Introduction
"You need to behave."
Napairap ako matapos marinig ang sinabi ni Kuya Gio. Akala yata, bata pa ako. Kuya crossed his legs, as well as his arms, as he stared at me.
"Aira, you're going to study in a university where you will meet different kinds of people, unlike in the academy you studied in your high school. You chose this university over other good universities out there. You need to be responsible in every action you do from now on."
I rested my chin on the table as I tapped my fingers on it, creating a sound. I stared at it while I listened to Kuya Gio's nagging.
"Aira, are you really sure about this?"
I looked at him and his forehead is already creased. Nagbuntonghininga ako bago sumandal sa upuan.
"I'm already enrolled, Kuya. Ano pa bang hindi sigurado? I passed the entrance exam weeks ago. My tuition is paid already."
He sighed. "I'm just worried about you. Hindi ka naman sanay sa ganoong klaseng university. You were homeschooled when you're elementary. You studied in an all-girls academy in your grade 7th to grade 12th. And now, you enrolled in a state university without our consent."
Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin. I know it's wrong but I'm so done living my life like that. Para akong napag-iiwanan na ng mundo kapag kasama ang mga pinsan kong hindi naman pinalaki tulad ng ginawa sa akin.
Argh! Why does Lolo needs to raise my mom like that??? Pati tuloy sa akin, ginagawa na nila.
"You really need to behave. You know that I'm busy with my apprenticeship, Aira. I can't monitor you everyday."
Lihim akong napangiti nang dahil doon. Of course, I want that. Gusto ko na nga siyang ma-petition para naman maramdaman ko na yung kalayaan na nararanasan ng mga pinsan ko.
Simula kasi nang mawala si Mommy, Kuya and Daddy has always been more protective over me. Kung protective sila noong elementary ako na buhay pa si Mommy, mas naging protective sila noong nawala si Mommy since nagdadalaga na raw ako.
"Aira, are you listening?"
Nagbuntonghininga ako. "Oo nga."
"If you won't behave, I will transfer you to a different university with tight security."
Napairap na lang ulit ako bago pinanood siyang tumayo at umalis ng dining area.
***
The first day of class has already started and I can't help but to look at the people inside the school. As I walked on the pathway while holding the straps of my backpack, I watched how some students—boys and girls—were talking to each other regarding their schedule, their vacation, and how the process of shifting their courses went.
I smiled as I looked for the architecture building.
Boys and girls at my age can be friends without malice. I don't know why my grandparents and family can't understand that.
Nang mahanap ko na ang building ng architecture, hinanap ko naman ang classroom para sa unang subject ng section namin na 1-B. Nang makita, sumilip na muna ako sa loob. I gulped.
Ang daming . . . lalaki.
They doesn't seem to care about me so I silently went straight to the vacant chair that I saw near the window. Naupo ako at inayos ko ang gamit bago ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa. The classroom was really quiet since it is the first day of class. Siguro, dahil hindi pa nila kilala ang isa't isa, kaya gano'n.
Tumingin ako sa professor na nasa harap, may isinusulat sa kung ano. I tried to look on the other things but all I see were guys using their phone.
Argh! I want a friend! This is boring!
Pumangalumbaba ako bago napalingon sa dalawang lalaki na nakatayo sa harap ng babaeng nakaupo. She has a shoulder length hair and she looks tall.
Sana all.
"Gusto lang namin makipagkaibigan."
Ngumuso ako bago hinintay ang sagot ng kaklase ko. Bahagya siyang yumuko.
Huh?
I know that face! She's that someone in the video, ah? Is she really that woman na ex ng kakilala ni Kuya Gio? Wow, what a small world!
Nagulat ako nang may padarag na naupo sa tabi ko. Napalingon ako sa kan'ya at nakita ang isang babae na pinapaypayan ang sarili niya habang tumatagaktak ang pawis sa gilid ng mukha.
"Ang init, putang ina!"
Nanlaki ang mga mata ko sa lutong ng pagmumura niya. This is the first time that I heard someone cuss that way! I remembered that those kinds of words were forbidden in the academy! Now that I'm hearing it right in front of me, I just can't stop feeling intimidated with these people.
"Oh? Bakit mo ako tinititigan? Maganda ba ako?" tanong ng babae bago ako tinaasan ng kilay.
Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin sa kan'ya. Ilang sandali pa, tumawa siya.
"Bakit may elementary dito?" malakas na tanong niya, dahilan para mapalingon ako sa kan'ya. Nakaturo siya sa akin habang bahagyang tumatawa.
Tumingin ako sa paligid at nakitang nakatingin at bahagyang tumatawa rin sa amin ang ibang kaklase namin na parang natuwa sa sinabi niya. I don't feel offended naman because I know that I'm short and I have a cute baby face. Nagtataka lang ako, why is she so comfortable with me?
"Mukhang yayamanin ka, ah?"
Yayamanin???
"Saan ka graduate?"
I gulped. "P-Poveda."
"Ha? Saan 'yon?" kunot-noo niyang tanong.
"Ano, sa QC. Exclusive for girls school siya." Napakamot ako ng ulo bago bahagyang tumawa. "Sorry."
Tumawa siya bago tinapik ang balikat ko. "Nalulungkot ako para sa kabataan mo, kapatid," natatawa niyang sabi. Naglahad siya ng kamay. "Deli nga pala. Ikaw?"
Ngumiti ako sa kan'ya bago tinanggap ang kamay. "Aika."
Maraming ikinwento sa akin si Deli tungkol sa mga naranasan niya noong high school na hindi ko naranasan dahil nga puro babae lang naman ang kaklase ko. She told me too that she's really popular with boys.
Well, she's pretty.
Kung hindi kaya ako sa Poveda nag-aral, am I going to be popular with boys too like her?
By 8:27 a.m., the professor greeted us all.
"Good morning, future architects!"
"Good morning, professor!" sabay-sabay naming bati.
"Pass your certificate of records and get a one-eight index card." The professor went to the white board to write the things that needed to be written on the index card. "Write your full name, course, year and section, and the subject for this class."
Tumango ako bago kumuha sa bag ko ng index card. Nagulat ako nang naglapitan sa akin ang ibang kaklase ko, nakatingin sa isang pack ng index card na hawak ko.
"P'wedeng makihingi? Nakalimutan kasi naming bumili."
Bahagya na lang akong tumango bago pinagbibigyan sila isa-isa. Palawak nang palawak ang ngiti ko habang binibigyan sila dahil mababait naman pala sila at hindi naman tulad ng sinasabi ni kuya. Natutuwa ako kapag nakikita ko na ngumingiti sila sa akin habang nagpapasalamat.
Napalingon ako kay Deli na nakalahad din ang kamay. "Kanina pa ako rito, hindi mo pa ako binibigyan!"
Napatango ako bago ko siya binigyan ng index card. Nang maubos na ang mga nanghihingi, napansin ko na halos mangalahati ang isang pack ng index card na binili ko.
Bakit kaya wala sila no'n? Sinabi naman na kailangan 'to sa first day of school, ah?
"Hay, nako! Huwag ka ngang magdadala ng isang pack niyan! Mauubos talaga 'yan!" reklamo ni Deli bago nagsimulang magsulat sa index card niya.
"Mura lang naman, okay lang," sagot ko.
Tumingin siya sa akin nang masama. "Tsk! Sa susunod niyan, papel naman hihingiin sa 'yo! Tapos sa susunod, ballpen na! Ang malala, baka manghingi pa ng pang-tuition yung mga 'yan sa 'yo kapag namihasa!"
Napanguso ako bago nagsimulang magsulat sa index card ko. "Hindi naman siguro."
"Basta, sa susunod, 'wag ka magdadala ng isang pack ng index card o kahit isang pad ng yellow paper! Kapag sa mats din natin sa drawing, 'wag ka magdadala nang marami!"
Tumango na lang ako.
Nang matapos kong magsulat sa index card ng mga kailangan, tumingin ako sa index card ni Deli. Binasa ko ang buong pangalan niya. Hindi ko pa man din nababasa ang apelyido niya, tinakpan na niya ang index card niya.
"Huwag mo ngang tingnan!"
"Bakit?"
"Pangit nga pangalan ko!"
Huh? Ang cute nga! Delilah Mae! Dapat, Layla na lang ang nickname niya, p'wede naman. O kaya, Mae. Pero cute din naman ang Deli!
"Hindi naman, ang cute nga, eh. Delilah Mae." I giggled.
"Shh!!!" She glared at me. "Deli! Deli ang pangalan ko, okay?!"
Tumawa na lang ako sa pagrereklamo niya bago tumango.
Pinapasa na ng professor sa amin ang mga index card. Isa-isa na nitong tinawag ang mga pangalan ng estudyante sa loob ng klase bilang attendance.
"Lacsamana, Delilah Mae."
Narinig ko ang malakas na pagbuntonghininga ni Deli bago nagtaas ng kamay. "Present po!"
Namumula ang mga mukha niya habang nakaiwas ang tingin sa professor. Why does he hate her name? Ang cute nga! Ako rin naman, ayaw ko ng Karen sa name ko. Kapag naman tinawag akong Aira, parang ang taray naman. So, pinagsama ko na lang hanggang sa halos lahat na ng tao, tinatawag akong Aika.
Not Kuya, though. Minsan niya lang ako tinatawag na Aika.
"Romualdo, Aira Karen."
I raised my right hand. "Present po."
Napalingon ako kay Deli nang bahagya siyang tumawa.
"Gina?"
"Huh?"
Muli siyang tumawa. "Wala! Putang ina naman, hirap makipag-usap sa 'yo!"
Napasimangot ako sa narinig. Even though she's laughing while she's saying that, nalungkot ako kasi nahihirapan siya makipag-usap sa akin. Paano pa kaya ang ibang tao?
Magkakaroon kaya ako ng friend dito?
"Turuan kita mamuhay nang normal, hindi yung puro babae ang nakikita mo." She winked.
"Paano?"
Umakbay siya sa akin at bahagyang tinapik-tapik ang balikat ko.
"Basta! Trust me! Gigisingin natin ang natutulog na ibang personalities mo."
Ngumiti at tumango na lang ako sa kan'ya bilang tugon.
--
Hello!
This is just a raw update. Baka maraming typo and grammatical errors so please, bare with me. Edit ko na lang po kapag may time. 😆
Nagsisimula na ang kwento ni Aika pero wala pa rin akong draft! HAHAHA sana maging regular din ang update. Pasensiya na at naghahanap-buhay si ate mo girl. Wala akong time masiyado ngayon unlike noon. Sorry. 😭
Sana nagustuhan niyo ang ating introduction. Please support Aika's story too the way you supported the first five stories under Baguio Series.
Maraming salamat po! ❤
-mari 🌻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top