Chapter 35
Pinapasok ako ni Mama sa loob ng bahay. Nakita ko si Papa na nasa living room, nanonood ng TV, hindi ako tinatapunan ng tingin. He's still recovering, I know. No one was working for their basic needs now. Hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng perang ginagastos ngayon. All I know is I just settled all of the hospital bills, pati ang mga utang sa bangko. Tinubos ko rin ang bahay at lupa na tinitirhan nila ngayon. The reason why I'm carless and penniless now.
Hunter is taking care of my things from my unit to his penthouse. I told him that I'll be leaving everything to him for a while at dadaan lang ako sa mga magulang ko para magpaalam. He told me he'd come with me. I said no. Sabi niya, magpapaalam siya sa mga magulang ko at makikipag-usap tungkol sa nangyari. I told him not to worry about it . . . that he should let me do everything he's worrying about since they are my parents to begin with.
Wala naman kaming official relationship para gawin niya ang lahat ng 'yon.
"Si Hunter ba ang ama?" tanong ni Mama matapos akong bigyan ng orange juice.
Ngumiti ako bago humigop doon. "Sino pa ba?" I chuckled.
"Sabi mo kasi, kaibigan mo lang."
Nagkibit-balikat ako. "We were, indeed."
"Eh, ngayon?"
Ibinaba ko sa lamesa ang juice at sinimulang kainin ang slice ng cake na nasa platito. After dating men from the past, ngayon pa lang magtatanong sa akin si Mama tungkol sa isang lalaki. Is it because nabuntis na ako, o ngayon lang siya naglakas ng loob na tanungin ako?
"Sa penthouse niya ako mag-i-stay for the meantime. After I give birth to the child, doon pa lang siguro ako magdedesisyon kung anong mangyayari sa aming dalawa."
Napakunot-noo si Mama. "Ano namang ibig sabihin mo d'yan, anak?"
I smiled a little. "You know I never wanted to be a mother, right? Bata pa lang ako, pinangako ko na sa sarili ko noon na hinding-hindi ako magiging ina. I don't want to be a failed parent, 'Ma. That's my biggest fear in life."
Nagbuntonghininga si Mama, bakas na bakas ang lungkot sa mga mata. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinagkan ito nang paulit-ulit.
"We were cruel parents to you, 'no?"
I couldn't talk. I couldn't answer her.
It was some of the rarest moments where my parents would admit to their mistakes. Parang ito nga ang unang beses. I couldn't remember them admitting to blaming me for every bad thing that happened to their lives . . . kasi daw, simula nang pinanganak ako, wala nang nangyaring tama sa buhay nila.
Their lives became miserable when they had me, they said. They were unstable everywhere since I came into their lives.
They were all saying the worst things when they were angry . . . tapos hindi man lang magso-sorry after nilang kumalma. Bigla na lang silang mag-aayang lumabas para mamasyal, o kumain ng paborito kong pagkain.
I know it's their way of apologizing to me back then . . . pero hindi ko kailangan ang lahat ng 'yon noon. Gusto kong marinig noon na . . . hindi nila sinasadya ang mga sinabi nila.
Hindi totoo ang mga salitang binitiwan nila—na nagalit lang sila sa isa't isa . . . at nadamay lang ako sa problema nila.
"Simula nang umalis ka sa poder namin noong napagdesisyunan mong maging independent na, doon ko napagtanto ang lahat ng kamalian ko sa 'yo bilang magulang. Lahat ng mga salitang binitiwan namin noon ng papa mo sa tuwing nag-aaway kami . . . sa mga oras na ikaw ang sinisisi namin sa tuwing hindi umaayon ang tadhana sa plano namin . . . lahat 'yon bumalik sa akin noong nagsimula kang manirahang mag-isa."
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko matapos marinig ang lahat ng mga bagay na, akala ko, hindi ko na maririnig pa ulit. Buong akala ko, ibabaon lang nila ang lahat sa limot—lahat lahat ng sinabi at pinaranas nila sa akin noon.
"Hindi ka namin kayang pag-aralin ng kolehiyo ng papa mo pero dahil gusto mong mag-aral at gumaan ang buhay, pinag-aral mo ang sarili mo. Nagtrabaho ka habang nag-aaral. Naghanap ng scholarship na tutulong sa 'yo . . . habang kami, naghihintay lang na umasenso ka at maiahon kami sa bigat ng buhay."
I covered my eyes with my free hands. I cried more as I listened to my mother.
"Kaya noong napagdesisyunan mong tuluyan nang iwan itong bahay natin . . . noong pinutol mo na ang koneksiyon sa amin matapos ang isang matinding pagkakamali namin bilang magulang, maniwala ka, Areeya, na masaya ako para sa 'yo. Masaya ako sa desisyon mong 'yon . . . kasi doon mo pinatunayan na . . . kaya mo na. Na hindi mo hahayaan ang sarili mong hamakin at abusuhin ng kung sinuman. Masaya ako para sa 'yo . . . kahit masakit dahil alam kong mahihirapan na akong makita ka nang ganito."
Umagos ang mga luha ni Mama bago hinalikan ang kamay kong kanina niya pa hawak.
"Anak, patawarin mo kami ng papa mo. Hindi ko hinihiling na bumalik ka sa amin—na tulungan mo kami tulad ng dati. Ang gusto ko lang, sabihin sa 'yo ang lahat ng mga bagay na noon ko pa gustong sabihin."
Suminghot si Mama bago tumingin sa akin nang namumula ang mga mata.
"Wala kang kasalanan sa amin bilang anak. Wala kang kasalanan sa lahat ng nangyari sa amin ng papa mo. Hindi mo kasalanan na makitid pa ang mga utak namin noon. Hindi ikaw ang puno't dulo ng mga problema namin. Hindi totoo ang lahat ng narinig mo noon. Nasabi lang namin ang lahat ng 'yon . . . dahil hindi pa kami gano'n ka-mature para akuin ang responsibilidad namin. Hindi kami handang aminin sa sarili naming hindi kami naging matalino sa buhay. Wala kang kasalanan, Areeya. Wala, okay? Kasalanan namin ang lahat."
Sunod-sunod na hikbi ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko man lang magawang sumagot kay Mama sa kabila ng dami ng bagay na gusto kong sabihin sa kan'ya.
"Anak, gusto ko lang sabihin sa 'yo . . . hindi ikaw ako. Kaya mong maging mabuting ina sa magiging anak mo. Kaya mong piliin maging mabuting ina sa kan'ya. Kaya mong piliin lahat ng bagay na gusto mong iparanas sa kan'ya. Kaya, kung iniisip mo na problema lang ang dala sa 'yo ng bata sa sinapupunan mo, sana matigilan mo nang isipin 'yan dahil . . . gan'yan din ang nasa isip ko noong pinagbubuntis pa lang kita. At pinagsisihan ko ang lahat ng 'yon noong pinanganak kita."
Binitiwan niya ang kamay ko at pinunasan ng magkabilang kamay niya ang mga pisngi kong basang-basa na ng luha.
"Nagsisi ako sa lahat dahil, paanong naging problema ang dala ng batang kapapanganak pa lang ay napakaganda na?" Tumawa siya habang umaagos ang mga luha sa medyo kumukulubot nang mukha. "Ang unang naisip ko noon ay, paano ko ba maibabalik ang oras para palitan ang lahat ng nasa isip ko noong pinagbubuntis pa lang kita? Hindi tama ang isip ko noon. Batang-bata lang ako noon at hindi ko pa maintindihan ang sarili ko. Kaya sana . . . kalimutan mo na lahat ng negatibong iniisip mo sa ngayon habang nagbubuntis ka, ha? Sana, piliin mong maging ina sa kan'ya."
Umiling ako nang umiling, hawak ang magkabilang kamay niyang nasa pisngi ko pa rin.
"Paano ko pipiliin maging ina sa kan'ya, kung ngayon pa lang ay hindi ko siya magawang mahalin, 'Ma? Hindi ko pa siya matanggap ngayon. Paano ko ipapaliwanag sa kan'ya na, hindi ko siya gusto habang pinagbubuntis ko siya? Hindi ko siya mahal noong nasa sinapupunan ko pa siya?"
Tumango-tango si Mama na parang naiintindihan kung anong gusto kong sabihin sa kan'ya. Hindi pa rin nauubos ang mga hikbi na lumalabas sa bibig ko kaya naman hindi ko alam kung naiintindihan niya pa rin ba ako.
"Mahaba pa ang panahon. Bigyan mo ang sarili mo ng oras para iproseso lahat ng nangyari sa 'yo. Tao ka lang, anak. Hindi lahat ng dumarating sa 'yo, magagawa mong mahalin kaagad. Huwag mong madaliin ang gusto mong maramdaman sa bata. Hayaan mong maramdaman ang lahat ng emosyon na nararamdaman mo ngayon . . . saka ka bumawi sa sarili mo . . . at sa kan'ya . . . kapag handang-handa ka na, okay?"
Pinunasan ni Mama ang mga luha ko bago ako muling nagtanong.
"Paano kung hindi ko pa rin siya mahal once maipanganak ko siya? Paano kung paglabas niya sa . . . sinapupunan ko, ayaw ko pa rin maging ina sa kan'ya?"
Ngumiti si Mama kasabay ng pag-agos pa ng mga luha mula sa mga mata niya.
"Dalawa ang magulang ng isang bata, Areeya. Kung hindi pa kayang gawin ng ina ang isang bagay para sa kan'yang anak, nand'yan ang kan'yang ama. Hindi ba't gusto naman ni Hunter ang bata? Mahal niya ang bata ngayon pa lang. Kung hindi mo pa kaya ngayon, nand'yan si Hunter para punan 'yon."
Niyakap ako ni Mama.
"Bigyan mo ng panahon ang sarili mong maghilom mula sa mga sugat na tinamo namin sa 'yo bilang magulang mo. Huwag mong madaliin. Nand'yan si Hunter para sa bata . . . at para sa 'yo. Hindi mo kailangang solohin lahat, okay?"
Mahaba pa ang mga naging pag-uusap namin bago ako nagpaalam nang uuwi sa penthouse ni Hunter. Inihatid ako ni Mama sa labas, hanggang sa makasakay ako ng taxi. Buong byahe ko, dala ko lahat ng sinabi sa akin ni Mama.
She felt the same thing I am feeling when she was pregnant to me. Hindi niya rin gusto na mabuntis noon ng papa ko. Hindi niya rin kaagad ako minahal . . . tulad ng nararamdaman ko ngayon. And even though she told me that she regretted feeling all those things upon giving birth to me . . . she and Papa still managed to impose trauma to me all my life.
She told me that we're not the same person. I could be a better mother for my child . . . that I can make a different choice now. But what if I couldn't?
What if I ended up being the bad mom I was so afraid to be?
___
Nang makarating ako sa harap ng penthouse ni Hunter, nagulat pa siya nang makita ako ro'n.
"Why didn't you tell me you're already going home? I should've picked you up there."
Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Umiling ako bago hinanap ang mga gamit kong kinuha niya sa condo. Naglakad ako nang naglakad, nililibot ang kabuuan ng lugar, hanggang sa makarating ako sa k'warto niya. Doon ko nakita ang ilang mga gamit ko.
"Inaayos ko na ang mga damit mo. Hindi pa lang tapos pero malapit naman na," he explained proudly.
Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. His smile was so hard to break. Parang ang saya-saya niya ngayon, pero hindi ako gano'n.
"I . . ."
Mabilis na nawala ang mga ngiti niya oras na magsalita ako. Nag-iwas ako ng tingin.
"I want another room."
He was silent but I know that it was one of the things that he didn't expect me to say. I mean, after spending so many nights together under one sheet, ito ang sasabihin ko?
"W-What?"
Lumunok ako bago muling nag-angat ng tingin sa kan'ya.
"I want another room. I can't be here anymore." Nag-init ang sulok ng mga mata ko. "I need another room, Hunter."
Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga. "Bakit nga?"
I bit my lower lip before I said the things that I know would hurt him bad.
"I am not here to be your wife. I am only here to carry your child."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top