Chapter 28

Nang makarating kami sa condo unit ko, padabog niyang isinarado ang pinto saka humarap sa akin.

"What is that guy doing there?!" bulyaw niya sa akin.

Humarap ako sa kan'ya at tiningnan siya nang deretso sa mga mata. "For my parents, he's a family. He needs to know what happened to them. They need him."

He took a deep breath. "Ako na ang nandito. Hindi ba p'wedeng sa akin na lang nila hingin ang mga kailangan nila? I can provide for everything!"

"But you can't provide the ten years that Leo had with them! He was a son for them, Hunter! He did things I couldn't do for them. He gave them comfort when things got tough! I couldn't give them that because I have been holding grudges against them! Si Leo lang ang nasa tabi nila kapag lumalayo ako dahil sa sama ng loob ko sa kanila!"

I looked away as my tears quickly dropped on my shirt. Mabilis ko 'yong pinunasan. Matagal siyang nanahimik matapos kong sabihin 'yon. It might not be the whole reason why I called Leo but that's the main one. He needed to know because my parents loved him like they're his own son.

"And what help did you ask him?" I looked at him once again. "He said you needed his help, that's why you called him there."

I gulped as I took a deep breath. "I asked him to sell my car to his friend who religiously buy used cars but at a good price."

He took a deep breath once again, running his fingers through his hair out of frustration. "And you think I couldn't do that?! Must you ask for someone else's help when I'm just right here?!" He held the both sides of my shoulders, slightly shaking me. "Palamuti lang ba ako sa buhay mo? Hindi ko ba kaya, Areeya? Ano bang tingin mo sa akin, ha?"

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya, patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko.

"You're nothing to me. You're just a fuck buddy. You're a sex slave to me. You're never a friend, a suitor, or anything else. Aside from being a fuck buddy and a sex slave, you're just a boss to me that I will never, ever, ask for a help no matter what happens. You're just a person I need to keep beside me because you satisfy my needs, Hunter. That's just you to me."

I saw how his face softened, eyes started glistening like the stars. After I said that, I removed his hands on both of my shoulders and turned my back on him.

"Just leave. Ako na ang bahalang mag-prepare ng mga kailangan ko."

He took a deep breath. "I bought everything that you need because I thought you'd be alone there for so long. I came back immediately because I thought you'd be hungry and tired. I didn't know you'd be with him there."

I looked at him once again. "Get a fucking refund for all of those. Hindi ko kailangan ng mga bagong gamit sa pagbabantay sa tatay ko sa hospital. Just leave me alone, kaya ko nang pumunta do'n mag-isa."

He gulped, stayed silent the whole minute while staring at me. Ilang sandali pa, nagbuntonghininga siya bago nagsalita.

"You think you can drive in that state?"

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "What?"

"You're shaking. You're hands are trembling. You think I can leave you all alone just because I was fucking hurt with everything you told me?"

Hindi ako nakapagsalita. Tiningnan ko ang mga kamay kong nanginginig pareho. Even my arms are sore because it must've been shaking for a few minutes already. Napatingin ako kay Hunter nang marinig ko ang paghakbang niya papalapit. Ilang sandali pa, niyakap niya ako nang mahigpit.

"I'm sorry, Areeya. I'm sorry, I hurt you. I'm sorry, my love."

After hearing those from him, I burst into tears.

I should be the one who's telling him those words. I didn't mean to say that he's just nothing. He's something . . . he's more than just a fuck buddy, a sex slave, a boss to me. He's more than those things.

It's just that . . . my pride couldn't accept the fact that I proved myself wrong.

Ang taas ng tingin ko sa sarili na naisip kong hindi mangyayari sa akin ang mga bagay na p'wedeng mangyari. I was so caught off in hating the audacity of every man that I didn't realize . . . I was developing emotions I promised myself not to.

"Don't cry anymore, please. I'll be good from now on. Please, don't cry."

And I just even cried more.

I cried more than I did in my whole life as I hugged him back.

I cried for everything that I couldn't tell him because I don't have the guts to let him know that I failed myself . . . just like what he said before that he'd prayed for.

***

In less than 30 minutes, after getting all the things that I need, he drove me to the hospital again.  The whole ride was silent. I was just staring outside the window as I saw his reflection glancing at me from time to time, taking deep breaths in between.

I know that he wants to say something, and I'm not in the mood to listen to all of it.

Nang makarating kami ng hospital, tahimik lang din siyang nakasunod sa akin. Ramdam ko ang panonood niya sa akin na lumapit kay Leo para ibigay sa kan'ya ang susi ng kotse pati ang mga papeles nito.

Leo scratched the middle of his eyebrows, looking at me with doubts.

"Are you really sure about this, Areeya? You know I can lend you some money kung kulang talaga," he said.

Umiling ako't handa na sanang magsalita nang umakbay sa akin si Hunter saka ito nagsalita.

"She's sure of it. If not, nandito naman ako para hiraman niya."

Hindi siya pinansin ni Leo. Tinapunan niya lang ito ng tingin. Kung iba ang mood ko ngayon, kung hindi nangyari ang pag-uusap namin ni Hunter, I might've burst out a big laugh because of how much he has improved right at this moment. Wala ako sa mood umawat sa bangayan nilang dalawa.

Leo stayed for an hour more bago nagpaalam na uuwi na dahil napapansin na rin niya ang mga titig sa kan'ya ni Hunter.

"You know, this is not the right place and right time para patulan yung mga tao sa paligid. I might as well back off for now. Babalik na lang ako bukas," paliwanag ni Leo pagkatayo.

Tumango ako at tumayo na rin. "Ihahatid na kita sa labas."

Tumawa siya bago sumulyap kay Hunter, natatawa, dahil sa masamang titig nito sa kan'ya mula pa kanina.

"Dito ka na lang. Dalawa ang pasyente mo ri—"

"Shh!" I said, stopping him. "'Wag nang ituloy ang sasabihin at baka magkagulo na naman kayo." We chuckled. "Ingat na lang pauwi. Salamat, Leo."

He smiled and bid his goodbye bago siya tuluyang lumabas ng room. As soon as the door was closed, tumalikod ako't handa nang maupo sana sa tabi ng higaan ni Papa nang matigil ako dahil nasa harap ko na pala si Hunter.

Ang bilis talaga, hindi ko man lang naramdaman! Kanina lang ay nasa kabilang dulo siya ng k'wartong ito.

"It was like, I was watching two exes catch up with their lives after they parted ways for months," he said.

I rolled my eyes. "Who told you to watch? You should've gone home too, pagod ka," I said as I walked towards Papa's bed.

He followed me as he answered what I said. "Pagod ka rin. You should take a rest. I can stay awake for 48 hours, you know that. Ako na ang bahala rito."

Humarap ako sa kan'ya. "You don't need to do this."

Hunter smiled a little before cupping my face and claiming my lips. I closed my eyes and kissed him back. It felt so long since we last kissed each other pero wala pa namang 12 hours ang huli.

God, I want to have sex with him right here and there, damn!

This is the reason why I can't believe myself when I realized that I actually have feelings for him. Hindi ko alam kung feelings ba talaga to o sex lang talaga ang habol ko sa kan'ya.

After a few exchanges, he broke the kiss.

"I'll stay beside you until the situation is better. Until I can see you smile like you used to, again."

____

So, I spent the whole week, tending to my father who's sick and newly operated. Basically, we spent the Christmas and New Year here at the hospital. My times na gusto kong pumasok sa work para i-take yung double pay kasi malaking tulong 'yon sa bills ni Papa. Kaso, sa ngayon, mas kailangan ako ni Mama.

Nagising si Papa a day after ng operation niya. The doctor told us that he's stable and need niya na lang ng rest plus oobserbahan na lang din. Still, he wasn't talking to me. Heck, he couldn't even look at me.

Kapag kinakausap siya ni Mama, sumasagot naman siya. Kapag ako naman ang lumalapit para tanungin sana kung kumusta na siya, ipipikit niya lang ang mga mata at saka magtutulog-tulugan.

I was trying to seize the moments I have with him because I was planning on cutting them off after I made sure na okay na siya . . . pero ayaw niya pa rin ibigay sa akin.

More than a week later, the doctor told us that Papa is already stable at p'wede na siyang i-discharge. Hunter insisted on paying the bills but I strongly declined. Pinaalala ko sa kan'ya ang kasunduan naming dalawa na he's out of my family's business. Pumayag naman siya.
Malaki ang naging bill namin. Hindi sumapat ang HMO na pino-provide ng company kung saan dependent ko ang mga magulang ko, pati ang health insurance ni Papa dahil existing na ang heart disease niya nang kumuha siya n'on. Hindi rin covered ang operation expense kaya naman wala rin masyadong naitulong ito.

This is why I told him not to get insurances from company na questionable ang sinasabing benefits. Aanhin ang murang insurance kung hindi naman mapapakinabangan in times of need?

Habang nagpapagaling si Papa sa bahay, inasikaso ko naman ang titulo ng bahay at lupa naming naka-collateral sa bank. I gave my everything para lang mabawi 'yon. I even sold all of the things I bought for myself na hindi ko pa nagamit tulad ng bags, shoes at mga damit. I had to do this in order for me to cut them off of my life with no worries.

Gusto kong maiwan sa kanila ang bahay  namin . . . dahil minsan naman kaming naging masaya do'n. Kahit 'yon lang sana, maisalba ko.

Habang nag-eempake ako ng mga gamit sa kwarto ko doon sa bahay namin, tinutulungan pa ako ni Mama. Wala siyang kaalam-alam na ito na yung huling beses na tutuntong ako sa bahay na ito.

"Mama . . ."

Lumingon siya sa akin. "Hmm?"

"Why did you stay with Papa?" I asked as I fold my clothes.

Nagbuntonghininga siya habang isinasalansan ang mga damit sa maleta.

"Dahil asawa ko siya."

I scoffed. "You have a choice to leave him years ago, why did you stay?" She didn't answer so I added another question again. "Hindi n'yo na mahal ang isa't isa simula pa noong bata pa ako, bakit nag-stay ka pa rin?"

Mahina siyang tumawa. Naiwan ang maliit na ngiti sa gilid ng labi niya bago siya nag-angat ng tingin sa akin at nagsalita.

"Hindi namin kayang mabuhay nang wala ang isa't isa."

Ako naman ang natahimik sa narinig mula sa kan'ya. Napansin niya siguro 'yon kaya nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

"Provider siya ng bahay financially, habang ako ang nagpo-provide ng kailangan niya—ng kailangan mo. Ang mga pagkukulang, napupunan namin kapag magkasama kami. Siguro nga, may mga pagkakataon na kahit hindi mo na mahal ang isang bagay, o ang isang tao, wala kang magawa kung hindi ang manatili na lang dahil hindi mo rin naman kayang mawala ito."

Ngumiti si Mama bago hinawakan ang kamay ko.

"Pero mali ka, anak. Hindi totoong hindi na namin mahal ang isa't isa noon pa. Ang totoo niyan, may mga araw na hindi namin gusto ang isa't isa, may mga araw na hindi talaga namin mahal ang isa't isa, pero pinili naming manatili na magkasama. Bakit? Dahil ang pagmamahal, pipiliing manatili pa rin sa mga oras na hindi mo siya gusto . . . sa mga oras na hindi mo siya mahal, pero hindi ibig sabihin n'on ay hindi mo na totally mahal ang isang tao. At 'yon ang sa amin ng papa mo. Siguro, masakit lang para sa akin yung . . . mas tumatak sa 'yo 'yong mga araw na 'yon kaysa sa mga araw na mahal namin ang isa't isa . . . kaysa sa mga araw na masaya kami sa isa't isa."

Marahang tumulo ang mga luha ko habang pinanonood siyang i-explain ang lahat sa akin. Ang mga bagay na noon ko pa gustong malaman, sana noon ko pa itinanong para hindi bumigat nang bumigat ang loob ko sa kanila.

"Pero hindi kita masisisi dahil alam kong masakit ang pinagdaanan mo sa aming dalawa noong mga panahong nagsisimula na kaming magkaproblema sa amin."

Nagbuntonghininga siya bago pumatak ang mga luha niya.

"At hindi rin kita pipigilan ngayon sa desisyon mong . . . iwanan na kami."

Lalo akong naiyak.

All this time, alam pala ni Mama ang mga nasa isip ko . . . ang mga plano ko. Alam niya . . . kilalang-kilala niya pa rin ako, gaano man katagal na akong naninirahan nang mag-isa.

"Hindi kita pipigilan dahil karapatan mo 'yan. Isa pa, anak, tama na ang mga sakripisyong ginawa mo para sa amin. Tama na 'yon. Kung tutuusin, hindi mo naman kami responsibilidad. Pasensiya na anak kung 'yon ang naiparamdam ko sa 'yo—namin ng papa mo. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil lumaki kang matatag at mabuting tao sa kabila ng lahat."

She sobbed as she kissed my hand that she's holding. My other hand was covering my eyes that was crying so hard.

"Ang hinihiling ko na lang sa 'yo ngayon, anak, na sana ay mabuhay ka nang hindi mo pinipigilan ang sarili sa mga gusto mong magawa—o marating. Huwag mo na kaming isipin. Kaya namin ng papa mo. Kaya na naming dalawa 'to, basta magkasama kami. At kung mangyari man na gusto mo ulit bumalik, hihintayin ka namin, anak."

Hinila ako ni Mama para yakapin nang mahigpit. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang humagulgol sa balikat niya. Paulit-ulit niyang hinagod ang likod ko para pakalmahin kahit na siya rin naman ay matindi ang pag-iyak.

"Patawarin mo kami, Areeya. Mahal na mahal kita anak."

Yumakap ako pabalik kay Mama ar hinayaang malunod ang sarili sa mga luha.

_____

Gabi na nang matapos akong mag-empake ng mga gamit. Nasabihan ko na rin si Hunter kung anong oras niya akong susunduin sa bahay para ihatid ako pabalik sa condo unit ko.  I told him my decision about this and he's supportive of it. Sabi pa nga niya'y sana, noon pa lang, ginawa na niya rin.

At 9:30 p.m., nag-text si Hunter at sinabing nandoon na siya. Tinulungan niya akong kuhanin ang mga gamit ko sa k'warto. Mama was not around. I know that she's hurt now that she won't be seeing me here anymore.
Nang dahil sa pag-uusap namin kanina ni Mama, feeling ko tuloy, pagsisisihan ko ito. But I just can't look at them the same way anymore. The pain, the betrayal that I received from them . . . it's too much. I can't bear it.

"Let's go?" Hunter asked as he took the last luggage inside my room.

I smiled at him. "Mauna ka na. Magpapaalam lang ako kay Papa."

Tumango siya bago umalis. Ako naman ay tinungo ang k'warto nila ni Mama. Kumatok ako sa pinto pero dahil alam kong hindi pa niya kyang tumayo dahil isang linggo pa lang simula na g ma-discharge siya, kusa na akong pumasok.

Nahuli ko pa siyang nagmamadaling umayos ng higa at ipikit ang mga mata. Nagpatay-malisya na lang ako. Kung mas komportable siyang hindi ako kausapin o tingnan, hahayaan ko na lang siya. Tutal, ito naman na ang huli.

"Papa . . . alam kong gising ka. Alam kong iniiwasan mo lang ako."

Napalunok ako. Nagsisimula pa lang akong magsalita, sumisikip na ang dibdib ko.

"I was hurt . . . so hurt . . . badly hurt that I can't even look at you the same way again. It wasn't all about the money, you know that. Kung pera lang, wala akong pakialam. I could give you every cent that I have if you need it." Tears started to fall slowly. "But to betray me multiple times? Para sa pera? You never learned. You've been scammed again, for the third time . . . and you continue to trust those assholes. Hindi mo na ako inisip. All you want is to be rich the easy way."

I harshly wiped my tears away before I continued talking.

"You easily believed them when they told you that your money will multiply by ten if you invest in this company or that company . . . but you never believed me whenever I told you that I'm struggling. Hindi porke kinakaya ko nang mag-isa, hindi na ako nahihirapan, Papa. For years, I was alone. I was waiting for you and Mama to come over to my place . . . to visit me . . . to ask me, how am I doing. But never in those years . . . you did one of it. Kahit isa doon sa binanggit ko, wala, Papa."

I took a deep breath as my sobs went out of my mouth.

"Pero okay lang. Growing up under the same roof as you and Mama, I became so emotionally strong and intelligent. Pinalaki n'yo ako sa bangayan n'yo ni Mama. Sa sumbatan, sakitan, murahan, sisihan . . . all of those moments made me a strong person. And I promised myself, I will never be the same parent as you. I will never let a child suffer the same way I did when I was young."

I wiped my tears again as I forced myself to smile. I saw him gulped for a few times already and I know, he probably wanted to cry too.

"I worked for myself to finish college. I took every scholarships I could get par alang mairaos ang pag-aaral ko, kasi hindi n'yo kaya dahil na-scam kayo ng malaking malaking pera for the first time. I wanted, so bad, to study—to finish college. And you told me that, I should finance for myself, tutal, ang iba naman ay nakakapag-aral habang nagtatrabaho, 'di ba? And so I did. And I graduated college because of it.

"Now, I gave you the title of this house and lot back. Make sure not to lose it again for these investment scams ever again, dahil wala na akong maibibigay pa sa inyo. Inubos ko na ang sarili ko para lang mailigtas kayong dalawa ni Mama. Wala nang natira sa akin kung hindi ang sarili ko . . . kaya sana naman, Papa, kahit ngayon lang . . . 'wag ka nang magtiwala nang basta-basta. 'Yon na lang ang kaisa-isang hiling ko sa 'yo. Huwag mo nang pahirapn ang loob naming dalawa ni Mama sa pansarili mong kagustuhan na yumaman dahil hindi natin kailangan 'yon."

Sunod-sunod ang hikbi na lumabas sa bibig ko. Hirap na hirap akong ituloy ang sasabihin ko kaya naman tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad palabas nang marinig ko siyang magsalita.

"Gusto ko lang ng magandang buhay para sa nag-iisa kong anak. Maganda at marangyang buhay na hindi ko nagawang ibigay sa kan'ya. Buhay na pangarap ko para sa kan'ya . . . gusto ko lang naman 'yon makita bago ako mawala."

Lalo akong napaiyak sa narinig pero hindi ko na 'yon pinansin pa. Binuksan ko ang pinto at tuluyan na akong lumabas ng k'warto pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang huling sinabi ni Papa.

"Patawarin mo si Papa, Areeya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top