19
Sa pag-uwi ni William sa Pilipinas, nagbago ang takbo ng buhay nila Merriam at Webster bilang magkasintahan. Limitado na lamang si Merriam na bumisita sa bahay ni Webster kaya si Webster na mismo ang dumadalaw sa bahay ng dalaga. Nagpapaalam na lamang si Webster sa kanyang ina marahil mayroon hindi magandang pagkakaunawaan ang kanyang ama sa kanyang kasintahan.
Si Merriam naman, bakas sa kanyang damdamin ang takot at hiya dahil sa ama ng kanyang kasintahan. Mas mainam na lamang niyang hindi ito nagpapakita sa ama ni Webster dahil naiisip pa rin niya na magkakaroon na naman ng alitan ng mag-ama.
Ganunpaman, nanatili pa rin ang kanilang pagmamahal sa isa't isa at hindi nawawala ang pakikitungo ng magkasintahan. Parati pa rin sinusuyo ni Webster si Merriam at maging ang dalaga sa kanyang kasintahan at palagi pa rin sila kumakain ng paborito nilang pares. Naisipan naman nilang dalawa na sa ilalim ng puno ng mangga sila tumatambay dahil maliban sa rito sila nagkakilala at nagsimula ang pagmamahalan nilang dalawa ay mas pinili nila na rito sila tumambay para hindi makita ng ama ni Webster na nagkikita parin sila ng kanyang kasintahan.
~*~
Isang buwan ang nakalipas,
Sa ilalim ng puno ng mangga, nag-uusap ang magkasintahan na sila Webster at Merriam. Nakaupo sila sa baba ng puno ng mangga at magkatabi ito. Inakbayan ni Webster si Merriam habang ang ulo ng dalaga ay nakapatong sa balikat ng binata. Ngayong araw ay nagdiriwang ng kanilang Monthsary at simple lang ang kanilang handa na tanging pares lamang.
"Sa totoo lang, mas mabuti kung nanatili tayo sa kung ano ang mayroon at kinaroroonan natin kahit maraming hadlang ang dumarating sa buhay natin," pahayag ni Merriam habang nakatitig ito kay Webster. "Salamat dahil kahit hindi man kami nagkakasundo ng Papa mo ay hindi mo pa rin ako iniwan. Hindi ko akalaing pinaglaban mo ang pagmamahalan nating dalawa," dagdag pa ng dalaga.
"Alam mo, hindi ko puwedeng iwan ang isang babae katulad mo dahil nasa iyo na nag nais ko." Tumingala si Webster sa kalangitan habang siya'y ngumingiti. "Oo, mahal ko si Papa ngunit ayaw ko lang magkaroon kayo ng alitan at ayaw ko ring siya ang dahilan para maghiwalay tayong dalawa. Gusto kong ipaglaban ang pag-ibig nating dalawa kahit pamilya ko ang kalaban ko," wika pa ni Webster at siya'y tumingin sa kanyang kasintahan.
"Pero sana tanggapin na lang niya na tayo'y nagmamahalan. Hindi ba, the more challenges is the more difficult to make success? Webster, kung patuloy pa rin ang Papa mo na maghiwalay tayong dalawa, paano na tayo?"
Dahil sa mga tanong ni Merriam, ngumisi na lamang si Webster at muling tumingala ito sa langit. "Wala na ako pakialaman kung magalit siya sa akin. Wala namang mali sa ginagawa natin, lalo na't wala naman tayo nangyaring hindi puwedeng mangyari kagaya ng maaring mabuntis ka o hindi kaya'y may masama kang balak sa akin na labag na sa batas ng diyos."
"Wala naman masama kung nagmahal tayo ng patas at walang kalokohan, hindi ba?" Tumayo si Merriam sa kanyang kinauupuan at ito'y pumunta sa harapan ni Webster, si Webster naman ay agad binaba ang kanyang kamay at nanatiling nakatitig ito sa langit.
"Wala naman masama. Ang problema lang kasi ay paano natin ipaliwanag sa kanya kung maging siya ay ayaw niya malaman tungkol sa ating dalawa." Nang tumingin siya kay Merriam, siya'y tumayo sa kanyang kinauupuan. "Isa pa, ramdam kong nahihiya ako sa kanya kung ano ang rason kung bakit mahal kita. Gusto ko ipaglaban ang pagmamahalan nating dalawa ngunit hindi ko alam kung paano ko ito ipaliwanag sa kanya na hindi siya magagalit at maintindihan ang lahat tungkol sa ating dalawa," sabi pa ni Webster.
Nang marinig ni Merriam ang sinabi ni Webster, siya'y nag-buntong-hininga na lamang sa harapan ni Webster. "Sana tanggapin na lamang niya na ako ang mahal mo," sabi pa ni Merriam at ito'y yumuko na lamang.
Si Webster naman ay nakapikit na lamang ang kanyang mga mata at naramdaman niya ang hangin na nasa kanyang mukha. Inamoy niya ang kanyang mabangong paligid at pinakalma niya ang kanyang sarili.
~*~
Kinagabihan, umuwi si Webster sa kanilang bahay at ang kanyang ama ang kanyang nakasalubong. Ngumingiti ito at mayroong dalang pagkain.
"Oh! Mabuti at dumating ka," ngiting sabi ni William sa kanyang anak na si Webster. "Saan ka galing?" tanong ni William sa kanyang anak.
"Aaaah... Sa paresan lang, kumain ako mag-isa." Hindi na maiwasang magsinungaling si Webster sa kanyang ama, maiwasan lang ng kanyang ama na nakikipagkomunikasyon ang kanyang anak sa kanyang kasintahan.
"Bakit naman mapang-isa kang kumain doon, anak? Nasaan pala ang mga kaibigan mo?"
"Busy sila sa kani-kanilang ginagawa. Sinubukan ko naman mang-anyaya pero wala talaga," sagot naman ni Webster habang labis ang lungkot kahit hindi totoo ang kanyang sinasabi. "Nga pala, si Mama?" tanong nama ni Webster.
"Ah! Nasa ospital dahil magpapa-checkup ngayon," sagot naman ni William habang ito'y pumunta ng kusina. "Uuwi rin siya mamaya-maya lang at ako na bahala sunduin ang nanay mo." Kumuha si William ng isang baso at nilagyan ito ng mainit na tubig para magtimpla ng kanyang kape. "Siya nga pala, inaasikaso ko na ang kolehiyo mo dahil kinausap ko na ang ninong mo. Ikaw daw ay mayroon exception kaya napabilang ka sa Dean's Lister niya. Isa pa, hindi mo na kailangan pang magpa-exam pa dahil papasok ka na sa Agosto. Ang kulang na lang ay kung anong kurso ang gusto mo." Muling lumapit si William sa isang sala at ito'y umupo para uminom.
"Talaga po?!" Laking gulat naman ni Webster sa kanyang narinig mula sa kanyang ama.
"Oo naman, anak," ngiting sagot naman ni William. "Ginagawa ko lang naman kasi ang lahat para sa kinabukasan mo kaya ako na rin ang nag-asikaso habang nakatutok ka naman sa iyong pag-aaral."
Kada salita ni William, ngumiti na lamang si Webster habang nakatitig ito sa kanyang ama. Ramdam niyang gumaganda ang kinabukasan ng binata marahil isang oportunidad ang magpapabago sa magiging takbo ng kanyang buhay.
"Ano sa tingin mo ang magiging kurso mo?" tanong pa ni William kay Webster habang nakatingin naman ito sa kanyang anak.
"Papa, pag-isipan ko po kung anong course ko," agad sagot naman ni Webster. "Salamat po dahil nagagawa mo po 'yan para sa akin."
"Basta anak, sabihan mo ako kung ano ang kurso mo," sabi pa ni William at muling bumalik ito sa kusina. Habang si Webster naman ay daling umupo sa maliit na sofa at nanatiling nakangiti ito.
Dahil sa ginagawa ni William sa kanyang anak, lalong nagiging masaya at natutuwa si Webster sa magiging buhay kolehiyo nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top