2
"Pang-ilang beses mo na 'to, Webster Bhakr," sabi ng Barangay Captain kay Webster. "Noong nakaraan, kila Aling Cory at ngayon kila Merriam naman."
"Pasensya na po, Cap. Aalis na sana kami pero si Webster po—" Biglang pinahinto ng Barangay Captain si Tyler sa pagpapaliwanag.
"Bakit nga ba kayo kumukuha ng Indian Mango sa puno na hindi sa inyo?" tanong ng Barangay Captain kila Tyler at Webster, ngunit wala silang sagot at mas pinili nilang tumahimik na lamang. "Bakit hindi kayo makasagot?" tanong pa ni Barangay Captain sa kanilang dalawa at walang sagot ang dalawang binata.
"Hindi sila makasagot dahil trip lang naman nilang kumuha ng mangga sa puno namin," sabi naman ni Merriam.
"Tumahimik ka nga!" sigaw naman ni Webster kay Merriam.
"Sinabihan mo pang tunog pang-dictionary ang pangalan ko. Ikaw ba, WEBSTER DICTIONARY?" rebat naman ni Merriam kay Webster.
"Totoo naman na pang-dictionary ang pangalan mo, MERRIAM DICTIONARY?" rebat na sagot ni Webster.
"Tumahimik po muna kayong dalawa?" Pinpaaki-usap ng Barangay Captain sila Merriam at Webster kaya wala na itong magawa ang dalawa kun'di tumikom ang kanilang mga bibig. "Webster, pagbibigyan kita ng isa pang warning at ipapatawag ko na ang magulang mo kapag inulit mo pa ito," nanta naman ng Barangay Captain kay Webster.
"Pinapangako namin hindi na po mauulit pa, Cap," sagot naman ni Tyler.
"Ikaw Webster?" Hinihintay ng Barangay Captain ang magiging sagot ni Webster ngunit nakayuko lamang ito at tahimik lang. "Webster, sumagot ka?"
"Yes, kap..." sagot na lang ni Webster na monotone ang pagbigkas niya.
"Siguro nagkasundo na tayong lahat kaya tapos na ang hearing na ito kaya pwede na kayo umuwi sa inyo." Tumayo ang barangay Captain at ito'y umalis.
Tumayo naman si Merriam at lumapit kay Webster. "Sa susunod kapag kumuha pa kayo sa amin, isusumbong ko talaga kayo sa tatay kong pulis. Baka ma-shotgun ka niya kapag naulit mo pa."
Tumayo si Webster sa harapan ni Merriam at tumingin sa kanya. "Oo, wala akong paalam kumuha ng mangga sa inyo. Kasalanan ko kaya hindi parin ako makagawa ng paraan kung paano mapagaling ang nanay ko."
"A-ANO?!" gulat naman ni Merriam at tila'y hindi naintindihan ang sinabi ni Webster sa kanya.
Lumingon si Webster kay Tyler habang kinuha niya ang isang sako na may indian mango sa tabi. "Tara na Tyler at umuwi na lang tayo," sabi niya kay Tyler at ito'y umalis palabas ng Barangay Hall.
"Pasensya na po," paumanhin naman ni Tyler habang tumayo at kinuha niya ang isa pang sako na may laman ng mga mangga, pagkatapos ay sumunod ito kay Webster na umalis.
Si Merriam na lang ang naiwan sa kinaroroonan niya at maraming tanong ang pumapasok sa isipan niya. "Bakit hindi na lang kaya huliin ang lalaking ito?" Sabi pa niya habang ramdam niya parin ang inis at gigil kay Webster.
~*~
Dumating sa kanilang bahay si Webster bitbit ang dalawang paperbag na may nilalaman ng mga gamot at pagkain para sa kanyang ina. Galing sa kinita niya sa pagbenta ng mga Indian Mango sa palengke at dumami ang kanyang kinita kasama si Tyler.
Pumunta at pumasok si Webster sa nag-iisang kwarto ng kanilang bahay na kung saang nandoon ang kanyang ina, nakahiga ang kanyang ina sa isang malaking higaang gawa sa kahoy at nanonood siya ng isang palabas sa telebisyon. "Mama, nakauwi na ako!" Sigaw ni Webster habang nilapag niya ang mga binili niya.
"Webster, anak..." Tumayo ng dahan-dahan ang kanyang ina at kinuha niya ang mga paperbag. "Talagang nag-abala ka pa para sa akin."
"Mama, gusto ko lang gumaling ka," paliwanag naman ni Webster. "Ayokong mawala ka dahil lalo po akong maghihirap kapag wala ka na."
"Ayos lang ako at kaya pa ng mama mo," sabi pa ng kanyang ina. "Saan pala galing ito?" tanong pa niya sa kanyang anak habang kinalikot niya ang mga paperbag at kinuha niya ang isang styrofone, binuksan niya ito at pansit palabok ang laman ng sytro na iyon.
"Nagbenta kasi ako ng mga manga sa palengke kanina at maramin pong bumili at nasarapan sila sa manga na pinagbentahan ko at halos umabot ng libo ang kinita namin kanina," Sagot naman ni Webster. "Alam mo naman na kailangan kong sumikap para magpagaling ka," karagdagan pa ni Webster habang ngumigiti ito sa kanyang ina.
Ngumiti na lamang ang kanyang ina nang marinig niya ang dahilan kung bakit ginagawa ni Webster ang lahat alang-alang sa pagpapagaling ng kanyang ina sa malubhang sakit. Hindi niya maiwasang lumuha pero hinayaan ni Webster ito dahil alam niyang masaya siya sa ginagawa niya bilang kanyang anak.
"Kain kana po at mamaya ay iinom ka po ng gamot," sabi pa ni Webster sa kanyang ina at dito sinimulang kumain ng kanyang ina.
"Okay, anak!" Kumain na ang kanyang ina ng pansit palabok na binili ni Webster galing sa kanyang kinita.
Ito ang hindi alam nglahat at nanatiling tinatago ni Webster ang dahilan kung bakit ginagawa niyangkumuha ng mga Manga sa iba't ibang puno. Dito na lang bumubuhay sila Websterdahil sa nangyayari ngayon sa Israel na nandoon nagtatrabaho ang kanyang Ama,ngunit maging ang kinikita ng kanyang ama ay hindi ito sapat para mamuhay pa salugar na kanyang tinatrabahuan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top