Chapter 2
Chapter 2
PAGBABA niyang bus, nagkukumpulan agad na tao ang sumalubong sakanyang paningin. Ibat ibang senaryo ang nagaganap. May namamaalam at yung iba nama'y sinusundo. Mangilan ngilan lang 'ata ang lumuwas ng Maynila base sa kanyang nakikita't obserbasyon.
Karamihan sa nakikita nito dito ay mapuputi o di kaya'y kulay krema, siya lang 'ata ang kulay tsokolateng napadpad. Kaya naman hindi niya masisi ang mga tao na tumingin o lumingon sa direksyon niya na tila ba ngayon lang sila nakakita ng ganitong uri ng balat.
"Kaya ka 'to!" pagpapalakas nito sa sarili.
Napabaling lang ang atensyon niya ng biglaang tumunog ang kanyang de keypad na selpon mula sakanyang bulsa. Agad naman nya itong binunot at tinignan ang tumawag.
Unregistered number...
Kahit may pagtataka'y agaran niya itong sinagot., "Hello po, sino po sila?"
"Ako to, si Mrs. Sandavedra."
"Ay Maam kayo pala." aniya ng mapagtanto ito ang assistant ng kanyang bagong principal. Ang susundo daw sakanya.
"Asan kana pala?"
Nilibot niya ang paningin sa paligid, nagbabasakali may mahanap na karatolang nagsasaad kung nasaan siya ngayon., "Hindi ko po alam eh, basta nandito lang po ako sa pinagbabaan ko ng bus." kumpisal niya.
Meron naman siyang nakikita karatula sa bus pero pa iba iba ito kaya hindi niya alam kung asan rito ang tunay na naglalahad sakanyang kinatatayuan. Baka maligaw pa niya ang nasa kabilang linya kung huhulaan niya lang kung asaan siya.
Mahinang tawa ang narinig niyang sagot sa kabilang linya, ngunit hindi iyon mapagmaliit na tawa, iyon ay natutuwang tawa. Kaya hindi siya nakaramdam ng panliliit sa sarili bagkos napangiti na lamang siya.
"Okay sige, hintayin mo lang ako dyan. Wag kang lalayo ah. Teka kumain ka na ba?" anito.
"Okay po, at yes po tapos napo akong kumain." tugon niya.
Wala rin naman siyang papuntahan. Hindi niya pa alam ang mga pasikot-sikot sa lugar. Nangangapa pa siya sa bagong lugar.
Mabuti nalang at pinabaonan siya ng ina kanina dahil kung hindi ay tiyak mahihimatay talaga siya sa gutom. Ang mamahal kasi ng mga pagkaing nadadaanan niya kanina. Dumoble ang presyo nito sa mula sa orihinal nitong presyo.
Nang naramdaman niyang nanga-ngalay na ang binti ay humanap siya ng pwestong pwedeng upuan. Kahit hindi kalakihan ang bitbit nitong bag ay may kabigatan ito sa pagkadahilanang puno ito ng laman.
Ilang minuto rin siyang nakaupo ng may lumapit sakanyang babae, patanda na ito basi sa kulay ng buhok. Ngumiti ito sakanya bago nagsalita., "You're Almira Bentes, right?"
Napatango siya sa tanong nito., "Opo."
Hindi niya rin malaman kung bakit kay bilis nitong napagtanto na siya ang iskolar gayong hindi pa naman sila nagkikita. Siguro dahil siya lang ang mukang 'di taga dito.
"Sumama ka saakin. Ihahatid kita sa magiging tutuluyan mo." anito.
Lumakad ito patungo sa nakaparadang kotse nitong kotse, sumunod lamang siya.
"Sige pasok ka." pag-anyaya nito sakanya ng mapansin nitong nakatayo lang siya sa may pintuan ng sasakyan.
Nahihiya man ay wala siyang magagawa. Wala siyang ibang pagpipilian keysa naman ang magcommute siya rito may tyansa pang maligaw o kaya'y manakawan. Isa iyong malaking no para sakanya.
"So, tell me about yourself Ms. Bentes." anito ng makaupo na siya sa tabi nito.
"Almira nalang po, like ano po?"
"Anything you want to share."
Bumuntong hininga siya bago magsalita., "Ako po ay nag-iisang anak. Tapos ano po...," nag-isip pa siya kung ano ang susunod niyang sasabihin., "Uhm.. Kami po ay nabubuhay sa pangatlong antas ng buhay pero kahit ganon po ay nakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw at masaya po kami."
"Mabuti naman kung ganon. Alam mo bang gusto kung maranasan yung nakagisnan mo. Yung malayo sa kabihasnan. Tapos pagkagising mo ay bubungad saiyo ang magandang tanawin at walang polusyon. At syempre walang mga toxic people. Yung ganon? Gusto kung maranasan yun." saad nito habang ang tingin ay nasa daan parin.
Napangiti lang siya sa nasabi nito. Ganon nga ang buhay nila duon. Meron din namang 'toxic people' pero bilang lamang at hindi talaga matatawag na toxic people dahil ang ginagawa ng mga ito ay ang magtsismisan lang.
At isa pa natural lang naman iyon sa isang lugar, hindi ito pwedeng mawala sa isang lugar dahil malaki ang parte nila sa kabihasnan. Mabilis silang makakalap ng balita lalo na't hindi nacovered ng radyo o tv.
"Sinasabi ko sayo. Taasan mo ang pasensya mo lalo pa't halos lahat sa skwelahan na nag-aaral ay mayayaman kaya may pagka-spoiled ang iba sakanila. Hanggat maari ay wag mo silang patulan dahil mapapahamak lang." pag-papaalala nito sakanya ng marating na nila ang tutuluyang sinasabi nito. "Malayo-layo ang eskwelahan mula rito pero kung masipag ka ay makakaya mo namang lakarin." dagdag nito.
"Sige mauna na ako. Ikaw na bahala sa sarili mo. Bukas pasukan na. Puntahan mo lang yung registar, mahahanap mo naman agad iyon dahil nasa gitnang pasilidad ito. Kunin mo yung schedule mo at uniform mo duon." tango lang ulit ang aking sinagot. "Ito ang susi mo. Mag-iingat ka."
"Salamat po." nakayuko niyang pasasalamat rito na kinangiti ng kausap.
"Ingat."
Humarorot na ang sasakyan paalis sa kanyang tinatayuan. Lumaki ang distansya nila hangang sa hindi na ito abot tanaw ng kanyang paningin.
Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago kinatok ang trangkahan ng tutuluyan. Lahat ng naririto ay kagaya niya iskolar pero babae nga lang. Sa ibang dormitoryo ang mga lalaki.
"Bago ka bang iskolar?" salubong sakanya ng may katandaang babae sakanya. Ngunit hindi ito makitaan ng kahina-hina sa katawan dahil maliksi pa naman itong kumilos at magsalita.
"Opo!" Maligalig niyang sagot rito.
"Ay sige pumasok kana. Ako nga pala ang taga-bantay rito, Lina. Tawagin mo lang akong Nay Lina." nangiti niyang tinangap ang kamay ni Nay Lina., "Oh sya sige, hanapin mo na yung silid mo, Ano bang number nyan?" tanong nito habang nakanguso sa hawak niyang susi.
"Ay ito po?"agad naman niyang sinipat ang hawak na susi., "Ano po, 203."
"Second floor. May number naman ang mga pintuan rito kaya tignan mo nalang." tinanguan niya nalang ito at nagpasalamat bago tuluyang pumasok at umakyat papunta sa ikalawang palapag.
Pag-akyat niya ay agad niyang sinipat ang mga numero sa pintuan. Hangang sa nakita na niya ito, katabi ng 202. Alam niyang hindi kalakihan ang mga silid na narito batay sa distansya ng mga pintuan. Pero ayos naiyon sakanya, sanay naman siya sa ganitong espasyo.
Binaba niya muna ang bitbit na gamit bago kinatok ang pintuan. Pagbukas nito ay lumabas ang may maitiman na babaeng kaedad niya rin. Nakangiti ito sakanya dahilan upang napangiti rin siya kahit nagtataka.
"Ikaw ba ang room mate ko?"
"Oo." Sagot niya rito.
"Ako nga pala si Lolita Perez, ikaw?" Saad nito habang nakalahad ang kamay.
Tinangap naman niya ito ng buong puso., "Almira Bentes."
Kahit hindi pa sila lubos magkakilala alam niyang makakapalagayan niya ito ng luob. Lalo pa't nararamdaman niya na may pagkakatulad ang ugali nito kay Ardo.
"Ay pasok ka muna." anito ng mapansin na nasa labas pa pala ang kausap.
Agad niyang nilibot ang tingin sa luob. Hindi nga ito kalakihan, kasing laki lang ito ng kwarto niya dati. Ang pagkakaiba lang ay gawa sa semento ang pader at may banyo ito tapos ang kanilang higaan ay double-decker.
"Ikaw nalang sa ibabaw, magulo kasi akong matulog." tinanguan niya lang ito at inayos na ang dalang mga gamit., "Saiyo pala yang kaliwang bahagi ng cabinet. Ay, taga san ka nga pala?" hatalang madaldal ito gaya ni Ardo. Kamusta na kaya iyon?
Nagkwentuhan muna sila saglit bago napagpa-siyahang matulog. Nasabi rin nito kanina na isa siyang aeta kaya napagtagpi niya ang konklusyon kung bakit ito maitim gaya niya.
Kahit paano ay naibsan ang kanyang pagkalungkot na nararamdaman sa pagkwekwentuhan nila. Naramdam siya ng may kasama.
Kamusta na kaya sila mama't papa? Ayos lang kaya sila? Si Ardo? kamusta na kaya ang baklang yun?
Agad niyang hinanap ang selpon para itext ang mga ito. Madali naman niya itong nakita sa tabi. Gusto niya sanang tawagan pero wala siyang load kaya text nalang muna.
Ibayong lungkot ang naramdaman niya sa sandaling ito, hindi kasi siya sanay na mawalay sa magulang. Nakakapanibago. Parang may kulang sakanyang loob.
Isang buntong hininga ang aking pinakawalan bago isentro ang puso't isip para nagdasal.
Pinapanalangin niya sa may kapal na sana hindi gaya ng napapanoud at nababasa niyang storya na sa unang pasok sa paaralan ng bida ay makakabanga ito ng anak ng may-ari ng school tapos aawayin sya at pagkatapos ay mauuwi sa pagmamahalan, char!
Ayaw niya sa ganon. Gusto niyang maiba. Yung maiinlove sakanya ang kalahating lalaki sa papasokan niyang skwelahan. Yung tipong pagkakaguluhan siya tapos magiging mayaman na, char. Oo alam niya, siya na ang napaka-illusyunadang babaeng nabubuhay kay mother earth.
Pero ang totoong pinapanalangin niya ay sana hindi pabayaan ng Maykapal ang kanyang magulang tapos ang kanyang magiging buhay rito, sana maging maganda't walang aberya.
****:)
LovelyJoyDelocanog Thank you for supporting this story❤️ Lab lots😂 Wanna say im back🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top