Chapter 19


We already finished eating our breakfast but Papa didn't come home to eat with us. Hindi ko naman nilu-look forward na magma-matter para sa kan'ya ang birthday ni Mama. Medyo hindi ko rin siya gustong makita dahil sa dami ng problema na ibinigay niya sa akin matapos mapagtanto na kaya ko na silang tulungan financially.

Habang tinutulungan ko si Mama sa paglilinis ng pinagkainan, at si Hunter ay nakikipagkwentuhan sa kan'ya, narinig ko na tumunog ang cellphone ko. Pinunasan ko ang basang kamay bago pumunta sa dining table kung nasaan nakapatong ang cellphone. Kinuha ko 'yon at binasa ang pangalan ng tumatawag. Mabilis akong napalingon kay Hunter na ngayon ay nakatingin na rin pala sa akin!

Tumikhim ako bago sinagot ang tawag ni Leo.

"Hello . . ."

Narinig ko ang mahinang pagbuntonghininga siya. "Akala ko hindi mo na rin sasagutin ang tawag ko, eh." He chuckled. "Nasa condo ka?"

Napalunok ako nang makita si Hunter na naglalakad na papalapit sa akin. "Ahh, wala. Nandito ako kina Mama."

"Oh, sakto. Sasabay sana akong pumunta sa 'yo. Nauna ka na pala." Rinig ko ang dismaya sa boses niya. "Anyway, I'll go there. Wait for me."

Nag-iwas ako ng tingin kay Hunter nang tuluyan na siyang tumabi sa akin, enough para marinig mula sa pwesto niya ang sinasabi ni Leo sa kabilang linya.

"Uhm, ano. K-Kasama ko si ano, s-si Hunter."

Napapikit ako nang mariin dahil ito yata ang unang beses na tinawag ko siyang Hunter habang kausap ang kaibigan ko! Okay lang sana yung kay Mama kasi hindi naman niya alam na boss ko itong kasama ko . . . pero itong si Leo, alam niya! Lalo pang nag-init ang mukha ko nang maramdaman ang mga titig niya. Naririnig ko pa ang mahinang ngisi niya.

Nakakainis talaga ang lalaking 'to!

"H-He's your boss, right?" I didn't answer. He laughed sarcastically. "You're calling him by his name now?" Muli, hindi ako sumagot. "So, you lied when you told me that you're not in a relationship with him?"

"I did not."

"Then why is he there?"

"Because he's my friend—"

"I sure am not," he said, cutting me off. Napaawang ang bibig ko nang dahil do'n. "Are you not done talking to your friend?"

Tiningnan ko nang masama si Hunter. Palihim akong lumingon kay Mama na nasa sala, tahimik na nanonood sa aming dalawa, mukhang naguguluhan din sa mga nangyayari. Nagbuntonghininga ako bago ibinaling na lang ulit ang atensiyon kay Leo sa kabilang linya.

"Look, let's talk about it some other time, okay? I'm kind of busy—"

"Pupunta ako d'yan."

After he said that, pinagpatayan na niya ako ng tawag. Napatitig ako sa screen ng phone ko na nakapatay. Hindi ko na rin maintindihan kung anong nangyayari.

"Why is he so angry? Para kang nag-cheat kung makapag-react siya," he said, chuckling, before he continued washing the dishes I failed to finish.

I sighed, watching him. "I told you, he comfronted me. Tinanong niya ako kung may relasiyon daw ba tayo. Sabi ko, wala. He thought I lied."

He chuckled. "You, sure, did."

Umirap ako sa kan'ya. "I did not. Wala talaga tayong relasiyon, Hunter."

He looked at me. "We don't have relationship—romantically. But we are in a relationship that was so hard to casually explain to someone so it's better to lie instead. Tama?"

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Tama naman siya pero hindi ko kayang tawaging relasiyon 'yon. Bahala siya sa buhay niya.

"If you meet Leo later, mag-behave ka. Hindi ko kayo aawatin kapag nagkainitan kayo."

He scoffed. "Huwag mo talaga akong aawatin, Areeya."

"Psh."

After we finished washing the dishes, we prepared all the foods I brought to the garden. I told Mama to call her friends over since magpe-prepare kami ng kaunting pagkain to celebrate her 48th birthday.

Yup. She's that young. While Papa's already 51.

"Your mom's young," Hunter said while we prepare the ingredients.

I nodded. "Yup. They were high school sweethearts." I chuckled. "Wala talaga akong alam sa parents ko bukod d'yan. Noong lumalaki na kasi ako, they were fighting nonstop already."

Tumango-tango siya habang nag-i-slice ng gulay. Hindi na siya nagtanong pa pagkatapos n'on pero ramdam ko ang curiosity niya. Alam kong nag-aalangan lang siya.

Well, kung magtatanong naman siya, sasagot naman ako. Hindi naman ako maramot sa ganitong bagay. Isa pa, there's nothing to be ashamed about my parents. Hindi naman sila drug users.

They were just two people who fell out of love with each other when they live together under the same roof after finding out their dirtiest laundries.

Two people who lost the love for each other but decided to stick by each other's side . . . I can never understand that.

More than an hour later, we heard the doorbell's ring. Napatigil kaming dalawa ni Hunter sa pagluluto. Pareho kami ng iniisip.

At hindi nga kami nagkamali dahil ilang sandali lang, pumasok si Mama dala ang regalo habang nakasunod sa kan'ya si Leo.

"Tingnan mo! Nandito si Leo! Akala ko ba'y busy itong kaibigan mo?!" masayang-masaya na sabi ni Mama bago lumingon kay Leo na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa ni Hunter. "Salamat, anak, sa pagpunta! At salamat din dito sa regalo mo."

Ngumiti si Leo bago niyakap si Mama. "Alam n'yo naman na kahit gaano ako ka-busy, hinding-hindi mawawala sa isip ko yung birthday mo, Tita. Ten years mo na rin akong anak, eh."

Nagtawanan silang dalawa. Ilang sandali pa, lumingon sa akin si Mama.

"Sige, maiwan ko na muna kayo. Iaakyat ko lang itong regalo ni Leo. Tapos, pupuntahan ko ang mga kaibigan ko dahil hindi sumasagot ng tawag. Papupuntahin ko rin dito, hmm?"

Tumango ako kay Mama habang niluluto ang paborito niyang beef brocoli. "Sige, 'Ma. Ingat!"

Pagkatapos n'on, naiwan na kaming tatlo sa kusina. Nakaharap si Hunter sa niluluto niya habang ako naman ay naiilang na tumitingin kay Leo. Seryoso ang mga tingin niya sa aming dalawa.

Ilang sandali pa, lalo akong nakaramdam ng kaba nang malalaking hakbang ang tinahak niya papunta sa akin. Tuluyan na sana akong haharap sa kan'ya nang humarang si Hunter sa pagitan naming dalawa para mapigilan ang tuluyan na paglapit niya.

"Don't come too close while I'm here," Hunter said, warning him.

Leo scoffed. "Who the hell do you think you are?"

Hunter scoffed. "I'm more than what your role is, Leonard Buenavista."

Nag-igting ang panga ni Leo bago tumawa. "What do you think my role is, then? No one gets to be more than what I am to her. I've been her friend—best friend—for ten years already. Do you think you can beat that?" paghahamon pa niya.

Napapailing na lang ako dahil nang marinig ko ang mahinang tawa ni Hunter, alam kong magkakaproblema na ako.

"Right . . . for ten years, you're just a friend—a best friend, at most." Hunter chuckled once again. I shook my head as I continued cooking the dish. "I was only here for a few months and look where I am now in Areeya's life."

Nagbuntonghininga ako bago tinanggal ang apron na suot saka pumagitna sa kanilang dalawa dahil nakita kong nakakuyom na ang mga kamao ni Leo. Tumingin silang dalawa sa akin na para bang naiinis sa ginawa ko pero wala akong pakialam sa kanilang dalawa. Tumingin ako nang masama kay Hunter.

"You stay here. Mag-uusap lang kami nito."

Mabilis na nagbago ang expression ng mukha ni Hunter nang dahil do'n. Hindi ko 'yon pinansin. Nauna akong naglakad palabas ng bahay. Ilang segundo lang din, narinig ko nang sumunod si Leo sa akin. Dumeretso ako sa garden para mas magkaroon kami ng privacy sa kung ano man ang pag-uusapan namin ni Leo.

Huminto ako sa paglalakad saka siya hinarap.

"What's your problem?" I asked as I crossed my arms.

Nagbuntonghininga siya bago pumaywang. "Ako pa ang may problema ngayon? Ikaw ang nagsinungaling sa akin—"

"I did not lie! Wala kaming relasiyon ni Hunter!" I sighed in frustration as I ran my fingers through my hair. "At kung mayroon man, ano bang problema mo ro'n? Bawal ba?!"

Bahagyang umawang ang bibig niya bago nagbuntonghininga. "So, meron nga?"

Again, I sighed in frustration. "Wala nga! Ano bang hindi mo maintindihan do'n?!"

"Bakit mo siya dadalhin dito sa birthday ng mama mo kung wala? I know you. If he's just any other man like before, he would never get a sight of your family. I told you, I know you. There's no reason for you to bring that asshole here kung wala kayong relasyon!"

Napaismid na lang ako bago muling humalukipkip, hindi makapaniwala sa lahat ng narinig.

"For the past ten years that we're friends, bakit ba ngayon ka lang nag-react nang gan'yan?"

"Because you changed drastically! You changed overnight after meeting that asshole!" he said, shouting, pointing at our house.

I shut my eyes because what I hate the most is men, shouting at me, like they own me.

"You know why I changed overnight?" He didn't answer. "Kasi palagi mong sinasabi sa akin kung anong klaseng babae dapat ako. Gusto mo, kung anong pagkakakilala mo sa akin noon, gano'n pa rin ako ngayon. I changed because I want to. Hindi ba p'wede 'yon? Can't I try new things as my life adventures? Hindi ko ba p'wedeng gawin ngayon 'yong mga bagay na hindi ko naman gustong gawin dati?!"

Hindi na siya nakapagsalita pa. Nakaawang ang bibig niya, nakikinig sa lahat ng sinasabi ko. Sana naman, matapos nito, tumigil na siya sa pagsabi ng mga dapat kong gawin dahil hindi 'yon ang gusto ko.

Tulad ng sinasabi ko palagi, walang ibang p'wedeng kumontrol sa akin kung hindi ako lang. Wala akong pakialam sa sampung taong pagkakaibigan namin kung paulit-ulit niyang gagawin ang pagdidikta sa buhay ko dahil ayaw ko na ng gano'ng buhay.

"Gusto mong malaman kung bakit kasama ko si Hunter ngayon? Because we're having sex with each other! We can't live without having sex with each other anymore, Leo! That's the reason why! At hindi ako nagsisinungaling noong sinabi kong wala kaming relasyon dahil wala talaga. Naiintindihan mo na ba yung sinasabi ko? Naiintindihan mo na ba yung gusto kong ipunto, Leonard?"

Nag-iwas siya ng tingin. Hinintay ko siyang magsalita matapos kong sabihin ang lahat-lahat. Gusto niyang marinig ang katotohanan sa akin, then so be it. He must stand strong after hearing all of this because I know the reason why he's reacting this way.

I tried to brush it off and deny it to myself but I can't do this anymore. My best friend has been in love with me for years. I tried to ignore it for the sake of our friendship but he just won't let me.

"Why him, though?" he asked calmly.

I sighed. "I don't know. It's just him who I want to fuck with. Do I answer your questions now?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin, mapungay ang mga mata. "Hindi gan'yang buhay ang gusto ko para sa 'yo."

I scoffed. "Wala kang karapatan para idikta ang buhay na para sa akin, Leo. You're just a friend to me."

He smiled a little. "You were never . . . to me."

There . . . finally. After years of his push and pull act to me, he finally confessed! Took him a decade. If he only confessed the very first year into our frienship, baka may pag-asa pa.

"I know."

He looked down. "I want the best life for you."

"You don't know what's best for me. Ako lang ang nakakaalam n'on."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "And being a fuck buddy with someone is?" I didn't answer because I don't find the importance of answering it. "You'd go down low—to be your boss' fuck buddy—when you can have an official boyfriend that will satisfy you without any guilt?"

"Why would there be any guilt, though?"

Napalingon kaming dalawa sa nagsalita. Naglalakad ngayon papalapit sa amin si Hunter, nakahalukipkip, habang suot pa rin ang apron. Gusto ko siyang suntukin dahil sinabi nang mag-stay siya ro'n pero pinili niyang makitsismis sa kung ano man ang pinag-uusapan namin dito!

"Why would there be any guilt when we're not doing anything wrong?" he asked, once again.

Leo didn't answer but continued giving him death glares. Hunter smirked at his silence.

"Hindi ba dapat ikaw ang ma-guilty for fucking someone else then confessing to my woman now?"

Napakunot-noo ako sa sinabi niyang 'yon. Magtatanong pa sana ako nang magulat ako dahil mabilis na humakbang si Leo papunta kay Hunter saka siya sinuntok sa panga.

"What?" natatawang sabi ni Hunter matapos tumama ng suntok ni Leo sa kan'ya. "'Yon na yung suntok mo?"

Halos mapahilamos na lang ako dahil sa pang-aasar ni Hunter kay Leo sa ganitong sitwasyon! 'Tang inang lalaki talaga 'to!

"Fuck you, Hunter Santiago! Dumating ka lang, nagulo na ang buhay naming lahat!" bulyaw ni Leo sa kan'ya.

Tumawa si Hunter bago niya kinwelyuhan si Leo, kasabay ng pagbabago ng expression ng mukha niya. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng takot sa kan'ya.

"H-Hunter . . ."

Hindi niya ako pinansin. Pinanatili niya ang pagkakahawak sa kwelyo ni Leo habang masama ang mga tingin dito.

"This is the last time I'm going to warn you, Leonard Buenavista. Leave my woman alone or I won't leave your company and its dirty little secrets."

Napakunot-noo ako nang humina na nang humina ang boses niya, hanggang sa wala na akong naririnig sa mga binubulong niya kay Leo. Gusto kong lumapit para mas marinig ang mga pinag-uusapan nila pero natatakot ako sa itsura ni Hunter ngayon.

"If I ever see you near her again, I won't think twice. This is the last time. Understand?"

After Hunter said that, he lets him go, making him fall to the ground. He walked towards me, took my hand as we went out of the garden.

As we walked to the front porch, I stared at our holding hands.

Damn . . . ang babaw na dahilan ng holding hands after everything we did together in bed but . . . what the fuck is happening to my heart?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top