06

06:


"Wow, Aika! Ang ganda nitong plate mo, ah?" sabi ni Anna nang makita niya ang ginawa kong floor plan para sa isang two-storey house.

Nagkibit ako ng balikat bago ngumiti. "Anna, ako pa ba?" I chuckled.

Deli laughed before taking the tracing paper away from Anna. "Tingnan mo itong gaga na 'to! Hindi pa raw siya mahal ng architecture sa lagay na 'yan ah?"

KC laughed before brushing my hair. "Lately you're doing so well, ha? Nahihiya na ako para sa sarili ko."

Unti-unti nang dumarami ang mga estudyante sa loob ng classroom, habang nagku-kwentuhan kaming apat at naghihintay sa prof namin. Ang tagal, ah?

"Bakit ka naman mahihiya?" tanong ko bago ini-roll ulit ang tracing paper at inilagay sa canister.

"True. Bakit ka mahihiya?" Anna asked.

She shrugged. "Puro landi na yata ang ginagawa ko." She laughed.

Tumawa ako nang dahil doon. "Ako nga, gusto ko 'yang ginagawa mo, eh! I want to explore love and lust too, 'no! Kaso hindi pa ngayon. I promised Kuya that I'll behave."

Deli leaned forward. "Ano naman ang gusto mong ma-experience, specifically?"

I grinned. "Sex."

Humagalpak ng tawa si Deli nang dahil doon. KC looked uneasy but still smiling while Anna's faced looked shock.

"Gago talagang Joy 'yan! Nag-iwan pa ng matinding alaala kay Aika bago nagpabuntis sa jowa!"

They all laughed while I only smiled. I miss Joy. Bakit ba kailangan niyang huminto sa pag-aaral dahil lang nagbuntis siya? May ilan din naman dito na kahit buntis, nagtutuloy pa rin sa pag-aaral.

I miss her so much and her uncontrollable mouth when talking.

"Kumusta na si Joy?" KC asked.

"Okay naman yata. Six months na tiyan. Wala rin siya dito sa Nueva Ecija kaya hindi natin mapupuntahan kung sakaling manganak," paliwanag ni Deli.

"Oh? Nasaan?" tanong ni Anna.

"Ewan ko, nasa Batangas yata o Zambales. Hindi ako sure, nakalimutan ko."

Magtatanong sana ako kay Deli nang lumingon si KC sa akin kasabay ng pagtatanong.

"Bakit gusto mo 'yon?" tanong ni KC. "Hindi ka na natatakot?"

Napakunot ako ng noo sa tanong niya. "Saan ako matatakot?"

She gulped. "S-Sex."

I chuckled. "Hindi naman siguro nakakatakot 'yon."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Nakita ko si Deli at Anna na tahimik lang nakikinig sa aming dalawa.

"Kung . . . gagawin mo 'yon, hindi ka ba natatakot na . . . baka mabuntis ka?"

Why is she hesitating to ask whenever we're talking about these things? Napapansin ko 'yon palagi sa kan'ya, eh. Lagi siyang uncomfortable tingnan kapag tungkol dito ang usapan.

I mean, I know she's not a virgin anymore based on the video I watched before but that's nothing to be ashamed of. Gusto ko nga ma-feel 'yun, eh.

"Hmmm, nakakatakot magbuntis pero kung iisipin, 20 naman na ako. P'wede na rin, pero ayaw ko pa, 'no." I laughed. "Katrina, p'wede naman akong mag-ingat. P'wede namang mag-ingat 'yung lalaki kung gagawin namin 'yun. At kung mabubuntis pa rin, eh 'di tanggapin. I chose to do that so I should bare with the result, right?"

Umawang ang bibig niya bago tumango. Ilang sandali pa, tumikhim si Deli.

"Kanino mo naman gutong gawin 'yon? Hindi ka pa nga nagbo-boyfriend, 'di ba?"

I chuckled. Ang dami kaya kumukuha ng number ko at may ilan na akong ine-entertain! Hindi lang naman ako nagbo-boyfriend kasi gusto ko kapag magka-boyfriend ako, wala nang magiging problema.

"Ako na bahala do'n, Delilah." I winked at her.

Umamba siyang babambuhin ako ng canister niya bago namin narinig na tumikhim ang lalaki sa gilid ni Deli. Napalingon kaming lahat doon at nakita namin si Karlo na nakatayo.

"Magsiupo na kayo sa mga upuan niyo," sabi niya sa tatlo kong kaibigan bago siya lumingon kay Anna na tumatawa bago tumayo.

"Okay, babye na muna at doon na muna ako sa front row, sa upuan ng mga magaganda!" sabi ni Anna.

"Pakyu!" bulyaw ni Deli bago pumunta sa upuan niya.

Tumatawang umalis si KC at naupo sa upuan niya sa likod. Lumingon ako kay Karlo na nakangiti bago naupo sa tabi ko. Lumingon siya sandali kay Anna bago tumingin sa akin at ngumiti.

"Good morning, Architect Aika."

I chuckled before greeting him back. "Good morning ex-first love."

Tumawa si Karlo sa sinabi ko. "Wow, naka-move on ka na? Ang bilis naman."

I laughed before flipping my hair. "Sa ganda kong 'to, hindi dapat ako matagal maka-move on sa 'yo."

He laughed before brushing my hair. "Tama 'yan! Ayaw kong hindi mo ako pinapansin, eh."

"Tsss. Nagsisimula na tayo sa third year natin, Karlo. Ang tagal na no'n. I've moved on already from you. At pinapansin naman kita, ah?"

He shrugged, chuckling. "Baka guilty lang ako over something."

"Alin? Hurting me?" I laughed. "Charot. Okay na."

Humalukipkip siya bago tumingin nang mabuti sa akin. "Aika, you really changed, huh? You looked more confident and at ease now."

I shrugged again and didn't answer him anymore since the professor already arrived. The class started with the checking of attendance and the discussion for the subject.

***

The months went by, and the day that Kuya Gio needs to live in New Zealand has finally come.

And I fucking hate that.

"Hindi mo man lang ba ako ihahatid sa airport?" Kuya Gio asked, sitting on the edge of my bed.

We're now in our house in Manila because Kuya's flight will be in few hours later. Pinipilit niya akong ihatid ko siya pero ayaw ko. Hindi ko kayang makita siyang umalis, tapos hindi kami magkikita for years.

Nagtalukbong ako ng kumot at sumagot. "No. Umalis ka na. Inaantok ako."

I heard his deep sigh until I felt him stood up. Ilang sandali pa, nagsalita siya.

"Okay, then. Aalis na ako. Mag-iingat ka rito, ah? Tatawag ako palagi sa 'yo. And make good use of the freedom that I'll be giving you. From now on, you need to face every consequence of your decision, Aira. I will let you do anything you want. Hindi kita pakikialaman. Sulitin mo hanggang sa gusto mo, kasi darating din 'yung araw na babawiin sa 'yo 'yang kalayaan mo."

Mabilis na umagos ang nga luha ko matapos marinig ang lahat ng sinabi niya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa kan'ya, tsaka siya niyakap.

"I don't need the freedom anymore. Kuya, 'wag ka nang umalis! This house felt big and cold with me alone. Please! 'Wag ka nang umalis!" I begged.

Kuya heaved a sigh before hugging me back. "Akala ko ba sawang-sawa ka na sa pangit kong mukha?" He chuckled.

"No!" I shouted, hugging him tighter. "Please, huwag ka nang sumunod kay Daddy. Dito ka na lang, please!"

Kuya brushed my hair before pulling away from the hug. Sa labo ng paningin ko ngayon, nakita ko na namumula na siya at bahagyang tumatawa. Ngumiti siya tsaka pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"I'll always call you, okay? You know that I need to do this. Para rin sa 'yo 'to."

Umiling ako nang paulit-ulit, humahagulgol. Kuya laughed before hugging me again.

"You will only miss me now but you'll get used to it, Aira. You'll enjoy your life now that I am not here to meddle with everything. Stop crying now, Aira. I will always call you, okay?"

It took us time before I finally calmed down. Muntik pang ma-late si Kuya sa flight niya dahil sa akin pero umabot pa rin siya.

Kinabukasan, umuwi ako sa Cabanatuan nang namamaga ang mga mata at umiiyak pa rin sa tuwing naaalala na wala nang Kuya Gio na uuwi sa akin every weekend or kung kailan niya kayang umuwi.

He's very far away now.

I don't want this freedom if I won't have him here. Okay lang sa akin na habang-buhay nilang kontrolin ang buhay ko, kaysa naman ganitong mag-isa ako sa napakalaking bahay na 'to.

After I ate dinner with Manang, I sent a message in Virgin MOMOL Girls' group chat.

Me:
Hi. Can you all sleep here? This house suddenly felt big and cold. Can you stay the night with me?

Wala pang three minutes, nakatanggap na ako ng reply mula sa kanila.

Virgin MOMOL Girl KC:
Otw. 😚

Virgin MOMOL Girl Anna:
Ihahatid ako ni George! May dala akong sleepwear na terno! 😍

Vrigin MOMOL Girl Deli:
Putangina wait, kumakain pa ako! 😤🍽

Nangngilid ang mga luha kong tumawa matapos mabasa ang mga reply nila sa akin. I suddenly felt at ease, now that I have real friends with me.

I just wished that they will stay with me for the longest time ever. I don't want to lose them.

Losing Joy made me feel devastated. I don't want to lose any one of them anymore.

In less than thirty minutes, narinig ko ang pagtunog ng doorbell habang hinihintay ko sila sa living room. Pinagbuksan sila ni Manang ng gate at ilang sandali pa, nakita ko si Anna, Deli at KC na magkakasama, may dalang bag na naglalaman ng mga gamit nila.

Mabilis akong naiyak bago naglakad papalapit sa kanila at niyakap sila. Umiyak ako nang umiyak habang paulit-ulit nila akong kino-comfort.

"Umalis na si Kuya," I said in the middle of my sobs. "Ako na lang mag-isa."

Hindi na ako nag-atubili pang punasan ang mga luha ko. Hinigpitan ko na lang ang yakap kay Anna habang nakayap din si Deli at KC sa akin.

"Gago, nandito kami!" bulyaw ni Deli.

"Oo nga, nandito kami! P'wede mo kaming patulugin dito any time, hindi naman strict ang parents namin." Anna chuckled.

KC wiped my tears. "True. We can always come here for you, Aika. We won't leave you alone, okay?"

Umiyak ako nang umiyak hanggang sa mapatahan na nila ako at mapakalma. We slept in my room—nasa tabi ko si Anna habang si KC at Deli naman ay maglatag ng comforter sa sahig para hindi kami magsiksikan sa kama ko.

The day has ended with me, falling asleep earlier than the rest of them. Maybe my eyes are tired with so much crying that I did the past few days that's why I fell asleep immediately.

The following days and weeks, it's still painful for me and the house felt empty with me alone, and Manang and the driver. But then I realized, Kuya's sacrificing himself just so I could have the freedom that I always wanted.

Wala naman siyang binawal sa akin. Sabi niya lang, kailangan ko nang harapin lahat ng magiging resulta ng mga desisyon ko sa buhay simula ngayon.

Then . . .

"Hi."

Ininom ko ang laman ng shot glass ko bago lumingon sa nasa tabi ko. He's a guy with a fit body.

Hmmm . . .

"Hey," I greeted back.

He stretched his hand, offering a handshake. "I'm Lucas. You are?"

I accepted his offer of handshake. "Aika."

He smiled, not letting go of my hand. "Shall we dance?"

I smiled and nodded, before I followed him to the dance floor.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top