Chapter 06
Inihampas ko ang magkabilang palad sa lamesa na nasa pagitan naming dalawa habang masama ang titig sa kan’ya.
“Name your fucking price, babayaran ko.”
Ngumisi siya bago kumuha ng papel saka nagsulat doon.
“That thing was from Ralph Lauren. My secretary at home bought it for more than a thousand dollar pero dahil mabait ako, isakto na lang sa one-thousand. The dollar today was more than 50 pesos but we’ll close it to that. So, to simply put it, that’s 50,000 pesos.”
Napalunok ako kasabay ng pagkabog ng dibdib. I can’t believe I’m paying rhat big of a price for that small of a fucking fabric! Sana bumili na lang ako ng kamukha saka ko tinahian ng brand name!
“Pero hindi doon nagtatapos ang babayaran mo.”
Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay dahil sa sinabi. “What the fuck do you mean?”
He grinned before scribbling something on the paper. “Another one-thousand dollar for stealing it--hindi na kita kakasuhan. Another one-thousand for ruining and breaking it, hindi ko pa nga nasusuot ’yan. And a 10 percent compound interest daily.”
Umawang ang bibig ko. “Excuse me?! Nahihibang ka na ba?! Anong compound interest pinagsasabi mo?!”
He smirked. “So, habang lumilipas ang araw, padagdag nang padagdag ng ten percent ang babayaran mo. Instead of three thousand dollars lang, which is 150,000 pesos, madadagdagan ’yan everyday ng ten--”
“Alam ko kung anong ibig sabihin ng compound interest, Sir Hunter, don’t explain that to me.” Humugot ako ng malalim na hininga. “I’m asking you, bakit ginaganito mo ako?”
He grinned before leaning on the back of his seat, closing his arms.
“Hindi ka naman dapat magkakaroon ng malaking problemang ganito kung nag-stay ka lang hanggang umaga, o kung ginising mo man lang ako bago ka umalis.” He smiled. “Palalampasin ko na sana kaso ang pangit pa ng mga narinig ko tungkol sa nangyari. I’m so eager to prove you wrong because of that.”
I gulped. “Gago.”
He chuckled. “You did this to yourself. Hindi ako mabait na tao. I am a CEO for a reason, Areeya. Should I sue you for defamation, too?”
Defamation amputa, ni hindi nga alam ng mga nakarinig n’on na siya ang naka-sex ko! Masyadong guilty! Hindi ko naman binanggit ang pangalan niya ever dahil hindi ko naman din alam! I crushed his ego way too hard yata para magkaganito siya.
“I don’t care!” Umirap ako. “I will not pay for that! Bahala ka sa buhay mo!”
I turned my back and started walking away when I stopped midway because he said something.
“I’m giving you until October 2 for the total amount. Good luck, Miss Cervantes.”
***
Rinig na rinig sa apat na sulok ng condo unit ni Tanya ang malakas na tawa matapos kong ikwento sa kan’ya ang problema. Kinwento ko rin lahat kaya ngayon, hindi ko alam kung may matinong advice ba akong makukuha dito ngayong tuwang-tuwa siya sa katangahan ko.
Ininom ko ang laman ng shot glass saka ibinagsak ’yon nang malakas sa center table ng living room kung saan kami nakaupo sa sahig.
Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin ako maka-move on sa lintik na katalinuhan mayro’n ang bwisit na Hunter na ’yon. Kaya naman pala naging CEO at a young age dahil alam na alam kung paano siya magkakapera sa isang sitwasyon!
“Gaga ka, bakit kasi sinabi mo ’yon? Kahit ako yata, mayuyurakan ang ego kung ako makarinig n’on.”
Umirap ako. “Si Queenie ang nagsabi na malaki lang ang tite niya at bad sa performance!”
Tumawa ulit siya. “Dahil sinabi mong, sakto lang, malaki, pwede na, gano’n din ang ibig sabihin n’on.” She laughed louder before drinking from her shot glass. “Bakit kasi sinabi mo ’yon? Sabi mo naman sa amin, magaling siya at gugustuhin mo na lang maging good girl para maulit pa. Ayan tuloy. Be careful what you wish for kasi.”
Napailing-iling na lang ako. “Sa inyo ni Daisy ko lang sinasabi ang honest review sa lahat ng sex experience ko. I will not let myself be men’s instrument to boost their ego by telling that kind of truth.” Muli akong uminom sa shot glass.
Pumalatak siya, umiiling-iling. “Ayaw mo ba talagang maka-sex siya ulit? Kung magaling naman pala, okay na rin. After that, draw the line and tell him not to bother you anymore. Areeya, hindi ako magsasayang ng pera para lang doon when I can use my body and be expense-free. Iyo naman ang katawan mo, you can use it any way you want.”
Nagsalin siya ng alak sa mga shot glass namin. Tumitig lang ako do’n.
“Papayag akong makipag-sex ulit just to make him prove himself? Tapos ano? Ibababa ko ang sarili para mag-sorry kasi mali ako? Para sa lalaki?” I winced. “Ew, Tanya. My God, I can’t imagine.”
She chuckled. “Ang gago nga ng boss mo na ’yan, masyado yatang nasaktan to use you like that para mapatunayang mali ka.” She tsked repeatedly. “Ikaw ang magdedesisyon basta don’t let him force you to do something you didn’t want in the first place.”
“Hindi pa ba pamimilit ’to?”
She chuckled. “May pa-name your price, name your price ka pa kasi. Ayan tuloy!” She sighed, laughing. “Ayaw mo talaga? Ano yung ayaw mo?”
Uminom ako bago sumagot. “Hindi yung nangyari sa amin ang ayaw ko.” I sighed. “Tanya, kailan ako nagkaroon ng two-night stands with a guy? Wala! Never! Hindi bale sana kung fuck buddy ko siya kaso hindi!”
Kumain siya ng sisig bago sumagot. “So gusto mo naman siyang i-sex ulit kaso masisira yung I never met again with men I had one-night stands with eme mo sa buhay?”
Tumango ako bilang tugon.
“Alam mo, kung ’yan na lang ang way to escape that big of a problem you created to yourself, I’d go for it. Hindi naman ako virgin to think about it too much.” She chuckled. “Ako lang naman ang nakakaalam na nagka-two night stands ka with someone. Promise, hindi kita ilalaglag to anyone! Lalo na sa best friend mong loser!”
Tinawanan ko ang huling sinabi niya. Ano kayang nagawa ni Leo at ganito na lang ang galit ni Tanya sa kan’ya?
Nagtuloy-tuloy ang pag-inom hanggang sa pareho na kaming inantok.
***
Monday came once again, kung sinuswerte ka nga naman, si Hunter pa ang unang taong makikita ko--na naman!
Feeling ko wala na namang magandang mangyayari sa linggo ko.
“Good morning Miss Cervantes,” malawak ang ngiti na bati niya sa akin habang pinanonood akong maglakad palayo sa kotse ko.
Mapakla akong ngumiti. “Morning, sir.”
He chuckled as he walked behind me. “Wow, mukhang you really have money to pay for the damages you incurred me, ah? I’m amazed.”
Nagbuntonghininga ako bago lumingon sa kan’ya. “Alam mo, the last thing that you should do was to stop talking to me and don’t force me to do something–”
“Woah! Wait. I forced you? Hindi nga kita pinakialaman the past week. Hindi rin ako nagpakita sa ’yo because I don’t want you to think something bad about me. Binibigyan kita ng freedom to choose–”
“And you gave me an option na wala rin akong choice!”
He smirked. “Sinabi mo kasi, name your price. That’s how I name it. Sorry.” He started walking past me with a smile before he face me once again. “Tuesday next week, I will be waiting in my office for your decision. Good luck!”
After that, he entered the building premises and vanished into my vision.
Sa araw-araw, ’yon lang ang tumatakbo sa isip ko. Nagtataka na rin ang colleagues ko kung bakit natahimik ako bigla. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam o pagod. Siyempre, hihirit na naman si Queenie.
“Maybe she had a rough night! Kayo naman!”
Nagtawanan na lang sila. Napapailing na lang ako saka sila hinahayaan. Sex talks has been very normal in this department dahil ilang empleyado ba sa kompanyang ito ang tulad ko na nakikipag-commit sa one-night stands and fubus? Marami. Open-minded naman ang iba na katulad ni Dian. Nakikisali pa sa asaran minsan.
As I’ve think about it, may point naman si Tanya. I once told them that I wanted to do it again with him--na sana nagpaka-good girl ako para maulit--pero hindi ko naman inasahang ibibigay nga sa akin ’yon ng tadhana, pero sa ganitong sitwasyon naman.
The options he gave me about having a second night with him was not bad at all. For me, sex doesn’t have value unless I was forced to do it.
Am I forced to do it? Definitely not.
I have the money to pay for him, ayaw ko lang gumastos nang gano’n kalaki para sa walang kakwenta-kwentang bagay. May ipon ako kaya kung gugustuhin kong tapusin na ang problemang ito, baka noong unang araw pa lang, binayaran ko na siya nang hindi na lumaki nang lumaki dahil sa lintik na compound interest na ’yan.
Kaya lang naman ayaw kong makipag-sex ulit dahil I never had two-night stands with men in the past. It’s called one-night stand for a reason. Ewan ko ba kasi kung bakit ko sinabi kay Queenie ’yon, eh alam ko namang napakadaldal n’on kapag lasing!
I sighed in frustration as I lean the back of my head on the head rest of my swivel chair, still thinking about it.
Maybe there’s always a first in life, right? Hindi talaga ako gagastos ng total of 225 thousand para lang do’n! Kung kaya ko namang bayaran ’yon using my body and not lose any centavo, why not?
Isa pa . . . magaling naman talaga siya. In my opinion, siya yata ang pinakamagaling. Kaya nga nasabi ko kina Tanya at Daisy na sana nagpaka-good girl na lang ako.
Nang matapos ang trabaho, dumeretso ako sa condo para mas pag-isipan pa ang desisyon. Even the following days, ’yon ang laman ng isip ko. Nakapag-decide na ako ng solusyon na gagawin ko but I need to think things through--its pros and cons.
Pros is, hindi ako gagastos nang napakalaki. I get to experience that wild night with him again. Tapos na ang problema at magiging guilt-free pa.
Cons . . . he’ll be the only person who gets to have two-night stands with me. He’s going to prove me wrong and I’ll need to be sorry for that. He’ll make me take my words back sa mga nakarinig ng bad review ko. At higit sa lahat . . .
HIS EGO WILL BE FUCKING BOOSTED AND I’LL BE HIS INSTRUMENT FOR THAT!
“Oh my God,” I whispered to myself before palmed my face.
I stare blankly on the journal entries I am working on. Puro numbers . . . zeros, especially. Nakakaumay. I sighed.
“What’s your problem?” France asked as he handed me an iced coffee.
I took it and smiled. “Thanks.” I sighed. “Money,” sabi ko na lang para matapos na kaagad ang usapan.
He chuckled. “Sorry, wala akong maitutulong.”
I laughed because that was what I’ve expected. Kapag money-related talaga, wala kaming maitutulong sa isa’t isa ng colleagues ko dahil pare-pareho kaming may mga binabayarang utang.
“Okay lang, hindi ko naman hiningi,” I said in response.
Lalong tumawa siya bago naglakad papunta sa sariling desk.
It’s Friday today. I only have four days left to decide pero ngayon pa lang, nakabuo na ako ng desisyon. Masama nga lang ang loob ko dahil sa cons na mayro’n ito.
Nang matapos ang trabaho, sumakay ako ng elevator at pinindot ang ground floor. Nang makarating na at bumukas, hindi kaagad ako lumabas. May mga ilan ding pumasok na at nagtatanong kung lalabas daw ba ako.
“Uh, no.”
Sumarado na ulit ang elevator at nagsimula nang umangat muli. Tinitigan ko ang pinakamataas na number. I was thinking if I’ll press it agad, hindi ba nakakahiya kung makita nila na doon ako pupunta?
Uhh, fuck. Ano bang pakialam ko? Maybe I was just guilty kasi kakausapin ko ang boss namin for something not work-related!
Nang nakalabas na ang lahat at ako na lang ang mag-isa, nagbuntonghininga ako bago pinindot ang numero ng pinakamataas na floor. Habang pataas nang pataas ang elevator, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong lumunok at nagbuntonghininga.
Bahala na nga.
Nang makarating, lumabas na ako saka dumeretso sa secretary’s desk. Ngumiti ako sa kan’ya bago nagsalita.
“Hi. I’m Areeya Cervantes from accounting department. The CEO has requested to see me po.”
Tumango siya bago tumawag sa telephone. “Did you ask to see Miss Areeya Cervantes, sir?”
Kumakabog ang dibdib ko nang malakas habang naghihintay sa harap. Hindi ko alam kung makakapasok ba ako dahil Tuesday next week ang usapan namin pero Friday pa lang ngayon. Hindi ko naman siya nasabihan.
“Okay, sir.” Ibinaba na niya ang telepono bago ngumiti sa akin. “You may go inside.”
Para akong nabunutan ng tinik dahil do’n. Ngumiti ako sa kan’ya.
“Thanks.”
Naglakad na ako papunta sa pinto. Lumunok na muna ako bago iniangat ang mukha saka binuksan ’yon. Sa unang hakbang ko pa lang, rinig na rinig na ang tunog ng stilettos ko sa sahig dahil sa katahimikan ng napakalaking opisina. Sa buong oras na nilalakad ko ang distansya ng pinto sa harap ng table, mga hakbang ko lang ang naririnig, wala nang iba pa.
“Did I ask to see you, Miss Cervantes?” he asked while scribbling on a paper that’s neatly fastened on a clipboard. “Friday pa lang ngayon. I told you to see me on Tuesday.” He looked at me as he closed the clipboard. “Unless you’ve decided this early?”
I gulped, looking straight at him. “I have decided already.”
His right lip rose. “So, if you decided to pay for the amount I asked you, bumalik ka na lang sa Tuesday.” Napalunok ako. “But if you chose the second night with me as payment for everything, we can do it tonight.”
Napakunot-noo ako. “Ngayon? Why?”
Umayos siya ng upo. “Hindi ka makakalakad kaya kung sa Tuesday ka pa magbabayad with that method, magkaka-absent ka. Kung mamaya natin gagawin, okay lang na hindi ka makalakad, wala ka namang trabaho bukas.”
Nag-init ang mukha ko nang dahil do’n. “A-Ang taas ng self-confidence mo, sir.” Ngumisi ako. “But then, I’ve decided to do that method. I will have my second night with you.”
Tumango siya ng marahan bago sumandal sa upuan. “Sigurado ka na? Ayaw ko ng napipilitan, lalo na sa ganitong bagay.”
Umiling ako. “I have already think about this thing for a few days already, sir. Hindi ako napipilitan. Kung babayaran ko ang kapirasong tela na ’yan worth more than two-hundred thousand pesos, it’s not worth it. Kung sex lang naman, ayos lang. Wala namang halaga ang bagay na ’yon sa akin.”
Lalo siyang ngumiti bago humilig sa mesa saka pinagsalikop ang dalawang kamay na nakapatong dito.
“Okay, then. Where do you want and what are your demands?” he asked.
Nagbuntonghininga ako. “Do it anywhere or any way you want. Ikaw na ang bahala. Binibigyan kita ng pagkakataon ngayon dahil ito na ang huling beses na gagawin natin ito. At may kasalanan akong dapat pagbayaran, so suit yourself and I will oblige to anything.”
Tumawa siya nang mahina. “Okay, then. Give me your number. I’ll pick you up at your place. Don’t apply too much makeup like you did when we first met.”
Napakunot-noo ako. “Huh? And why?”
Plano ko pa namang ulitin ang makeup look ko noon kasi alam kong ang ganda-ganda ko. Tsk. Pati makeup ko, pinakikialaman. Mga kalalakihan talaga.
Nag-iwas siya ng tingin bago naglagay ng kapirasong papel at ballpen sa harap ko saka magsalita kasabay n’on.
“I like how you look at work better than that.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top