos tatlumpung minuto. Mabilis nila nilinis at inayos ang bahay na tanging silang dalawa lang ang nagsagawa. Naging maganda ang paligid ng bahay at halos walang basura at mga kalat sa mga gilid ng bahay.
Sa sobrang pagiging matulungin ni Merriam, hindi pa rin nawawala ang saya at sigla ni Webster. Ramdam niyang komportable pa rin si Webster sa kanyang kasintahan kaya nawala agad ang pag-aalala sa kanyang kasintahan.
~*~
Kinagabihan, nanatiling nasa bahay ni Webster si Merriam, kausap niya ang kanyang ama na nasa kanyang cellphone dahil nagpaalam ito na kila Webster muna ito matulog. Naisipan ni Merriam na kamustahin muna ang mga magulang niya bago ito matulog kasama ang kanyang kasintahan na si Webster.
Ngayon, pinayuhan ng ama ni Merriam ang kanyang anak dahil sa maaring gawin kung dumating ang ama ng kanyang kasintahan. "Anak, kaya mo 'yang harapin ang tatay niya para ipaglaban mo ang pagmamahal ninyo dalawa ni Webster. Hayaan niya sana ikaw ang magpaliwanag kung bakit siya nagkagusto sa'yo at kung bakit naging kayo. Sabihin mo rin sa kanya na katulad din siya noong nagmamahalan sila ng kanyang asawa."
"Papa, handa na ako sa kanya," lakas-loob na sagot ni Merriam. "Sa loob ng isang buwan, alam kong maiintindihan niya na may babaeng nagmamahal sa kanyang anak. Hindi man si Tita dahil ako ang dahilan kung bakit nagiging masaya si Webster sa mga sandaling oras na kasama ko siya."
"May tiwala ako kay Webster kaya ikaw naman ang bahala sa tatay niya, magkaroon lang ng tiwala sa iyo ay magandang simula na iyon para hindi ka na magkaroon ng pag-alala pa sa kanya."
"Opo, Papa," ngiting sabi naman ni Merriam habang nakatitig ito sa kalangitan.
"Oh siya! Baba ko na 'to. Ingat ka d'yan, anak ko," huling sabi ng kanyang ama at binaba niya ang tawag. Dahan-dahan binaba ni Merriam ang cellphone na kanyang hawak at kanyang itong binulsa sa bulsa ng suot niyang jacket.
Mamaya-maya ay isang lalaki ang nagtawag sa kanya. "Iha? Mawalang galang na po." Si William, ang ama ni Webster.
Nang lumingon si Merriam sa kanya, halong kaba at pangamba ang kanyang nadala ngayon. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at tila'y paralisado ito kakatitig kay William.
"Oh? Hindi naman kita sermunan dahil ikaw ang syota ng anak ko," klaro naman ni William. "Gusto ko lang kita kausapin ngayon dahil gusto ko lang malaman at makilala kita." Lumapit si William kay Merriam ngunit unti-unting umaatras naman ang dalaga dahil sa takot.
Hindi nakapagsalita si Merriam at nakasandal na lamang ito sa pader. Nanatiling takot at kaba ang kanyang nararamdaman dahil nasa harapan niya ang ama ng kanyang kasintahan na hindi siya boto at walang tiwala sa dalaga. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin at kung ano ang gagawin sa harapan ng lalaking maaring ikasisira ng relasyon niya kay Webster.
Dahil mapansin niyang natatakot si Merriam sa kanya, tumalikod na lamang si William sa harapan ni Merriam at iniwasan muna niya ito tumingin sa dalaga. "Mukhang natatakot ka sa akin dahil sa nangyari noong nakaraang araw. Hayaan mo muna ako magpaliwanag tungkol doon."
Dahil dito, tila tulala na lamang si Merriam kakatingin kay William. Ang takot ay napalitan ng pagtataka, daming tanong ang pumapasok sa isipan ni Webster kung bakit naparito ang ama ni Webster na si William.
"Iha, alam kong ikaw ang nagkagusto sa kanya at ikaw mismo ang tumulong sa aking asawa noong wala pa ako rito sa lugar na ito dahil nagtatrabaho pa lang ako sa Saudi Arabia. Paumanhin sa'yo dahil hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng kagaya mo sa buhay ng anak ko."
"Aaaah... G-gusto ko lang malaman 'to. A-ayaw mo lang ba sa akin dahil may pinangako at bilin ka kay Webbie na magkaroon siya ng babae?" pautal-utal na tanong naman ni Merriam habang hinawakan niya ang kabilang braso.
Nang lumingon si William sa harapan ni Merriam, isang salita ang kanyang binitawan. "Iha, hayaan mo ikuwento ang lahat tungkol doon dahil ayaw ko mangyari muli ang nangyari sa amin ni Lindsay."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top