11

11:

The following months went by, Xander graduated from college. As a supportive girlfriend, of course, nagpunta ako! Nasa bahay nga rin nila ako all day after ng graduation ceremony.

His mom likes me! Ipapakasal na yata ako sa anak niya kung p'wede lang. Ang kaso, hindi naman papayag si Daddy na mag-asawa ako kaagad.

Before he went to Manila for his work while reviewing for the board exam, Xander and I had a talk.

"After ng apprenticeship mo at kapag nakapasa ka na sa ALE, I think we should build our own family, Aika."

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niyang 'yon. Humigop ako sa iced tea ko habang siya, sarap na sarap sa kinakain na steak.

"Agad agad?" I laughed.

Tumingin siya sa akin habang nginunguya ang steak. Matapos lunukin ang pagkain sa bibig, nagsalita siya.

"Why? Tayo rin naman sa huli, wala na dapat patagalin. I want to build my own family at a young age para kapag nagkaanak tayo, masusubaybayan natin nang mabuti 'yung mga mata. Para bata pa rin tayo kahit na mga nagdadalaga o nagbibinata na sila."

My heart flutters whenever I imagined myself raising my kids, watching over them as they grow up.

But now in two or three years. I just can't marry at 25 and build a family. May pangarap din ako.

"Paano ako?" I asked as I held the steak knife and fork.

Tumingin siya sa akin, nakataas ang kaliwang kilay. "What do you mean?"

I smiled. "What about my dreams? I want to be a great architect. How can I do that if I need to bear you a child at a young age, based on your plans about us?"

He chuckled before sipping from his iced tea. "You don't have to work for our family. Lumaki kang mayaman, I don't think that letting you work or have a job suits you. You should stay inside our home and raise our kids. Let me earn us the money."

Ilang beses kong hinigit ang hininga ko habang pinanonood siyang kumain sa harap ko. I couldn't even move my hands and my heart is beating so wild for the worst reasons.

I feel so offended . . . and caged again.

You should stay inside our home and raise our kids . . .

Is that what he thought about me all this time? Na magiging asawa niya lang ako at magiging ina ng mga anak niya?

Paano naman ako? Paano 'yung mga pangarap ko? Bakit nag-aaral pa ako nang ganito kung . . . kung gano'n lang din naman ang magiging role ko?

I continued eating while my eyes are starting to heat.

Nasa isip niya na kaagad na sa bahay lang dapat ako kapag naging mag-asawa na kami, pakiramdam ko, nakakulong na ulit ako.

"Xander . . ." I gulped.

"Hmm?"

I looked at him. "You know that I need to go to New Zealand, right?"

Mabilis na nawala ang mga ngiti niya sa sinabi ko. Ibinaba niya ang steak knife at fork tsaka sumandal sa upuan.

"Kaya nga magpapakasal na tayo bago pa tayo dumating sa punto na 'yan." He scoffed. "We should marry before you take your ALE, Aika. Para wala nang problema."

My hands started trembling a little. "Why? I'm only 25 when that time comes."

He looked at me straight in the eyes. "Ayaw mo?"

Tumayo ang balahibo ko sa lamig ng boses niya. I don't know why there is this fear in me whenever he gets this serious.

"Why? Do you like someone else?" he asked.

"No! You know that I love you."

He gulped, looking away. Ilang sandali pa, tumingin ulit siya sa akin.

"Kapag nasa Manila ako, you should stop going out to a bar with your friends and please, stop wearing revealing clothes. Wala na ako dito para subaybayan ka. Hindi na kita mahahatid at masusundo araw-araw to make sure that you will go straight home."

Umawang ang bibig ko sa huli niyang sinabi.

Hindi ko maintindihan kung bakit kami umabot sa ganito. We were happy and he never said those things to me. Kung kailan aalis na siya, tsaka siya magkakaganito?

Can't he ease my mind before leaving me here?

He sighed as he leaned forward, holding my hands on the table.

"I'm doing this for us, Aika. Wala na ako rito starting next week. I can't watch over you."

I pursed my lips, gulping, as I stared at him continuously. "Why do you need to . . . watch over me?"

His face became more serious. "You're too attractive and boys will start hitting on you while I am away. I won't let them take you away from me. Aika, just listen to me. I'm starting to feel paranoid, ngayon pa lang. Paano pa kaya kapag umalis na ako? Paano kung ipagpalit mo ako?"

Lumunok ako nang paulit-ulit bago ko hinawakan ang mga kamay niyang nakahawak sa akin.

"Xander, hindi ako mawawala. What are you saying? I am yours. Nobody will take me away from you so you don't have to feel paranoid and watch over me."

He was silent but the way he stares at me, I know that he is objecting. Bumalik siya sa ayos ng pagkakaupo kanina at itinuloy ang pagkain.

Hindi na rin ako nagsalita pa at inubos na lang ang pagkain sa plato ko dahil ayaw ko na mag-away pa kaming dalawa. Aalis na siya in a week. Kung makikipag-away pa ako sa kan'ya, baka lumala lang.

Before he left Cabanatuan, I spent my night with him and sleep beside him. We had sex for a few rounds until we both got tired.

Kinabukasan nang madaling araw, umalis na siya--naiwan akong walang suot na kahit na ano sa loob ng k'warto niya.

I feel so lonely now that we won't see each other often. But why do I feel . . . at ease?

***

The following weeks and months, Xander became clingy--annoying na.

"Why?!" he shouted on the other line. "Sabi ko sa 'yo, dumiretso ka na ng uwi pagkatapos ng klase, ah?!"

I gulped as I felt the pain in my heart. I bit my lower lip as I felt the heat on my eyes.

Masama bang sumama ngayon sa mga kaibigan ko dahil gusto nilang mag-unwind? Fifth year is a lot stressful now that we need to do a lot of site visitation than we did before!

Naupo ako sa pavements sa labas ng Classmate bago sinagot si Xander.

"Can you stop being annoying, Xander? Kung magsalita ka, parang may ginagawa akong masama, ah?"

He laughed sacrcastically. "Wala ba? Halos four months pa lang ako dito pero ilang beses mo na akong sinuway! Until now, you're still not listening! Ano, lalandi ka d'yan habang wala ako? Huwag mong hintaying umuwi ako, Aika!"

Damn, how dare he shout at me like this? Kuya Gio never shouted at me like that. How dare he shout at me and make me feel so low? Ako, naglalandi?

Huwag kong hintayin na umuwi siya? He sounded like an abuser boyfriend.

Mabilis na umagos ang mga luha ko sa sakit na naramdaman. Mahal ko si Xander, alam ko 'yon. Pero lately, iba na 'yung dinudulot niya sa akin.

Kapapasok pa lang ng August pero 'yung pagod ko sa school at 'yung pagod ko sa kan'ya, pang finals na, eh. Hindi pa nga nagmi-midterm ngayong fifth year, parang gusto ko na lang tumigil.

I'm fucking tired.

"I hate you," I said in between my sobs. I covered my face with my free hand as I cried. "I hate you so much."

"Go home."

"I fucking hate you, Xander. How dare you say that to the woman you said you love? How dare you hurt me like this?" I sobbed continuously.

"Because you don't listen! You always disobey me!" he shouted again.

Lalo akong naiyak. "I disobey you because I'm tired being the one you control while you're away! I disobey you but I never flirt with anyone else."

"Kahit na! I said go home, Aika! Hindi ka pa rin nakikinig!"

Umiyak ako nang umiyak habang hawak ang cellphone na nakatapat sa tainga ko. Umiyak ako nang umiyak, hanggang sa kaya ko na ulit magsalita.

"Ayaw ko na. Let's break up."

He chuckled. "No. Umuwi ka na. Walang maghihiwalay."

"Ayaw ko na sabi!" I shouted. "Hiwalay na tayo, kahit na ano pang sabihin mo!"

I ended the call even though he's still talking on the other line. Iniiyak ko na muna nang iniiyak ang lahat sa labas ng bar. I don't want my friends see that I'm breaking now because of a man.

Not now.

Not anymore.

The following days, Xander continued on calling me but I never answered any of his calls and texts.

When I said that I am done with him, I mean it. Tama nang controlling ang tatay ko. Hindi ko kailangan ng isa pang kokontrol sa buhay ko.

"Sa amin na tayo mag-review para sa midterms, ah?" sabi ko sa mga kaibigan ko habang naglalakad kami sa pathway palabas ng university.

Tumango sila at ngumiti.

"Oo naman! Miss na namin miryenda ni Manang!" sabi ni Deli na nagpatawa sa aming lahat.

"Ayun si Papa George!" malawak ang ngiti na sabi ni KC habang itinuturo niya ito kay Anna. Kinilig naman ang kaibigan ko.

Ang lalandi!

Pagkalabas namin ng school, nagulat ako sa humila sa akin palayo sa mga kaibigan ko. Napalingon ako sa kung sino ang humila sa akin at nagulat nang makita si Xander.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Lumunok siya bago ko naramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko.

"Let's talk, Aika."

Lumingon ako sa kaibigan ko para sana magpaalam pero napangiwi ako nang lalo pang humigpit ang pagkakahawak ni Xander sa braso ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa sakit na naramdaman ko, tsaka ibinalik ang tingin sa kan'ya.

"X-Xander, masakit . . ." I said before looking at my friends. "M-Mag-uusap—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang maglakad si George papalapit sa aming dalawa habang masama ang titig niya kay Xander. Tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa braso ko bago ito tinulak palayo.

"Ano ba?!" sigaw ni Xander, dahilan para mapalingon sa amin ang ibang estudyante sa paligid.

Lumapit si Anna sa akin at tiningnan ang braso ko. Namumula ang bakat ng kamay ni Xander doon. Nangilid ang mga luha ko.

"Sinasaktan mo 'yung babae!" sigaw ni George.

"Girlfriend ko 'yan! May girlfriend ka, bakit hindi 'yun ang atupagin mo?!" sigaw ulit ni Xander.

"Wala kang karapatang saktan 'yung babae, pare! Kahit sino ka pa!"

"Ano bang pakialam mo?!" sigaw ni Xander bago unamba ng suntok pero naunahan ni George.

Napatili kaming apat na magkakaibigan bago hinila si George palayo kay Xander. May humihila rin kay Xander palayo sa amin dahil ilang beses itong sumugod.

"Tara na!" paghila ko kay George at sa mga kaibigan namin paalis doon.

"Tang ina mo, George! May araw ka rin! Aika, hindi pa tayo tapos!!!"

Mabilis na umagos ang mga luha ko habang naglalakad kami papunta sa sa apartment nila Anna. Umakbay sa akin si Deli at hinagod ang likod ko para pakalmahin ako sa pag-iyak.

Why am I seeing a monster in Xander?

__

Super sorry for the late update!!! 😭

Maalpit na tayo maging regular update! Konti na lang! HAHAHA naging busy lang talaga so sobrang sorry puh. 😭

I hope this update will make up for the days that I am away. I hope you enjoyed reading it. ❤

🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top