1

May dalawang lalaking naglalakad sa kahabaan ng isang kalsadang may nakatabi ng irrigation habang mataas ang sikat ng araw. Sila'y magkaibigan na sila Tyler at Webster. Ngayo'y papunta na sa isang puno ng mangga para kumuha ng mga Indian Mango roon. Kahit ganoon, hindi naman napapawisan ang dalawang kalalakihan na ito kahit malayo ang kanilang lalagbayin.

Mamaya ay may isang lalaki ang dumaan sa kanilang kinaroroona at ito'y bumati sa kanila. "What's up!"

"What's up? Rooftop," sagot ni Webster habang tinuro niya ang taas. Umalis na lamang ang lalaking kanyang kausap sa dalawa. 

Habang naglalakad, may kwento si Tyler kay Webster. "Ang ganda ni Maureen!" kwento ni Tyler kay Webster habang patuloy sila sa paglalakad. "Alam mo ba, nilibre niya ako sa isang mamahaling restaurant noong nakaraang araw ni Maureen." 

"Oh tapos?" Ramdam ni Webster na pagiging boring sa mga kwento ni Tyler habang pasan niya ang panungkit na halos lagpas tao ang haba.

"Kumain kami ng sushi at teriyaki," sabi ni Tyler habang binibilang niya ang mga pagkaing kanyang binabanggit sa kanyang kamay. "Tapos may ramen, tempura at marami pang iba."

"Sus! Lolokohin ka lang n'yang Maureen na 'yan," ito naman ang sinabi ni Webster kaya naging bitter ito.

"I-imposible naman akong lokohin ni Maureen?" lakas-loob sabihin ni Tyler ito kay Webster habang taas-dibdib ito at nakalagay ang mga kamay sa kanyang baywang.

"Minsan, may mga babaeng ganyan na sa una ay ililibre ka niya pero isang beses lang 'yang mangyayari dahil lalaki dapat ang manglilibre," sabi naman ni Webster. "Wika nga nila, mas mabuti ang tayo ang nagbibigay kaysa tayo ang binibigyan."

"Naku! Kalokohan 'yan!" buwelta naman ni Tyler. "Mas maganda kung tayo ang binibigyan dahil blessings 'yon."

"Hindi lahat ng mga bagay na binibigay sa atin ay blessings," sabi pa ni Webster. "Blessing din ba kapag binigyan ka ng pagkaing hindi mo alam ay lason na pala?" tanong pa ni Webster kay Tyler.

"Tanga naman ang makakain sa pagkaing may lason," sagot pa ni Tyler. "Aamoyin mo muna kung may lason ba o wala—"

"Hindi mo nga alam kung may lason ang pagkain," kaagad sabi ni Webster.

"Maaamoy mo ang pagkain kapag may lason," giit pa ni Tyler.

"Jusko po! Huwag ka na lang magdebate sa akin pa, Tyler," sabi na lang ni Webster. "Basta, mag-ingat ka sa mga ganyan dahil hindi natin alam sa simula lang 'yan mga 'yan."

"Ang bitter mo naman!" angal naman ni Tyler. "Kaya wala kang jowa dahil sobrang bitter mo."

"Nagbibigay lang naman ako ng payo sa'yo," paliwanag naman ni Webster habang huminto na sila sa isang malaking puno ng Indian Mango. "Isa pa, wala akong panahon sa mga ganyan dahil sagabal ang magkaroon ng jowa."  Binaba niya ang panungkit na kanyang pinasan-pasan.

"Bakit naman, 'tol?"

"May ipinangako ako sa sarili ko na magiging mayaman muna ako bago ako magkaroong ng jowa." Tinitignan ni Webster ang mga bunga ng Indian Mango Tree. "Kapag mayaman ka, maraming magkakagusto sa'yo. Uso na ang gold digger ngayon kaya mas mainam na sila ang maghabol kaysa sa ako ang maghabol."

"Syempre! Kailangan mo ng trabaho o negosyo para magkayaman, tama?"

"Oo, 'tol."

"Pero delikado rin maging mayaman dahil baka mamaya-maya ay mawalan ka ng pera sa sobrang raming gastos o baka may tawag na bankrupt," ani Tyler.

"Alam ko 'tol," sagot pa ni Webster habang lumingon siya kay Tyler. "Perfect ang punong pinili natin ngayon dahil maraming bunga kaya marami tayong kukuha," sabi pa ni Webster habang nakatingin ito sa puno.

"Ibebenta ko 'yung sa akin para dagdag lang sa kita at baon ko para bukas," sabi naman ni Tyler. "Ikaw ba?"

"Basta," ito na lang ang sagot ni Webster habang kinuha na niya ang panungkit.

"Hindi naman siguro makikita ang mga pinagagagawa natin, 'no?" tanong pa ni Tyler habang nag-aayos na ito ng mga sakong kaniyang gagamitin para sa lalagyan ng makukuha nilang Indian Mango.

"Hayaan mo sila," sagot na lang ni Webster. "Wala na akong pakialam basta gagawin natin ito para sa ikabubuti natin," dagdag pa niya Webster.

"Okay! Handa kana ba?" ito ang tanong ni Tyler kay Webster pagkatapos niyang ibukaka ang sakong kanyang dala.

"Ako pa ba?" sagot lamang ni Webster na may kasamang ngisi.

Dito na nila sinimulang manungkit ng mga Indian Mango sa isang punong kanilang pinagsusungkitan. Apat na Indian Mango ang nahulog pagkatapos manungkit ni Webster sa mga bungang nasa itaas na bahagi ng puno. Kaagad naman kinuha ni Tyler ang mga ito at

"HOOOOY!" isang babae ang sumigaw kaya biglang huminto si Tyler at lumapit kay Webster, si Webster naman ay walang pakialam at tuloy parin ito sa pagsungkit ng mga Indian Mango sa puno.

"Tol, m-may problema at baka pinapaalis na tayo!" Takot ang dala ni Tyler pero patuloy lang si Webster sa pagsungkit ng mga mangga at walong mangga ang nahulog sa lupa.

"Kunin mo," utos ni Webster kay Tyler.

"A-ano?!" Naglakihan ang mata ni Tyler sa kanyang narinig. "P-pinapagalitan na tayo!"

"Ako na nga!" sabi na lang ni Webster at binigay kay Tyler ang panungkit. Lumapit siya sa mga Indian Mango na nasa lupa at isa-isa niya itong kinuha.

Nang pang-anim na, isang babae ang kumuha ng Indian Mango sa lupa. Maputi, mahaba ang buhok, may salamin, singkit ang mata, matangos ang ilong at bilugin ang mukha.

"Akin na 'yan, Pandak!" Kaagad kinuha ni Webster ang Indian Mango na hawak ng babae.

"Anong pandak?!" Ikinagalit ng babaeng ito. "Ang pangalan ko ay Merriam Feliciano." Pakilala niya sa dalawang binate pero binalewala lang ni Webster.

"Tunog pang-diksonaryo," rebat naman ni Webster habang lumapit ito kay Tyler.

"ANONG SABI MO?!" sigaw ni Merriam habang nakahanda niyang suntukin si Webster.

"Pasensya na po!" ito na lang sabi ni Tyler habang binitbit niya ang isang sakong may mga Indian Mango.

"Huwag na huwag kayong kukuha ng mga bunga sa puno namin!" saway ni Mariam sa dalawa.

"Wala akong pakialam, pandak," ito ang rebat ni Webster habang binigay ang mga nakuha niyang Indian Mango kay Tyler at nagpatuloy ito sa pagsungkit ng Indian Mango.

"Hoy! Sira ba ulo mo?!" Ikinagalit ni Mariam habang hinawakan niya ang panungkit at hinihila-hila niya ito dahil balak niyang bitawan ni Webster ito, ngunit pinipinit ni Webster na hawakan niya ang panungkit at hinihila niya ang panungkit.

"Huwag mo akong pakialaman!" Webster.

"Susumbong kita sa barangay!" Merriam.

"Wala akong paki!" sigaw na sagot naman ni Webster.

Dahil sa ala-tug of war, biglang naputol ang panungkit. Naglakihan na lamang ang dalawang ng kanilang mga mata sa kanilang nakita na putol ang panungkit. Hindi na makapagsalita si Webster at halong lungkot at galit ang kanyang nararamdaman.

"Tol..." Lumapit si Tyler kay Webster at kinuha niya ang isang pirasong panungkit na naputol.

"See? Ang kulit mo." Binitawan ni Merriam ang isa pang piraso ng panungkit sa lupa. 

May barangay tanod na dumaan sa kinaroroonan nilang tatlo. "May napapansin akong something sa inyo. May problema ba?" tanong ng barangay tanod sa tatlong teenager.

Dahil rito, sinumbong ni Merriam ang dalawa at ito ang dahilan kung bakit napapunta silang tatlo sa barangay.

~

STUNN3R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top