Chapter 7
Chapter 7
KANINA pa palipat-lipat ang tingin ni Nicco sa dalawa niyang kaibigang babae. Nakangiti si Almira habang si Lolita naman ay nabusangot.
"So sa'n nga kayo galing?" ulit na tanong nito sa dalawa.
"Naku, wag ako tanungin mo. Tanungin mo iyang si Al kung anong nakain niya at dinala dala ako sa mini forest, teka bakit mini? tadyakan ko kayo dyan e! E muntik pa kaming maligaw sa MINI forest kuno! Tsaka alam mo bang may nakita kaming kubo doon tas nandoon ang anak n-." bago pa matapos ni Lolita ang sasabihin ay inunahan na ito si Almira.
"Anak ni Aprodite, ang dyosa ng kagandahan. At ako iyon! Si Almira Bentes!" putol niya sa sasabihin ni Lolita. "Tapos nandoon din ang anak ni Barakuda, diba lita?" pinanliitan niya ng mata si Lolita na ikinairap lang nito.
"So nagpunta kayo sa mini forest? Ba't hindi niyo ako sina-."
"Isa kapa! Ba't di ka namin sinama? Natural naglaho kang bigla e, malay ba naming saan ka nagsusuot tapos itong si Al, pasneyaa talaga, nagyaya nalang bigla! May nakasalubong pa kaming alagad ni Ether doon! Teka, ano yan?" himutok na di na tapos dahil napansin nya ang nakalagay sa mesa ni Nicco.
"Milk tea. Ito ang dahilan kung ba't nawala ako saglit. Binilhan ko kayo, ubos na iyong saakin tagal niyo e."
"Ayiee thank you po." anito at kinuha ang isang milk tea sa mesa ni Nicco. "Sige kayo muna usap dyan pipicturan ko muna ito tas ilalagay ko, 'from the one' ayieee pero di ikaw yon a, keme lang 'to." inayos niya ang kanyang mesa tas nilagay ang milk tea sa gitna. Napatawa na lamang ang dalawa sa ginawa niya.
"Para sayo." ani ni Nicco na nilagay sa mesa ng upuan ni Almira ang milk tea.
"Thank you, gumasto ka pa e!"
"Minsan lang naman. So anong nangyari sainyo don sa mini forest? Sinabi ni Lita kanina 'may nakasalubong kaming alagad ni Ether' so I supposed na may nakasalubong kayong ahas. Am I right?" napangiti naman si Almira sa sinabi ni Nicco. Naalala niya ulit ang pagkahimatay ni Lolita. "Hey whats with that smile? May nakakatawa ba sa mukha ko?"
"Secret lang natin 'to a!" mahinang bulong ni Almira dito. Pinasadahan niya ng tingin si Lolita at mukang busy nga ito sa kakapicture ng milktea niya.
"Promise. So ano?"
"May nakasalubong kaming ahas a-." naputol ang sasabihin nito ng unahan siya ni Nicco.
"Yan yung sanabi ko." simple nitong hayag.
"Patapusin mo muna kaya ako po? Ano po?" napakamot naman sa leeg si Nicco at mahinang tumango. "So ganito yun, habang paalis na kami mini forest may nakasalubong kaming ahas, take note! Di lang basta ahas kundi cobra, cobra!"
"Ser- sabi ko nga makikinig muna ako."
"So yun, nagpabida-bida ako hindi ko naman kasi alam na cobra pala iyon. Papalapit kasi a pwesto namin kaya agad akong humanap ng kahoy at inihampas doon. Pero sheet, cobra pala kaya mas lalo itong naging agresibo dahil sa paghampas ko. Alam mo ang intense part? Hahaha sumigaw ng napakalakas si lita dahilan upang mayanig ang encantadia at nayanig ang sistema ng ahas." eksplina nito na natatawa., "Pagkatapos sumigaw ni Lita ay nagimatay ito, pero nagmention lang ako na may gwapong lalaki e bumangon agad at tumayo hahahaha." dagdag niya.
"Delekado pala iyong mini forest e, pero alam mo bang may rest place daw doon si Agustine. Sabi-sabi yan e, pero di ko pa naman nakita kaya walang kasiguraduha-." naputol ni Nicco ang sasabihin niya ng sumingit bigla si Lolita.
"Pwes, kami ni Al ay sigurado na! Nakita pa nga namin doon an-."
"-ang ganda promise. Parang sa mga movie ang itsura, diba?" pagputol ni Almira sasabihin ni Lolita na pinanlakihan niya ng mata.
Hangat maari ayaw niyang makalat ang kanilang nakita baka may gawing 'di maganda iyong si Agustine. Nakakatakot pa naman ang isang 'yon.
"Teka may hindi ba kayo sinabi saakin? Bukod sa pagkakita niyo ng ahas?" tanong ni Nicco dito. Napaghalataan niya ang dalawa basi sa kinikilos ni Almira.
"Oo. Dalawa kasi ang nakita naming ahas, yung isa yellowish tas yung mataba at mahaba ay kulay gatas." agad namang natampal ni Almira ang kaniyang noo sa nasambit ni Lolita.
"Wag mong paniwalaan iyang si Lita, kung ano-ano nalang ang sinasabi." agap niyangf saad bago pa magtanong si Nicco.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top