Chapter 1

Walang ibang maririnig sa loob ng kwarto ko kundi ang paghahalikan namin ni Tasha. Nang tumigil ako ay napakagat siya sa kaniyang labi at tinitigan ako sa mata ko. Hihilahin niya pa sana ako para halikan pero umiwas ako at tumawa.

"Look at your face!" Pang-aasar ko at ngumuso naman siya.

"Come on, babe. Binibitin mo ako." Reklamo niya. Naupo siya ng maayos sa kama niya. Tanging sando lang ang suot niya pantaas at underwear lang sa pambaba. Napakagat ako sa labi ko. Damn, she is fucking hot. "Ugh. I know you want me, Christineai."

I rolled my eyes, "I know right." Pagkasabi ko no'n ay sinunggaban ko na kaagad siya ng halik. Ilang oras kaming nanatiling nakahiga hanggang sa tumunog ang cellphone ko. I groaned as I read my professor's email. Akala ko ay puro sermon nanaman ang sasabihin nito ngunit tungkol pala ito sa pagkuha namin ng license as lawyers.

"Aw, babe. Congrats." Hindi ko namalayang nakikibasa na pala ito. "Let's dinner outside."

"Babe, you know my mom's going to kill us if she finds out we are dating!" Tanging suot ko lang ngayon ang brassiere at underwear ko at humarap ako sa salamin. Sinuklay ko ang buhok ko at nakita ko naman siyang malungkot ang itsura. "Tasha, you know that I love you, right?"

"Pero bakit hindi mo ako maipagmalaki?"

"Not now. Lalo na't alam ni mom na si Froilan ang boyfriend ko." Pagkasabi ko no'n ay nagtawanan kami. Kaklase namin si Froilan nung high school palang kami. Unang boyfriend ko siya at naniniwala parin si mom na kami parin hanggang ngayon.

"Pwede mo naman sabihin na kaibigan mo ako?"

"My mom knows about you being gay, you dumb." Lumapit ako sa kaniya sabay pisil ng pisnge niya. "Well, anong masama kung may best friend akong tulad mo? Hmm?" Kinindatan ko siya at hindi na ako nagdalawang isip na halikan muli siya.

Hawak-hawak ko ang kape bago pumasok sa loob ng bahay ng nanay ko. Naabutan ko siyang busy laruin si Chu-Chu, aso ko. Nang makita ako ni Chu-Chu ay mabilis siyang lumapit sa akin habang winawagayway ang buntot niya.

"Hi, baby!" Nahiga pa ito sa sahig kaya mabilis kong hinimas ang bandang tiyan niya.

"Ngayon ka lang bumalik." Mataray na sabi ni Mom. "Sabi ko sa'yo ipapasok kita sa pagmomodel."

I groaned, "Mom, may trabaho na ako. Tsaka lilipat narin ako sa condo unit na napili ko."

"Kay Ianne? Sa condominium niya?"

"Uh, yes."

"Good, baby. I just want everything planned and perfect about you. If you can't decide, let me do it." Patago akong umirap sa sinabi niya. "And, oh, nag-usap na ba kayo ni Froilan? He told me you are busy. With whom? With what?"

"Mom, your questions are too much. I came here to get my things." Umiiling-iling akong umalis sa harapan niya. Dahil bungalow style ang bahay niya, hindi na ako mapapagod mag akyat-baba para sa pag-aayos ng gamit.

Kada labas ko ng maleta ko ay nakahalukipkip lang siya sa isang gilid habang pinagmamasdan ako. Napabuntong hininga ako nang matapos ko na ilabas lahat. Naupo ako sa isang maleta ko at tinitigan din siya.

"What?" I asked.

"I'll miss you." Naiiyak nitong sabi.

"Geez, ang tanda ko na Mom para hindi niyo pa ako payagan." Nasanay kasi siyang kasama ako matapos siyang umuwi galing Japan. Iniwan niya ang trabaho niya ro'n para makasama ako at magabayan. Hanggang sa magkaroon siya ng business at napaaral niya ako sa isang law school. At isa pa, isa siyang perfectionist kaya minsan ay nasasakal ako pag kasama siya.

"I know, para rin naman sa'yo lahat ng ginagawa ko e." Yan ang palagi niyang sinasabi.

"Aalis na ako."

"Hintayin mo na si Froilan. Sinabi kong ihatid at tulungan ka niyang maglipat." Napangiwi ako pagkasabi niya no'n. Ayaw ko pa namang kasama ang lalaking yo'n. Sinasabi kong tumigil na kami sa pagkukunwari pero ayaw niya dahil gustong-gusto niya.

Inip na inip na ako hanggang sa marinig ko ang busina ng kotse ni Froilan. Mabilis akong hinalikan ni mom sa pisnge ko kaya napangiti ako ng peke.

"Mom?"

"Hmm? Always take care, Tin-tin. Magpapakasal pa kayo ni Froilan!" Mas lalo akong nairita nang tawagin sa palayaw kong yo'n at lalo na sa pagpapakasal namin.

"Mom!"

"What?"

"I forgot to tell you, sa Zambales ako lilipat. Hindi rito sa Cavite." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Bago pa siya mangsermon ay tumakbo na ako sa labas hila-hila ang mga maleta ko kasama ang pack bags.

Nagtataka si Froilan kung bakit kumakaripas ako ng takbo. Ako na mismo ang nagbukas ng compartment niya at yung iba ay sa likuran na. Pagkapasok ko sa kotse niya ay nagtataka siya.

"Drive! Before we get caught!"

"Huh?" Nagtataka niyang tanong.

"Bilis! Sa Zambales tayo! You wanna joyride with me, right?" Nakita ko ang malaking ngiti niya at agad na pinaandar yung sasakyan.

Parehas kami nagutom nang makaabot kami sa Olongapo. Huminto muna kami sa Harbor Point at doon kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay bigla kong naalala si Tasha. Nakalimutan kong sabihin sa kaniya na ngayon ako lilipat.

"Tasha's gonna kill me." Sabi ko sabay kuha ng cellphone ko. Sunud-sunod na nga ang mensahe niya sa akin kaya napakagat ako sa labi ko. "What?" Tanong ko nang mapansing nakatitig sa akin si Froilan. May itsura rin naman ang lalaking to e, maalalahanin din naman. Kaso hindi talaga magwowork yung sa amin. Matapos namin maghiwalay nung high school ay nakita ko naman siyang masaya. Pero ba't bumalik pa siya sa akin?

"Nah, just curious kung paano naging kayo." Aniya sabay subo ng balat ng manok.

"It was unexpected." Sabi ko. "She makes my life exciting every day. Kaya niya akong sabayan sa lahat ng gusto ko. Yo'n naman ang gusto ko dati pa e." Napaiwas naman siya ng tingin sa sinabi ko. Isa sa dahilan kung bakit naghiwalay kami, hindi kasi masaya.

"Nga naman, pipillin at pipiliin mo parin yung taong nagpapasaya sa'yo."

"Exactly!" I said as I sipped on my iced tea. Sakto no'n ang pagreply ni Tasha sa akin. Nawala naman ang kaba ko nang mabasang babyahe nalang din daw siya sa Zambales bukas.

Hindi na kami naglibot at nagpatuloy na sa pagbyahe. Dahil mabilis naman magpatakbo si Froilan ay hindi naman umabot ng dalawang oras pabyaheng Zambales. Nakita ko pang palabas si Ianne sa pag mamay-ari niyang condominium dito. Mukhang busy siya sa pakikipag-usap nang salubungin ko siya.

"Chris!" Masaya niyang sabi at nagyakapan na kaming dalawa. Noong una akala ko ay magguguro ang isang 'to, yo'n pala tipo ang mga guro. Natatawa nalang ako pag naaalala yo'n. "Ngayon kana pala lilipat."

"Yep, hinatid ako ni Froilan." Nakita ko ang pag ngiwi niya nang sabihin ko yo'n. Alam niya kasing hindi naman kami magkarelasyon nito. "Alis kana agad?"

Tumango siya, "Businesses shits." Umirap pa siya kaya natawa ako. Maliban kasi sa mga condominium na pag mamay-ari niya sa iba't-ibang lugar ay meron din siyang mga villa na inaasikaso.

Nilibot ko ang condo unit na nakuha ko. Elegante siyang tingnan dahil narin sa kulay niyang black n' white, idagdag pa yung bawat istilo ng gamit at sa bawat sulok nito. Kaya mahal din ito dahil mataas ang quality. Ang pagkakaalam ko'y si Sarr at Ren ang nag-isip ng condominium ni Ianne.

"Maiwan na ba kita? May kailangan ka pa ba?" Alam ko namang magagalit sa akin si Mom pag hindi ko pina-stay dito si Froilan kahit isang gabi man lang. Kaya hinagis ko sa kaniya yung comforter, kumot, at isang unan sa kaniya.

"Stay." I said. Hindi na siya nakaimik dahil dumiretso ako sa kwarto ko. Matapos kong maayos ang mga gamit ko ay nilinis ko naman ang katawan ko. Naabutan kong nagluluto ng gabihan si Froilan. Nang mapatingin siya sa akin ay saktong nakatapis ako habang pinupunasan ko ang buhok ko gamit ang maliit na towel.

"Gutom kana ba?" Tumango naman ako. "Magbihis kana pala." Nagmadali naman akong pumasok sa kwarto ko. Wala naman na akong nararamdaman sa kaniya, pero bakit gano'n siya tumingin sa akin? His kindness kills me. I hate it.

Sa kalagitnaan ng pagbibihis ko ay napansin kong may pulang ilaw sa pader. Maliit lang yo'n kaya hindi ko napansin agad. Dahil sa kuryosidad ko ay kinalikot ko 'to. Pero mukhang nasa loob ng pader. Hindi naman siya sa CCTV. Fuck, could be someone spying on me? A fucking pervert!

Mabilis kong kinuha yung baseball bat ko. Saktong bumukas yung pinto at nagulat si Froilan kung bakit may baseball bat akong dala-dala. Sinundan niya ako hanggang makalabas. Hindi na ako nagdalawang isip na sirain ang doorknob yung katabi kong unit. Pinipigilan ako ni Froilan pero nagpatuloy parin akong pumasok.

Sumalubong sa akin ang matapang na pabango ng isang lalaki. Sinimulan kong hanapin kung sinong hayop ang naglagay no'n. Hanggang sa naisipan kong pumunta sa kwarto. Bumungad sa akin ang lalaking natutulog sa kama niya at wala pa siyang damit na pantaas. Nakita ko pa yung wires sa pader kung saan nakakabit ng camera niya sa kwarto ko.

"Perv-" Bago ko pa mahampas 'to ay mabilis akong pinigilan ni Froilan. "What the hell?"

"What the hell, Chris? Ano bang pumapasok sa isipan mo?" Sa gitna ng pag-aargumento naming ay narinig namin ang pag-ungol nito.

"Ikaw bastos ka!" Nanlaki ang mata niya nang makitang hahampasin ko siya. Mabilis siyang napabangon at pumunta sa isang gilid. Pinipigilan parin ako ni Froilan sa pagsugod sa akin.

"Woah, woah. What the fuck?" Matipuno ang pangangatawan niya at napansin kong Hapon siya. Ngunit hindi siya kaputian dahil siguro sa matagal nang naninirahan dito sa Pilipinas. Nakita kong may mga computer na nakabukas at mga papeles na nakakalat sa sahig. Is he a drug dealer?! "What the fuck are you guys doing in my unit?"

"You pervert! Ikaw ang naglagay nung camera ro'n sa kwarto ko! Bastos! Idedemanda kita!" Sigaw ko sa kaniya pero nagtataka siya.

"What? Ikaw ang lumipat sa kabila?" Hindi ko siya sinagot. Napahilamos siya sa mukha niya at mabilis na kinuha ang cellphone niya. Tinutok ko sa kaniya yung baseball bat kaya napabuntong hininga siya. "Look, I am not a pervert. I'm doing an undercover mission."

"I don't believe you." Sabi ni Froilan sa kaniya.

"Okay, Okay. Here's my I.D." Sabi niya sabay pakita ng I.D niya mula sa wallet niya. "Rinsaki Kyoto and uh, wait. Detective David's calling." Naibaba ko naman yung baseball bat na hawak ko at nakahinga ng maluwag. Parang pamilyar sa akin yung Detective na yo'n ah.

Naririnig kong nag-uusap sila tungkol sa paglipat ko at mali ang napaglagyan niya ng camera sa kwarto. Kaya hindi pa raw nila malalaman yung identity nung mamamatay tao. So, parang kasalanan ko pa ata. Geez.

Hinila na ako ni Froilan paalis pero nang papasok na kami sa unit ko ay sumunod pala ang singkit na yo'n.

"Really? Sinira mo pa talaga yung pinto ko." He chuckled.

"I'll pay for it." Walang gana kong sabi. Tumango naman siya.

"Be good, neighbors." Sabi niya.

"Ako lang nakatira rito." Nakita ko ang ngisi niya sa sinabi ko.

"Much better, Miss..." Sumandal siya sa pintuan at mukhang hinihintay niyang magpakilala ako sa kaniya.

"Evasco."

"Evasco." He repeated but in a husky tone.

Kinabukasan ng umaga ay bumyahe na kaagad si Froilan pabalik ng Cavite. Tahimik akong kumakain ng almusal ko habang nanunuod ng balita. May kumatok sa pinto kaya nagmadali akong tumayo para salubungin si Tasha. Pero muntikan na ako mabilaukan nang hindi si Tasha yo'n. Pinunasan ko pa ang gilid ng labi ko dahil ramdam kong may cereal pa.

"Excited to see me?" Napairap naman ako.

"I wasn't expecting you." Pagtataray ko. "Ano kailangan mo?"

"Uh, tatanggalin ko na yung camera sa kwarto mo. Baka 'di ko matiis e." Nakita kong kinagat niya yung labi niya. Nang maintindihan ko ang pinapahiwatig niya at agad ko siyang sinapak sa mukha. "Aray! Hindi naman kita pinapanuod! I'm just messing up with you!"

Siningkitan ko lang siya ng mata hanggang sa bumuntong hininga siya.

"Okay, I watched you last night. Mamaya ikaw pala yung mamamatay tao, di'ba?" Aba't inisip niya pang criminal ako.

"Kakasuhan talaga kita. Bilis tanggalin mo na!" Sumaludo pa siya sabay tawa bago pumasok sa loob ng unit ko.

Nang simulan na niyang tanggalin yung camera ay napansin kong tumutunog na ang cellphone ko. Nabuhayan ako nang makita ang pangalan ni Tasha. May dinaanan lang daw siya at paakyat narin. Napansin ata nitong singkit na malaki ang ngiti ko.

"Boyfriend? Husband?"

"Uh..." Tinago ko ang cellphone ko sa bulsa ko. "Best friend." Hindi ko alam kung dapat ko pa bang itago sa kaniya. Hindi naman namin kilala ang isa't-isa, pero ba't natatakot akong malaman nila?

"Ah," reaksyon niya. "Sige, natanggal ko na." Saktong pagkabukas niya ay nando'n na si Tasha bitbit ang dalawang box ng pizza.

"Tasha!" Masaya kong sabi pero hindi siya umimik.

"Nandito na pala ang best friend mo, Miss." Natatawang sabi ni Kyoto. Bago pa siya tuluyan umalis ay kinindatan pa niya ako. "See you around." Awkward akong ngumiti sa kaniya hanggang sa makaalis siya.

Napunta na ang atensyon ko kay Tasha na walang emosyon ang itsura. Pumasok siya sa loob na hindi ako kinakausap. Padabog niyang nilagay yung box ng pizza sa lamesa. Nakatalikod lang siya sa akin hanggang sa marinig ko ang paghikbi niya.

"Why are you still hiding our relationship? Bakit kahit sa ibang tao ay tinatago mo parin?" Nang marinig ko yo'n ay mabilis ko siyang niyakap patalikod.

"Shhh... I am sorry. I am just... uh, never mind. It won't happen again." I assured her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top