14
Sa pagiging kasintahan nila Merriam at Webster, lalong dumidikit ang koneksyon nilang dalawa. Nanatiling tumutulong pa rin si Merriam kay Webster habang may mga taong nagpapa-commission sa kanya. Patuloy naman si Webster sa pagtitinda para tumulong muli ang kanyang ina na mayroong karamdaman. Nagsimula rin silang mag-anyaya ng pagkain sa isa't isa bilang kanilang daan para malaman na mahal na mahal ang kanilang isa't isa. Parati silang kumakain sa paborito nilang paresan at minsa'y nag-uuwi ito ng pares para kumain na lamang sa kani-kanilang tahanan. Sa pag-aaral naman nila ay hindi nila ito pinag-iwanan. Lalong gumanda ang kanilang performances sa pag-aaral at sila ngayon ang nagiging academic rival. Ngunit hindi nila tinuturing magka-away dahil iniisip nila na team silang dalawa at maging ang kanilang kaklase.
Sa isang buwan bilang magkasintahan, hindi mawawala ang trato nilang dalawa sa isa't isa. Ang mas maganda pa nito, maraming nakakakita sa kanila at hindi nila ito hinuhusgahan dahil kahit noong hindi pa sila ganap na magkasintahan ay kilala na sila sa buong campus, lalong lalo na si Webster.
~*~
Isang araw, kakarating lang sa bahay si Merriam ay bumungad niya ang kanyang ina sa harapan ng dalaga. "Oh! Mabuti at dumating ka," ngiting bungad niya habang agad inalalayan niya ang kanyang anak na tanggalin ang kanyang bag na nasa likuran.
Hindi na lamang pinigilan pa si Merriam sa ginawa ng kanyang ina ngunit nagtataka ito. "Anong mayroon at bakit ka ganyan ngayon? Nga pala, asaan si Papa?"
"Ang tatay mo ay mamaya pang gabi pa iyon uuwi raw kasi nag-overtime siya sa Production Floor niya. Nga pala, naghanda ako ng makakain mo ngayon dahil sabi kasi ni Webster ay paghandaan kita ng favorite mong ulam na Adobong Baboy," sagot ng ina ni Merriam habang pumunta ito sa sala para ilapag niya ang bag ni Merriam sa tabi na kung saan ay mayroong maliit na box.
"Si Webbie pa nagsabi sa'yo?!" Biglang tinaasan ng boses si Merriam sa sobrang gulat.
"Aba! Pala-tsimis pala ang syota mo kaya hindi ko akalain masabi niya iyon sa sa'kin tungkol sa'yo, Merriam." Pumunta naman ng kusina ang ina ni Merriam. "Kain kana rito," anyaya pa ng ina ni Merriam sa kanya kaya hindi na lamang tumanggi pa si Merriam at kumain na lamang ito sa mesa.
Bumungad ni Merriam ang isang pinggang may kanin at isang mangkok na may lamang ulam na adobo. Hindi pa tumanggi pa si Merriam kaya agad ito kumain na lamang ng adobo na niluto ng kanyang ina. Sa unang subo pa lamang ay tila ba'y naglakihan ang kanyang mga mata sa lasa ng kanyang tinikman.
"Oh! Hulaan ko, masarap ang niluto ko?" tanong ng ina ni Merriam sa kanya at tumango na lamang ang kanyang anak. "Sabi na eh! Alam mo, kumain ka na lang d'yan at isipin mo ay si Webster mismo nagluto ng pagkain mo." Iniwan na lamang ng ina ni Merriam ang dalagita sa mesa at siya'y pumunta na lamang ito sa bakod ng kanilang bahay.
Nagpatuloy na lamang kumain si Merriam at unti-unting natapos ito sa kanyang kinakain na hindi umiinom ng tubig.
~*~
"Ikaw talaga, sinabi mo kay Mama na gusto kong adobo ay ganun?" kinuwento ni Merriam sa kanyang kasintahan na si Webster tungkol sa nangyari kanina. Ipinahayag niya sa kanya na kuhang-kuha niya ang tamis, alat at pagkaluto ng adobo na kanyang kinain kanina.
Silang dalawa ay nag-uusap sa pamamagitan ng Video Call, si Merriam ay nasa isang laptop habang si Webster ay hiniram niya ang tablet ni Merriam pagsamantala para may magamit ito.
"Ano ka ba? Maliit na bagay lang 'yun," agad sabi ni Webster. "Nga pala, musta na pala ang group activity ninyo?" Iniba ni Webster ang usapan nilang dalawa ni Merriam.
"Ayun! Maayos naman kami kaso may mga group mates kami na ayaw sumusunod sa akin," sagot naman ni Merriam. "Ikaw ba?" Binalik na lamang niya ang tanong kay Webster.
"Kami naman, sumusunod naman sila sa akin kahit paano. Ang problema lang sa kanila ay sobrang lutang at minsan ay kailangang ko pang magsagawa ng example at sign language dahil maski Tagalog ay hindi pa rin nila maintindihan," sagot naman ni Webster.
"All boys naman kayo, hindi ba?"
"Oo naman pero halos hindi nila kaya mag-explain ng maayos at hindi nila maintindihan ang mga sinasabi ko lalo na't nagbabasa ako ng English. Hindi ko rin alam kung ano gagawin ko para maintindihan nila ang mga sinasabi ko para sa kanila," pahayag pa ni Webster.
"Wala na tayo magagawa pa dahil pinaghiwalay tayong dalawa kasi ang unfair daw kung magkakasama tayo." Kumuha na lamang si Merriam ng isang cookies na nasa plato. "Isa pa, hindi rin natin gusto na magkasama tayo pero tayo pa rin ang nasa top honors kaya ang unfair naman sa iba na mas masipag pa sa atin." Pagkatapos niyang magsalita ay agad kumain ito ng cookies.
"May punto ka rin naman," agad sabi naman ni Webster. "Hirap maging leader sa totoo lang. Ikaw ang gagalaw para sa kanila at kung may aberya ay ikaw mismo ang sisisihin at may kasalanan."
"Totoo," tumugon na lamang si Merriam sa sinabi ni Webster. "Kalungkot lang dahil hindi alam ng iba kung ano ang feeling ng isang leader kagaya natin. Hindi nila alam kung bakit dahil ang alam nila ay matalino at honor student ang isang leader. Kaso may mga taong basta-basta lang pumili ng kung sino-sino maging leader ng grupo dahil sa mga nabanggit ko. Ang hirap kasi isiping bakit sa pagiging matalino at honor student nakabase ang pagiging leader."
"Ang awkward lang dahil bakit doon binase ang pagiging leader? Puwede lang naman kung sino ang may kayang mag-manage ng grupo o ng section like 'yung mga officers o 'yung willing maging leader. Bakit tayo pa mismo lagi?" reklamo naman ni Webster.
"Ayaw ko na maging leader sa susunod dahil ayaw ko na mahirapan ang sarili ko at ayaw kong may taong maghahawak para sa ikagaganda ng buhay ko," wika naman ni Merriam.
Kahit wala sa mood, pinilit na lamang ngumiti si Webster habang nakatitig ito kay Merriam na nasa Screen. Si Merriam naman ay iniisip niya kung paano niya malalagpasan ang problema niya ngayon bilang estudyante.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top