13

Nanatiling nakatulala, hindi nakapagsalita at maraming iniisip si Webster habang nakatitig ito kay Merriam. Hindi niya alam kung ano na ba ang kanyang gagawin.

"Webbie, ngayon ko na ito sasabihin sa'yo na handa na ako na maging syota mo." Nanatiling kumikinang ang mga mata ni Merriam at habang siya'y nagsasalita ay hinawakan niya ang kamay ni Webster. "Kung papipiliin ako ng lalaking makakasama ko habang buhay, hindi ko na kailangan pang hanapin pa dahil nasa harapan ko na siya."

"Ibig mong sabihing-"

"Sinasagot na kita, Webbie," agad sagot pa ni Merriam habang bakas pa rin ang ngiti sa kanyang mukha.

Hindi na lamang makapagsalita pa si Webster. Sa halip, lumuha ito sa harapan ni Merriam. Unti-unting humagulgol ang binata habang tumataas ang magkabilang dulo ng kanyang labi habang nakatitig pa rin siya sa babaeng magiging kabiyak ng kanyang puso.

"Webbie, huwag ka umiyak." Pinunasan ni Merriam ang mukha ni Webster na dahan-dahan at pagkatapos nito ay agad hinalikan niya ang kanyang noo. "Totoo ang lahat ngayon kaya huwag ka na umiyak pa," dagdag pa niya habang nanatiling nakangiti ito sa harapan ni Webster.

"M-masaya ako, Merriam," hagulgol niyang sagot. "Hindi ko akalaing magagawa mo itong lahat at sa araw na ito mo ako sinagot. Hindi ko rin akalaing dito pa sa lugar na ito kung saan tayo nagkakilala."

"Webbie, ako'y nangangako sa'yo na mamahalin kita hindi lang basta dahil ikaw ang aking boyfriend. Mamahalin kita dahil ikaw ang lalaking gusto kong makasama habambuhay."

"Merriam, ikaw ang babaeng nagkaroon ng kulay sa aking buhay kaya hindi na ako nagdalawang isip na ligawan kita. Ngayon, nangangako rin ako sa'yo na hindi ako kagaya ng ibang lalaki na iiwanan kita sa era. Ipangako ko sa'yo na mamahalin kita bilang aking asawa at ako na rin bahala sa ating relasyon."

Pagkatapos nito, tumayo silang dalawa at agad nagyakapan sila Merriam at Webster bilang magkasintahan. Bakas sa kanilang emosyon ang kanilang saya, lalong lalo na si Webster dahil sa unang pagkakataon ay si Merriam ang kanyang kasintahan sa kanyang buhay. Maya-maya, hindi nila maiwasan maghalikan ang dalawa sa isa't isa at halos isang minuto ang kanilang tinagal. Nang humiwalay ang dalawa at nagtitigan muli, agad pinagpatuloy nila Merriam at Webster sa paghalik sa kani-kanilang mga labi na mayroon tamis na pagmamahalan.

Si Merriam naman ay naging masaya marahil natanggap ni Webster ang kanyang sagot at lalong namangha ang kanyang kasintahan sa kanyang hirap para sa paglalagay ng mga dekorasyon sa kanilang Indian Mango Tree na kung saan silang dalawa nagkakilala ng lalaking naging kabiyak ng kanyang puso.

Sa bago nilang pakikitungo sa isa't isa, hindi nababago ang kanilang koneksyon at kung paano sila nag-uusap ang dalawa, ngunit hindi na ito kagaya ng dating pakikitungo nilang dalawa sa isa't isa. Umibabaw ang kanilang pagmamahal at hindi na sila nahihiyang ipakita ito sa isa't isa.

~*~

Pagkatapos ng halos dalawang minutong pagmamahalan ng dalawa sa ilalim ng puno, naisipan ni Merriam na kausapin nila ang kanyang mga magulang. Ang ina ni Webster ay bumisita sa bahay nila Merriam at hindi nila akalaing nagawa ni Merriam ang payo niya.

"Naku! Nakakatuwa lang dahil nagawa mong sagutin ng matamis na oo ang anak ko sa kung saan kayo nakilala," komento ng ina ni Webster habang hindi maiwasang ngumiti ito. "I'm so proud of you, Merriam," dagdag pa niya.

"Alam mo, ganyan talaga ang anak ko. Alam na alam niya ang lahat kaya may tiwala ako sa kanya. Isa pa, naniniwala akong magagawa niya ang lahat kaya hinahayaan ko na lang at binibigyan ko ng kalayaan para sa kung ano ang kanyang gusto," ano naman ng ama ni Merriam.

"Nakakatuwa lang ang anak ninyo." Hindi maiwasang mainggit ang ina ni Webster dahil sa ginawa ng kasintahang ng kanyang anak. "Alam ninyo, sana may ganyan akong anak na babae kagaya ni Merriam," sabi pa niya sa mga magulang ni Merriam.

"Alam mo beh, hindi mo na pangarapin pa dahil maari mo na ring maging anak si Merriam," ito na lamang ang sabi ng ina ni Merriam. "Hindi ba't tinulungan niya kayo para sa maintenance mo at maging sa future nilang dalawa?"

"Ganun ba?" Ina ni Webster.

"Oo naman," ngiting sagot pa ng ina ni Merriam. "Alam mo rin, pamilya na tayong lahat. May tiwala ako kay Webster at nakikita namin ng asawa ko na siya ang karapat-dapat na maging nobya ng aking anak."

"Lalo na't nagagawa niya ang lahat para pagalingin ka," dagdag naman ng ama ni Merriam sa sinabi ng kanyang asawa. "Masaya ako dahil kahit siya lang ang anak mo ay nakikita kong halos triple siyang magmahal sa'yo at maging sa anak ko."

"Salamat po sa tiwala ninyo po sa akin," pinasalamatan na lamang ni Webster ang ama ni Merriam habang bakas ang ngiti sa kanyang mukha. "Pangako ko po sa inyo na gagawin ko po ang lahat para maging masaya ang inyong anak na si Merriam," naniguro at nangako pa si Webster sa magulang ng kanyang kasintahan.

"Webster, may tiwala kami sa'yo kahit anong mangyari," sabi naman ng ama ni Merriam. "Kung magloko ka man, hindi mo magugustuhan ng nanay mo ang gagawin sa'yo."

"Anak, ipangako mo ang mga 'yan dahil masasayang ang effort ninyo dalawa," bilin naman ng ina ni Webster sa kanyang ina.

"Opo, Mama," tugon naman ni Webster sa kanyang ina habang hinawakan niya ang kamay ng kanyang nobya na si Merriam.

"Ikaw naman Merriam, ipangako mo naman sa amin na huwag na huwag mong lokohin si Webster dahil kapag nagkataon ay kami ng iyong ama ang magkakalaban mo," nagbigay naman ng biling ang ina ni Merriam sa kanya anak.

"Pangako ko po ang lahat na sinasabi mo po, Mama," agad tugon naman ni Merriam sa sinabi ng kanyang ina sa kanya habang hindi pa rin siya bumibitaw sa paghawak niya sa kamay ng kanyang kasintahan na si Webster.

Dahil sa magandang balita tungkol kila Merriam at Webster, hindi na lamang naging istrikto ang mga magulang nilang dalawa at sila pa mismo ang nagbigay ng magandang payo sa pag-iibigan nilang dalawa. Mas natutuwa ang mga magulang nilang dalawa marahil nagagawa nila na mahalin ang isa't isa ayon sa tamang tradisyon at kaugalian nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top