16

Sa loob ng bahay nila Webster, magkaharap ang mag-asawang Lindsay at William. Imbes na ngumiti ang dalawa sa isa't isa, nakasimangot ang dalawa at mayroong poot na kanilang nararamdaman. Nakasarado ang pinto ng bahay at walang bintana ang nakabukas.

"William, hindi mo ba naisip na ganyan din tayo noong una?" inis ni Lindsay sa kanyang asawa marahil mayroong hindi magandang pagkakaunawaan si William sa nobya ng kanyang anak na si Merriam. "Naisip mo bang ganyang-ganyan din tayo sa una? Ngayon, uulitin natin 'yon na ikaw mismo ang magiging masama sa anak natin at kay Merriam?"

"Lindsay, ibang-iba ang nangyari sa atin noon kumpara sa kanila ngayon. Bakit mo ikukumpara ang sa kanila sa atin noon kung mayroon hindi maganda ang tingin sa babaeng 'yon?" agad rebat naman ni William.

"Huwag mo gawin ang ginawa ng ama mo sa atin noon," pakiusap naman ni Lindsay kay William. "Hayaan mo na lang ang mga bata dahil malapit na sila sa panahon na sila naman ang magkakaroon ng kani-kanilang desisyon sa buhay. William, naisip mo bang ganyan tayo noong dalaga't binata pa lamang tayong dalawa? Tinutulungan kita sa kung ano ang nais mo noon para maiahon kayo sa hirap ngunit may mga parte ng buhay natin noon na may humadlang sa relasyon natin. Ngayon, ikaw naman ang hahadlang sa kanilang dalawa?"

"Lindsay, mayroon akong bilin sa anak ko noon na ayaw kong maulit pa noong magkasama pa tayo," agad rebat pa ni William habang ito'y tumalikod sa kanyang asawa. "Huwag mo akong pakialam sa gusto ko dahil para sa atin din ang nais ko," dagdag pa ni William.

"Sa tingin mo ba, magiging masaya si Webster sa nais mo?" agad rebat naman ni Lindsay sa sinabi ni William. "Sa tingin mo ba, magiging maganda pa ang resulta kung puwersahan mong paghiwalayin sila Merriam at Webster? Nasaan ang utak mo para sabihin 'yan?"

"Bakit mo sinasabi 'yan kung ikaw namang pabayaang ina na tumatanggap ng alok sa anak mo?" Muling humarap si William kay Lindsay na mayroong pamumula sa kanyang mukha. Tumahimik na lamang si Lindsay habang nakasimangot ito kakatitig kay William at tanging tingin na lamang sa mata ang kanyang sandata. "Kung ayaw mo maulit ang nakaraan kung ano man ang mayroon sa atin noon, isipin mo kung hinayaan mo si Webster na magkagusto sa isang babae kagaya ng Merriam na tinutukoy mo." Pagkatapos niyang pakawalan ng masasakit ng mga sakit ay agad lumihis si William kay Lindsay at agad pumasok ito sa kuwarto ng kanilang bahay.

Nang si Lindsay na lamang ang natitirang tao sa sala ay wala na itong magawa kun'di umupo sa mahabang sofa habang huminga ito ng malalim. Uminom ng tubig na nasa baso niyang hawak at siya'y uminom na rin ng kanyang gamot.

Bakas sa kanya ngayon ang pag-aalala niya sa magkasintahang Merriam at Webster at maging sa kanyang asawa na si William. Hindi niya alam ang kanyang gagawin marahil hindi niya alam kung paano niya ito masisimulan na kumbinsihin ang kanyang asawa na tanggapin na lamang niya ang nais ng kanyang anak na mahalin niya ang babaeng kanyang minamahal.

~*~

Sa kabilang banda naman sa labas ng bahay ay nag-uusap ang magkasintahan tungkol sa ama ni Webster na si William. Hindi maiwasang mangamba si Merriam dahil nakita niyang hindi boto ang ama ng kanyang kasintahan sa kanya.

"Ganoon ba talaga ang tatay mo? Kahit hindi niya ako kilala, bakit ganoon siya sa akin?" Halos humahabol na ito ng hininga sa pagsasalita ni Merriam habang nakatitig ito kay Webster na mayroon hindi maganda ang kanyang nararamdaman. "Hindi ba't alam niya na mayroon kang syota dahil ikinuwento naman ni Tita sa kanya tungkol sa ating dalawa?"

"Alam niya pero hindi ko alam na ganoon ang kanyang reaksiyon niya sa atin," agad sagot naman ni Webster sa mga tanong ni Merriam sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit ayaw niya ako magkaroon ng syota. Dahil lang ba ikakasira ng pangarap ko? Dahil lang ba ikaw ang hahadlang sa mga pangarap ko? Hindi ko alam kung ano ang motibo niya bakit ganun siya sa akin." Nanatiling nakayuko ang kanyang ulo habang siya'y nagsasalita, parang nagdarasal ito kung umupo at bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya.

"Sa tingin mo ba, ako ba ang rason? Wala naman tayo nangyari na masama, halos nagagawa natin ang tama at iniiwasan natin ang mga bagay na mali para sa ating dalawa na maaring magkaroon ng break-up o mas mahirap na sitwasyon. Bakit ganoon ang tatay mo sa akin?" inis ni Merriam.

Lumingon naman si Webster sa kanyang kasintahan at tumayo ito sa kanyang kinauupuan para lumapit siya kay Merriam. "Minsan, may magulang natin na masyadong istrikto. Hindi ko lang akalain si Papa ang naging istrikto habang hindi naman ganoon ang iyong ama sa akin at tinutulungan niya ako sa kung ako ang ginagawa ko para sa'yo."

"Pero bakit sa lahat ng hahadlang sa relasyon natin, bakit ang ama mo pa?" tanong pa ni Merriam sa kanyang kasintahan.

"Hindi ko talaga alam ang tunay na rason," agad sagot naman ni Webster na mayroong malambing na tono habang niyakap niya si Merriam. "Ngunit kaya ko ipaglaban ang pagmamahal nating dalawa dahil nasa tabi natin ang aking ama at ang mga magulang mo," dagdag pa ni Webster habang nanatiling nakayakap ito sa kanyang kasintahan.

"Sana hayaan niya tayo sa kung ano ang gusto natin dahil alam na alam natin ang tama at mali." Niyakap na lamang ni Merriam si Webster at hinimas-himas niya ang likod ng binata.

"Sana..." bulong na tugon naman ni Webster habang nanatiling nakayakap pa rin siya kay Merriam at hinimas naman niya ang ulo ng kanyang kasintahan.

Kahit mayroong alitan sa kanyang ama, mas pinili ni Webster na manatili kay Merriam kahit ano mangyari. Hindi niya naisip ni Webster na hiwalayan ang kanyang mahal at sundin ang nais ng kanyang ama.

Ngayon ay nakasalalay na kay Webster ang takbo ng relasyon nilang dalawa. Dahil mahal na mahal pa rin siya ni Merriam, mas lalong lumakas ang samahan nilang dalawa at naniniwala silang kaya niya ang pagsubok na ito, kahit magulang man ang kanilang kaharap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top