10
Ngayong gabi ay nakarating si Webster sa kanyang bahay kasama si Merriam at mayroon silang dalang supot na puro sabaw ng pares at maging ang mga sahog at noodle na ito ang nilalaman. Naisipan na lamang mag-takeout silang dalawa marahil gusto ito ipakain ni Merriam sa ina ni Webster at si Merriam mismo nag-isip na ito ang kanilang tanghalian.
Nang kanilang bumungad ay nakaupo ang ina ni Webster sa isang mahabang sofa na gawa sa bamboo habang nanonood ito ng telebisyon.
"I'm home..."
Lumingon ang ina ni Webster sa kanyang anak at nakita niyang may kasama siyang babae, walang iba kun'di si Merriam. "Naku! May dala pa kayong pagkain." Tumayo ang ina ni Webster sa kanyang kinauupuan habang nakatitig siya sa dalawang nakasuot ng school uniform. "Siguro, marami kayo nabenta kaya naisipan ninyong bumili ng Pares kila Tiyang Ella."
"Opo," ngiting tugon ni Webster habang pumunta ito sa kusina kasama si Merriam. "Naka-inom na po ba kayo ng gamot?" tanong naman niya sa kanyang ina habang agad siyang kumuha ng tatlong bowl mula sa isang maliit na aparador.
"Aba! Oo naman, anak. Mga ala-singko ng hapon ako uminom kaya iinom ako ng mga alas-onse sana." Lumapit naman ang ina ni Webster habang ito'y umubo na nakatakip ang kanyang bibig. "Magkano pala nabenta ninyo ngayong araw na ito?"
"Naku po! Halos umabot po ng isang libo po," si Merriam na mismo ang sumagot sa tanong ng ina ni Webster habang siya na mismo naglagay ng sabaw ng pares sa bawat bowl na nasa ibabaw ng lababo. "Sa totoo lang po, bakit hindi na lang mag-take ng Business Administration ang anak ninyo po dahil ang galing niya magbenta?" agad mungkahi ni Merriam sa ina ng nangliligaw sa kanya.
"Alam mo, 'yan ang gusto niyang kurso kaya nais niyang itaguyod ang business niya sana," kuwento naman ng ina ni Webster habang ito'y lumayo sa dalawang bata. "Sa La Salle kasi nais niya mag-aral kaya gusto niyang makapagtayo ng sarili niyang business." Umupo muli ang ina ni Webster sa mahabang sofa at muling nanood ito ng palabas sa telebisyon.
"Mama, kapag nakapasa ako sa Entrance Exam nila ay paniguradong lilipat tayo ng bagong bahay," ani naman ni Webster.
"Baka hindi na dahil luluwas na ang tatay mo rito para alagaan ako," agad sabi naman ng ina ni Webster. "Alam mo namang pupunta siya rito sa susunod na buwan, hindi ba?"
"Naku po! Gusto ko po makita ang Papa mo, Webie," ikinagalat na sabi naman ni Merriam habang halos kita ang kanyang ngipin sa ngiti niya. "Paniguradong maraming pera 'yon para pagalingin niya ang Mama mo," dagdag pa ni Merriam.
"Ayon ang isa sa rason kung bakit siya uuwi rito sa Pilipinas. Gusto niya pagalingin si Mama at makapag-aral sa La Salle na libre dahil isa rin siya sa Alumni roon at kaya niya bayarin ang lahat na tuition fee roon." Pagkatapos ilagay ni Webster ang noodles at sahog sa tatlong bowl na may lamang sabaw ay iniisa-isa niya itong nilagay sa mesa. "Nga pala, kinausap ni Papa ang President ng La Salle at sabi niya ay baka hindi na raw niya ako ipa-take ng exam o maaring ipapa-take pero hindi na siya required para pumasok ako roon."
"E'di good news 'yon para sa iyo," agad tuwang komento naman ni Merriam habang umupo ito sa isang upuan sa may mesa.
"Ngunit nang unfair naman sa iba dahil bakit sa akin ay kahit nag-take pa ako ng exam ay ayos lang pero sa iba ay kailangan pa makapasa ng entrance exam?" Webster.
"Anak, ang laki ng punto mo roon." Muling lumapit ang ina ni Webster kila Merriam at sa kanyang anak na nasa mesa para siya'y kumain na rin. "Alam mo namang ninong mo ang President ng La Salle at bestfriend ng tatay mo kaya ito na ang naging isa sa regalo na maari mong matanggap mula sa kanya." Nang umupo ang ina ni Webster ay agad kinuha niya ang isa sa tatlong bowl, hinila iyon na dahan-dahan papunta sa kanya at agad kumuha ito ng kutsara't tinidor.
"Mama, ang unfair pa rin dahil hindi porke't ninong ko ang President ng La Salle ay walang hirap akong pumasok sa unibersidad na 'yon." Umupo naman si Webster sa tabi ng Merriam at kinuha niya ang bowl na para sa kanya. "Ayaw ko lang kasi na sa akin ay may exception pero sa iba ay walang-wala. Hindi naman puwede na ganoon lang 'yon." Kumuha naman ang isa pang bowl at binigay ito kay Merriam.
"Tanggapin mo na lang, Webbie," sabi na lamang ni Merriam habang kumuha ito ng kutsara at tinidor. "Sayang opportunity mo at babayaran naman ng tatay mo ang Tuition Fee. Pagkatapos pagalingin si Tita at pagbayad ng La Salle mo, paniguradong bahay ninyo naman ang susunod."
"Iyan rin ang isa sa rason bakit siya uuwi rito," agad sabi naman ni Webster.
"Oh siya! Kumain na lamang tayong tatlo dahil alam kong masarap ang Pares." Hindi na mapigil ang gutom ng ina ni Webster kaya hindi nagdalawang-isip ang dalawa na kumain na lamang.
Dito na sabay-sabay kumain nga kani-kanilang Pares sila Merriam at Webster kasama ang ina ni Webster. Hindi pa rin maiwasang masarapan si Merriam sa lasa ng Pares kahit inuwi nila ito. Hindi pa rin nababago ang lahat ng sabaw at maging ang sahog kaya mabuti na lamang ay bumili pa sila ng tatlo ng extra order ng Pares.
Mas lalong ramdam ni Webster na may pag-asang maging sila ni Merriam dahil nakikita niyang may gusto pa rin ito sa kanya at interesado siyang maging kabiyak ng puso. Si Merriam naman ay hindi pa rin siya humihinto para ipakita kay Webster na kahit siya ang magsasabi ng matamis na Oo ay naninigurado siyang si Webster na nga ang lalaking kanyang hinahanap.
~*~
Riyadh, Saudi Arabia. Same day, 3:16 PM
Sa kabilang banda naman, may nagaganap ng pagpupulong ang ama ni Webster. Naging Vice Chairman na ng isang Electrical Company ang kanyang ama noong nakaraang buwan kaya mas malaki ang sinahod niya kumpara sa kagaya niya noon na umaabot lang ng Two hundred thousand per month. Kaya na niya gamutin ang kanyang asawa at paaralin ang kaisa-isa niyang anak na si Webster.
Ang ama ni Webster na mismo ang nagsasalita para sa maliit na pagpupulong. "Since we got more generators in this country, we no longer have issues and problems with maintenance errors. We have acquired over a thousand new model generators, enabling every household, establishment, and building to decrease electricity usage at the lowest cost possible."
Nang pinatay niya ang projector, dito niya muna ipina-takeover sa kanyang kasama. "Now, I will take this discussion to our new Secretary of State Electric Company and they will discuss what we can do for our customers and clients."
"Thank you, Sir," tugon ng kanyang kasama para i-takeover niya ang pagpupulong.
Pagkatapos nito ay daling lumabas muna ang ama ni Webster para maghanda sa susunod niyang gagawin. Ngunit imbes muna isipin iyon, agad dumukot sa kanyang mamahaing cellphone para kamustahin ang kanyang anak na si Webster. Sinubukan niyang tumawag sa kanyang phone at sa mabuting palad ay sinagot niya ito.
"Hello, anak?" bakas sa kanyang mukha ang saya, ngumigiti ito at parang tumatawa.
"Papa, musta na po d'yan? Balita ko po, may orientation po kayo." Webster.
"Ayos lang ako. Bale pinaliwanag ko lang naman sa kanila ang bagong update at upgraded version ng Company namin," paliwanag naman ng ama ni Webster.
"Nakatuwa lang po. Mas maganda pang tumira d'yan sa Saudi Arabia kaysa rito na sarap sapakin ang Meralco dahil sa ilang-ilang beses na brownout," nakuha pang magbiro ni Webster kaya natawa na lamang ang kanyang ama.
"Ganyan talaga ang buhay. Nga pala, musta na pala ang nanay mo?"
"Ayun po. Maayos naman siya at kumain siya ng paborito kong pares. Uminom na po siya ng gamot kaninang Five na hapon rito sa Pilipinas at ngayon ay mamayang alas-onse naman."
Nang marinig ng ama ni Webster angsinasabi ng kanyang anak ay hindi niya makontrol ang ngiti na naka-ukit sakanyang mukha. "Oh siya! Habang wala pa ay may balita ako sa'yo tungkol saLa Salle." Dito niya ipinaliwanag ng ama ni Webster sa kanyang ama tungkolsa magiging plano at mangyayari pagkatapos ng Senior High si Webster.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top