Chapter 05
Kinabukasan, umagang-umaga, pumunta ako sa condo ni Daisy para hanapin yung lintik na polo na 'yon. Sure naman akong afford ko rin kung ano man 'yon, hindi ko alam bakit sinabi ko pa na ibabalik ko.
Sana pala, binayaran ko na lang.
"Bakit mo ba kasi hinahanap?" nabubulol na sabi niya habang nagtu-toothbrush. "Akala ko ba, itinapon mo na dahil hindi naman na kayo magkikita?"
Saan ko ba kasi itinapon 'yon? Basta sa pagkakatanda ko, itinapon ko na 'yon!
"Nasaan yung mga basura? Naglabas ka na ba?"
Inginuso niya ang gawi ng kusina kung saan nakaipon na ang mga trash bags. Hindi naman din makalat si Daisy—kami lang talaga ni Tanya tuwing nandito kami—kaya kaunti lang ang laman ng bawat plastic na nandito.
Naglakad ako papalapit doon saka binuksan isa-isa ang mga trash bags. Hinalukay ko 'yon isa-isa kahit na karamihan, mga pinaghiwaan ng kung ano-ano at amoy bulok na ang nasa loob.
"Bilhan mo na lang, hindi naman siguto aabutin ng sobrang mahal 'yon, gaano man siya kayaman," sabi ni Daisy nang matapos nang mag-toothbrush at lumapit sa akin.
Binuksan ko na ang ikatlo at huling trash bags at mas mabaho ito kompara sa dalawang nauna!
"Fuck!"
Tumawa siya. "You know I love cooking! Natural lang na nand'yan ang mga pinaghiwaan ko ng kung ano-ano!"
"You shouldn't let these trash pile up inside your unit!"
"Hindi ko lang naasikaso dahil may mga work tayo at, remember, nag-alaga ako ng lasing at may malalang hangover kinabukasan? I was about to threw them all away today but you came and do that."
Hindi ko na inintindi pa ang paliwanag niya. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ang long sleeve na hinahanap ko. Puno na ng mantsa 'yon mula sa toyo at kung ano-ano pang pinagtatapon ni Daisy dito. Ang baho na rin, sobra!
"Tingnan mo nga kung anong brand."
Napalunok ako bago tiningnan ang likod na collar nito. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang pamilyar na brand na alam kong imposible na gastusan ko in this lifetime.
"Ralph Lauren," I said in horror, looking helplessly at Daisy.
"Fuck," she said, biting her lower lip.
"A Ralph fucking Lauren!"
Oras na makuha ko ang long sleeve polo, dumeretso ako sa condo ko para labhan at subukang alisin ang mga mantsa. It was no help because the stain has already settled down on the fabric and it's not coming off anymore. Natatakot naman akong kuskusin aggressively dahil baka masira at lalo akong masiraan ng bait para maghanap ng pambayad dito.
Buong araw ng Sabado, wala akong ibang ginawa kung hindi lutasin ang problemang ito. I even went to different laundry shops near my place to ask them help regarding the stains but they said that if the stains will be removed, may maiiwan pa rin na mga bakas and worst, kukupas ang kulay ng tela dahil sa bleech na gagamitin.
Sunday morning, I called Leonard and ask for a help. Hindi ko rin talaga alam kung anong help ang kailangan ko sa kan'ya. Maybe I just need to vent everything out to him, after all, he's been my best friend for almost a decade already.
"Hey, good morning," he said. I faked a loud cry, like a baby. "What happened, Aree?" he asked worriedly.
"Can I go to your place? Wala ka namang inuwing girls, right?"
He laughed. "Wala, 'no. Tara dito. Tell me the problem."
"Okay, I'll just take a bath."
"Okay, see you."
Oras na mamatay ang tawag, nagtimpla na ako ng kape, uminom, saka gumayak na. It's been weeks since I last went to Leo's place. Medyo nakaka-miss ang good ambiance ng malaki niyang condo at ang masarap na pagkain doon.
Since college, Leo has always been the person I always ran to whenever I have life inconveniences. Noong una, siguro, napaka-awkward pa for me dahil langit siya, lupa ako. His family owns one of the largest law firms here in the Philippines, and now, lawyer na rin siya doon. Samantala ako, simpleng empleyado lang na sumusuweldo ng more than double—or triple—the minimum wage tapos more than my salary, napupunta sa loan and bills payment at utang ng mga magulang ko.
Still good kung tutuusin, ang laki talaga magpasweldo ng RES Telecommunications. But if I'm going to compare it to how Leo can earn every month, barya lang ang sa akin.
Ewan ko ba kung bakit lapitin ako ng mga mayayaman. Even my ex-boyfriends, ex-fuck buddies and men I had one-night stands with, lahat may iyayabang sa buhay. Hindi man sobrang yaman tulad ni Sir Hunter o ni Leo na best friend ko lang naman, still, they are financially stable and can die peacefully with money on bed, 'wag lang talaga magka-casino at magpapakatanga sa sugal.
Kaya rin siguro ang taas ng tingin ko sa sarili. Halos lahat ng lalaki na lumandi sa akin, may kaya sa buhay o mayaman. Wala man lang ka-level ko na alipin ng lipunan na nagbabayad pa ng iba't ibang utang.
Nagsuot lang ako ng fitted shirt and short shorts, tapos sneakers saka kinuha ang bag kong naglalaman ng mga importanteng gamit.
Matapos gumayak, kinuha ko na rin ang paper bag na naglalaman ng bwisit na polo ng boss ko saka lumabas ng condo. Sumakay ako ng kotse na nasa underground parking lot saka nag-drive paalis.
After more than an hour, nakarating ako sa parking lot ng condominium building ni Leo. Nag-park ako sa bakanteng pwesto saka lumabas at sumakay ng elevator saka punindot ang 23rd floor.
Ilang sandali lang, nakarating na ako sa harap ng unit niya. Pinindot ko ng dalawang beses ang buzz. Ilang segundo lang ang nagdaan, pinagbuksan na niya ako.
"Hi. Good morning," sabi ko bago yumakap sa kan'ya saka humalik sa pisngi. Hinawakan niya ang likuran ko bago ako pinapasok sa loob. "Ohh, you're cooking something?"
Tumango siya bago isinarado ang pinto. Naglakad kami papasok.
"Yup, since pupunta ka."
I smiled. "Naks naman, sobrang maalaga. Thank you!"
Naupo ako sa high chair sa kusina niya saka pinanood siya sa ginagawa.
"So, what's the problem?" he asked.
Nagbuntonghininga ako bago ikinwento ang lahat sa kan'ya, magmula sa pag-announce na may bago kaming CEO, hanggang sa pag-aya ni Tanya mag-bar, until the very end kung saan sinabi ko kay Sir Hunter na ibabalik ko sa kan'ya ang ninakaw kong damit niya.
"Why would buy a fucking long sleeve, as simple as this, for more than one-thousand dollars?!"
Tumawa siya bago inihain sa dining table ang niluto niya for late breakfast. Lumipat na ako ro'n at tumulong sa kan'ya na maglagay ng plato sa mesa.
"You should leave that work Aree," he said as soon as we sat on our seats.
Mabilis akong umiling. "I'm not a weakling. I can handle him kahit boss ko pa siya. Lalaki lang naman."
Nagbuntonghininga siya. "You shared a night together. Hindi ka magiging comfortable habang nagwo-work kung nandoon siya. Kailan ka ba nakipagkita ulit sa lalaking naka-one-night stand mo? Never, right?" He sighed in frustration. "Leave. Baka ano pa mga ipagawa n'yan sa 'yo just so he could be with you under his sheets once again. Sa amin ka na lang mag-work, tatapatan ko ang sweldo nila."
Umiling ako nang umiling bago nagsimulang kumain.
"Leonard, the last thing that I'd do is to work under your supervision. I'm not going to let my best friend command me here and there just because I'm being paid. No, thanks."
Tumawa siya. "Then, I won't be your supervisor."
"No pa rin. Apelyido mo pa rin ang magpapasweldo sa akin."
He chuckled. "Basta, I really want you to leave that workplace. Tutulungan kitang humanap ng company na same din ng sweldo at healthy working environment. Don't settle for something you are not comfortable to work at."
Nagtuloy-tuloy pa ang pagkukwentuhan namin tungkol sa napakamahal na damit na kailangan ko ngayong palitan. Hindi ko talaga makuha logic ng mga mayayaman.
Bakit ba naglulustay sila ng napakalaking pera for something as simple as this? Ang dami-daming iba na hamak mas mura.
"It's the name of the brand we're paying for and the way it's comfortable to wear," he said as he sat on the side of his long couch I was lying at.
Umirap ako bago ibinalik ang atensyon sa TV. "Kahit sa Uniqlo ka lang bumili, it's already comfortable enough na, hamak na mas mura pa! Ewan ko ba sa inyong mayayaman, wala na ba kayong mapaglagyan ng pera?!"
Tumawa siya bago hinawakan ang dalawang binti ko saka ipinatong sa lap niya. Sinimulan niya itong imasahe.
"So, anong plano natin d'yan, bakit dinala mo pa?"
Napanguso ako habang nakatingin sa paper bag. Napabuntonghininga ako.
"Ewan ko baka need ko lang ng comfort mo kaya nandito ako." Bumangon ako saka yumakap sa kan'ya. "I missed you."
He chuckled before brushing my hair. "I've missed you too. Sorry na hindi kita nadalaw sa condo mo last week. I was busy with a case."
Tumango ako bago nagbuntonghininga saka bumalik sa pagkakahiga. "It's alright. Hindi rin naman talaga malapit ang place natin sa isa't isa so mahirap nang magkita."
He chuckled. "I will go to your place whenever I have time this week, alright?"
Tumango ako bilang tugon.
The whole day, I was in Leo's place, playing with him in his PS5 and eating whatever he ordered online. Kapag nandito talaga ako, wala ako maramdamang stress at nakakapaglaro pa ako.
"How's your parents?"
Napairap ako sa screen bago binitiwan ang console saka kumain ng pizza.
"Ayun, nanghingi na naman ng pera. My whole month worth of salary, sa kanila lang napunta."
He sighed. "Sana sinabihan mo ako para ako na muna ang nagbigay. Marami ka pang binabayaran—yung condo at kotse, hinuhulugan mo pa."
Umiling ako bago kinuha ulit ang console. "Hindi mo sila magulang kaya labas ka na ro'n. At saka 'wag mo hayaang mamihasa ang mga 'yon at baka sa 'yo na iasa ang mga pambayad ng utang nila. Hayaan mo sila i-figure out kung saan sila kukuha ng pera."
He chuckled. "Ikaw naman ang nahihirapan. Sa 'yo sila umaasa."
Napasimsngot ako. "Hindi ko naman din kasi p'wedeng pabayaan. May sakit si Papa and magulang ko pa rin sila kaya alam kong hindi ko p'wedeng takasan ang responsibility sa kanila. I need to do this." Ngumiti ako. "May ipon ako kaya don't worry."
Tumango siya bilang tugon.
Nang makakain na ng dinner, nagpaalam na akong uuwi na.
"Stay the night, ipagda-drive na lang kita bukas," he said. "Dito ka na matulog."
Napanguso ako. "May damit pa ba ako dito?"
Tumango siya. "Oo naman. Marami. You have your own things here. You even have your own keys."
Right, but I never used it. Hindi naman akin 'to para pasukin ko na lang nang basta. Ibinigay niya lang sa akin 'yon noong wala pa akong sariling condo unit at napalayas sa unang apartment na tinirhan ko.
"Okay, then."
Naligo ako sa bathroom ng k'warto niya. I used to live the whole three months here back when I resigned on my first job tapos hindi ako nakapagbayad ng rent. He fed me, bought me things I needed. I literally lived off of him. Kaya naman ang laki ng utang na loob ko sa kan'ya.
Also, what's good about this friendship I had with him is that, in those almost ten years that we're friends, he never developed any unnecessary emotion—a.k.a. love—towards me. Kahit yata halik-halikan ko 'to o maghubad ako sa harap niya, hindi man lang siya kikilos.
Well, hindi ko naman gagawin 'yon.
At isa pa, he never judged my lifestyle. He knew I'm a party goer the moment I learned how good those were. Hindi niya rin hinusgahan ang pagkakaroon ko ng one-night stands or fuck buddies.
Alam ko pa rin naman kasi ang limitasyon ko. Kahit na malandi ako sa paningin ng batch mates namin noong college, hindi naman ako nakipag-sex sa mga naging boyfriend ko until g-um-raduate ako. Ang lala na nga ng struggle ko as a working student na hindi pa healthy ang relationship with parents, dadagdagan ko pa ng stress ang sarili if I did that.
Nang matapos maligo, nakita ko si Leo na nakahiga na sa kama habang nagsi-cellphone. Dumeretso ako sa salamin niya to blow dry my hair.
"Nakaligo ka na?" I asked.
"Yup, sa common bathroom sa labas."
Tumango ako. "Okay, then."
Matapos makapagpatuyo ng buhok at maglagay ng night skin care, nahiga na rin ako sa tabi niya. Binalot ko ang sarili ng kumot saka kinuha ang cellphone na nasa kabilang side ng table. Wala namang texts or calls. Mabuti.
"Sleep na?"
Tumango ako. Ibinaba niya ang cellphne sa kabilang side table at pinatay ang lamp shade, saka hinila ako para yakapin.
"Good night, Aree."
Tumawa ako nang mahina bago yumakap sa kan'ya pabalik. "Good night, Leo."
***
Kinabukasan, inihatid ako nang maaga ni Leo sa work gamit ang kotse ko. From there, nag-taxi na lang siya para makapasok sa sariling trabaho. I was about to enter the elevator once again when someone cleared his throat near me.
It was familiar, so I turned around. I saw Sir Hunter leaning on his handsome sport's car while plsying with his car keys.
Pilit akong ngumiti. "Good morning, sir."
He smirked. "Was that your boyfriend?"
Napakunot-noo ako. "Who?"
"That one who drive you here."
Napailing ako. "A friend."
He grinned before standing up and walking towards me. "So, that's the definition of a friend to you." Napakunot-noo ako. "He can pass as your husband, you know? Did you two fuck already?"
I rolled my eyes. "Excuse me, sir. I don't fuck my friends, for your information."
He smiled. "Really . . ." mapang-asad na sabi pa.
Napairap ako. "Please, sir. Don't start early in this morning. Monday na Monday, 'wag sanang sirain ang week ko, please."
He laughed. "Go to my office immediately and bring that thing you stole from me. Understand?" he said before leaving.
That thing ampucha, akala mo tigbebente lang yung sinasabihan niyang that thing! Kinuha ko 'yon mula sa loob ng sasakyan ko saka naglakad paalis ng parking lot.
Hinintay ko siyang makapasok at makasakay sa elevator bago ako tuluyang sumunod sa kan'ya sa loob. Nag-time in n muna ako bago sumakay sa ibang elevator.
I will never let us be inside an elevator together ever again after that night.
Nang makarating sa department office, ibinaba ko ang gamit at nagbukas ng computer para simulan ang mga dapat gawin. Mamaya ko na sana iaabot sa kan'ya ang pangit nang long sleeve niya kaso mukhang this is the right time habang wala pang masyadong tao.
Tumayo na ako, bitbit ang paper bag, saka lumabas ng department office at sumakay ng elevator. I pressed the highest floor of this building and waited until I arrived there. Nang makarating, sinabi ko lang sa secretary na pinapunta ako ng CEO. Tumawag siya to confirm bago ako tuluyang pinapasok sa loob.
Nakaupo at nakasandal siya sa mamahaling swivel chair habang nakakrus ang mga braso sa harap, bahagyang nakangisi sa akin.
"Here's that thing I stole from you."
Aalis na sana ako pero nagsalita siya. "Stay there, I need to check something."
Napalunok ako bago muling humarap sa kan'ya. Pinanood ko siyang kuhanin ang paper bag at ilabas doon ang damit niyang may mga bakas pa rin ng mantsa at halatang nabugbog sa dami ng beses na nilabhan. Tumawa siya.
"You want me to take back this trash? I never wore this even once, woman."
Napalunok ako. "I'll pay you, then."
He laughed. "Are you sure? Hindi naman kalakihan ang sweldo mo kung tutuusin. I bet, you're also still paying for your car and condo unit. So, how can you pay this? And don't say installments, Miss Areeya. Ayaw ko ng paunti-unti. Gusto ko buong ibinibigay sa akin."
Napakuyom ako ng kamao. "Honestly, itinapon ko na 'yan. Akala ko kasi hindi na tayo magkikita dahil never naman ako nagkaroon ng second meetings sa lahat ng naka-one-night stand ko. It was my fault and I'm sorry."
I bit my lower lip. Fuck this shit, I'm saying sorry to a fucking man?! Ew!
"If you'll reconsider, kahit three months to pay lang, sir."
Tumawa siya bago muling humalukipkip at sumandal sa inuupuan.
"You know what I realized? You definitely looked different from the way I first saw you. You don't look like a party goer at all now that you're in front of me." He smirked. "Hindi halatang nakipag-sex ka for that long with someone who fucked you on every corners of his room. You don't look like you just faked your moans at all."
Nag-init ang mukha ko nang muli niyang ipaalala ang mga 'yon.
"Sir . . ."
He smiled sheepishly. "I'll give you options."
Napakunot-noo ako. "What options?"
He grinned. He flexed his elbows on the table, intertwined his fingers from both hands in front of his face, eyes were staring at me like he's already undressing me.
"Pay me by the end of the month . . ."
Napalunok ako dahil do'n. 'Tang ina naman! Kalahating taong hulog ko na 'yon sa condo unit ko!!!
"Or give me a chance to prove you wrong."
Napaawang ang bibig ko, kunot-noo. "What are you talking about?"
He grinned. "A second night. I need the second-night with you to prove you wrong."
Hindi ako nakapagsalita dahil do'n.
"I will make sure you won't say that big dick is just all I have anymore. I'll prove it to you that I'm fucking good in bed. I'll prove that you're lying—that you're not faking your moans that night. And you're going to take back the words you said from your friends about that . . . in front of me."
Pakiramdam ko, naglabasan lahat ng dugo at usok mula sa tainga at ilong ko dahil sa mga narinig sa kan'ya. So, he wanted to see me crushed my own ego?! In front of him?! Just because of him?!
Tumawa ako, hindi makapaniwala sa narinig. "Excuse me, hindi naman nila alam na ikaw 'yon! Bakit ba hindi ka maka-move on? At isa pa how sure are you that you were the recent guy I fucked? I can fuck someone else the next day–"
"But you couldn't because I made your body hurt like hell. You were wrecked to the core and you're sore, I know. Hindi mo kayang makipag-sex sa iba the next day after that. No woman had enough energy to have sex with another man the day after getting under my sheets. No one."
Hindi na ako nakapagsalita pa ulit.
"So, ano? Babayaran mo nang buo by the end of the month ang ninakaw at sinira mo, or you'll give me another night to prove you wrong?"
Sunod-sunod ang paghinga ko dahil alam ko sa sarili kung anong mas madaling option pero hindi p'wede dahil masisira ang definition ng one-night stand sa akin! Sa akin pa mismo, fuck!
"Ikaw pa rin ang masusunod sa lahat, Areeya. Tulad noong una. Choose."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top