Chapter 11
Napaiwas ako ng tingin kasabay ng pagtitig sa labas ng masama.
"Itigil mo na nga lang ang sasakyan at bababa na ako."
Naramdaman ko ang paulit-ulit na pagsulyap niya sa akin. "W-What?"
Lumingon ako sa kan'ya, naiinis. "Bababa na ako! Kung ito kapalit ng pagligtas mo sa akin sa cheater na 'yon, itigil mo na ang sasakyan at wala kang mapapala!"
Umawang ang bibig niya. "A-Ano bang sinasabi mong kapalit ng pagtulong ko sa 'yo?"
Umirap ako, natatawa sa pagmamaang-maangan niya. "Iniligtas mo ba ako sa lalaking 'yon para mapapayag akong maging fuck buddy?! Sa tingin mo, makukuha ako nang gano'n kadali lang??? Ang mga lalaki talaga, hindi gagawa ng mabuti nang walang kapalit!"
Tumawa siya, hindi rin makapaniwala sa narinig. "Wait, wait! I think you misunderstood me. Wala akong hinihinging kapalit sa 'yo. I was just, like, proposing a business. It's a win-win situation, you know? You get to be pleasured without being with different men and I get the same from you."
Umirap ako. "Ayaw ko! P'wede ba, Sir Hunter? Matagal nang tapos ang bedroom negotiations natin. Itigil mo na 'yan dahil hindi ako papayag! I won't be a fuck buddy to someone I already fucked twice. Hindi bale sana kung nauna mong p-in-ropose ang pagiging fuck buddy kaysa sa two-night stands, eh. Nawiwili ka naman yata. Sa tingin mo mapapapayag mo ulit ako nang gano'n kadali?" I scoffed.
Hindi kaagad siya nakapagsalita. Paulit-ulit akong napapairap sa kawalan dahil sa kalokohan nitong boss ko. Akala ko pa naman, tapos na itong usapan namin tungkol sa sex! Hindi ko naman akalaing ganito na pala ang gusto niya!
"I just don't understand. What's wrong with me? Akala ko ba, magaling talaga ako?"
I scoffed. "Hindi dahil magaling ka, magpapakama na ako nang paulit-ulit sa 'yo. Tandaan mo, boss kita. And yes, I am drawing the line here, Sir Hunter. Ayaw kong magkaroon ng issue na nagpapakapokpok ako sa boss ko para sa promotion o dagdag na sweldo. I know I'm not doing this for that, but I hope you'll get me. Working in a corporate world, maraming tsismis ang kumakalat kahit na hindi totoo."
Tumawa siya nang mahina. "Then, I won't promote or give you a salary increase if that's what you want. You can even make a list of terms and conditions, Areeya. Payag ako."
I sighed in frustration before turning to him. "Sir, ayaw ko. Baka mamaya, isipin pa ng iba na nasarapan ako masyado sa 'yo kaya na-promote ang something natin into fuck buddies!"
She chuckled. "Eh 'di sabihin mo ako ang nasarapan sa 'yo. Tutal, ako naman itong nagpo-propose ng idea, ako naman ang may gusto, eh 'di sabihin mong ako ang nasarapan. After all, totoo naman."
Umirap ulit ako sa kan'ya. "Ayaw ko nga, okay? Tama na yung minsang pinagbigyan kita, Sir Hunter. Hindi tayo magiging fuck buddy ever." I scoffed. "Ang dami-daming iba d'yan, mas magaling pa sila sa akin! Bakit ba ako ang naisip mo? Bakit sa akin mo ginagawa ito?"
He sighed. "Dahil hindi pala maayos sa pakiramdam kapag inisip kong iba na ang nagpapaligaya sa 'yo sa kama."
Napaangat ako ng kaliwang kilay. Napakalalim n'on for someone na tumira sa abroad, ha?
"At gusto kong tumigil ka na makipaglaro sa iba." Napalingon ako sa kan'ya na deretso pa rin ang tingin sa daan. "Sa akin ka na lang makipaglaro. Ibibigay ko sa 'yo lahat ng gusto mo."
Natahimik ako ng ilang sandali bago lumabas ang tawa sa bibig ko. "Sir, hindi ka naman . . . in love sa akin, 'di ba?"
Lumingon siya sa akin na para bang napakalaking kalokohan ng sinabi ko. Tumawa na rin siya.
"What the fuck are you talking about? Kung ma-i-in love ako, hindi ko dadaanin sa ganito. I will pursue you in another way na hindi involved ang sex, Miss Areeya. And I am not a person who easily falls in love. It takes more than two-night stands to make me fall in love. You should know that."
Napairap ako. Alam ko naman! Kung makapagsalita, parang hinding-hindi siya ma-i-in love sa akin. Eh 'di 'wag! Ayaw ko rin naman sa kan'ya. Tss!
"Eh 'di okay!" I scoffed. "But, no. Hindi kita gustong maging fuck buddy kaya hindi ako payag sa proposal mo!"
Tumawa siya. "Ano bang basic requirements para maging fuck buddy mo?"
Ngumisi ako bago lumingon sa kan'ya. "Simple lang. Yung hindi ko boss."
"Should I fire you?"
Napaawang ang bibig ko sa hindi inaasahang maririnig mula sa kan'ya.
"Grabe ka naman mamersonal!"
He chuckled. "You can't fire me because I'm the boss. The only way to meet your basic requirement is to fire you."
I rolled my eyes at him. "Don't you dare kung ayaw mong idemanda ko ang kompanya mo!" I sighed in disbelief, slightly shaking my head. "Mga lalaki talaga, gagawin ang lahat para sa tawag ng laman."
He chuckled. "I'm just thinking. Hindi ko naman gagawin."
Hindi na ako nagsalita pa. Hanggang sa makarating kami sa harap ng condominium building ko, hindi na ako sumagot pa tungkol sa proposal niya.
"Salamat sa paghatid. Paki-contact na lang ako sa secretary mo kung nakuha na niya yung sasakyan ko if you still have my number," I said while unbuckling my seatbelt.
Ngumisi siya. "Of course, I still do have your number. I'll tell him."
"Okay, sir. Good night. Drive safely on your way home."
Binuksan ko na ang pinto at lumabas na ng sasakyan. Isasarado ko na sana ulit nang tuluyan nang makalabas nang tinawag niya ako.
"Areeya . . ."
Napakunot-noo ako bago sumilip sa loob ulit. "Yes?"
He smiled. "Think about my proposal--"
Hindi ko na siya pinatapos pa. Padabog ko na lang isinarado ang pinto at nagmartsa papasok sa loob ng building.
Bahala siya d'yan umasa sa wala! Hindi niya ako mapapapayag!
***
Itinaktak ko ang sigarilyo sa ashtray para matanggal ang mga abo bago muling humithit dito habang pinakikinggan ang tawa ni Tanya. Daisy's just watching me while chewing her food.
"Mukhang nasarapan nga sa 'yo!" malakas na sabi ni Tanya sa gitna ng pagtawa.
Nandito kami sa unit ni Tanya. Since hindi namin nakasama kagabi si Daisy, nagpasya kaming ituloy ang naudlot na party namin. Natapos ko nang ikwento sa kanilang dalawa ang nangyari kagabi pati ang "proposal" ni Sir Hunter sa akin. Nagulat si Daisy dahil wala siyang alam na nagkaroon kami ng second night. Mabuti na lang, hindi nagtampo matapos kong ikwento ang buong detalye tungkol doon.
"Come to think of it, may point ang boss mo," sabi ni Daisy bago uminom ng alak mula sa sariling shot glass. "Win-win naman talaga. Hindi ba't ikaw na rin ang humiling noon na sana nagpaka-good girl ka para maulit?" She chuckled. "The chance is right in front of you. All you have to do is grab it."
Ngumisi si Tanya sa sinabi ni Daisy. "Yan ang gusto ko sa 'yo, eh! She knows! Ikaw lang talaga itong pinahihirapan ang sarili sa pagdedesisyon." She scoffed. "You know what? Malapit ko nang isipin na may ikinatatakot ka kaya ang dami mong restrictions when it comes to that guy!"
I rolled my eyes. "Boss ko nga! That's the reason why!"
"And? Hindi naman siguro makakahadlang sa trabaho n'yong dalawa ang pagiging fuck buddies lalo na kung mapagkakasunduan n'yong sexes should be done before or after your work! Or kapag walang pasok!"
Tumawa si Daisy. "Ang weird na si Aree na ngayon ang may hesitations. She used to push us to do whatever we want--to chase what makes us feel alive. What's the catch, really?"
Napanguso ako bago binagsak ang dalawang balikat. Uminom muna ako sa sariling shot glass bago nagsimulang magsalita.
"I do have a good relationship with my colleagues. Ayaw kong ma-taint 'yon kapag nalaman nilang I have that kind of relationship with our boss. Usually, wala naman talaga akong pakialam sa sasabihin ng mga tao, pero iba kasi kapag sila na yung kasama mo araw-araw sa trabaho. I'm just afraid I'll be bullied once again and this time, hindi ko na magawang lumaban kasi baka tama sila."
Lumungkot ang mukha nilang dalawa.
"Hindi mo naman ipapaalam sa kanila!"
I sighed. "Tanya, hindi naitatago nang matagal ang ganoong bagay lalo na't nasa iisang kompanya kami ng lalaking 'yon!"
"And? Kapag b-in-ully ka, eh 'di mag-resign ka! Nand'yan naman ang company ng family ni Leo. His family is asking you to work for them for years, ah?"
Tanya rolled her eyes, scoffing, upon hearing my best friend's name. "Daisy, p'wede ba, ayaw kong naririnig ang pangalan ng lalaking 'yan."
Napakunot-noo ako, natatawa. "Ano ba talagang issue mo sa kan'ya? Pansin ko, ilang buwan na 'yang sama ng loob mo kapag nababanggit ang pangalan niya, ah?"
Humithit siya sa sigarilyo bago sumagot. "Wala lang talagang kwenta 'yan." She shrugged, staring at me. "That asshole is not going to find the love of her life, I swear." She chuckled.
Nagkatinginan kami ni Daisy. Mukhang seryoso ang alitan ng dalawa, ah?
"May . . . nangyari bang hindi maganda na hindi namin alam?" marahang tanong no Daisy.
Umiling si Tanya. "Nothing special. I just hate how insensitive he has always been, until now. Gusto niya puro siya ang masusunod. I can even sense that if he finds out about the second night that Areeya shared with her boss, plus yung proposal na pinag-uusapan natin ngayon, he will definitely disagree. He will justify it, saying that it's not good for you--that he's only thinking about you--when the truth is he's just self-centered. Lahat ng ginagawa niya sa ibang tao, para 'yon sa sarili niyang kapakanan, not the other way around."
Napanguso ako.
Well, tama siya about Leo disagreeing doon sa second night namin ni Sir Hunter. Pero hindi ko naman inisip na para 'yon sa sariling kapakanan niya kaya ginagawa niya 'yon. May point naman talaga siya.
Pero ngayong narinig ko ang side ni Tanya, I can't help but to wonder about that too.
"Anyway, 'wag na nating pag-usapan ang pangit na 'yon!" Tumawa kaming tatlo sa sinabi ni Tanya. "We're here to discuss your sex-life, Areeya! Ano bang itinitibok ng puki mo?"
Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Daisy sa sinabi ni Tanya habang tumatawa.
"Ano ba, Tanya! Ang bastos bastos mo!" kunwari pagsaway ko sa kan'ya.
Tamad niya akong tiningnan. "Tite."
Humagalpak kami ng tawa nang dahil do'n.
"'Tang ina mo talaga, gago!" bulyaw ko sa kan'ya.
"So, ano na?!" bulyaw niya.
"Oo nga, amo ba kasi gusto mong gawin tungkol d'yan?"
Nagkibit-balikat ako. "Wala. Hindi ako papayag. Ayaw kong mag-resign kasi healthy ang work environment ko at mataas pa ang sweldo. I'm not going to work under Leonard's family business kahit na tapatan pa nila ang sweldo dahil nakakapagod makisama sa iba't ibang klase ng tao. I've finally found the place I felt like I belong. Hindi ko igi-give up 'to dahil lang sa proposal ng isang lalaki."
Tumawa nang mahina si Tanya. "What if si Timothée Chalamet?"
Ngumisi ako. "Eh 'di secret office romance."
Nagtawanan silang dalawa. They know how smitten I am with Timothée! Siya lang yata ang lalaking hahayaan kong gawin ang lahat ng gusto niya sa akin!
Pero siyempre, joke lang. Lalaki pa rin 'yan at hindi ko alam kung anong klase ng tao siya sa likod ng camera. Still, I like the personality that he shows on cam. 'Wag ko lang talagang malaman na he's an asshole.
***
Monday came, maaga akong pumasok sa company. Since maaga akong nagising at wala naman akong ibang magawa, gumayak na lang ako at pumasok kaagad sa trabaho.
Pagkababa ko ng gamit sa cubicle ko, pumunta ako sa pantry para magtimpla ng coffee. Nakakabingi ang katahimikan dahil apat pa lang yata kami dito at yung tatlong kasama ko na 'yon, ang aga-agang tutok sa monitor nila! Mukhang may inaayos sa financial statement, lalo na ang mahal na reynang si Queenie dahil nakakunot ang noo habang magkasalubong ang dalawang kilay niya.
I've decided to make them all a cup of coffee. Mukhang stressed sila sa dami ng numbers na nasa harap nila ngayon.
Habang hinihintay na mapuno ng coffee ang isang tasa mula sa coffee maker, napalingon ako sa tumabi sa akin. Napaawang ang bibig ko nang makita si Sir Hunter.
"A-Anong ginagawa mo dito?!" bulyaw ko sa kan'ya.
He chuckled, confused. "Uhm, this is my company?"
Napabuntonghininga ako bago kinuha mula sa coffee maker ang tasang puno na ng kape saka naglagay ng bago.
"I know, okay? What I mean is, anong ginagawa mo rito sa pantry? You can stay in your office all day and have everything you want be delivered to you."
He chuckled. "Will they deliver you to me, though?" Inirapan ko siya sa kalandian niyang 'yon. "Seriously, I just want to check on you."
Umirap ulit ako bago humalukipkip saka tumingin sa kan'ya. "I'm okay. Hindi ako naapektuhan nang malala sa cheater na 'yon, if that's what you're worried about."
He laughed before leaning his back on the wall, still looking at me. "I know you're not. What I mean is, I want to check if there was a change of heart?"
I sighed in defeat. "Wala. Can you just drop that? Ayaw ko nga." Itinuloy ko ang paggawa ng coffee at hindi na siya pinansin pa.
"Can you . . . tell me . . . what exactly is the real reason why?" Napakunot-noo ako bago lumingon sa kan'ya. The same confusion is still in his face. "I mean, I know we're kind of . . . good together when we do that. We enjoyed each other. We liked doing it with each other. Bukod sa boss mo ako, what's another thing that's stopping you from . . . doing it?"
Inikot ko ang paningin. May mga nagdaraang empleyado sa labas pero hindi naman sila pumapasok dito. Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago humarap sa kan'ya.
"You really want to know the real reason why?" He gulped. I crossed my arms in front of me. "Wala akong tiwala."
Napakunot-noo siya. "Sa . . . akin? I told you, we can bind the negotiation through contracts. Kung wala kang tiwala sa akin, magtiwala ka sa kontrata."
Umiling ako nang umiling bago naglagay ng panibagong tasa sa coffee maker.
"This is not about you."
"Eh ano? Saan ka walang tiwala?"
Lumunok ako bago humarap sa kan'ya. "Sa akin."
"W-What?"
I looked away. "K-Kamukha mo si Timothée Chalamet."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top