03
03:
"Ako na magpatong sa isang plate mo," sabi ni Karlo nang makita niyang dalawa pa ang hindi ko natatapos na plates.
I'm cramming my plates here in an open classroom in our department. Dito madalas naghihintay ang mga estudyanteng maaga pumapasok. Kanina, ako lang mag-isa dito kasi 6:30 a.m. lang ako nakarating ng school. Ngayon, dalawa na kami ni Karlo.
"Ako na, kaya ko naman na 'yan! Mamaya pa namang 4:00 p.m. ipapasa 'yan," I said, taking the tracing paper away from him.
"Tulungan na kita. Wala naman na akong gagawin. Nagising din kasi ako nang maaga kaya maaga akong nakapasok. Tulungan na kita para mabilis," paliwanag niya bago kinuha ang sariling tech pen at nagsimulang gawin ang isang plate ko.
Based on my observations with my classmates, girls like men when they are: first, handsome; second, gentleman and third, intelligent.
Karlo's really handsome but I really liked him for always trying to make me feel comfortable. Simula noong maging seatmates kami sa lahat ng subject, palagi siyang nakikipag-usap sa akin sa tuwing hindi pa nagkaklase. He wasn't the rude guy I sometimes encountered. Marami siyang itinatanong sa akin and in exchange, he will tell me stories about himself.
He's just really great for a man. Bakit ba kasi nagkagusto pa siya sa tanong hindi naman magiging kan'ya?
It's the finals for our second semester and I can't believe that I still like him . . . hanggang ngayon.
"Matutunaw ako. Huwag mo akong titigan."
I almost smirked. Anong akala mo, mai-intimidate pa ako sa gan'yan mo, Karlo? It's been almost a year since I studied here and I've learned quite a lot in interacting with different kinds of people here.
"I don't care. I want to stare at you," I said.
He chuckled without even looking at me. Gusto ko tuloy punitin ang plate kong ginagawa niya ngayon.
"Tama na, baka isipin ko, crush mo ako," he jokingly said.
I smiled. "Crush naman talaga kita."
He laughed again but when he realized that I am serious, he stopped laughing before looking at me.
"Really?" he asked, smiling. I nodded. "Bakit ako? Hindi ako mayaman."
"Hindi rin naman ako mayaman," I said before focusing on my plate and continue tracing the lines with my tech pen.
"You are."
"That's my family, not me."
"Bakit ako?" he asked again.
Tumingin ako sa kan'ya at nakitang nakatingin pa rin siya sa akin, parang hindi makapaniwala.
"Bakit hindi ikaw?"
The way he asked that . . . parang ayaw niya na gusto ko siya. Is it because I am friends with someone he like?
"Seatmate naman tayo. Bakit hindi ako?"
His mouth parted before looking away. He was about to talk when I said something.
"Kasi 'yung kaibigan ko?" I asked as my eyes started heating. "May boyfriend na 'yun."
He sighed before he looked down on my plate and continued tracing the lines.
"Alam ko."
"Bakit siya pa rin?" I asked immediately.
"Hindi ko alam. Hindi ko naman kaya pilitin sarili kong huwag siyang gustuhin, eh."
I sniffed as I felt my tears started to pool on the corner of my eyes.
"Bakit hindi pwedeng maging ako? Maganda rin naman ako. Mabait din naman ako. Wala naman akong boyfriend."
A tear dropped on my tracing paper and I almost cuss at myself because of that.
Why can't I control myself right at this moment?
He sighed. "Aika . . ."
I faked a laugh. "Nevermind! Kalimutan mo na lang sinabi ko. I'll get over this soon. Baka naninibago lang ako kasi ngayon lang ako naka-encounter ng tulad mo. I know, soon, that I'll find better than you."
Iniligpit ko na ang mga gamit ko at kinuha sa kan'ya ang plate ko. He tried to stop me but I didn't listen to him. Lumabas ako ng classroom at nagpunta na lang sa Grandstand. Mamaya ko na lang gagawin ang plates ko. Papatungan ko na lang naman ng tech pen.
I sighed. I've never felt this way before. I've never felt this . . . humiliated and in pain.
Pero kung iisipin ko naman . . . never din akong nakaranas ng ganoong feeling. 'Yung nagkakagusto sa isang tao. 'Yung . . . kinakausap palagi. 'Yung ginagawa ang lahat para maging kumportable ako.
So, it's fair, huh? If there's happiness, there's pain.
I don't like this.
I checked my wrist watch and saw that it's 7:02 a.m. I still have 28 minutes before the class started. I sighed as I rest my back on the cemented wall. Ang sarap ng hangin dito. Nakakaantok. I was about to yawn when someone sat beside me.
"Anong ginagawa niyo ro'n ni Karlo?" tanong ni Joy.
Napakunot ako ng noo dahil sa tanong niya. "Huh?"
She grinned before crossing her legs. "Super close kayo, 'no?"
Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin. "Hindi, 'no!"
Humagalpak siya ng tawa. " Crush mo ba 'yon?"
Nanlaki ang mga mata ko. "H-Hindi, 'no!"
Tumawa nang malakas si Joy bago umakbay sa akin. "Halatang-halata ka naman! Parang dati lang, gusto mong may kumukuha ng number mo, ah? Ngayon, hindi mo na pinapansin."
Huh? Oo nga, 'no?
"Gano'n ba 'yon?" I asked.
Tumawa ulit siya nang tumawa. "Oo, gano'n 'yon! S'yempre, ibang tao na 'yung gusto mong kumuha ng number mo kaya wala ka nang pakialam sa iba!"
Napanguso ako bago ibinagsak ang dalawang balikat ko. Nagpalitan naman na kami ni Karlo ng number noong first semester pa para sa partnering sa plates pero hindi naman kami madalas mag-text.
"First time mo magka-crush?" Joy asked.
I shrugged. "P'wede namang magka-crush sa friends ng pinsan, 'di ba?" She nodded. "Pero hindi naman ganito naramdaman ko noon. Hindi naman ako ganito kasaya no'n at hindi naman ganito kasakit. Parang . . . I liked the boys before because they looked handsome."
She smiled. "First love mo si Karlo. Kaya gan'yan."
I laughed. "Anong love? Hindi naman siguro."
"Oo 'yan! Maniwala ka nga sa akin!" bulyaw niya bago tumingin sa field na nasa harapan lang namin. "You've never felt that way so it's normal to like someone. Alam ko naman gaano kabait 'yan si Karlo kahit minsan kupal kapag wala sa mood." She laughed. "Talagang gano'n, may tao sa buhay natin na hindi natin makukuha gaano man natin kagusto. Use that as a lesson in the future, kapag magkakagusto ka ulit sa iba."
Tumango ako habang nakikinig sa lahat ng sinasabi niya.
"Hindi ko talaga maintindihan 'yung point ng ibang mayayaman kung bakit kailangang higpitan sa buong buhay 'yung tao dahil lang babae. Tangina, dapat lalaki din, paghigpitan! Pota, kawawa naman 'yung mga taong hindi ma-experience 'yung ganda ng kabataan dahil sa ka-bullshit-an ng mga 'yan."
I chuckled. "Hindi naman kami mayaman."
Tumingin siya nang masama sa akin. "Huwag ka ngang ano d'yan! Pa-humble pa 'to! Ang ganda ganda ng kotse na sumusundo sa 'yo palagi!"
I laughed. "Kotse nila 'yon, hindi sa akin. Wala akong pinaghirapan sa mga 'yon kaya sila lang ang mayaman."
Tumawa na lang siya bago nagbuntonghininga. "Tangina. Gusto ko rin yumaman nang gan'yan pero hindi 'yung gan'yan na kokontrolin nila buhay ko dahil lang gusto nila akong ingatan. They are practically depriving me of my freedom if they'll do that to me. Kaya nalulungkot talaga ako para sa 'yo. High school pa naman ang pinakamagandang mga taon sa buhay ng isang tao. Sayang, hindi mo naranasan mga naranasan namin."
Nagbuntonghininga ako. Ano pa bang magagawa ko? Hindi ko naman na maibabalik ang oras.
"Kaya ikaw, hanggang nandito ka sa public university, enjoy-in mo lang! Magpakasaya ka sa puntong mababawi mo lahat ng mga taon na nakakulong ka sa inyo! Pero huwag mo namang sirain ang buhay mo, okay?! Gusto ko lang maging masaya ang mga panahong nandito ka kasama namin. Who knows when this little freedom of yours will be taken away from you, right?"
Napanguso ako at nakaramdam ng lungkot nang dahil do'n.
"Freedom?" I chuckled. "I don't think that this is freedom. They always drive me to school and pick me up so that I can go home straight. Parang hindi pa rin naman 'to freedom. Parang . . . nasa loob lang ng school na 'to 'yung freedom ko pero pag lumabas na ako . . . para na naman akong ibinabalik sa kulungan."
I know that I can live my life better now but then, kapag nasa bahay na ako, para pa rin akong ibinabalik sa kung sino ako noon.
When will I finally have the freedom that everyone has?
When will they stop controlling my life like they have me?
Nang matapos ang klase para sa araw na ito, sinundo ako ni Kuya Gio at dumiretso kami sa bahay.
"Umuwi si Dad."
Napalingon ako sa kan'ya nang dahil do'n. Mabilis na nangilid ang mga luha ko. Dalawang taon nang hindi umuuwi si Dad. Bakit naman ngayon pa siya uuwi?
"I'll help you, don't worry."
Naramdaman ko ang malamig na kamay ko dahil iniisip ko pa lang na kukumprontahin na ako ni Dad sa pag-enrol ko sa school na 'to nang hindi niya alam . . . natatakot na kaagad ako.
Nang makarating kami sa bahay, nauna nang bumaba ng kotse sa akin si Kuya Gio. Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang pinto at lumabas ng sasaktan. Kuya Gio's looking at me like he felt bad for me. He held my hand and we went inside the house.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top