15

Isang buwan ang nakalipas,

Magkasama sila Merriam at Webster na naglalakad sa tabi ng kalsada para sila'y pumunta sa bahay ng binata dahil may gagawin itong individual activity sa isa nilang subject. Habang sila'y naglalakad ay kausap nila ang isa't isa tungkol sa kanyang ama.

"Ibig mo pala sabihin, may posibilidad pala pagalingin si Tita. Malaki kasi ang sahod ni Tito sa Saudi at siyempre siguro ay magpapatayo na kayo ng magandang bahay maliban sa pagpapaaral ka niya sa La Salle," sabi ni Merriam.

"Maraming pa ang nais ni Papa para sa amin ni Mama kagaya na magkaroon ng sariling condo na maganda at magandang kotse. Minsan, nais niya magbakasyon kami ni Mama sa Saudi at bumisita sa kanyang opisina," sabi naman ni Webster. "Hindi ko nga rin alam kung tutuloy rin niyang magbakasyon sa Maldives at South Korea."

"Maganda kung ganoon, Mahal," ngiting komento naman ni Merriam at binanggit niya ang call sign nilang dalawa. "Kung maari sana, matuloy iyon dahil minsan lang 'yon sa buhay n'yo ang mga nais ni Tito," paliwanag naman pa ni Merriam.

"Mas matutuwa pa ako kung mangyari 'yon pero mas mabuti kung huwag muna madaling," sabi pa ni Webster. "Kung ako, mas mabuti na lamang kung bakasyon ng First Year College ko ay puwede na siguro magbakasyon sa Saudi Arabia o sa South Korea."

"May punto ka naman," ngiting sagot naman ni Merriam. "Nga pala, hindi ba't ngayong araw ang uwi ni Tito?" Iniba ni Merriam ang kanilang usapan.

"Baka mamaya pang hapon pa 'yon," sagot naman ni Webster sa tanong ni Merriam. "Nasa airport pa kasi si Mama at hinihintay na lang namin 'yun."

Sa paghakbang nila sa tarangkahan, bumukas ang malaking kahoy na pinto, na nagpatigil kina Merriam at Webster sa kanilang landas. Maraming pumapasok sa isipan ni Webster kung ano ang dahilan kung bakit ganito ang nasa kanyang harapan.

"Ano 'yun?" tanong ni Merriam sa kanya ngunit hindi sinagot ni Webster ang tanong niya.

Pumasok si Webster sa pinto nang may maingat na hakbang, halos hindi na lumalait ang mga floorboard sa ilalim ng kanyang mga paa. Sumunod si Merriam sa likod, ang mga mata niya ay sinanay sa bawat galaw ng binata. Nang huminto silang dalawa, nanlaki ang mga mata ni Webster na parang mga platito sa tanawing nasa harapan niya. Doon ay nakaupo sa isang maliit na sofa ang isang lalaki na nakikipag-usap sa ina ni Webster, ang kanilang mga boses ay naghahalo sa hangin.

Napansin ng ina ni Webster na dumating na pala ang kanyang anak. "Oh! Mabuti't dumating ka."

Pinagmasdan ni Webster ang lalaking tahimik na nakaupo sa malambot na sofa, ang katahimikan sa silid ay mabigat sa pagitan nila. Biglang inilipat ng lalaki ang kanyang tingin upang salubungin si Webster, na nag-udyok kay Webster na bumangon mula sa kanyang upuan, ang tensyon sa hangin. "Mabuti na lamang at dumating ka, anak."

Dahil sa kanyang narinig, agad niyakap ni Webster ang lalaking kasama ng ina ni Webster. "Ang aga mo umuwi, Papa," sabi ni Webster habang niyayakap niya ang lalaki na siya ang kanyang ama.

"Naku! Excited na ako makita kayo." Niyakap naman ng ama ni Webster at hinimas niya ang likod ng kanyang anak.

Nang humiwalay, nagpatuloy pa rin sa pag-uusap ang mag-ama. "Kamusta ang araw mo ngayon?" ngiting tanong ng ama ni Webster sa kanyang anak.

"Naku naman at nagkita muli kayong dalawa." Tumayo ang ina ni Webster sa kanyang upuan na dahan-dahan at nakisama ito sa pag-uusap nilang dalawa bilang isa rin sa parte ng pamilya. "Alam ninyo, malapit na tayo guminhawa ang buhay natin at hindi na tayo maghihirap pa," ani pa niya.

"Basta magkasama na tayong tatlo ay magagawa na natin ang lahat," nanigurado naman ang ama ni Webster. "Ako ang dahilan kung bakit malapit na tayo sa tuktok ng ating bundok at paunti-unti na tayong umaakyat."

"Nakakatuwa lang dahil ginagawa ninyo ang lahat para sa atin," agad sabi naman ng ina ni Webster.

"Mama, para sa'yo naman talaga ang ginagawa namin," sabi naman ni Webster.

"Basta ngayon, sama-sama na tayo." Ngumiti na lamang ang ama ni Webster habang nakaakbay siya sa mag-ina.

Mayamaya ay pinakilala na ni Webster ang kanyang kasama. Hinila q Webster si Merriam papunta sa kanyang tabi at nakahanap sila sa ama ng binata. "Nga pala Papa, si Merriam po. Nobya ko po."

"H-hello po," pagbati ni Merriam habang kumaway ito sa harapan ng ama ni Webster.

Ngunit imbes na ngumiti ito, tila ba'y hindi na naging maganda ang mood. Hindi makapaniwala ang ama ni Webster dahil nagkaroon ng nobya ang kanyang anak. Maraming pumapasok sa kanyang isipan tungkol sa maaring maging masamang balak ng dalaga sa kanyang anak.

"Alam mo ba, tumutulong din siya sa amin," sabi naman ng ina ni Webster sa kanyang asawa habang pumunta ito sa tabi niya. "Mabait na babae si Merriam at hindi ko rin akalaing magiging nobya siya ng anak natin. Isa pa, sa kanya rin galing ang-"

"Sandali lang," agad sabi ng ama ni Webster kaya huminto na lamang ang kanyang asawa sa pagsasalita at tumahimik ito sa kanyang tabi. "Anak, hindi ba't sabi ko sa'yo bago pa ako umalis ng Pinas, huwag na huwag kang magkakaroon ng babae hangga't hindi ka pa nakapagtapos ng pag-aaral," biglang sinuway niya ang kanyang anak dahil mayroon pala itong bilib sa kanya na hindi ito sinunod.

Tumahimik na rin lamang si Webster at nawala ang kanyang saya sa narinig niya mula sa kanyang ama. Yumuko na lamang ang kanyang ulo para maiwasan niyang tignan ang kanyang ama habang nakahawak ito sa kamay ni Merriam. Si Merriam naman ay nakaramdam ng mabilis na tibok ng puso sa kaba at nakatunganga na lamang ito sa ama ng kanyang kasintahan.

"Ikaw naman, bakit mo hinayaang magkaganito ang anak natin?" Napapunta na lamang sa ina ni Webster ang inis ng ama ng binata. "Ikaw ang ina at dapat alam mong-"

"Sandali lang." Agad lumingon ang ina ni Webster sa magkasintahan. "Merriam, Webster, lumabas muna kayong dalawa dahil ako na bahalang magpaliwanag tungkol dito," sabi pa niya.

"Tita, s-seryoso ka po ba?" pag-alala naman ni Merriam.

Lumapit ang ina ni Webster sa dalaga at hinawakan niya ang magkabilang balikat. "Merriam, hayaan mo muna  kaming dalawa dahil ako na mismo ang magpapaliwanag sa relasyon ninyong dalawa."

"Nagpapatawa ka ba, Lindsay?" binanggit niya ang pangalan ng ina ni Webster para magkaroon ng atensyon sa kanya. "So ibig sabihin pala ay ikaw ang humikayat na maging nobya niya ang anak ko?" agad tanong ng ama ni Webster sa kanyang asawa.

Tumahimik na lamang ng ilang saglit ang magkasintahan. Si Webster ay nakayuko na lamang ang kanyang ulo ng tahimik habang si Merriam ay nakatingin naman sa ina ng kanyang kasintahan. Lumingon na lamang si Lindsay sa kanyang asawa habang nasa likuran niya ang magkasintahang Merriam at ang kanyang anak na si Webster. "Merriam, Webster, lumabas muna kayo ng bahay at isarado ninyo ang pinto. Ngayon na mismo."

Hindi na lamang tumanggi si Merriam kaya hinila na lamang niya ang kanyang nobya na si Webster palabas ng bahay, agad isinarado niya ang pinto at hindi na muna pa ito pumasok pa ng bahay. Tanging si Lindsay na lamang at ang kanyang asawa ang nasa bahay, magkaharap at walang ngiti na nakaukit sa kanilang mukha.

Mayamaya ay lumapit si Lindsay sa harapan ng kanyang asawa. "William, iniisip mo rin bang ganyan din tayo noong una?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top